Filipino 6 - Q4-M4 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

6

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 4
Pagsusuri ng Kathang Isip
at Di-Kathang Isip na Teksto
Filipino – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Pagsusuri ng Kathang Isip at Di-Kathang Isip sa
Teksto
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim : Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagalapat/ Tagaguhit/Editor:
Jay M. Felix
Cherry Ann C. Santos
Niel Anthony A. Pelayo
Romel C. Roque
Tagasuri ng Nilalaman : May Crisette L. Magayon
Tagasuri ng Wika : May Crisette L. Magayon
Tagasuri ng Paglapat : Romel C. Roque
Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Anastacia N. Victorino
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
6

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 4
Pagsusuri ng Kathang Isip
at Di-Kathang Isip na Teksto
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain
at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para sa iyo. Ito ay nakaayon sa


Most Essential Learning Competencies (MELCs) at nilikha upang matulungan
ang mga mag-aaral na kagaya mo na matutuhan ang iba’t ibang aralin sa
Filipino 6. Saklaw ng modyul na ito na maging angkop ang iyong kasanayan sa
iba’t ibang sitwasyon ng pagkatuto.
Binuo ang modyul na ito upang malinang ang iyong kaalaman tungkol sa
pagsusuri ng mga tekstong iyong binasa.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• nakikilala kung ang isang akda ay kathang isip at di-kathang isip;
• nasasabi ang pagkakaiba ng akdang kathang isip at di-kathang isip; at
• nasusuri kung ang isang akda ay kathang isip o di-kathang isip.

Subukin

Panuto: Suriin ang mga akda sa ibaba. Isulat sa loob ng kahon kung ito ay kathang
isip o di-kathang isip.

1.
Si Mang Kaloy ay isang masipag na magsasaka. Hindi siya napapagod
na magtanim ng gulay. Masaya siya sa kaniyang ginagawa. Inaalagaan niya ang
mga ito sa abot ng kaniyang makakaya. Ang mga gulay na kaniyang napipitas ay
inaayos niya at ibinebenta sa palengke. Dahil sa pagtatanim ng gulay, naging
maayos at masagana ang buhay ni Mang Kaloy.
2.
Si Mark ay naglalakad sa ilalim ng punong akasya. Bigla na lamang
tumaas ang kaniyang balahibo. Tiningnan niya ang itaas ng puno subalit wala
siyang nakita. Inulit niya ang pagtingin. Hindi niya malaman ang kaniyang
gagawin dahil may isang malaking sawa na ang ulo ay mukha ng babae.
3.
Labinlimang taong gulang pa lamang si Chris nang malumpo ang
kaniyang ama. Ang kaniya namang ina ay may malubhang karamdaman. Dahil
siya ang panganay sa magkakapatid, siya na ang tumayong ama at ina sa kanila.

1
Nagtrabaho siya sa gawaan ng sweets. Naghahalo siya ng pastilyas at sampalok
na kendi. Sa ganitong hanapbuhay niya napag-aral ang mga kapatid.
4.
Sina Butiki at Kuting ay laging magkalaban. Palaging inaabangan ni
Kuting si Butiki na bumaba sa sahig. Minsan, hindi sinasadya ay nakabitaw si
Butiki sa kinakapitan niyang kisame. Nakaabang naman si Kuting. Laking
pasasalamat ni Butiki dahil mabilis siyang nakaakyat sa dingding. Tumingala pa
siya sa taas na tila ba nagdarasal.
5.
Si Andrea ay isang matalino at matiyagang mag-aral. Sa tuwing may
sinasagutan siyang modyul ay ginagawa niya ang kaniyang makakaya upang
maunawaan itong mabuti. Bukod sa pagsasagawa ng mga gawain, nagtatala pa
siya ng mga mahahalagang impormasyon sa iba’t ibang asignatura. Minsan,
talagang napahanga ni Andrea ang kaniyang guro dahil naitama niya ang lahat ng
gawain sa modyul.
6.
Napakasaya ng araw ng ito para sa akin. Araw kasi ngayon ng mga
puso. Magkakalayo man ay nagagawa pa ring ipagdiwang ang araw ng
pagmamahalan. Nagbabatian pa rin kami ng aking mga kamag-aral sa group
chat. Gumawa rin ako ng kard para kina nanay at tatay (Pebrero 14, 2021).
7.
Magiging mainit ang panahon ngayon sa buong kapuluan. Ugaliing
uminom ng tubig at magdala ng payong kung lalabas ng bahay upang makaiwas
sa heat stroke. Sisikat ang araw sa ganap na 5:45 ng umaga at lulubog sa ganap
ng 6:15 ng hapon.
8.
Si Singka ay isang dalagang maganda at maputi. Mayroon din siyang
napakakinis na balat. Isang araw ay inutusan siya ng ina upang maglako ng
paninda. Patungo na siya sa pupuntahan nang biglang yumanig ang lupa.
Natabunan si Singka ng lupa at hindi na natagpuan. Hindi nagtagal ay may
tumubong halamang may baging at malalapad na dahon. Namunga ito ng isang
hugis pusong bunga. Nakita ng mga tao ang maputi nitong laman. Naisip nilang
ito si Singka. Mula noon ay tinawag nila itong singkamas.
9.
Si Apolo ay isang nilalang na mula sa mundo ng mga tao. Sa kaniyang
paglalakbay sakay ng isang malaking tableta na pang-isang tao lamang ay
napadpad siya sa kakaibang mundo. Ang mundo na may hindi maipaliwanang na
uri ng nilalang. Ang mga nilalang na ito na kaniyang natagpuan ay may dalawang
sungay at may tatlo lamang na daliri sa mga paa at kamay. Sa kabila ng
pagkakaiba ni Apolo sa mga nilalang sa lugar na ito, maayos siyang
pinakisamahan ng mga ito at hindi kalaunan ay naging mabuti silang
magkakaibigan.

