Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

ANG BATIK NG BUWAN

Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-gusto ng

araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang yakapin ang mga ito ngunit

pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang mga bituin sa labis na init ng araw.

Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit sa kanya. Isang araw, nagtungo sa ilog ang

buwan upang maglaba ng maruruming damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga

anak ngunit huwag niyang lalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong

kasiyahan niyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at

hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng maliliit na

bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw. Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan.

Nagtaka siya sapagkat malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit

hindi nya nakita ang maliliit kaya't hinanap niya ang mga ito kung saan- saan. Hindi niya

matagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa. "Niyakap mo sila? Huwag

kang magsisinungaling!” Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang

isang punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang kasalanan.

Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit na

galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa

nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang

makaganti sa ginawa nito sa kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.
Gabay na tanong:

1. Ano ang aral na makukuha sa kwento?

2. Naipakita ba sa kwento ang importansya ng pakikipag usap? Ipaliwanag.

3. Ano saiyong palagay ang importansya ng pakikinig sa payo ng iba

Reference:

https://dokumen.tips/documents/ang-batik-ng-buwan.html?page=1

You might also like