Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan Princess Maire Angela D.

Abarquez
Seksyon 12 IT-MAWD
Tanong Ano ang estrukturang sinusunod sa pagsulat ng isang tekstong persweysib?
Tekstong pinili Prosidyural

Ang estrukturang sinusunod sa pagbuo at pagsulat ng isang tekstong persweysib ay ayon sa mga
sumusunod:

1. Una ay ang paggawa ng introduksyon upang mapakilala ng manunulat ang paksang


tatalakayin sa mga mambabasa. Ang introduksyon ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa
paksa. Mahalagang makuha nito ang atensyon at makapang-akit ng mga mambabasa.

2. Pangalawa ay ang katawan. Binubuo ito ng mga pang karagdagang impormasyon tungkol sa
paksa mula sa pananaliksik ng manunulat. Dito rin ilalagay ng manunulat ang mga ebidensya na
nakalap upang suportahan ang paksa. Ang katawan ng isang tekstong persweysib ay may tatlong
uri ng elemento:

a. Ethos – ito ay isa sa mga elemento upang tukuyin ang karakter, kredibilidad, o
awtoridad ng manunulat batay sa paningin ng mga mambabasa.

b. Pathos – ito ay isa sa mga elemento na tumatalakay upang mahikayat ang mga
mambabasa base sa kanilang damdamin at emosyon.

c. Logos – ito ay isa sa mga elemento na tumutukoy sa pagiging lohikal ng nilalaman at


kung ito ay may katuturan upang mahikayat ang mga mambabasa.

3. Ang panghuli ay ang konklusyon. Ito ay naglalaman ng pagbubuod ng manunulat tungkol sa


mga mahahalagang bahagi mula sa katawan ng teksto. Dito rin nakalagay ang mga solusyon at
rekomendasyon ng manunulat para sa mga mambabasa.

You might also like