Aralingpanlipunan1quarter1slm4 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

1

AralingPanlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Mahahalagang Pangyayari at
Pagbabago sa Buhay
Araling Panlipunan -Unang Baitang
Unang Markahan-Modyul 4: Mahahalagang Pangyayari at Pagbabago sa
Buhay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin


o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Raissa J. Sabater


Editor: Raissa J. Sabater
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Leonora Liza D. Dacillo, Ed.D. (EPS AP)
Christopher P. Felipe (EPS LRMDS)

Inilimbag sa Pilipinas ng Learning Resource Management Section

Department of Education – Davao del Sur Division


Office Address: Corner Lapu-Lapu Plaridel Streets, Zone 3, Digos City,
Davao del Sur
Telefax: _________________________________
E-mail Address: lrmds.davsur@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Mahahalagang Pangyayari at
Pagbabago sa Buhay

ii
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan 1 ng Learning Resource Management Section
(LRMS) Modyul para sa araling Mahahalagang Pangyayari at
Pagbabago sa Aking Buhay.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga
gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

iii
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan – Unang


Baitang ukol sa araling Mahahalagang Pangyayari at
Pagbabago sa Aking Buhay!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

iv
Sa bahaging ito, malalaman mo
Alamin Natin
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
Subukin Natin kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Aralin Natin
Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong

v
Gawin Natin iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Sanayin Natin
Naglalaman ito ng katanungan o
pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
Tandaan Natin maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Suriin Natin iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Payabungin Natin

vi
Pagnilayan Ito ay gawain na naglalayong
Natin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Susi sa
Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.
Sanggunian

Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag


lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa
iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.

vii
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga


gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

viii
ix
Alamin Natin

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi


sa iyo ang mga kaalaman na nararapat ninyong
matutuhan sa nasabing baitang. Ang araling ito ay
naglalaman ng mga mahahalagang pangyayari at
pagbabago sa buhay.

Pagkatapos matutuhan ang mga aralin, ang


mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga mahahalagang


pangyayari at pagbabago sa buhay simula
isilang hanggang sa kasalukuyang edad gamit
ang mga larawan at timeline.

1
Subukin Natin

Pag-aralan ang sumusunod na larawan. Tukuyin


ang mahahalagang pangyayari at pagbabago sa
buhay ng isang bata. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
kuwaderno.

a. Isang taon
b. Dalawang taon
c. Tatlong taon
d. Apat na taon
e. Limang taon
f. Anim na taon

2
1. ______

2. ______

3. _____

3
4._____

5._____

4
6._____

Aralin Natin

Aralin
Mahahalagang
Pangyayari at
1 Pagbabago sa Buhay

Ang araling ito ay naglalaman ng mga


konsepto tungkol sa mahalagang pangyayari at
pagbabago sa buhay ng isang bata. Ang bawat isa
ay nakararanas nito kasabay ng mga pagbabago
sa kanilang katawan at ang pagdami ng mga kaya
nilang gawin. Ating tunghayan sa modyul na ito.

Basahin ang maikling kuwento.

5
Ang Kuwento ng Buhay ni Aya
Isinulat ni Raissa J. Sabater

Si Aya ay ipinanganak
noong Mayo 19, 2014.
Masayang-masaya ang
kanyang mga magulang
dahil matagal din ang
kanilang hinintay bago
sila biniyayaan ng anak.

Noong isang taong


gulang na ay marunong
na siyang gumapang.
Sinusubukan niya na ring
tumayo.

Noong dalawang
taong gulang na ay
marunong na siyang
tumayo.Tinutulungan siya
ng kanyang mga

6
magulang na
makalakad.

Noong tatlong taong


gulang na ay marunong
na siyang maglakad.
Marunong na rin siyang
tumakbo at maglaro.

Noong apat na taong


gulang na ay marami na
siyang nagagawang
mga gawain.
Maaasahan na rin siya sa
mga simpleng gawain.

7
Noong limang taong
gulang na ay nag-aaral
na siya sa Kindergarten.
Marunong na siyang
magbasa ng mga letra,
magbilang at sumulat.
Marami na siyang mga
kaibigan.

Ngayong anim na
taong gulang na ay
handa na siyang mag-
aral sa unang baitang ng
elementarya.
Inaaasahang mas
marami na siyang
matututunan sa
paaralan. Makatutulong
na siya sa mga gawain.
Madadagdagan pa ang
kanyang mga kaibigan.

Sagutin Natin

8
Sagutin ang mga katanungan tungkol sa
kuwentong binasa. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.

1. Ano ang pangalan ng bata sa kuwento?

2. Kailan siya ipinanganak?

3. Ilang taong gulang na si Aya noong


marunong na siyang maglakad, tumakbo
at maglaro?

4. Ano ang nagagawa ni Aya noong isang


taong gulang pa siya?

5. Sa iyong opinyon, dapat ba na ang anim


na taong gulang, katulad mo ay
tumutulong na sa mga gawaing bahay?
Bakit?

Binabati kita! Ang galing mo!

