Aralingpanlipunan1quarter1slm1 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Kinatatakutan ni Ben
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Kinatatakutan ni Ben
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Divina A. Albutra, Ian Michael P. Cabaron, Fatima G. Tarusan
Editor: Anita S. Tampos
Tagasuri:
Tagaguhit: Ian Michael P. Cabaron
Tagalapat: Name
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Leonara Liza D. Dacillo, Ed.D

Inilimbag sa Pilipinas ng Learning Resource Management Section

Department of Education – Davao del Sur Division

Office Address: Corner Lapu-Lapu Plaridel Streets, Digos City, Zone 3, Davao del Sur

Telefax: ____________________________________________

E-mail Address: lrmds.davsur@deped.gov.ph


1

Araling
Panlipunan
Markahan 1 – Modyul 1:
Ang Kinatatakutan ni Ben
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1
ng Learning Resource Management Section (LRMS) Modyul para
sa araling Ang Kinatatakutan ni Ben.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 1 ng Learning
Resource Management Section (LRMS) Modyul para sa araling Ang
Kinatatakutan ni Ben.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-

ii
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Natin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Natin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Aralin Natin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Gawin Natin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sanayin Natin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Tandaan Natin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Suriin Natin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Payabungin Natin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Pagnilayan Natin Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Susi sa Pagwasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

iv
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin Natin

Maligayang pagbabalik sa pag-aaral mga bata!


Sa modyul na ito, matututunan ninyo ang mga
impormasyon tungkol sa inyong sarili at pag-alam sa mga
nangyayari sa paligid.
Kagaya sa pagkilala natin sa ating sarili, ating alamin ang
mga pangyayari sa ating kapaligiran.
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa:
pangalan, edad, pangalan ng magulang at tirahan
(AP1NAT-Ia-1)
2. nalalaman ang mga impormasyon tungkol sa COVID-19

1
Subukin Natin

Babasahin ng magulang ang direksiyon.


Pagtambalin ang larawan sa hanay A sa pahayag sa
hanay B.

Hanay A Hanay B

1. A. Ako si Mark, 6 na taong


gulang na ako.

2. B. sakit na kasalukuyang
naging pandemya

3. C. sakit mula sa poliovirus na


naging dahilan upang
maparalisa ang ibang
parte ng katawan

4. D. batang may sapat na


impormasyon sa mga
nangyayari sa
paligid

2
5. E. maliliit na bulutong-tubig na
tumutubo sa katawan

Aralin Natin

Mga bata ngayong araw samahan ninyo ako sa isang


kuwento na inyong babasahin, papakinggan, panunuurin
tungkol kay Ben. Siya ay isang batang kagaya ninyo na
papasok sa unang baitang sa paaralan.

3
4
5
6
7
8
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sino ang batang pinag-uusapan sa kuwento?
2. Ano ang itinanong ni Ben sa batang umiiyak upang siya
ay matulungan?
3. Ano ang kinatatakutan ni Ben na kinatatakutan din ng
ibang tao sa ibang lugar?
4. Bakit nanghina si Ben?
5. Ano ang gagawin mo upang maiwasan ang virus na
COVID-19?

9
Gawin Natin

Ngayong napakinggan mo na ang kuwento, babasahin


ng iyong magulang ang mga tanong at sasagutin mo ito.
1. Kung ikaw si Dante, iiyak ka rin ba kung maliligaw ka
at hindi mo na mahanap ang daan pabalik sa bahay
ninyo? Bakit?
2. Ano ang dapat mong gawin para makauwi ka nang
ligtas sa inyong bahay?
3. Iiyak ka ba agad kapag mayroon kang
karandaman? Bakit?
4. Saan posibleng makuha ang sakit na COVID-19?
5. Ano ang mangyayari sa batang sumusunod sa mga
paalala ng pamahalaan at ng magulang?

Sanayin Natin

Babasahin ng magulang ang direksyon. Iguhit ang


malungkot na mukha (☹) sa mga larawan na
nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.

1. _____ 2. _____ 3.
_____

4. _____ 5. _____

10
Tandaan Natin

Kinakailangang malaman ang mga impormasyon sa


tungkol sa iyong sarili.
➢ iyong pangalan
➢ pangalan ng iyong mga magulang
➢ kaarawan at edad
➢ tirahan
Magagamit mo ang mga impormasyon ito upang
maipakilala ang iyong sarili.
Kagaya nang pagkilala sa ating sarili, ating alamin ang
mga pangyayari sa ating paligid.
Ating tandaan na ang COVID-19 ay isang sakit na naging
pandemiya ngayon. Ito ay kumalat dahil sa sipon at talsik
ng laway mula sa pag-ubo at pagbahing. Ang mga taong
nagging positibo sa COVID-19 makararanas ng mga
sintomas kagaya ng lagnat, panghihina ng katawan,
makating lalamunan, tuyong ubo, pagtatae, pagkahilo,
hirap sa paghinga, at pulmonya. Wala pang nadiskubring
bakuna o gamot sa COVID-19. Pero patuloy ang mga
klinikal na pagsusuri sa posibleng gamot nito.
Sa pamamagitan ng impormasyon sa COVID-19,
maiiwasan at mababawasan ang paglaganap nito.

