Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 50

Prepared by:

MARY JANE I. PASCUAL


Lesson Plans for Multigrade Classes Position TEACHER III
Grades 3 and 4 District LAL-LO CENTRAL

Learning Area: AP Quarter: 1 Week: 8


Grade Level Grade 3 Grade 4
Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa rehiyon bilang Naipamamalas ang pang-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa
Pangnilalaman konseptong heograpikal upang mapahalagahan ang sariling ayon sa mga katangiang heograpikal gamit ang mapa
rehiyon gamit ang mapa at iba pang kasanayang
pangheograpiya
Pamantayan sa Nagagamit ang kaalaman sa kasanayang pangheograpikal sa Naipamamalas ang kasanayan sa paggamitng mapa sa pagtukoy ng
Pagganap pagpapanukala ng mga solusyon sa pangunahing problema o ibat-ibang lalawigan at rehiyon ng bansa
isyung pangkapaligiran ng sariling pamayanan bilang isang
rehiyon
Mga Kasanayan sa Nailalarawan ang mga pangunahing likas na yaman ng mga Naiisa-isa ang mgamagagandang tanawin at lugar pasyalan bilang
Pagkatuto lalawigan sa rehiyon AP3LAR-Ih-12 yamang likas ng bansa AP4AAB-Ig-h-10
Naihahambing ang topograpiya ng ibat –ibang rehiyon ng bansa gamit
ang mapang topograpiya AP4AAB-Ig-h-10
Naihahambing ang ibat-ibang rehiyon ng bansa ayon sa populasyon
gamit ang mapang topograpiya AP4AAB-Ig-h-10
UnangAraw
Layunin ng Aralin Nailalarawan ang mga pangunahing likas na yaman na Naiisa-isa ang magagandang tanawin at pook pasyalan sa bansa
matatagpuan sa lalawigan o rehiyon Nailalarawan ang katangian ng magagandang tanawin at pook pasyalan
sa bansa
Natutukoy ang kahalagahan ng magagandang tanawin at pook pasyalan
bilang bahagi ng likas na yaman ng bansang Pilipinas
Nakabubuo ng paraan sa wastong pangangalaga ng magagandang
tanawin at pook pasyalan bilang bahaging likas yaman ng bansang
Pilipinas
PaksangAralin Mga Pangunahing Likas na Yaman ng mga Lalawigan o Rehiyon Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yamang Likas ng
Bansa
KagamitangPanturo mga larawanng mga likas na yaman,paper,krayola,lapis Krayola,lapis,bond paper,mga larawan ng magagandang tanawin o
pook pasyalan sa bansa,mapa ng pilipinas
Pamamaraan Grouping Structures (tick boxes):
 Whole Class  Ability Groups
Use these letter icons to Describe the parts of the lesson (for example the  Friendship Groups
show methodology and introduction), where you may address all grade levels as  Other (specify)
assessment activities. one group.  Combination of Structures
 Mixed Ability Groups
DT
Direct Teaching  Grade Groups
GW Group Work Teaching, Learning and Assessment Activities
WHOLE CLASS ACTIVITY
IL Independent
Pagbabalita tungkol sa mga pangyayari na nagaganap sa mga yaman o sa mga pasyalan ng ating bansa.
Learning
DT IL
A Assessment Talakayan sa pinapakitang larawan ng mga pangunahing likas na Basahin ang teksto sa pahina 73-79.Punan ng sagot ang mga kahon
yaman. sa talahanayan.Gawin ito sa notbuk.
(Tingnan sa Appendix 1) (Tingnan sa Appendix 2)

GW DT
Paglalarawan sa mga yaman ng lalawigan o rehiyon. Talakayan sa naipakitang larawan ng mga magandang tanawin at
(Tingnan sa Apendiks 3) pook pasyalan sa bansa
(Tingnan sa Apendiks 4)
IL GW
Pagguhit ng mga likas na yaman ng ating rehiyon pagkatapos ay Hatiin ang klase sa dalawang grupo.
ilarawan ang kanilang ginawa. Pagguhit sa manila paper ng tanawin na napasyalan na nila. Saan ito
(Tingnan sa Apendiks 5) matatagpuan?
(tingnan sa Apendiks 6)
A A
Paghambing sa mga likas na yaman n gating lalawigan at ang Pagbuo sa mga kahon sa pahalang at pababa na palaisipan ayon sa
karatig lalawigan nito. mga inilalarawan ngmga magagandang tanawin at lugar pasyalan.
(Tingnan sa Apendiks 7) (tingnan sa Apendiks 8)
MgaTala
Pagninilay
IkalawangAraw
Layunin ng Aralin Natutukoy ang mga likas na yaman sa mga lalawigan o rehiyon Nasasabi ang kahulugan ng topograpiya
Nailalarawan ang topograpiya ng sariling pamayanan at mga karatig
pamayanan sa sariling rehiyon
PaksangAralin Mga Pangunahing Likas na Yaman ng mga Lalawigan o Rehiyon Ang Topograpiya ng Ibat-Ibang Rehiyon ng Bansa at Ang
Populasyon ng Bawat Rehiyon sa Bansa
KagamitangPanturo mga larawan ng mga likas na yaman,manila paper,krayola,lapis mapang topograpiya ng Pilipinas, tsart ng populasyon
Pamamaraan: Grouping Structures (tick boxes):