9
Gawin Natin

Gumuhit ng masayang mukha kung ang


pahayag ay tumutukoy sa tamang pangyayari sa
buhay ng isang bata at malungkot na mukha kung
hindi naman tumutukoy.Gawin ito sa kuwaderno.

_____ 1. Ang isang taong gulang na bata ay


marunong nang gumapang.

_____ 2. Ang apat na taong gulang na bata ay


handa nang mag-aral sa unang
baitang.

_____ 3. Ang anim na taong gulang na bata ay


tinutulungan pa ng kanyang mga
magulang
upang makalakad.

_____ 4. Ang tatlong taong gulang na bata ay


marunong nang maglakad, tumakbo
at
maglaro.

_____ 5. Ang dalawang taong gulang na bata


ay
nakakagawa na ng munting gawain.

10
Ang galing mo! Naiguhit mo ang tamang
mukha sa mga pahayag.

Sanayin Natin
Ngayon handa ka na bang sanayin ang
iyong sariling kaalaman?
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga
mahahahalagang pangyayari at pagbabago sa
buhay ng isang bata gamit ang bilang 1-6. Isulat ito
sa iyong kuwaderno.

_____ 1. Nakakagapang na

_____ 2. Nakakapaglaro na

_____ 3. Natututo nang maglakad

_____ 4. Nagsisimula na sa Kindergarten

_____ 5. Nakagagawa na ng munting gawain

11
_____ 6. Pumapasok na sa paaralang
elementarya

Mabuti at iyong naunawaan ang mga


tinatalakay sa mga gawain. Mahusay!

12
Tandaan Natin
Mayroong mga mahahalagang pangyayari sa
buhay ng tao na may kinalaman sa kanyang paglaki
simula isilang hanggang sa kasalukuyang edad.

Isang taong gulang


• Marunong nang gumapang
• Sumusubok nang tumayo

Dalawang taong gulang


• Marunong nang tumayo
• Natututo nang maglakad

Tatlong taong gulang


• Marunong nang maglakad
• Marunong na ring tumakbo at maglaro

Apat na taong gulang


• Marami nang nagagawang mga gawain
• Maaasahan na rin sa mga simpleng gawain

Limang taong gulang


• Nag-aaral na sa Kindergarten
• Marunong nang magbasa ng mga letra,
magbilang at sumulat
• Marami ng mga kaibigan

11
Anim na taong gulang
• Handa nang mag-aral sa unang baitang
• Marami nang matututunan sa paaralan
• Makakatulong na sa mga gawain
• Madadagdagan pa ang mga kaibigan

Suriin Natin

Handa ka na ba sa bagong gawain?

Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung angkop ang


ipinapakita sa larawan sa pangyayari at
pagbabago sa buhay ng isang bata na at ekis (X)
naman kung hindi angkop ang ipinapakita. Isulat ito
sa kuwaderno.

___ 1. Marunong nang maglakad,


tumakbo at maglaro.

12
___ 2. Maaasahan na siya sa mga
simpleng gawain.

___ 3. Marunong na siyang


magbasa
ng mga letra, magbilang at
sumulat.

___ 4. Marunong nang gumapang.

___ 5. Marunong nang tumakbo.

13
___ 6. Marami na siyang
matututunan
sa paaralan.

Nasagot mo ba
ang lahat ng
katanungan?
Magaling!
Ngayon isangguni
mo ang iyong mga
sagot sa susi ng
pagwawasto.

14
Payabungin Natin
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga
pagbabago at pangyayari sa buhay ng isang bata
sa mga sumusunod na taon. Gawin ito sa
kuwaderno.

Isang taong gulang


Tatlong taong gulang


15
Limang taong gulang

Napakahusay mo at nagampanan mo
nang wasto ang gawaing ito.

Pagnilayan Natin

Panuto: Piliin ang wastong sagot at isulat lamang


ang letra sa iyong kuwaderno.

1. Kailangan nang bantayang maigi si Aya dahil


marunong na siyang gumapang at sinusubukan
na rin niyang tumayo. Ilang taong gulang ang
bata sa pagbabagong ito ng kanyang buhay?
A. isang taon
B. dalawang taon
C. tatlong taon

16
2. Handa nang mag-aral sa unang baitang ang
anak ni Maria. Ilang taong gulang na ang
bata?
A. apat na taong gulang
B. limang taong gulang
C. anim na taong gulang

3. Masaya si Berto dahil maaasahan na sa mga


simpleng gawain ang kanyang bunsong anak
na lalaki. Ilang taong gulang na ito?
A. dalawang taong gulang
B. tatlong taong gulang
C. apat na taong gulang

4. Si Danica ay dalawang taong gulang na


kahapon. Alin sa mga sumusunod ang
nagagawa niya sa ganitong edad?

A. Tinutulungan siya ng kanyang mga


magulang
na makalakad.
B. Marami na siyang matututunan sa paaralan.
C. Nag-aaral na siya sa Kindergarten.

5. Tatlong taong gulang na si Allan. Anu-ano ang


kaya niyang gawin?
A. Marunong na siyang tumayo.
B. Marunong na siyang maglakad, tumakbo at
maglaro.