11
Suriin Natin

Babasahin ng magulang ang mga tanong at pipiliin ng


bata ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakilala sa sarili?
A. Ako si Pablo Lopez, 6 na taong gulang na ako.
B. Siya si Jana, nakatira sa lungsod ng Bansalan.
C. Sila ang aking mga kaibigan.
2. Piliin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakilala sa
sarili.
A. Si Athena ang aking kaibigan.
B. Nakatira ako sa Dolo, Bansalan, Davao del Sur.
C. Si Marcelito Cruz ang aking ama at si Perlita Cruz ang
aking ina.
3. Unang araw ng pasukan, gusto mong maging kaibigan
ang iyong katabi, ano ang gagawin mo?
A. Aawitan mo siya.
B. Manghihiram ka ng papel sa kaniya.
C. Ipapakilala mo ang iyong sarili.
4. Suriin ang mga larawan, alin ang nagpapakita ng
senaryo ng COVID-19 pandemya?

A. B. C.
5. Bilang isang bata, ano ang kaya mong gawin upang
makatulong sa panahon ng COVID-19 pandemya?
A. Tatawagin ang mga kapitbahay upang maglaro sa
labas ng bahay.
12
B. Kusang-loob na tutulong sa mga taong may sakit.
C.Lalayo sa mga taong nakitaan ng sintomas ng sakit
na
COVID-19 at iiwasan ang pagtipon-tipon.

Payabungin Natin

Kasama ang iyong magulang, isadula ang pangyayari sa


ibaba at ipakita ang dapat gawin sa sitwasyon.
Namasyal ka kasama ang iyong magulang sa mall.
Tuwang-tuwa mong tinitingnan ang mga laruan. Hindi mo
na namalayan na napalayo ka at hindi mo na makita ang
iyong magulang.

Pagnilayan Natin

Kumpletuhin ang mga pahayag.

Ako si _______________________________, _______ na


taong gulang. Nakatira sa
_____________________________________________.
Si ______________________________ ang pangalan sa
aking nanay at si ___________________________ ang aking
tatay.
Mula ngayon, ako ay nanunumpa na aalagaan
ang aking sarili. At susunod sa mga utos na mananatili
sa bahay at hindi gagala-gala sa labas.

13
14
Subukin Natin Gawin Natin Sanayin Natin
1. C 1. Gagabayan ng
1. ☹
2. E magulang ang sagot
3. A ng bata. 2. ☹
4. B 2. Lumapit sa mga
5. D 3. ☹
mapagkakatiwalaang
tao at humingi ng 4.
Aralin Natin
tulong. 5. ☹
1. Ben
3. Gagabayan ng
2. Pangalan, tirahan,
magulang ang sagot Suriin Natin
edad, pangalan ng
ng bata. 1. a
magulang
4. Sa lugar na lantad sa 2. a
3. Virus/Covid-19
nakakahawang 3. k
4. Nahawaan ng virus
4. a
5. Mag-ingat at manatili COVID-19 virus
5. k
sa bahay 5. Magiging ligtas sa
mga sakit o disgrasya.
Payabungin Natin
Pagkatapos nang
pagsasadula, kailangan
ang gabay ng magulang
upang lalong malaman
ng bata ang gagawin
kung sakaling maligaw.
Pagnilayan Natin
1. pangalan ng bata
2. edad
3. tirahan
4. pangalan ng ina
5. pangalan ng ama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

1. K to 12 Most Essential Learning Competencies with


Corresponding CG Codes Araling Panlipunan 1 pahina
24.
2. Miranda, Noel P., Ocampo, Odilon B., Amita, Rodel Q.,
Reyes, Violeta E., De Ramos, Malou M., Tiamzom, Lenie A.,
Adriano, Ma. Corazon V., Quintos, Emily R., Araling
Panlipunan 1 Patnubay ng Guro pahina 1-3.
3. Miranda, Noel P., Ocampo, Odilon B., Amita, Rodel Q.,
Reyes, Violeta E., De Ramos, Malou M., Tiamzom, Lenie A.,
Adriano, Ma. Corazon V., Quintos, Emily R., Araling
Panlipunan 1 Kagamitan ng Mag-aaral pahina 10.
4. larawan ng tanawin 1
https://www.pinterest.ph/pin/819795938389883659/
5. larawan ng tanawin 2
https://www.vectorstock.com/royalty-free-
vector/cartoon-of-meadows-vector-18808079
6. larawan ng kagubatan
https://www.vecteezy.com/vector-art/293753-seamless-
background-with-trees-in-park
7. larawan ng sala ng bahay
https://www.freepik.com/premium-vector/cartoon-
house-entrance-living-room-design_3693219.htm
8. larawan ng silid-tulugan
https://www.istockphoto.com/illustrations/bedroom-
clipart?mediatype=illustration&phrase=bedroom%20clip
art&sort=mostpopular
9. larawan ng mga batang naglalaro ng saranggola

15
https://www.clipartkey.com/view/TmiRbi_image-kids-
flying-kites-clipart/
10. larawan ng itim na ulap
https://ya-webdesign.com/explore/clouds-clipart-
creepy/
11. mga larawan ng mga sintomas COVID-19
Baquial, Dennis ug Defeo-Baquial, COVID-19 Dictionary
for Filipino Children pahina 4-10, 33.
12. larawan ng batang babae na nahawaan ng sakit
https://www.vecteezy.com/vector-art/1214693-
spreading-of-covid-19-to-a-girl
13. larawan ng batang may bulutong-tubig
https://www.clipart.email/clipart/clipart-chicken-pox-
cartoon-496493.html
14. larawan ng batang nakikinig ng radyo
http://clipart-library.com/clipart/979211.htm
15. larawan ng lugar na may giyera
https://images.app.goo.gl/SanQDSQNM1DCRbSo9
16. larawan ng kasal
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/bride-
and-groom-wedding-ceremony-on-the-beach-by-
vector-20450059

16
Para sa mga pangutana o komento, sulat o tawag sa:
Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like