Use these letter icons to  Whole Class  Ability Groups


show methodology and Describe the parts of the lesson (for example the  Friendship Groups
assessment activities. introduction), where you may address all grade levels as  Other (specify)
one group.  Combination of Structures
DT Direct Teaching  Mixed Ability Groups
GW Group Work  Grade Groups
IL Independent Teaching, Learning and Assessment Activities
WHOLE CLASS ACTIVITIES
Learning
Ano ang paksang ating napag-aralan kahapon?
A Assessment
DT IL
Ipatukoy sa mga mag-aaral kung anong uri ng likas na yaman ang Pag-aralan ang mapang topograpiya ng bansa. Paghambingin ang
nasa mga lalawigan o rehiyon. mga rehiyon ayon sa anyong lupa at anyong tubig ng mga ito.Punan
*Ano-ano ang mga yamang tubig na nakikita sa ating rehiyon? ng sagot ang talahanayan.
*Ano-Ano ang mga yamang lupa na makikita sa ating rehiyon? (Tingnan ang Apendiks10)
*Ano-ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga likas na yaman
ng rehiyon?(Tingnan ang Apendiks9)
GW DT
Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Talakayan sa pinakitang mapang topograpiya ng bansa
Alamin ang mga likas na yaman sa bawat lalawigan Talakayan tungkol sa pinapakitang talahanayan ng populasyon at ng
(Tingnan ang Apendiks11) sukat ng ibat-ibang rehiyon
(Tingnan ang Apendiks 12)

IL GW
Itala ang mga likas na yaman na nasa lalawigan o rehiyon. Magpangkat-pangkat ayon sa bilang ng mga rehiyon.
(Tingnan ang Apendiks 13) Topograpiya ng rehiyon.
(Tingnan ang Apendiks 14)

A A Pagsulat sa loob ng kahon sa hinihinging impormasyon.


Kilalanin kung saang lalawigan makukuha ang mga likas na yaman. (Tingnan ang Apendiks 16
(Tingnan ang Apendiks 15)

MgaTala
Pagninilay
IkatlongAraw
Layunin ng Aralin Nasasagot ang lingguhang pagsusulit na may 80% na pagkatuto Nasasagot ang lingguhang pagsusulit ng may 80& na pagkatuto
PaksangAralin
KagamitangPanturo Test papers,test questions Test papers,test questions
Procedure Teaching, Learning and Assessment Activities
WHOLE CLASS ACTIVITY

Sabihin sa mga mag-aaral ang mga pamantayan ng pagsusulit


A A
See apendiks 17 See apendiks 18
Remarks
Reflection
REFERENCES

GRADE III GRADE IV

Prepared by: Checked by: Validated by:

MARY JANE I. PASCUAL MARITES S. LINGAN JOSE M. MATAMMU


T3/LAL-LO CENTRALDISTRICT PSDS EPS – Filipino/MG Coordinator
APPENDICES

Apendiks 1 AP34/Q1/W8
Unang Araw, Ikatlong Baitang

Mga Likas na Yaman ng Rehiyon


Ang rehiyon 2 ay kilala sa tawag na Lambak ng Cagayan. Ito ay nasa pagitan ng
mga bundok at ilang mga lugar na nakalapat sa mga baybaying dagat at ilog. Binubuo ang
rehiyon 2 ng mga lalawigan ng Cagayan,Isabela,Quirino,Nueva Vizcaya at Batanes.
Ang Lambak ng Cagayan ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa Hilagang-
Silangang Luzon,sa pagitan ng kabundukang Cordilleras at ng Sierra Madre.Binabagtas ng
Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa bansa, ang gitna ng rehiyon ay dumadaloy
patungong kipot ng Luzon sa hilaga.
Ang pangunahing ikinabubuhay ng mamamayan ay pagsasaka.

