Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Quiz Blg.

1-Filipino 8
Panuto: Isulat kung ano ang tinutukoy ng bawat pangungusap o pahayag.
1. Ito ay isa sa mga panitikan na lumaganap bago pa man dumating ang mga Kastila at
tinatawag rin bilang kaalamang- bayan.
2. Ito ay ang patalinhagang pahayag na ginagamit para magturo ng kagandahang asal
3. Ito ay uri ng karunungang bayan na ginagamit para mapaganda ang paraan ng pagsasalita at
hindi gumagamit ng marahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob.
4. Ito ay ang mga pahayag na hindi gumagamit ng talinhaga. Payak ang kahulugan at nagtuturo
rin ng kagandahang asal.
5. Ito ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
6. Ito ay isang paraan ng paglalahad at nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa
pamamagitan ng pagtutulad at pagkakaiba ng dalawang bagay.
7. Anong anyo ng panitikan ang mga karunungang -bayan?
8. Anong anyo ng panitikan ang epiko?
9. Anong tawag sa anyo ng panitikan na binibigkas ng paawit o patula?
10. Isang uri ng depinisyong nagbibigay ng karagdagang pagpapaliwanag sa salita.
11. Ito ay isang teknik na mapag-aralan at mabigyang kasagutan ang mga suliranin sa
pamamagitan ng pag-aanalisa.
12. Ito ay mailalarawaan bilang talaan ng buhay.
13. Ito ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng
pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga
tagpuan ay pawang kababalaghan at di-kapani-paniwala.
14. Ito ay uri ng panitikan na lumaganap sa panahon ng mga katutubo at karaniwan ay ipinapasa
sa pamamagitan ng pagsasalaysay o pagkukuwento.

Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang tamang sagot.

15. Karaniwang patalinghaga ang ____________ na may kahulugang nakatago. Ito ay


karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.
a. Salawikain c. sawikain
b. kasabihan d. wala sa nabanggit
16. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay, ito ay halimbawa ng _____________.
a. Salawikain c. sawikain
b. kasabihan d. bugtong
17. Maitim ang gilagid ng taong iyon kaya dapat lamang siyang maparusahan. Ano ang ibig
sabihin ng may salunguhit ?
a. Mabait c. masama ang ugali
b. Magnanakaw d. mapagmahal
18. Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit. Ang kaisipan ng salawikaing ito ay
_____________.
a. Saan man sa ating lipunan ay may masasamang tao.
b. Ang swerte ay huwag asahang makamtan kung hindi nakalaan sa iyo.
c. Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas na hakbang na
maaaring maging dahilan upang lalo lamang siyang magipit.
d. Matutong magtipid upang sa panahon ng kagipitan ay may perang makukuha sa sariling
ipon.

19. Madalas utusan ng kanyang nanay si Lito sapagkat siya ang pinakamatanda sa magkakapatid. Ang
angkop na karunungang -bayan sa pahayag ay ______________.
a. Pagsunod sa magulang ay tanda ng anak na magalang.
b. Kapag may isinuksok, may madurukot.
c. Nasa Diyos ang gawa, nasa tao ang gawa.
d. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula.

Piliin kung anong uri ng paghahambing ang ginamit sa pangungusap


20. Higit na mas masaya ang MWF iskedyul kaysa araw-araw na may pasok.
a. Paghahambing na di- magkatulad c. Paghahambing na magkatulad
b. Palamang d. Pasahol
21. Magsingganda ang ginawang tula nina Liza at Luz.
a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na di-magkatulad
c. Pasahol
d. Palamang
22. Di- gasinong malaki ang baon ko ngayon kaysa kahapon
a. Paghahambing na di-magkatulad
b. Palamang
c. Pasahol
d. Paghahambing na magkatulad
23. Di- hamak na malinis ang paligid ngayon kaysa noon.
a. Paghahambing na magkatulad
b. Pasahol
c. Paghahambing na di-magkatulad
d. Palamang
24. Ang aming guro sa Grado 6 at 7 ay parehong magaling magturo.
a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na di-magkatulad
c. Pasahol
d. Palamang
25. Ang salawikain, sawikain at kasabihan ay parehong nabibilang sa karunungang bayan.
a. pagtutulad c. pagbibigay depinisyon
b. paggamit ng tayutay d. pagsusuri
Tama o MAli
26. Ang epiko, alamat at kasabihan ay kapwa umusbong sa panahon ng katutubo.
27. Ang salawikain, sawikain at kasabihan ay parehong nabibilang sa karunungang bayan.
28. Ang pagsusuri sa mga karunungang-bayan, epiko at alamat ay hindi nangangailangan ng masusing pag-
aanalisa.
29. Ang pagtutulad ay hindi paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao o pangyayari.
30. Ang pagbibigay depinisyon ay teknik sa pagpapalawak ng paksa sa pamamagitan ng pagbibigay
kahulugan sa isang salita
Tukuyin kung anong uri ng paghahambing (pahambing na magkatulad o di-magkatulad) ang mga
pangungusap.
31. Ang pagtulong sa kapwa ay higit na pinagpapala ng Diyos.
32. Kapwa silang mababait na magkakapatid.
33. Sinlambot ng koton ang kanyang mga palad.
34. Magkatulad sila ng paninindigan ng kanyang kaibigan.
35. Mas maganda ang kanyang pakiramdam kaysa nakaraang araw.
36. Balingkinitan ang katawan ng mga Koreana kaysa mga Pilipina.
37. Mas mabilis tumakbo ang kabayo kaysa ibang hayop.
38. Mas masaya ang pamumuhay sa nayon kaysa lungsod.
39. Payapa ang lugar na aming nilipatan ngayon kaysa dati.
40. Masyadong maalinsangan ang panahon ngayon kaysa kahapon

You might also like