2
10.

Si Serina ay isang maliit na diwata, na naninirahan sa magandang


hardin. Siya ay isang diwata na may kakaibang kapangyarihan. Lahat ng
kaniyang hinahawakang bulaklak ay namumukadkad sa ilang sandali lamang. Ito
ang dahilan kung bakit lahat ng nilalang sa hardin ay nalulugod sa kaniya.
Walang sinuman ang nagtatangkang gumambala sa kaniya.

Balikan

Panuto: Basahin ang maikling salaysay. Ipahayag ang sariling opinyon sa


pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa ibaba nito. Isulat ang
iyong sagot sa patlang. Gawing gabay ang rubrik sa paggawa.

Tuwing araw ng Lunes ay nagkakaroon ng Clean-up Drive sa barangay.


Tulong-tulong ang mga tao sa paglilinis ng mga gilid ng kalsada. Pinangunahan ito
ng Sangguniang Barangay sa ilalim ng pamamahala ng kapitan. Maaari rin namang
tumulong ang mga kabataan sa pagpapaskil ng mga tarpaulin. Layunin ng nasabing
gawain na makapaglinis ng paligid at mahikayat ang mga tao na makiisa sa mga
gawaing katulad nito.

1. Sa iyong palagay, makabubuti ba na makiisa sa ganitong gawain? Bakit?


(5 puntos)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3
2. Nahuling nagtatapon ng basura si Aling Puring. Pinagsabihan siya ng mga
barangay tanod na nakahuli sa kaniya na kapag ito ay inulit niya, siya ay
pagmumultahin ng limang daang piso. Tama ba ang ginawa ng mga barangay
tanod na humuli sa kaniya? Bakit? (5 puntos)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Rubrik sa Paggawa ng Pagpapahayag ng Opinyon


PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
NILALAMAN
- pagsunod sa uri at anyong hinihingi
- lalim at lawak ng pagtalakay
WIKA
- wasto ang gamit ng mga salita
- nagagamit nang wasto ang mga bantas
HIKAYAT
- pagsunod sa tiyak na panuto na nakasaad na
gagawin

Paraan ng Pagmamarka

5 - Pinakamahusay
4 - Mahusay
3 - Katanggap-tanggap
2 - Mapaghuhusayan pa
1 - Nangangailangan ng mga pantulong na pagsasanay

4
Tuklasin

Panuto: Basahin ang maikling kuwento sa ibaba at sagutin ang mga tanong
pagkatapos nito.

Sa Likod ng Bawat Pangarap


ni Cherry Ann C. Santos

Gusto ko ‘to, gusto ko ‘yun, ito na lang… Ganyan lagi ang takbo ng aking
isipan. Nais kong lumipad kasabay ng mga ibon sa mataas na himpapawid. Nais
kong lumangoy kasama ang mga isda sa pinakailalim ng dagat habang sumisisid ng
perlas. Ang dami-dami kong nais gawin, lahat imposible.
Hanggang may isang tao akong nakilala na nagturo at nagtanong sa akin,
“Ano ba talaga ang gusto mo?” sa katanungang ito ako ay napahinto at nag-isip. Ano
nga ba ang gusto ko? Matutupad ko ba ang pangarap ko? Makalilipad ba ako
kasabay ng mga ibon sa langit? Makalalangoy ba ako kasama ng isda sa
pinakailalim ng dagat?
Malinaw ang kasagutang aking nakalap, ito’y mananatiling pangarap,
sapagkat ako’y walang mga pakpak na may kakayahang lumipad katulad ng sa ibon.
Ako’y walang hasang na makahihinga sa ilalim ng dagat katulad ng sa isda.
Ako’y tao, taong habang nabubuhay ay patuloy na mangangarap.
Mangangarap ng mga bagay na maaring matupad at maisakatuparan.