Matatagpuan din sa rehiyon ang minahan ng manganese sa bayan ng Lal-lo.

Ang pangingisda ay isa rin sa pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan ng


Cagayan. Kilala din sa paggawa ng bagoong na isda ang mga baying malapit sa tabing
dagat.
Ang ibang mga anyong tubigna makikita sa rehiyon ay ang Ilog Cagayan at Magat
Dam na pawing pinagkukunan ng patubig sa mga pananim.
Sa mga bulubunduking bahagi ng rehiyon ay mga pangunahing pinagkukunan ng
likas yaman ng Lambak ng Cagayan tulad ng table, mineral, at pagkain. Malaki ang
naambag ng rehiyon sa mga produktong pang agrikultura.
Apendiks 2 AP34/Q1/W8
Unang araw, Ikaapat na Baitang

Panuto: Punan ang talahanayan ng tamang sagot. Gawin ito sa notbuk.

Magandang Tanawin Lugar kung saan Natatanging katangian


matatagpuan
Bulkang Taal

Bulkang Mayon

Chocolate Hills

Hundred Islands

Apendiks 3 AP34/Q1/W8
Unang araw, Ikatlong Baitang

Panuto:Hanapin ang mga likas na yaman sa Cross Word Puzzle.Maaring ito ay


pahalang,pababa,pataas at pahilis . kulayan ito ng pula.Ilarawan ang bawat isa.
K A B C N D E F P T

A G D J O K L M A U
B C V S P N M Y L L
I A M A I S A T A Y
B R Y O H L T R Y A
I T U P U B R O H Y
M A N G A N E S E F

A L I M A N G O T G

Apendiks 4 AP34/Q1/W8 Unang Araw,


Ikaapat na Baitang

MGA MAGAGANDANG TANAWIN AT POOK PASYALAN SAPILIPINAS


PAGSANJAN FALLS
PUERTO PRINSESA
MARIA
MARIA CRISTINACRISTINA
FALLS FALLS

UNDERGROUND RIVER
MAYONVOLCANO
MAYON VOLCANO
Ano-anong magagandang tanawin at pook-pasyalan ang makikita sa inyong
pamayanan? Ipinagmamalaki mo ba ang mga ito? Ang magagandang tanawin at
pook-pasyalan ay bahagi ng mga likas na yaman ng bansa. Maaaring gawa ng
tao o sadyang likas ang anyo ng mga lupa at tubig na nakaaakit sa sino mang
makakita nito. Hindi lamang tayo ang humahanga sa kagandahan ng mga ito.
Maging ang mga turista sa ibang bansa ay nabibighani rin. Kaya naman,
dinarayo nila ang magagandang tanawing ito. Ang ilan sa mga ito ay kilala na
sa buong mundo. Ikaw, ano-anong tanawin at pook-pasyalan sa Pilipinas ang
napuntahan mo na? Maghanda ka at papasyalan natin ang magagandang lugar at
tanawin na ito.
ALAMIN MO

Noong Nobyembre 2011, napasama sa listahan ang Puerto Princesa


Subterranean River National Park na pagpipilian para sa New Seven Wonders
of Nature. Nakumpirma ang pagpiling ito noong Enero 2012. Dagdag pa rito,
ito ay napasama sa talaan ng United Nations Educational, Scientific and
Cultural Organization (UNESCO) bilang World Heritage Site noong 1999 dahil
sa kagubatan at katubigan nito na napapanatiling angkop na tirahan ng mga
hayop at lamang-tubig at katatagpuan ng iba-ibang uri ng halaman.
It’s more fun in the Philippines! Ito ang kampanya ng Kagawaran ng
Turismo sa magagandang tanawin at pookpasyalan sa Pilipinas. Isa-isahin natin
ang mga ito. Nangunguna ang Puerto Princesa Subterranean River National
Park na makikita sa Palawan. Ang Subterranean River o Underground River ay
isang mahabang ilog sa ilalim ng yungib na may mga batong mineral. Mistulang
nakarating sa paraiso ang naging reaksiyon ng pangulo ng New Seven Wonders
of Nature na si Bernard Weber nang kaniyang bisitahin ang Underground River
sa kauna-unahang pagkakataon.

