Professional Documents
Culture Documents
Ang Parabula NG Sampung Dalaga
Ang Parabula NG Sampung Dalaga
Ang matatalinong dalaga ay nagbaon ng sobrang langis para sa kanilang mga lampara,
samantalang ang mga hangal ay hindi.
Hindi agad dumating ang kanilang mapapangasawa at sa paghihintay, ang mga dalaga'y
nakatulog. Nangagising sila nang hatinggabi na at narinig nila ang pagdating ng kanilang mga
mapapangasawa. Nagsigayak sila sa pagsalubong. Inihanda na nila ang kanilang mga lampara.
Ang mga hangal ay naubusan ng langis kaya't nanghingi sila sa matatalino. Ngunit ayon sa mga
ito ay hindi sila mabibigyan ng langis sapagkat baka hindi magkasya para sa kanilang lahat ang
kanilang baong langis.
Ang mga hangal ay nangagsialis upang bumili ng langis. Wala sila nang dumating ang kanilang
mga mapapangasawa. Ang matatalinong nangakahanda ay sumamang magpakasal sa mga lalaki.
At napinid na ang pinto pagkatapos.
Nang magsidating ang mga hangal na babae ay kinatok nila ang pinto at nakiusap, "Panginoon,
Panginoon, kami po'y pagbuksan ninyo ng pinto."
"Hindi maaari! Hindi ko kayo nakikilala," ang narinig nilang sagot sa kanila.
Source: https://www.pinoyedition.com/parabula/ang-sampung-dalaga/