Patuloy akong mangangarap, patuloy akong makikipagkilala sa mga taong


tutulong sa akin na tuparin ang aking mga adhikain. Dahil sa likod ng aking bawat
pangarap ay ang taong makikilala ko na huhubog at magpapatatag sa aking
pagkatao. Mga taong tutulong sa akin na tuparin ang aking mga minimithing
pangarap. Tangi kong dasal, na sana bukas, ikaw na ‘yon!

5
1. Ano ang damdaming ipinakikita ng taong sumulat ng lathalain?
2. Ano ang mga pangarap ng may-akda?
3. May pag-asa bang matupad ang naunang pangarap ng may-akda? Bakit?
4. Sino ang nasa likod ng kaniyang bawat pangarap?
5. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na humiling sa Poong Maykapal, anong
pangarap ang nais mong matupad at bakit?

Suriin
Kathang Isip at Di-kathang Isip
Paano ba masusuri ang pagkakaiba ng kathang isip at di-kathang isip na
teksto?

Halina’t iyong pag-aralan.

➢ Sa lathalaing iyong binasa, maliwanag na ang paglipad na kasabay ng mga


ibon sa mataas na himpapawid ay isang kathang isip. Ito ay hindi
makatotohanan at kailanman ay hindi mangyayari sa totoong buhay. Ito ay
magiging di-kathang isip o makatotohanan lamang kung sasakay ang tauhan
sa eroplano.

➢ Ang paglangoy kasama ang mga isda sa ilalim ng dagat habang sumisisid ng
perlas ay isang kathang isip. Ito ay hindi makatotohanan at kailanman ay hindi
mangyayari sa totoong buhay. Ito ay magiging di-kathang isip o
makatotohanan lamang kung sasakay siya sa Submarine na kayang sumisid
sa kaibuturan ng dagat.

Ang kathang isip na tinatawag ding piksyon ay haka-haka at imbento


lamang ng may-akda. Ginagamit nila ang kanilang imahinasyon sa pagsulat ng
bungang-isip lamang. Lumilikha sila ng tauhan, pangyayari, sakuna at pook na
pinangyarihan para sa kanilang akda.
Ang di-kathang isip na tinatawag ding di-piksyon ay paglalahad ng isang
paksa na may katotohanan. Bumabatay ang may-akda sa tunay na pangyayari at iba
pang kaganapan.

Narito ang ilang halimbawa ng kathang isip:

1. Alamat - ito ay sinasabing pinagmulan ng isang bagay, hayop at pook


Halimbawa
Sina Kala at Mansi ay matalik na magkaibigan. Madalas ay namamasyal
silang magkasama. Isang araw, naisipan nilang maligo sa ilog. May baon silang
mangga at bayabas. Mayroon din silang baong asin. Mahilig silang dalawa sa
maasim. Kahit na bubot pa ang mga ito ay kaya nilang kainin. Sa hindi
inaasahang pangyayari, biglang lumakas ang agos ng tubig at natangay sila.
Simula noon, hindi na nakita ang magkaibigan. Sa paghahanap sa kanila, isang

6
halaman ang tumubo malapit sa pampang ng ilog. Hindi nagtagal ay namunga ito
ng maliliit, kulay berde at may maasim na lasa. Pinaniwalaan ng mga magulang ni
Kala at Mansi na sila nga ang halamang ito dahil sa lasa nito. Pinagsama nila ang
pangalan ng dalawa. Tinawag nila itong kalamansi.

2. Pabula - ito naman ay kuwento na kung saan ang mga tauhan ay hayop at
karaniwang nagbibigay ng aral sa buhay
Halimbawa
Magkaiba man ng katangian sina Kalabaw at Tagak, kadalasan ay
kinaiinggitan sila ng ibang mga nilalang sa bukid. Araw-araw silang magkasama.
Pinasasakay ni Kalabaw si Tagak sa kaniyang likod habang namamasyal. Si
Tagak naman ay labis ang pag-aalala sa kalusugan ng kaibigan. Sa tuwing may
dadapo sa balat nito, langaw man o lamok ay kaagad niya itong itinataboy.
Nagsimula ang kanilang mabuting samahan noong minsang napakalakas ng ulan
at basang-basa si Tagak. Pinasilong ni Kalabaw si Tagak sa kaniyang tinutuluyan
hanggang kumalma na ang panahon.