MGA POOK PASYALAN SA PILIPINAS

Mga Pook-Pasyalan sa Mindanao


Sa bahaging Mindanao, makikita ang Talon ng Maria Cristina sa
Lungsod ng Iligan sa Lanao del Norte na isa sa pinakamataas na talon sa bansa.
Mula sa Ilog Agus ang talon na ito na may taas na 320 talampakan. Ang lakas
nito ang nagtutustos ng koryente sa malaking bahagi ng lungsod. Kilala naman
ang Zamboanga sa mga vinta, isang tradisyunal na bangkang matatagpuan sa
mga baybayin ng Lungsod ng Zamboanga. Makukulay ang banderitas nito na
sumisimbolo sa makulay at mayamang kultura at kasaysayan ng mga
naninirahan dito. Ang Bundok ng Apo sa pagitan ng mga lalawigan ng Davao at
Hilagang Cotabato ay ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Ito ang tahanan
ng ibong agila o Philippine monkey-eatingeagle. Tinatawag na haribon ang
pambansang ibon ng bansa. Dahil kakaunti na lamang ang lahi nito, itinayo ng
pamahalaan ang Philippine Eagle National Center sa Malagos, Davao. Dito
kinukupkop at pinararami ang mga agila. Ang Rizal Shrine ay dating tirahan ng
bayaning si Jose Rizal sa Lungsod ng Dapitan, Zamboanga del Norte. Makikita
rito ang mga punong itinanim ni Rizal noong nanirahan siya rito.

Mga Pook-Pasyalan sa Kabisayaan


Sadyang marami ring tanawing nakabibighani sa Kabisayaan. Ang
Boracay Beach sa lalawigan ng Aklan ay tinatayang may habang pitong
kilometro at hugis buto ng aso ang kaanyuan. Pinong-pino at maputi ang
buhangin dito kaya maraming Pilipino at dayuhang turista ang nagpupunta ano
mang buwan ng taon. Kahanga-hanga ang mga burol na matatagpuan sa
Carmen, Bohol. Ito ang Chocolate Hills na tumpok-tumpok na mga burol.
Kapag panahon ng tag-ulan, kulay luntian ang halaman sa mga burol at kapag
panahon ng tag-araw, kulay tsokolate ang mga ito. Ang hugis at kulay ng mga
ito ang pinaghanguan ng kaniyang pangalan. Narito rin sa Bohol ang
pinakamaliit na unggoy, ang tarsier. Gusto mo bang malaman ang
pinakamahabang tulay sa Pilipinas? Ito ang tulay ng San Juanico na nag-uugnay
sa mga lalawigan ng Samar at Leyte. Mabilis ang paglalakbay ng mga tao at
pagdadala ng mga produkto sa pamamagitan ng tulay San Juanico. Dumako
naman tayo sa Cebu, isang lalawigang napakayaman sa kasaysayan.
Matatagpuan sa lungsod ng Cebu ang Krus ni Magellan at iba pang pananda ng
ating kasaysayan. Narito rin ang Sto.NiñoShrine na dinarayo di lamang ng mga
turista kundi maging ng mga relihiyoso tuwing kapistahan nito ng Enero.

Mga Pook-Pasyalan sa Luzon


Ano-ano naman kaya ang magagandang tanawin at pookpasyalan sa
Luzon? Nangunguna rito ang Hagdan-hagdang Palayan sa Banaue, Ifugao.
Itinanghal ng UNESCO ang tanawing ito bilang World Heritage Site dahil sa
kamangha-manghang pagkakagawa nito na hinubog ng mga ninunong Ifugao.
Isa itong patunay ng sipag at tiyaga ng mga Pilipino. Ang Vigan sa Ilocos Sur
ay kabilang din sa mga natatanging pook o World Heritage Site na iginawad ng
UNESCO. Ang kauna-unahang windmills sa Pilipinas ay nasa Bangui, Ilocos
Norte, kaya tinawag itong Bangui Windmills. Nakaharap sa dagat ang
malalaking elise nito na pinagku- kunan ng lakas enerhiya mula sa hangin.
Bumaba tayo mula sa bundok ng Banaue papuntang Pangasinan. Sa Lungsod ng
Alaminos ay matatagpuan ang Hundred Islands. Ito ay tumpok-tumpok na mga
pulo na nagkalat sa Golpo ng Lingayen. Tatlo sa mga pulo ang ginawang
atraksiyon sa mga turista. Ito ay ang Governor’s Island, Quezon Island, at
Children’s Island.
Maraming bulkan sa Pilipinas ngunit ang pinakamaganda ay ang Bulkang
Mayon dahil sa halos perpektong hugis ng kono nito. Pinakaaktibong bulkan ito
sa bansa na matatagpuan sa Albay, rehiyon ng Bicol. Hinango ang pangalan nito
sa isang alamat ng Bicol na Daragang Magayon na ibig sabihin ay “magandang
dalaga.” Isa pang bulkan sa Luzon na dinarayo ng mga turista ang Bulkang Taal
na nasa gitna ng Lawa ng Taal sa Batangas. Nalibang ba kayo sa pamamasyal?
Tunay na kahanga-hanga ang magagandang tanawin at pook-pasyalan sa ating
bansa. Sa pagpunta sa mga pook na ito, tayo ay nalilibang at masayang
nagpapasalamat dahil biniyayaan tayo ng mga yamang ito. Kaya, tungkulin ng
bawat mamamayang tulad mo na pangalagaan at panatilihin ang kagandahan ng
mga tanawing ito.

