Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Unang Semestre

Baitang 12
Unang Markahan/Ika- 5 na Linggo
__________________________________________________________________________________

APPLIED SUBJECT: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan


HANDOUT 5:
YUNIT 2 : Pagsulat ng Iba’t ibang Akademikong Sulatin
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin
(CS_FA11/12PU-0d-f-92)
2.Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin
(CS_FA11/12PU-0d-f-93)

ARALIN 5
PAGSULAT NG SINTESIS O BUOD

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT NG SINTESIS O BUOD

KAHULUGAN NG BUOD
Tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa
kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat,
panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.
Tumutukoy sa nilagom na bersyon ng isang teksto.
Pinaikling teksto sa pamamagitan ng paglalahad lamang ng
kinakailangan impormasyon o nilalaman.

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA BUOD SINTESIS


1.Nagtataglay ng obhetibong balangakas ng orihinal na teksto.
2.Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. Hindi nagsasama ng mga
halimbawa, detalye, o impormasyongwala sa orihinal na teksto.
3.Gumagamit ng mga susing salita

4.Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang mensahe.

1
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/Ika- 5 na Linggo
__________________________________________________________________________________

MGA KINAKAILANGAN SA PAGSULAT NG BUOD:


•Kailangan ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na
teksto.
•Kailangang nailalahad ang sulatin sa pamamaraang nyutral o walang
kinikilingan
•Kailangan ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa
sariling pananalita ng gumawa.

MGA HAKBANGIN SA PAGBUBUOD:

1.Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto


o detalye.
2.Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang
pangunahing paliwanag sa bawatideya.
3.Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan.
4.Kung gumamit ng unang panuhan ang awtor, palitan ito ng kanyang
apelyido, ng “Ang manunulat”, o “siya”.
5.Isulat ang buod

MGA KARAGDAGANG HAKBANGIN SA PAGSULAT NG BUOD

1.Basahin nang masinsinan ang tekstong lalagumin.Karaniwang


nangangailangan ng makailang-ulit na pagbasa ang isang teksto upang
lubusang maunawaan kung ano ang nilalaman nito.
2.Hatiin ang teksto ayon sa bulto ng mga ideyang nakalahad
dito.Maaaring makatulong ang pagbuo ng balangkas ng mga ideya o
paksang tinalakay ng sulatin.
3.Tukuyin ang pangunahing ideya ng teksto sa pamamagitan ng
paglalahad nito sa porma ng tesis na pangungusap.Maaaring ang tesis
na pangungusap ay tuwiran o di-tuwirang nakalahad sa teskto.
4.Bumuo ng borador ng buod.Maaaring simulant ang borador sa
paglalahad ng tesis na pangungusap at palawigin ito sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga importanteng impormasyong natukoy sa makailang-

2
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/Ika- 5 na Linggo
__________________________________________________________________________________

ulit na pagbasa sa teksto.Balikan ang balangkas upang maisaayos ang


istruktura ng buod.
5.Kinisin ang borador.Tiyaking malinaw ang pagpapahayag ng mga
nilagom na detalye at ideya mula sa orihinal na teksto. Makatulong din
kung babalikang basahin ang orihinal na teksto upang maiwasan ang
apgbaliktot ng orihinal na nilalaman.Huwag ding kaligtaang bigyan ang
iyong buod ng kaukulang dokumentasyon ng nilagom na teksto.

ANO BA ANG SINTESIS?

Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga


akda o sulatin.
Pagsasamang iba't ibang akda upang makabuo ng isang akda nakapag-
uugnay.

Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na


ang ibig sabihin sa Ingles ay put together o combine (Harper 2016). Makikita
ang prosesong ito sa mga pagkakataong, halimbawa, pag-uusap tungkol sa
nabasang libro kung kailan hindi posible ang pagbanggit sa bawat kabanata
at nilalaman ng mga ito upang makuha lamang ang kahulugan, layunin, at
kongklusyon ng libro.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA SINTESIS:

1.Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at


gumagamit ng iba’t ibang estruktura at pahayag.
2.Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita
ang mga impormasyong nagmumula sa iba’t ibang sangguniang ginagamit.
3.Nagpagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at
napaialalim nito ang pag-unawa ngnagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-
ugnay

3
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/Ika- 5 na Linggo
__________________________________________________________________________________

2 ANYO NG SINTESIS:

1.EXPLANATORY SYNTHESIS:
Isang sulating naglalayong tulungan ang mambabasa o nakikinig na lalong
maunawaan ang mga bagay natinatalakay.
2.ARGUMENTATIVE SYNTHESIS:
Ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito.