3. Parabula - ito naman ay mga kuwento na hango sa Bibliya


Halimbawa
May isang hari na may anak na dalawang lalaki. Hiningi ng isang anak
ang kaniyang mana at umalis ng palasyo. Ginamit niya ang kaniyang minanang
kayamanan sa hindi magandang bagay hanggang sa ito ay maubos. Naghirap
siya at umabot pa sa puntong wala na siyang makain. Naisipan niyang bumalik
sa palasyo at humingi ng tawad sa ama niyang hari. Malugod naman siya nitong
tinanggap at ipinagdiwang pa ang kaniyang pagdating. Samantala, ang isang
anak na lalaki ay nagtampo dahil sa ginawang pagtanggap na muli ng ama sa
kaniyang kapatid. Pinaliwanagan siya ng ama at naunawaan naman niya ito.

4. Epiko - ito ay kuwentong tumatalakay sa pakikipaglaban ng isang tao na


nagtataglay ng hindi maipaliwanag na kapangyarihan
Halimbawa
Si Maka ay isang makisig at matapang na lalaki na nagmula sa tribu ng
mga Igorot. Nakamamangha ang taglay niyang galing sa pakikipaglaban.
Binigyan siya ng kaniyang lola ng isang pulseras na yari sa mga ngipin ng tigre.
Dahil sa pulseras na ito, nagagawa niyang makipag-usap sa mga hayop. Kaya
sa tuwing may panganib, katuwang niya ang mga mababangis na hayop tulad ng
leon at tigre sa pakikipaglaban.

5. Nobela - ito ay yugto-yugtong salaysay na magkakaugnay. Tungkol ito sa bayani


at sa kaniyang katunggali
Halimbawa
Sa kabanata 1 ng Noli Me Tangere, (isa sa nobelang isinulat ni Dr. Jose
Rizal). Inilalarawan dito ang isang marangyang handaan. Nalalapit na kasi ang
pag-iisang dibdib ng anak ni Kapitan Tiyago na si Maria Clara at Crisostomo

7
Ibarra-ang bidang lalaki. Si Padre Damaso na isa sa mga kilalang panauhin ay
gumawa ng hindi magandang eksena sa piging.

Narito ang ilang halimbawa ng di-kathang isip.

1. Talambuhay - mga totoong pangyayari at karanasan sa buhay ng tao


Halimbawa
Dalawampu’t tatlong taong gulang pa lamang si Eric ay isa ng
matagumpay na negosyante. Ang una niyang sinubukang negosyo ay ang
paggawa ng videoke at piso net. Sa umpisa ay malakas ang naging kita niya
subalit hindi nagtagal ay humina rin ito. Sumubok siya ng panibagong
pagkakakitaan, nag-online selling siya ng chili paste. Dito na nagsimulang maging
maunlad ang kaniyang pinagkakakitaan.

2. Talaarawan - ito ay anyong pasulat na isinasalaysay ang pangyayari sa buong


maghapon ng isang tao
Halimbawa
Lubhang napakamakabuluhan ng aking araw. Nagawa ko kasi ang lahat
ng nakatakdang gawain. Nakapaglinis ako ng bahay. Nakapaglaba ng aming
mga damit at nakapagdilig ng halaman. Matapos kong magawa ang mga ito ay
namahinga ako at nanood ng paborito kong palabas.

3. Balita – ito ay napapanahong ulat sa loob at labas ng bansa


Halimbawa
Isa sa alternatibong paraan upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga
mag-aaral ay ang distance learning. Isa sa kasalukuyang paraan ng pag-aaral ng
mga bata ay ang tinatawag na Modular Distance Learning (MDL). Sa modaliting
ito ay gumagamit ng mga nakalimbag na modyul o mga digital format na modyul
ang mga mag-aaral. Ang mga modyul ay naglalaman ng mga gawain na
tumutulong sa paglinang ng iba’t ibang kasanayan.
Ang iba namang paaralan ay gumagamit ng online distance learning.
Dito, ang pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral ay ginagamitan
ng iba’t ibang teknolohiya na mayroong internet access. Maaaring gumamit ng
mga gadget katulad ng mga USB, cellphone, laptop, computer, o tablet.

8
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Suriin ang pamagat ng mga akda sa bawat bilang. Piliin ang letra ng
tamang sagot sa loob ng hugis at isulat ito sa loob ng kahon bago ang bawat
bilang.

