Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“LAKBAY BAYAN”

Napasyalan niyo na ba ang mga magagandang tanawin dito sa Bayan ng Sual? Kung hindi pa,
tara at ating silipin ang mga natatanging atraksyon na matatagpuan rito.

(Matiko Falls, Siaosio West)


Matapos ang halos apatnaput limang minutong lakaran ay narating narin sa wakas ang isa sa
nakamamanghang lugar dito sa Bayan ng Sual. Ito ang tinatawag na Matiko Falls na tinaguriang
ding death falls. Ang naturang tanawin ay matatagpuan dito sa Barangay Siaosio West. Ating
tunghayan at mabighani sa ganda nito

(Pila River, Camagsingalan)


Sariwang hangin, naglalakihang bato at rumaragasang agos ng tubig… yan ang masasaksihan
kung magtutungo dito sa Pila River sa pagitan Barangay Camagsingalan at Barangay
Calombuyan.

(Mount Andeket Bato, Victoria)


Breathtaking experience naman kung ituring ng ilan ang pag-akyat sa Mount Andeket Bato sa
barangay Victoria. Bagama’t nakakapagod ang pag-akyat rito ay hindi naman matatawaran ang
aliw na hatid nito. Malamig at sariwang hangin, kakaibang mga rock formations at magandang
tanawin… ilan lamang ito sa mga masasaksihan at mararanasan sa lugar na ito. Mula sa itaas ng
Andeket bato ay matatanaw ang Hundred Islands ng Alaminos City. Makikita rin mula rito ang
Team Energy Powerplant. Ang mga rock formations naman dito ay kakaiba sapagkat itim ang
kulay dahilan kung bakit tinawag itong Andeket Bato.

Ilan lamang yan sa magagandang tanawin dito sa bayan ng Sual. Kaya’t ano pang hinihintay
ninyo? Pasyal na!

Ako si Merlinda Bollizer, umaarangkada…

You might also like