Pagbasa Ideya NG Pilosopong Manunulat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGBASA

Ano ang PAGBASA?

Hank (1983)
Ang pagbasa ay ang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng
interpretasyon dito.

Anderson (1985)
Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.

Goodman
Ang pagbabasa ay nakabubuo ng bagong kaalaman batay sa teksto o anomang impormasyong
binabasa.
Isang psycholinguistic guessing game ang pagbasa kung saan ang nagbasa ay nagbubuong muli
sa isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong binasa.

Villamin (1999)
Ang pagbasa ay isang susing magbubukas ng pintuan tungo sa pagtatamo ng kaalaman tungkol
sa iba’t ibang larangan. Bukod sa ito’y magbibigay din ng kasiyahan..

Coady
Upang maintidihang mabuti ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang dating alam sa
kanyang kakayahang bumuo ng mgma konsepto/ kasanayan/kaisipan mula sa mga naiprosesong
impormasyon sa bansa.

William Morris
Ang pagbasa ay ang pagkilala sa kahulugan ng mga nakasulat na salita.

Silvey
Ang pagbasa ay binibigyan mo ng kahulugan at pagkilala ang mga kaalamang nakalimbag batay
sa pagkakasulat ng may-akda.

McWhorter (2009)
Ang pagbasa ay kailangan ng sapat na pag-iisip at pang-unawa sa mga simbolong nakalimbag o
mga babasahin na kadalasang tinatawag nating teksto.

Frank Smith
Ang pagbasa ay pagtatanong sa nakatalang teksto at ang pag-unawa sa teksto ay ang pagkuha
ng sagot sa iyong mga tanong.

Johnson (1983)
Ang pagbabasaay higit pa sa interaksyon sa pagitan ng pagbabasa at ng teksto.

Bond at Tinker (1967)


Ang pagbasa ay rekognisyon ng anumang nakasulat o nakalimbag ng mga simbolo na nagiging
“stimuli” upang maalala ang mga kahulugan ng mga nakalimbag na kaalaman o karunungan mula sa
karanasan ng mga mambabasa.

Austero
Ang pagbasa ay isang paraan ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga simbolong
nakalimbag.

G. James Lee Valentine


Ang pagbasa ay pinakapagkain ng ating utak.

Bernales
Ang pagbasa ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig, pagsasalita, at
pagsusulat.

Feliciano S. Angeles 142


Ang pagbasa ay ang tiyak at maayos na pagkilala sa pagsasama-sama ng mga salita upang
makabuo ng kahulugan at kaisipan.

Pangkalahatang Kahulugan
Ang pagbasa ay proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng
impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang
maunawaan. Ang mga sagisag na ito ay nagsisilbing instrument upang mabigyang-kahulugan ang mga
kaisipang gustong ipahayag.

Ang pagbabasa ay nakatutulong upang maging kaiga-igaya at kapana-panabik ang pamumuhay.

Ang pagbasa ay sinasabing pagbibigay-kahulugan o sariling interpretasyon sa mga nakalimbag o


sa mga nakatitik na simbolo ng isang kaisipan, ideya, o saloobin.

Genio (2007)
Sa pagbabasa winawalis o winawaksi ang mga agam-agam at nadaragdagan ang kaalaman.
Naiuunat at hinihilot ang ating mga mental muscles. Nasala at nadaragdag an gating mga marurupok at
pansariling opinion ng mga makabagong kaisipan o ideya at matibay na katotohanan.

Francis Bacon
Nagwika na, “Mag-usisa nang hindi kumokontra o nagrereklamo, o maniniwala, sa
pagwawalang-bahala; magbasa upang maging marunong tumimbang. May mga aklat na kailangang
tikman, ang iba’y kailangang lunukin, at ang iba ay kailangang nguyain at tunawin.”

Urquhart at Weir (Arrogante 2003)


Ang pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong nakakoda
sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum.

You might also like