A. kathang isip B. di-kathang isip

1. Kuwento ng Buhay ni Dr. Jose Rizal


2. Si David at si Goliath
3. Mga Lihim sa Tagumpay ni Jenny
4. Ang mga Kababaihang Naging Kasapi ng Katipunan
5. Ang Alamat ng Langka
6. Kalagayan ng Edukasyon sa Pilipinas sa Pananakop ng mga Amerikano
7. Ulat Panahon ni Mang Tani
8. Si Muning at ang Daga
9. Ang Arko ni Noah
10. Ang Talaarawan ni Nita

Gawain 2
Panuto: Tingnan ang mga larawan at talata sa ibaba. Isulat ang K kung
nagpapahayag ito ng kathang isip at DK kung di-kathang isip. Isulat ang
iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

Siya si Teddy. Ginamit niya ang kaniyang


________1. tiyaga at sipag upang makatapos ng pag-aaral sa
elementarya. Ipinangako niya sa sarili na
pagbubutihin pa niya ang pag-aaral sa
sekondarya.

Siya naman si Mona. Pangarap niyang


maging isang prinsesa. Dahil wala namang
bayad ang pangangarap, nang magising siya
_______ 2.
ay isa na siyang prinsesa. May magandang
kasuotan at korona.

9
Siya si Roy. Masipag siyang
magbasa. Nagpapabili pa siya ng mga
_______ 3. bagong libro sa kaniyang ama. Para sa
kaniya, ang pagbabasa ay mahalaga dahil
marami siyang natututuhan at dito na maaari
niyang ibahagi sa iba.

Siya naman si James. Mahilig siya sa


mga halaman. Nalalaman niya lahat ang
tawag sa mga ito. Madalas siyang
_______ 4. nauutusan ng guro niya na alagaan ang
mga halaman sa hardin ng paaralan.

Isang maliit na babae at may tila


pakpak ng paruparo ang nagbabantay sa
isang napakagandang hardin. Punong-puno
________5. ng halamang namumulaklak ang lugar na ito.
May mga rosas, sampaguita at gumamela.
Humihingi ng pahintulot ang nagdaran dito.

Masayang-masaya ang magkapatid


na Carla at Carlo. Pumunta sila sa gulayan
. ng kanilang lolo at lola na matatagpuan
_______ 6.
malapit sa simbahan. Ito kasi ang
kauna-unahang pagkakataon na isinama
sila ng kanilang mga magulang.

.
Hiniling ni Mona na sana ay yumaman
________7. sila at maging isang prinsesa. Biglang
nagpakita sa kaniya ang isang magandang
diwata. Gamit ang kaniyang magic wand ay
natupad ang hiling ni Rina.

10
Siya naman si Alvin. Pangarap niyang
maging mahusay na pintor. Sa tuwing may
_______ 8. maiisip siyang iguhit, ginagawa niya ito upang
hindi niya makalimutan. Siya ang madalas na
nanalo sa paligsahan sa pagguhit sa kanilang
paaralan.

Tuwang-tuwa si Cora sa bagong damit


at sapatos na regalo ng kaniyang kaibigang
___________ 9. diwata. Napasayaw siya sa galak at halos
mapaluha dahil ito ang pinakamagandang
bagay na kaniyang natanggap.
Nagpasalamat siya sa kaniyang mahal na
kaibigan.

Siya si Noel. Siya ang pinakamatalino


sa kanilang klase. Siya ang nanguna sa klase
__________10. sa iba’t ibang larangan kaya binigyan siya ng
sertipiko ng pagkilala ng kanilang guro.
Tuwang-tuwa siya sapagkat nagbunga ang
kaniyang pinaghirapan.

Gawain 3
Panuto: Basahin ang kuwento. Suriin ang mga pangungusap sa talahanayan mula sa
kuwentong binasa.Iguhit ang masayang mukha ( ) sa tamang hanay ng
pangungusap.

