Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Panitikan Filipino III

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, inaasahang 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Makapagbahagi ng aral at kanilang natutunan sa alamat.
b) Nailalahad o natutukoy ang mga pangalan ng tauhan sa binasang
alamat.
c) Napagsusunod-sunod ang pangyayaring naganap sa alamat.

II. Paksang-Aralin
A. Pintig ng Lahing Pilipino: ”Alamat ng Pinya”
B. Alinsunod sa K to 12 Curriculum 3
Conception D. Javier, PhD at Jovita C. Jose
C. Sipi ng alamat, Mga larawan, laptop, libro, Telebisyon, mga visual aid
D. Pagpapahalaga sa aral na natutunan sa “Alamat ng Pinya”.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin

b. Pagtatala ng lumiban sa klase

c. Pagsasaayos ng Kagamitan sa loob ng silid-aralan

d. Pagbati

e. Pampasigla

f. Mga Paalala

g. Pagbabalik-aral
May bagay na ipapasa-pasa kasabay ang saliw ng musika, at kapag
ito’y huminto, and estudyante na may hawak ng bagay ay siyang
tatanungin patungkol sa nakaraang leksyon.
B. Pagganyak
Magbahagi o magpakita sa klase ng ibat ibang larawan ng prutas na
makikita dito sa pilipinas. Ang bawat mag-aaral ay huhula at magbibigay ng
pangalan batay sa prutas na kanilang makikita.
Itatanong:
Alam niyo ba kung ano itong nasa larawan?
Ano ang tawag sa mga ito?
Bakit sila mahalaga sa inyong buhay?

B. Paglinang ng Gawain (4A’s)


1. Mga Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin
Matapos makita ang mga larawan. Itanong sa mga mag-aaral kung
ano magiging paksa na tatalakayin ngayong araw.
Ngayong umaga, mayroon akong kuwento para sa inyo. Gusto ba
niyong malaman kung ano ang kuwento?

(Babasahin ng Guro ang kuwento)


Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng Alamat.

b. Pag-alis ng Sagabal
Pagtapat-tapatin ang mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B. Isulat sa patlang ang
titik ng tamang sagot.
A B
_____ 1. Layaw a. Nasabi
_____ 2. Nayamot b. Umiyak
_____ 3. Nawika c. Luho
_____ 4. Nanangis d. Nag-iisa
_____ 5. Bugtong e. Nagalit

c. Pagbasa at Panonood ng Tahimik


Ipabasa o ipanood sa mga mag-aaral ang “Alamat ng Pinya”
Ipaalala sa bawat isa ang batayan ng tahimik na pagbabasa at
pakikinig.

2. Pagsusuri (Analysis)
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay bubuo ng salita
batay sa salitang ibibigay.

a. Pangkatang Gawain
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa tatlo hanggang apat na grupo, depende sa
bilang ng mga mag aaral. Bawat isa ay bibigyan ng guro ng kaniya-kaniyang Gawain.

Pangkat Gawain

1 Pagsasadula o pagtatanghal tungkol sa pangyayari sa alamat. Dalawa


hanggang tatlong minuto.

2 Pag-uulat o pagkukuwento ng nangyari sa alamat na binasa. Maaring


gumamit ng mga larawan.
3 Pumili ng bagay na nabasa o nakita sa alamat, iguhit ito sa malinis na papel
at ipahayag sa klase kung bakit iyon ang inyong napili. Ano ang koneksiyon
ng bagay na napili niyo sa inyong sarili?

4 Pagbibigay repleksiyon sa nabasang alamat. Ibahagi ito sa klase.

3. Paghahalaw (Abstraction)
Sa isang malinis na papel. Itala kung sino ang mga tauhan sa alamat na
nabasa at kung ano-ano ang kanilang mga katangian.

4. Paglalapat (Application)
Itanong:
Ano ang nangyari sa babaeng nagngangalang Pinang?
Bakit ganon ang nasabi ng kanyang ina kay Pinang? Ilahad ang sagot sa
pamamagitan ng pagsasalaysay (oral recitation).

IV. Pagpapahalaga
Itanong:
Anong aral ang inyong natutunan mula sa alamat na inyong binasa? Sa
tingin niyo mahalaga ba na matutunan ang aral na inyung napulot? Bakit?

V. Paglalahat (Generalization)
Pagpapahalaga
Itatanong:
Ano ang mensahe na iniwan ng alamat?
Tama ba na sabihan ng ina ang kaniyang sariling anak ng
masasakit na salita? Bakit? Ipaliwanag ang sagot sa pamamagitan ng
pagsasalaysay (Oral recitation).

VI. Pagtataya/Pagsusubok
Panuto:
A. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pamagat ng Alamat na nabasa?

a. Alamat ng Abokado
b. Alamat ng Niyog
c. Alamat ng Pinya
d. Alamat ng Pakwan

2. Sino ang babae na nagging pinya?


a. Anna
b. Rosa
c. Karol
d. Pinang

3. Ano ang pangalan ng in ani Pinang?

a. Rosa
b. Maria
c. Juana
d. Sita

4. Ilang mata ang tumubo kay pinang?

a. Tatlo
b. Anim
c. Wala
d. Marami

5 Anong kagamitan sa kusina ang unang itinanong ni Pinang kay Aling Rosa?

a. Bao
b. Kutsara
c. Sandok
d. Kaldero

B. TAMA O MALI
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Ilagay ang TAMA sa
patlang kung ang isinasaad ay tama at MALI naman kung ang isinasaad ay mali,
_______ 1. Malabo ang mga mata ni Pinang kaya sa tuwing inuutusan siya
tinatanong niya lahat ng mga gamit sa kaniyang ina.
_______ 2. Mailalarawan si Pinang bilang isang batang tamad.
_______ 3. Mas pinili ni Pinang na magtrabaho sa bahay kaysa sa maglaro sa
labas.
________4. Nasabi ni Aling Rosa n asana magkaroon ng maraming mata si
Pinang upang hindi na ito magtanong palagi.
________5. Si Pinang ay may dalawang kapatid.

VII. Ebalwasyon
Sagutin nang pasalita ang mga tanong.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat ng pinya?
2. Ano ang nangyari sa kanya? Bakit siya naging pinya?
3. Sino ang nagwika nito? “Sana’y magkaroon ka ng maraming mata upang makita
mo ang lahat ng bagay”.
4. Naibigan niyo ba ang kuwento? Ano ang inyong naramdaman matapos mabasa
ang alamat?
5. Ano ang aral na inyung natutunan sa kuwento na may pamagat na “Alamat ng
Pinya”?

VIII. Kasunduan
Kung bibigyan mo ng bagong pamagat ang alamat, ano ito at bakit? Isulat ito sa inyong
kuwaderno at ibahagi ito sa klase.

Inihanda ni:

TRISHIA CLAIRE G. BAYLOSIS

You might also like