Apendiks 5 AP34/Q1/W8
Unang araw , Ikatlong Baitang

Panuto:Gumuhit ng limang mga likas na yaman ng ating rehiyon.


Rubrics

Puntos 5 3 1

Kalinisan Pinakamalinis Malinis Di gaanong


malinis

kaayusan Pinakamaayos Maayos Di gaanong


maayos

Kagandahan Pinakamaganda Maganda Di gaanong


maganda
Apendiks 6 AP34/Q1/W8
Unang araw , Ikaapat na Baitang

Panuto:Gumuhit sa manila paper ng mga tanawin o pook pasyalan na


napasyalan niyo na at kung saan ito matatagpuan.

Rubrics

Puntos 5 3 1

Kalinisan Pinakamalinis Malinis Di gaanong


malinis

kaayusan Pinakamaayos Maayos Di gaanong


maayos

Kagandahan Pinakamaganda Maganda Di gaanong


maganda
Apendiks 7 AP34/Q1/W8
Unang araw , Ikatlong Baitang

Panuto:Paghambingin ang mga likas na yaman ng ating lalawigan sa mga


karatig lalawigan nito.
Mga likas na yamanng ating lalawigan Mga likas na yamanngmga karatig
lalawigan
Apendiks 8 AP34/Q1/W8
Unang araw , Ikaapat na Baitang

Panuto:Buuin sa mga kahon sa pahalang at pababa na palaisipan ayon sa mga


inilalarawan ng magagandang tanawin at pook pasyalan.

Pahalang
1. Magandang bulkan na nasa gitna ng lawa.
2. Matatagpuan sa Dapitan,Zambaonga del Norte sa Mindanao na tirahan ng
bayani na si Jose Rizal.
3. Isang tradisyonalna bangkang matatagpuan sa mga baybayin ng lingsod
ng Zamboanga.
Pababa
4. Pinakamaliit na unggoy.
5. Tumpok – tumpok na mga burol.Kung tag-araw ito ay kulay tsokolate ang
mga halaman sa mga burol.

1 4
5
2

3
Apendiks 9 AP34/Q1/W8
Ikalawang araw , Ikatlong Baitang

Talakaying muli ang nasa Appendix 1 ng Unang araw.

Mga Tanong:
1.Ano-ano ang mga yamang tubig nanakikita sa rehiyon?
2.Ano-ano ang mgayamang lupa na nakikita sa rehiyon?
3.Ano-ano ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng mga likas na yaman sa
rehiyon?
Apendiks 10 AP34/Q1/W8
Ikalawang araw, Ikaapat na Baitang

Pagpapakita sa mapang topograpiya ng bansa.


Tingnan mabuti ang mapa. Paghambingin ang mga nakikita sa mapa.Isulat ang
mga sagot sa sagutang papel
Apendiks 11 AP34/Q1/W8
Ikalawang araw, Ikatlong Baitang

Pangkatang Gawain
Panuto:Ano-ano ang mga yamang lupa at tubig sa sariling lalawigan?
Ano-ano naman ang mga yaman sa lalawigan ng Isabela at Quirino?
Ano-ano naman ang mga yaman sa iba pang karatig na lalawigan ng Nueva
Vizcaya at Batanes?
Pag-usapan sa sariling pangkat at punan ng impormasyon ang Venn Diagram.
Gawin ito sa sagutang papel.