Isang Katuparan
ni Jay M. Felix

11
Pupungas-pungas na bumangon ang isang batang babae. Sunod-sunod kasi
ang pagdaan ng malalaking trak sa ibaba ng tulay. Matatagpuan ang kanilang
munting barong-barong sa ilalim nito. Walang ano-ano ay bigla na lamang siyang
nakaramdam ng pananakit ng tiyan. Naalala niyang hindi pa nga pala sila kumakain
ng hapunan. Nakatulugan na nilang magkakapatid ang gutom sa paghihintay sa
kanilang mga magulang na ang tanging pinagkakakitaan ay paghahanap ng kalakal.
Naluluha niyang pinagmasdan ang patpating mga kapatid na noon ay himbing na
himbing sa kanilang pagkakatulog.
Ang batang ito ay si Gina. Labing isang taong gulang at kasalukuyang nasa
ikaanim na baitang. Sa murang isipan, pangarap niya na maiahon ang kaniyang
pamilya sa ganitong kalagayan. Subalit paano mangyayari iyon? Malimit ay lumiliban
siya sa klase dahil wala silang pera. Kadalasan din ay siya pa ang nag-aalaga sa
mga nakababatang kapatid.
Sumilip si Gina sa labas ng kanilang bahay. Inaasahang darating na sina
Mang Nestor at Aling Thelma. Nang walang makita, lumakad siya sa may hagdan at
doon ay naupo. “Gabi na, bakit kaya wala pa sina nanay at tatay?” wika niya sa sarili.
Napatingala siya at nakita ang mga bituin. Ito lamang ang pinakapaborito
niyang gawain sa kanilang lugar, ang tumingin sa mga bituin. Pumikit siya. Bigla
niyang naalala ang nabasa niya sa aklat tungkol sa mga bituin. Ang araw ay
maituturing na bituin sa kalangitan. Ito ay nagbibigay ng init at liwanag sa mundo.
Bukod sa araw, isa pang bituin ang inihalimbawa ng may-akda, ang North Star o
Polaris. Ito raw ay nagtuturo ng direksyon sa mga manlalakbay. Sa isang kuwento
naman na nabasa niya, inihalintulad naman ng manunulat ang bituin sa buhay ng
tao. Ayon sa kaniya ang mga bituin ay nagbibigay ng pag-asa sa atin. Kapag
humiling ka sa bulalakaw o wishing star, asahang mong matutupad ang iyong
kahilingan.
Dahan-dahang pumasok si Gina sa kanilang tahanan. Tumabi siyang muli sa
kaniyang mga kapatid. Sa kaniyang pagtulog, nakita niya ang kaniyang ama at ina
habang naghahanap ng kalakal. May isang maliit na lalaki na may pakpak ang
nagpakita sa kanila. Laking gulat ng mag-asawa. Tatakbo na sana sila nang
magsalita ito. “Bibigyan ko kayo ng isang sakong ginto upang hindi na kayo maghirap
sa paghahanap ng basura,” sabi ng kakaibang nilalang. “Kaya lamang ang kapalit
nito ay gumawa kayo ng kabutihan sa inyong kapuwa”. Hindi na nagdalawang-isip
ang mag-asawa at tinanggap ang isang sakong ginto. Binuksan nila ang sako at
nakita nila ang iba’t ibang kasangkapan na yari sa ginto. Habang inilalabas nila ang
mga ito ay nakapagtatakang hindi man lang ito nababawasan.
Simula ng gabing iyon, nag-iba na ang takbo ng buhay nila. Noon, sila ang
madalas na humihingi ng tulong sa mga kapitbahay, ngayon, sila na ang takbuhan ng
mga ito.
Hanggang sa isang malakas na tapik sa balikat ang naramdaman ni Gina.
Nakatulog pala siya. Maya-maya ay dumating ang kanilang mga magulang.
Nakapulot pala sila ng isang bag na naglalaman ng malaking halaga. Kaya pala

12
ginabi sila ng uwi ay dinala nila ito sa presinto. Isinauli nila ang pera sa may-ari nito.
Dahil sa kabutihang loob, binigyan sila ng pabuya na nagkakahalaga ng limandaang
libong piso. Ginawa nila itong puhunan sa junk shop.
Hindi pa man siya humihiling sa bulalakaw. Hindi pa man niya ipinanalangin
na sana ay isa ngang sakong ginto na ibinigay sa kaniyang mga magulang. Subalit,
ibinigay na sa kanilang mag-anak ang kaniyang dalangin. Tunay ngang sa paggawa
ng kabutihan, magkakaroon ng katuparan ang hiling ng isang dalisay na puso.

Piksyon Di-piksyon Pangungusap


1. Ang batang si Gina ay labing isang taong gulang
at kasalukuyang nasa ikaanim na baitang.
2. Ang araw ay maituturing na isang bituin sa
kalangitan.
3. Nagbibigay ng init at liwanag sa mundo ang
araw.
4. Kapag daw humiling ka sa bulalakaw o wishing
star, asahan mong matutupad ang iyong
kahilingan.

5. Ang North Star o Polaris daw ay nagtuturo ng


direksyon sa mga manlalakbay.
6. Ayon sa manunulat ang mga bituin ay
nagbibigay ng pag-asa sa atin.
7. May isang maliit na lalaki na may pakpak ang
nagpakita sa kanila.
8. Simula ng gabing iyon, nag-iba na ang takbo ng
buhay nila. Noon, sila ang madalas na humihingi
ng tulong sa mga kapitbahay, ngayon, sila na
ang takbuhan ng mga ito.

9. Hindi na nagdalawang-isip ang mag-asawa at


tinanggap ang isang sakong ginto.
10. Binuksan ng mag-asawa ang sako at nakita nila
ang iba’t ibang kasangkapan na yari sa ginto at
habang inilalabas nila ito ay hindi nababawasan.