17
C. Marunong na siyang magbasa ng mga letra,
magbilang at sumulat.

Magaling!
Ngayong
natapos mo
na ang
bahaging ito,
isangguni
ang sagot sa
iyong guro.

Susi sa Pagwawasto
Sagutin Natin
1. Ang pangalan ng bata sa kuwento ay Aya.
2. Ipinanganak siya noong Mayo 19, 2014.
3. Tatlong taong gulang na si Aya noong marunong na siyang maglakad, tumakbo at
maglaro.
4. Ang nagagawa ni Aya noong isang taong gulang pa siya ay marunong na siyang
gumapang
at sinusubukan niya na ring tumayo.
5. Oo, dapat sa edad kung ito ay tutulong na ako sa mga gawaing bahay para makatulong
ako

18
sa aking mga magulang at matuto rin ako sa mga gawaing bahay.

Gamitin ang Rubrics sa pagbibigay ng puntos sa sagot ng mga mag-aaral.

Rubrics
Puntos Pamantayan
3 Tumpak at kumpleto ang sagot.
Tumpak ngunit hindi kumpleto ang
2
sagot.
1 Hindi tumpak at kumpleto ang sagot.
0 Kung walang sagot.
a 4.
5. c 3.
c 2.
4. a 1.

3. Pagnilayan Natin

x 6.
2. x 5.
√ 4.
1. √ 3.
x 2.
Gawin Natin: √ 1.

Suriin Natin:
d 6.
e 5. 6 6.
c 4. 4 5.
a 3. 5 4.
f 2. 2 3.
b 1. 3 2.
1 1.
Subukin Natin:
Sanayin Natin:

Mahusay! Natapos mo na rin ang


modyul tungkol sa mahahalagang
pangyayari at pagbabago sa buhay.

19
Sanggunian

Amita, Rodel Q., et al. Araling Panlipunan 1. Kagamitan ng mga Mag-


aaral (Sinugbuanong Binisaya). Binagong Edisyon 2017.

Tantry,Tanya MD. Babies Walking Too Early. July 16, 2019.


https://flo.health/being-a-mom/your-baby/growth-and-
development/early-walking-babies

MIPSS:Uniform.https://mipss.org/pg/uniform.html

Peacock, Fiona. When Do Babies Crawl? 7 Effective Tips To Help Start


Crawling. June 4, 2020.
https://www.bellybelly.com.au/baby/when-do-babies-crawl/

Mccarthy, Laura Flynn. ADH4 in 4 Year Old: Is it Safe to Diagnosed and


Treat.https://www.additudemag.com/adhd-in-preschoolers-is-4-too-
young-to- diagnose/

Tan, Gene. Where Every Child Matters at St. James’ Church


Kindergarten.
https://www.facebook.com/sjckparents/photos/a.2650443321659577/
2650473328323243

Farell, Carmen. More Chores! To Raise Responsible Children, Give


Them Responsibilities. https://www.kindercare.com/content-
hub/articles/2017/may/to-raise-responsible-children-give-them-
responsibilities

J, Rex. Newborn Baby Girl Early Wake Up & Stretching. March 16,
2014.
https://www.google.com/search?q=pictures+of+newborn+baby+girl
&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjIqcKr59HqAhWSH3AK

20
HW43BCkQ_AUoAXoECA0QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=EPjyN7dD
HctJRM

Ringuette, Chantal.Cute baby girl crawling Stock


Image.https://www.dreamstime.com/stock-photos-cute-baby-girl-
crawling image9157473
motherofmadness. Children Photography.
https://www.pinterest.ph/pin/273804852322470970/

Castillo, Jilliane E. A List of Household Chores Your 4 to 7-Year-Old Can


and Should
Do.https://www.smartparenting.com.ph/parenting/preschooler/hous
ehold-chores-your-4-to-7-year-old-can-and-should-be-doing-a1162-
20160818

Children’s Ministry. 107 Free Sunday School Lessons for Kids.


https://www.google.com/imgres?imgurl=https://hem7gp5hsv1ogmc
w17q5wsor-wpengine.netdna-ssl.com/wp-
content/upload/children/media/2016/02/107Frree-Sunday-
SchoolLessonsforids.jpg&imgrefurl=https://childrensministry.com/frees
undayschoollessons/&tbnid=FyfjqqshH1FB_M&vet=1&docid=N0zAUSR
t9L8mzM&w=1625&h=700&q=picture+of+a+Kindergarten+girl&source
=sh/x/im

MIPSS:Uniform. https://mipss.org/pg/uniform.html

https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrtSSjOYQlf
hEIAHqIGIYpQ;_ylu=X3oDMTBsZ29xY3ZzBHNlYwNzZWFyY2gEc2xrA2J

21
Inilimbag sa Pilipinas ng Learning Resource Management Section

Department of Education – Davao del Sur Division


Office Address: 22 Plaridel Streets, Zone 3, Digos
Corner Lapu-Lapu
City, Davao del Sur
Telefax: _________________________________
E-mail Address: lrmds.davsur@deped.gov.ph

You might also like