MGA URI NG SINTESIS:

1.BACKGROUND SYNTHESIS. Ito ay isang uri ng sintesis na


nangangailangang pagsama-samahin ang mga saligang impormasyon
ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi
ayon sa sanggunian.
2.THESI-DRIVEN SYNTHESIS.Halos katulad lamang ito ng background
synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon sapagkat sa
ganitong uri ng sintesis hindi teratura lamang simpleng pagpapakilala at
paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw ng pag-
uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin
3.SYNTHESIS FOR THE LITERATURE. Ginagamit ito sa mga sulating
pananaliksik.Kadalasang, kahingian ng mga sulating pananaliksik ang
pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat ng literature ukol sa
paksa karaniwang isinasaayos ang sulating batay sa mga sanggunian
ngunit maaari rin naming ayusin ito batay sa paksa.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS:


1.Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi
pa lubos na nauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin.
2.Mapadadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng
pandama dahil rnaisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang
rnahalagang diwa ng teksto.
3.Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye.
Sekwensiyal—pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na
ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod
tulad ng una, pangalawa, pangatlo, susunod, at iba pa.
4
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/Ika- 5 na Linggo
__________________________________________________________________________________

Kronolohikal—pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang


detalye ayon sa pangyayari.
Prosidyural—pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng
pagsasagawa.
4.Maaari ding isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang una, gitna, at
wakas.
5.Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at
sistematikong pagsulat.

5
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/Ika- 5 na Linggo
__________________________________________________________________________________

Pangalan: _________________________Baitang/Istrand/Sek: _________________


Asignatura: _______________________Petsa: ________________________________
Guro:______________________________Iskor:_________________________________

Papel Kasanayan Blg.5

Pagsasanay 1: IBUOD MO AKO!


Panuto. Basahin at suriin ang teksto. Ibuod ang teksto gamit ang mga
hakbang sa pagsulat. Isulat sa kahon .

CANTEEN: TAGUMPAY
Ni: Marie France A. Gumahin

Ang isang babaeng nagsipag, nag pursige, nagtiwala sa diyos at


ang ngayo’y nagmamay-ari ng isang Canteen sa Lapu-Lapu City College,
Cristina Magalang Bering. Siya ay 46 na taong gulang at ipinanganak noong
Ika-27 ng Hulyo, 1971. Siya ay nakapagpangasawa ng isang Chemical
Engineer at ngayon ay nagtatrabaho sa Saudi bilang OFW, si Ginoong
Ignacio Dungog Bering, 59 taong gulang. Bunga ng kanilang pagsisikap
meron silang dalawang anak na sila si Mary Siadah Bering isang purchaser
sa Qatar ar si Belinda Isabel Bering isang Senior High Student sa Asian
Learning Center, Pajo, Lapu-Lapu City.

Si Bering ay lumaki sa Lutupan, Toledo at sa Don Andres Solano


School naman siya nakapagtapos ng pag-aaral sa elementarya at Hayskul.
Si Bering ay isang Airline Management graduate kung saan kinuha niya ang
kanyang kurso sa Cebu Christian College. Nagtrabaho siya bilang Rack and
Fine sa Philippine Tonan Corporation sa MEPZ 1, Pusok, Lapu-Lapu City
noong 1991.

Bunga ng kanyang dalawampu’t limang taong pagsisikap at


pagpupursegi sa trabaho sa Philippine Tonan Corporation, naisipan niyang
tumigil. Sa kanyang Separation fee na natanggap, ito ay ginawa niyang
pangpuhunan sapag nenegosyo, at ito ng ang Canteen. Sa taong 2016, Ika-
7 ng Hunyo, nabuksan niya ang kanyang pinakaunang Canteen at sa
Setyembre sa parehong taon nakapagtayo rin siya ng bagong canteen sa Be
Resort Hotel sa Punta Engaño, Mactan. Naging maganda ang takbo ng

6
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/Ika- 5 na Linggo
__________________________________________________________________________________

kanyang negosyo at nagging maganda rin ang takbo ng kanyang buhay.


Lubos ang pasasalamat ni Bering sa ating Panginoon sa paggabay at
pagbigay ng biyaya sa kanya.

Si Cristina Magalang Bering ay isang halimbawa ng isang babaeng


Masipag, Mapursige, May takot sa diyos at babaeng may positibong
pananaw sa buhay. Bilang pasasalamat sa lahat ng biyaya na kanyang
natanggap galing sa Panginoon, ito ay kanya ring ibinabahagi sa kanyang
kapwa, ika pa nga niya “Be a blessing to others”.

You might also like