13
Isaisip

Ano ang iyong natutuhan sa aralin? Buoin ang talata sa pamamagitan ng


pagpili sa kahon ng mga salitang aangkop sa bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot
sa patlang pagkatapos ng bilang.

piksyon kathang isip makatotohanan


di-piksyon di- kathang isip imahinasyon

Ang kathang-isip na tinatawag ding (1)__________ ay haka-haka at imbento


lamang ng may-akda. Ginagamit nila ang kanilang (2)__________ sa pagsulat ng
bungang-isip lamang. Lumilikha sila ng tauhan, pangyayari, sakuna at pook na
pinangyarihan para sa kanilang akda.
Ang di-kathang isip na tinatawag ding (3)_________ ay paglalahad ng isang
paksa na inihaharap ng may-akda ng may katotohanan. Bumabatay ang may-akda
sa tunay na pangyayari at iba pang kaganapan.
Ang talaarawan, balita at talambuhay ay halimbawa ng tekstong
(4)___________.
Ang pabula, alamat, parabula, nobela at epiko naman ay mga halimbawa ng
tekstong (5) _____________.

Isagawa

Panuto: Sumulat ng talata batay sa hinihinging akda sa bawat bilang. Isulat ito sa
nakalaang mga patlang . Gawing pamantayan ang rubrik sa paggawa.

1. kathang isip
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

14
2. di-kathang isip
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Rubrik sa Paggawa ng Talata


PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
NILALAMAN
- pagsunod sa uri at anyong hinihingi
- lalim at lawak ng pagtalakay

WIKA
- wasto ang gamit ng mga salita
- nagagamit nang wasto ang mga bantas

HIKAYAT
- pagsunod sa tiyak na panuto na nakasaad na
gagawin

Paraan ng Pagmamarka
5 - Pinakamahusay
4 - Mahusay
3 - Katanggap-tanggap
2 - Mapaghuhusayan pa
1 - Nangangailangan ng mga pantulong na pagsasanay

15
Tayahin
Panuto: Basahin at suriin ang mga salaysay sa ibaba. Iguhit sa loob ng kahon bago
ang bilang ang bituin( ) kung ito ay nagpapahayag ng kathang isip at
puso ( ) kung ito ay nagpapahayag ng di-kathang isip.
1. Bata pa lamang si Gng. Felix ay kinakitaan na siya ng sipag at tiyaga sa
pag-aaral. Mahirap lamang ang kanilang pamilya kung kaya pumasok
siyang tagasilbi at tagapaghugas ng kasangkapan sa isang restaurant sa
San Ildefonso. Nagtatrabaho siya habang nag-aaral. Dumaan man sa
ganito kahirap na sitwasyon ay wala siyang pinagsisisihan dahil sa
ngayon ay ganap na siyang guro.
2. Madalas ay pinagtatawanan ni Tutubi si Uod. Ipinagyayabang niya ang
kaniyang mga pakpak. Tinutukso niya si Uod na pangit at walang
maipagmamalaki dahil gagapang-gapang lamang ito. Matagal na hindi
nakita ni Tutubi si Uod ngunit isang araw, namangha siya sa kaniyang
namalas. Ang dating pinagtatawanan ay nagkaroon na ng malalapad na
pakpak. Nagtataglay nang magagandang kulay ang mga ito.
3. Akmang puputol na si Matias ng puno nang bigla na lamang isang nilalang
ang nagpakita sa kaniya. Napakalaki ng ulo nito na tila elepante at ang
katawan naman nito ay kamukha ng sa tao. Dali-dali siyang tumakbo
palabas ng kakahuyan sa kaniyang natunghayan.
4. Ang Barangay Sapang Putik ay matatagpuan sa bayan ng San Ildefonso
na bahagi ng lalawigan ng Bulacan. Ang pangunahing hanapbuhay ng
mga tao rito ay pagsasaka at pagtatanim ng gulay. Ang mga kababaihan
naman ay pananahi ang pinagkakakitaan. Ang mga kabataan ay
masisipag na tumutulong sa kanilang mga magulang sa araw na wala
silang pasok sa paaralan.
5. Napakasaya ko ngayong araw dahil ito ang aking kaarawan. Sinorpresa
ako ng aking ina at ama. Binigyan naman ako ng aking ninang ng cake.
Wala man akong maraming handa ay nagagalak ang aking puso dahil sa
maraming kaibigan at mahal sa buhay na bumati sa akin (Ika - 21 ng
Enero, 2021).
6. Si Haring Solomon ay tinaguriang pinakamatalinong hari. Karunungan
ang kaniyang hiniling na ipagkaloob sa kaniya ng Diyos. Nasubok ang
kaniyang talino nang may dalawang ginang na nag-aagawan sa isang
sanggol. Nagpasiya siyang hatiin ang sanggol subalit isa sa ginang ang
tumutol at nagparaya. Dahil dito nalaman niya kung sino talaga ang tunay
na ina ng bata.