Yamang Lupa/Tubig Yamang Lupa/Tubig Yamang Lupa/Tubig


Sa sariling lalawigan sa lalawigan ng sa lalawigan ng
Isabela at Quirino Nueva Vizcaya at
Batanes
Apendiks 12 AP34/Q1/W8
Ikalawang araw, Ikaapat na Baitang

Topograpiya ng Bansa

Ang Pilipinas ay isang kapuluan (archipelago) na binubuo ng 7 107


malalaki at maliliit na mga pulo. Sa pangkalahatan, ito ay mabundok kaya’t
sagana sa mga bundok, bulubundukin, at lambak. Ang pinakamataas na bundok
ay ang Bundok Apo na halos 2 926.82 kilometro ang taas. Tatlong malalawak
na bulubundukin ang matatagpuan sa Luzon. Ito ay ang Caraballo Sur sa may
Abra, Ilocos Norte, at Cagayan; ang Caraballo Occidental na nahahati sa
Cordillera Norte at Cordillera Central; at ang Sierra Madre na siyang
pinakamahabang bulubundukin mula Cagayan hanggang Laguna de Bay. Ang
ating bansa ay may bako-bakong lupa at paliko-likong baybayin. Napakahaba
ng baybayin kaya naman maraming lugar na angkop sa pangingisda.
Inilalarawan ng mga pahayag ang pangkalahatang topograpiya ng Pilipinas.
Ang topograpiya ay tumutukoy sa paglalarawan ng anyo o hugis ng isang lugar.
Bilang mag-aaral, kailangang malaman di lamang ang topograpiya ng iyong
rehiyon kundi maging ang topograpiya ng bawat rehiyon. Ang rehiyon ay isang
subdibisyong pampangasiwaan sa bansa. Bilang pagsunod sa Atas ng Pangulo
Bilang 773, hinati ang bansa sa mga rehiyon. Ang paghahati ng bansa sa mga
rehiyon ay ginawa batay sa pagkakatulad ng pisikal na kapaligiran o yaong
magkakalapit ang kinaroroonan; pagkakaisa ng kultura o pagkakapareho ng
wika, pagkain, paniniwala at tradisyon; at sa pinagkukunang-yaman at gawaing
pangkabuhayan o pagkakaugnay ng mga produkto at hanapbuhay. Nahahati sa
labimpitong rehiyon ang ating bansa. Ang mga rehiyon sa Luzon ay ang
sumusunod: • Rehiyon I Rehiyon ng Ilocos •
Rehiyon II Lambak ng Cagayan • Rehiyon
III Gitnang Luzon • Rehiyon IV–A
CALABARZON • Rehiyon IV–B MIMAROPA • Rehiyon V
Rehiyon ng Bicol • Cordillera Administrative Region
(CAR) • National Capital Region (NCR

Ang mga rehiyon sa Kabisayaan ay ang sumusunod: • Rehiyon VI


Kanlurang Visayas • Rehiyon VII Gitnang Visayas •
Rehiyon VIII Silangang Visayas Ang mga rehiyon sa Mindanao
ay ang sumusunod: • Rehiyon IX Tangway ng Zamboanga •
Rehiyon X Hilagang Mindanao • Rehiyon XI Rehiyong
Davao • Rehiyon XII Gitnang Mindanao • CARAGA •
Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)

Rehiyong Luzon
Ang Rehiyon I o Rehiyon ng Ilocos ay nasa Hilagang Kanluran ng
Luzon, baybayin ng Dagat Kanlurang Pilipinas at kanluran ng Bulubundukin ng
Cordillera. Ang mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union ay
sagana sa maraming bundok ngunit makitid ang mga kapatagan. Tanging ang
Pangasinan ang may malawak na kapatagan. Ang Golpo ng Lingayen na tanyag
na anyong tubig sa rehiyon ay may maliliit na pulo. Kabilang dito ang Hundred
Islands. Ang Lambak ng Cagayan o Rehiyon II ay nasa Hilagang Silangang
Luzon na napapalibutan ng mga bulubundukin ng Sierra Madre sa silangan,
Bulubundukin ng Cordillera sa kanluran, at Bulubundukin ng Caraballo sa
timog. Ang rehiyon ay binubuo ng mga lambak, burol, bundok, at baybayin.
Binabagtas ng Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa bansa, ang gitna ng
rehiyon at dumadaloy patungong Kipot ng Luzon sa hilaga. Ang lambak ay
isang mahaba at mababang anyo ng lupa na nasa pagitan ng bundok o burol.
Ang Lambak ng Cagayan ang pinakamalaking lambak sa bansa. Isang
bulubundukin ang Cordillera Administrative Region samantalang ang Rehiyon
III ay isang malawak na kapatagan at itinuturing na pinakamalawak na
kapatagan sa buong bansa. Ang Rehiyon IV–A at IV–B ay nasa Katimugang
Luzon sa gawing kanluran ng Karagatang Pasipiko at silangan ng Dagat

Kanlurang Pilipinas. Ang dalawang rehiyon ay binubuo ng mga kapatagan,


bundok, burol, at bulkan. Samantala, mapulo ang mga lalawigan sa Rehiyon
IV–B. Tinatawag na tangway ang Rehiyon V o Rehiyong Bicol na halos
napapalibutan ng tubig. Ang tangway ay anyo ng lupa na nakausli nang pahaba
at napalilibutan ng tubig. May mga lambak, bundok, bulkan, at maliliit na pulo
sa rehiyong ito.

