Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

KAHULUGAN NG IDEOLOHIYA

Ang ideolohiya ay pag-aaral ng mga ideya. Tumutukoy ito sa mga kaisipang naglalahad ng mga
pamamaraan o paniniwalang nagsisilbing gabay ng mga tao sa pamumuhay sa lipunan. Ang
ideolohiya ay konsepto na unang ginamit noong ika-19 na siglo ni Destutt de Tracy na isang
pilosoper na French. Ito ay nangangahulugang "agham ng mga ideya." Ito ay tumutukoy sa
sistema ng mga ideya na may limang katangian.

1. Teorya na komprehensibong nagpapaliwanag ng uri ng karanasan ng tao.


2. Naglalahad ng pangkalahatang programa sa isang panlipunan at politikal na organisasyon.
3. Naglalahad ng kailangan ng pakikibaka upang maisakatuparan ang programa.
4. Layunin nitong makahikayat ng mga taong ganap na susunod.
5. Nagbibigay ito ng espesyal na tungkuling gagampanan ng mga intelektuwal.

MGA IDEOLOHIYANG LAGANAP


KAPITALISMO
• Ito ang sistemang pangkabuhayan na batay sa pribadong ari-arian ang mga salik sa
produksyon gaya ng kapital, lupa, at lakas paggawa na ginagamit para kumita. Ang mga
ari- arian ng mga indibidwal o negosyo at ang produksyon ng mga produkto at serbisyo
at ang distribusyon ng yaman ay batay sa operasyon ng malayang pamilihan. Ang mga
indibidwal at negosyo ang nagsasagawa ng produksyon, palitan ng mga kalakal at
pagtatakda ng presyo sa pamilihan. Ito ang pinakalaganap na sistemang pangkabuhayan
sa kasalukuyan. Sa kapitalismo, ang pribadong sektor ang namumuhunan upang kumita.
Sa kasalukuyan, may iba't ibang implementasyon ng kapitalismo. Ito ay batay sa papel ng
pamahalaan.

SOSYALISMO
• Ito ay sistemang pangkabuhayan kung saan ang mga serbisyo at produkto ay
ipinamamahagi sa pamamagitan ng sentralisadong sistema ng pagtutulungan at
pagmamay-ari sa paggabay ng pamahalaan. Ang mga mahalagang pinagkukunang-yaman
ay at kontrolado ng publiko o ng estado. Sa ganitong sistema, ang estado ang pag-aari
nagpapasya produkto sa mga uri at halaga ng mga at serbisyo, gayundin sa pasahod at
yaman ng maaring matamo ng isang tao. Karamihan. ang sa mga ganitong uri ng sistema,
estado rin ang nagbibigay ng mga benepisyo sa mga mamamayan kabilang ang
hanapbuhay, edukasyon, at kalusugan. Batay ito sa prinsipyo ng pampublikong
pagmamay-ari at negosyo. sa lahat ng mga industriya.

KOMUNISMO
• Ito ay isang pangkabuhayan at politikal na sistema kung saan ang pangunahing yaman ng
isang lipunan ay pag-aari ng publiko o ng estado at ang yaman ay pantay na
mapakikinabangan ng mga mamamayan batay sa pangangailangan ng bawat isa.
Tumutukoy rin ito sa ideyal na lipunan na inisip ni Karl Marx, isang German na
rebolusyonaryo noong ika-19 na siglo. Nakaimpluwensiya ang mga kaisipan ni Karl Marx
sa mga pamahalaan ng Russia, at China, North Korea, Vietnam, Laos, Cambodia at sa iba
pang bansa sa ika-20 siglo. Ang komunismo ay isang uri ng sosyalismo na ang sistema
sa produksyon ng mga pinagkukunang yaman ay pag-aari ng publiko sa halip na pribadong
pag- aari. Nakaimpluwensiya ng malaki ang komunismo sa maraming bansa subalit sa
kasalukuyan, iilan na lamang ang bansa na sumunod sa ganitong ideolohiya.
Noong ika-19 na siglo, natunghayan ni Karl Marx ang
mga pagbabago sa lipunan sa Europe na hatid ng
Rebolusyong Industriyal. Ang mga makabagong
teknolohiya at pagsisimula ng mga pabrika sa larangan
ng manufacturing ang naging daan upang mapabilis
ang produksyon sa industriya at agrikultura. Ito ang
naghatid ng panibagong yaman sa mga nagmamay-ari
ng mga pabrika. Subalit ang kaunlarang ito na
nakamtan lamang mula sa paghihirap ng mga
manggagawa kung saan ang karamihan sa kanila ay
nabubuhay sa kahirapan. Ang teorya ni Karl Marx
kasama si Friedrich Engels ay batay sa siyentipikong
pag-unawa sa kasaysayan ng tao. Sa kanilang akda na
The Manifesto of the Communist Party (1848),
ikinatwiran nila na may tunggalian sa pagitan ng mga lipi ng tao sa lipunan. Ayon dito, mayroon
dalawang lipi ng tao sa lipunan, ang mga proletariat (manggagawa) at mga bourgeoisie (mga
kapitalistang negosyante). Malaki ang pagkakaiba ng dalawang lipi sa antas ng yaman. Ang mga
bourgeoisie ang nakikinabang sa paghihirap ng mga proletariat. Ito ay magreresulta malaon sa
isang rebolusyon ng mga proletariat.

DEMOKRASYA
• Nangangahulugan ang demokrasya ng "pamumuno ng taong bayan.” Hango ito sa salitang
Greek na demos (tao) at kratos (pamumuno). Ito ang sistemang politikal na umiral sa
sinaunang lungsod-estado sa Greece. Sa ika-21 siglo, dumami ang bilang ng mga bansa
na pinili ang demokrasya na maging anyo ng kanilang pamamahala. Halos mahigit sa
ikatlong bahagi ng mga bansa sa mundo ang sumunod sa ganitong ideolohiya. Kabilang
sa mga salik sa malawakang pagtangga sa demokrasya ay ang pagwawakas n mga
pamahalaang monarkiya sa Europa pagkaraan ng World War I, at ang pagkawatak-watak
ng Soviet Union 1991 na pangunahing bansa na nagtaguyod ng komunismo. Isa rin sa
mahalagang salik ng paglaganap ng demokrasya ay ang paglaga ng mga pandaigdigang
malayang pamilihan.

IDEOLOHIYA
May Iba’t ibang Kategorya ang Ideolohiya. Ito ay ang mga sumusunod:
Ideolohiyang Pangkabuhayan
• Nakasentro ito sa mga patakarang pangekonomiyang bansa at paraan ng paghahati ng
mga kayamanan nito para sa mga mamamayan. Nakapaloob dito ang ang mga karapatang
makapagnegosyo, mamasukan,makapagtayo ng unyon, at magwelga kung hindi
magkasundo ang kapitalista at mgamanggagawa.
Ideolohiyang Pampulitika
• Naasentro naman ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng mga
mamamayan sa pamamahala. Ito ay mga pangunahing prinsipyong pulitikal at batayan ng
kapangyarihang pulitikal. Karapatan ng bawatmamamayan na bumuo at magpahayag ng
opinyon at saloobin.
Ideolohiyang Panlipunan
• Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mgamamamayan sa tingin ng batas at sa iba
pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ngmga mamamayan

You might also like