16
7. Si Nanay Delia ay isang huwarang ina, mapagmahal na asawa at
mabuting anak. Isang huwarang ina sapagkat inaalagaan niya ang
kaniyang tatlong anak sa abot ng kaniyang makakaya. Mapagmahal na
asawa dahil patuloy niyang kinakalinga ang kaniyang kabiyak. Bilang
anak, hindi niya pinababayaan ang kaniyang mga magulang. Patuloy
niyang sinusuportahan at ibinibigay ang pangangailangan ng kaniyang
mga magulang kahit na mayroon na siyang sariling pamilya.
8. Noong unang panahon, wala pang mga sasakyan. Karaniwan ay
naglalakad lamang ang mga tao kahit na malayo pa ang kanilang
pupuntahan. May mag-asawa na pupunta sana ng bayan dahil malapit ng
manganak ang kaniyang maybahay. Sa kanilang paglalakad ay biglang
humilab ang tiyan ng ginang at inabutan na ng panganganak sa gilid ng
sapa na sobrang maputik. Kinalaunan, ang lugar na ito ay tinawag na
Sapang Putik.
9. Si John ay isang batang nasa ikaanim na baitang. Maaga siyang
pumapasok sa paaralan. Nagdidilig siya ng halaman sa nursery.
Binubunutan niya ng damo ang mga punla rito. Naibigan ng guro niya
ang kaniyang ugali. Kung kaya nang dumating ang Araw ng Pagkilala,
binigyan siya ng kaniyang guro ng medalya.
10. Nag-aagaw dilim na noon. Mabilis na pinatakbo ni Ronnie ang kaniyang
bisikleta. Nakakita kasi siya ng isang kabayo na may pakpak na unti-unti
ay papalapit sa kaniya. Nakahinga siya nang maluwag ng makasalubong
niya ang kaibigang si Bong. Sinabi niya rito ang kaniyang nasaksihan.
Pinagtawanan lamang siya nito.

Karagdagang Gawain

Panuto: Magtala ng pamagat ng mga tekstong iyong nabasa sa pamamagitan ng


pagsusulat sa angkop na hanay sa tsart.

Kathang-isip Di-kathang-isip
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

17
Susi sa Pagwawasto

18
Sanggunian

Department of Education. Most Essential Learning Competencies (MELCs) PDF File.


Filipino 6, 168. 2020.

Estrella, Greta R., Gintong Aklat sa Pagbasa, Batayang Aklat sa Filipino, Ikaanim na
Baitang, #942 Del Monte Avenue, Quezon City: Cultural Publisher. 2000.

Facebook Page. Learning Delivery Modalities. https://web.facebook.com/ depedr3/


posts/alamin-ang-ibat-ibang-learning-delivery-modalities-sa-pagpapatuloy-ng-
eduka syon-/ 3135544023135275/?_rdc=1&_rdr.

Slideshare. (Filipino) Panitikan, Last Modified June 23, 2014. https: //www.
slideshare.net /Rainier Amparado/uri-ng-panitikan.

Velvez, Paz M., Landas sa Pagbasa, Batayang Aklat sa Filipino, Ikaanim na Baitang,
Unit 407, #77 Visayas Avenue, Quezon City 1128: EduResources Publishing,
Inc. 2011.

Youtube. Alamat. Last Modified October 4, 2020. https://www. youtube.com/ watch?


v=Ib8N 5r3XAS8.

Youtube. Epiko. Last Modified February 20, 2020. https://www. youtube.com/


watch?v= FtydL Gx R5A.

Youtube. Kathang isip at Di-Kathang isip. Last Modified February 20, 2020. https://
www. youtube.com/watch?v=-XlMMhV4GZo.

Youtube. Pabula. Last Modified August 24, 2020. https://www. youtube.com /watch?
v=kKNyo Sb Qf M8.
Youtube. Pabula. Last Modified November 27, 2016. https://www. youtube.com /
watch? v=kKNyo Sb Qf M8.

Youtube. Pabula ng Alibughang Anak. Last Modified November 27, 2016.


https://www. Youtube .com/watch?v=Wpx_yooFY6o.

Youtube. Parabula ng Mabuting Samaritano. Last Modified October 10, 2020. https :
// www. youtube.com/watch?v=m-KJpqBio24.

Youtube. Talaarawan. Last Modified January 5, 2021. https://www.youtube.com /


watch? v= 9i_ THAcRp7Q.

Youtube. Talambuhay.Last Modified December 2, 2019. https:/ /www.youtube.com/


watch?v=lD LwPv unMx0.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

20

You might also like