Rehiyong Kabisayaan
Nasa pagitan ng Dagat Visayas at Dagat Sulu ang Rehiyon VI o
Kanlurang Visayas. Malawak ang kapatagan nito na may mga burol at bundok.
Sa mga lalawigan nito ay may nagdaraang mga ilog. Ang Rehiyon VII o
Gitnang Visayas na nasa pagitan ng Silangang Visayas at Kanlurang Visayas ay
mabundok at maburol ngunit may mga bahaging lambak at kapatagan.
Nakaharap sa Karagatang Pasipiko ang Silangang Visayas o Rehiyon VIII.
Maburol ang lalawigan ng Samar samantalang ang pulo ng Leyte ay may
bahaging mabundok at may bahagi ring kapatagan.

Rehiyong Mindanao
Sa Mindanao, nasa Timog-kanlurang bahagi ng Pilipinas ang lokasyon
ng Rehiyon IX o Tangway ng Zamboanga. Isang
malaking tangway ang rehiyon at may malawak na kabundukan at
kagubatan. Iba-iba naman ang anyo ng lupa sa
Rehiyon X o Hilagang Mindanao. May malawak na kapatagan,
talampas, makikitid at malalalim na lambak, at mga pulo ito. Ang talampas ay
anyo ng lupa na mataas ngunit patag ang ibabaw nito. May mga bahaging
mabundok, may kapatagan, at may bulkan ang Rehiyon XI o
Rehiyong Davao. Itinuturing namang “Kamalig ng
Palay sa Mindanao” ang Rehiyon XII o Gitnang
Mindanao. May mga bahaging mabundok, may kapatagan, at may bulkan
ang rehiyong ito. Matataas ang mga lugar sa CARAGA ngunit may mga lambak
at kapatagan ding matatagpuan dito. Ang Autonomous Region in Muslim
Mindanao ay may lalawigang pulo at may bahaging mabundok.

Ang National Capital Region


Ang National Capital Region na isang malawak na kapatagan ang sentro
ng pamahalaan, edukasyon, relihiyon, at industriya. Pinaliligiran ito ng
lalawigan ng Bulacan sa hilaga, Rizal sa silangan, Cavite at Laguna sa timog, at
Look ng Maynila sa kanluran.

Mga Karagdagang katanungan:


1. Ano-ano ang mga anyong tubig at anyong lupa na makikita sa mapa?
2. Ano ang mga ibat-ibang simbolo naginamit sa mapa?
3. Ano ang kahalagahan ng mapang topograpiya sa ating bansa?
4. Ano ang mapang topograpiya?

Alam niyo ba kung gaano na karami ang bilang ng tao dito sa ating bansa?
Ano ang ibig sabihin ng populasyon?
Ano-anong rehiyon ang may pinakamalaking populasyon at may
Pinakamaliit napopulasyon?

Alamin

Ang populasyon ayon sa sosyolohiya ay katipunan ng mga tao.


Tumutukoy ito sa bilang ng mga tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar o
rehiyon. Ang Pilipinas ay binubuo ng 17 rehiyon na may iba’t ibang bilang ng
populasyon. Tingnan ang sumusunod:

Rehiyon Populasyon (2010, milyon)

LUZON
I – Rehiyon ng Ilocos 4.74
II – Lambak ng Cagayan 3.23
III – Gitnang Luzon 10.14
IV-A – CALABARZON 12.61
IV-B – MIMAROPA 2.73
V – Rehiyon ng Bicol 5.41
Cordillera Administrative Region 1.52
National Capital Region 11.86
VISAYAS VI – Kanlurang Visayas 7.09
VII – Gitnang Visayas 6.78
VIII – Silangang Visayas 4.09
MINDANAO IX – Tangway ng Zamboanga 3.40
X – Hilagang Mindanao 4.28
XI – Rehiyon ng Davao 4.45
XII – SOCCSKSARGEN 4.10
XIII – Caraga 2.42
Autonomous Region in Muslim Mindanao 3.25
Ang rehiyon ng CALABARZON o Rehiyon IV–A na may sukat lamang
na 16 386 kilometro kuwadrado (Ang isang kilometro kuwadrado ay katumbas
ng isang kuwadrado na may habang isang kilometro bawat gilid.) ang may
pinakamalaking bilang ng naninirahan. Pumapangalawa ang National Capital
Region na may sukat na 638.55 kilometro kuwadrado, samantalang ang
Cordillera Administrative Region na may sukat na 18 294 kilometro kuwadrado
ang may pinakamaliit na bilang ng naninirahan. Pumapangalawa sa may
pinakamaliit na bilang ang Caraga na may sukat na 21 471 kilometro
kuwadrado. Sa madaling salita, hindi batayan ang laki ng sukat o lawak ng
isang lugar ng laki ng populasyon.
Apendiks 13 AP34/Q1/W8
Ikalawang araw , Ikatlong Baitang

Isulat ang mga pangunahing likas na yaman ng mga lalawigan sa sariling


rehiyon sa data Retrieval Chart sa sagutang papel.

Mga Yamang Lupa Yamang Yamang Yamang


lalawigan sa Tubig Gubat mineral
sariling
rehiyon

Cagayan

Isabela

Quirino

Nueva
Vizcaya

Batanes
Apendiks14 AP34/Q1/W8
Ikalawang araw, Ikaapat na Baitang

Pangkatin ang mga bata ayon sa bilang ng mga rehiyon sa bansa.

Panuto:Iguhit sa manila paper ang mapa ng rehiyong nakatakda sa inyong


pangkat.Lagyan ng kaukulang simbolo para sa mga
bundok,burol,ilog,dagat,talon atbp.

Rubrics

Puntos 10 7 5

Kalinisan Pinakamalinis Malinis Di gaanong


malinis

kaayusan Pinakamaayos Maayos Di gaanong


maayos

Kagandahan Pinakamaganda Maganda Di gaanong


maganda

Apendiks 15 AP34/Q1/W8
Ikatlong araw, Ikatlong Baitang
Panuto:
Isulat kung saang lalawigan makukuha ang mga sumusunod na likas na yaman
sa ating rehiyon.

1.Palay
2.Manganese
3.Troso
4.Mais
5.Isda

Apendiks 16 AP34/Q1/W8
Ikalawang araw, Ikaapat na Baitang

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang hinihinging impormasyon .


Unang dalawang Kinabibilangang Unang dalawang Kinabibilangang
rehiyon na may pulo na may rehiyonna may pulo na may
pinakamalaking pinakamalaking pinakamaliit pinakamaliit na
populasyon populasyon napopulasyon populasyon

Apendiks 17 AP34/Q1/W8
Ikatlong Araw, Ikatlong Baitang

A.Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik sa patlang.

HANAY A HANAY

1.Isabela _______A. palay


2.Cagayan _______B. balatong capitai
3.Nueva Vizcaya _______C.prutas,gulay
4.Quirino _______D.isda,hipon
5.Batanes _______E. ginto
_______F.mais
______ G.putik
______ H.tubo
______ I.manganese
______ J.tulya,alimango

Apendiks 18 AP34/Q1/W8
Ikatlong araw, Ikaapat na Baitang

Panuto:
A. Pagtambalin ang hanay A sa hanay B.Isulat lamang ang titik ng tamang
sagot

HANAY A HANAY B

1. Boracay Beach A. Batangas


2. Talon ng Maria Christina B. Bangui Ilocos Norte
3. Bulkang Taal C. Bohol
4. Hagdan Hagdang Palayan D. Albay
5. Vinta E. lalawigan ng Samar
6. Tulay ng SanJuanico F. Banaue Ifugao
7. Chocolate Hills G. Cebu
8. Bulkang Mayon H. Lanao del Norte
9. Bangui Wind Mills I. Aklan
10.Puerto prinsesa J.Zamboanga

B.Hanapin sa mapa ang rehiyon kung saan makikita ang karamihan sa


mga sumusunod na simbolo:

1. 4.

2. 5.

3.

Apendiks 19 AP34Q1W8

SUSI SA PAGWAWASTO APENDIKS 17

A. 2
B. 1
C. 3
D. 5
E. 4
F. 1
G. 2
H. 2
I. 2
J. 5

SUSI SA PAGWAWASTO APPENDIX 18

A.1.I B.1.Rehiyon IX,X,XI,XII


2.H 2. Rehiyon II,I,CAR
3.D 3. Rehiyonng Visayas
4.F 4. Rehiyon IV
5.J 5. Rehiyonng Mindanao
6.E
7.C
8.D
9.B
10.G

You might also like