Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Alleah E.

Dimaano

G11 STEM1 St. Claire 11

REPLEKSYON

Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang mag simula ang second sem, at bilang isang
estudyante na nasa ika-labing isang baitang na tumatahak ng strand na STEM ay isa ang Filipino sa Piling
Larangan sa asignatura na nararapat na pag-aralan. Ang Filipino sa Piling Larangan ay pagsulat ng iba’t
ibang anyo ng sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop
na pagsusulat sa piniling larangan at nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating
akademik ayon sa format at teknik. Ang asignaturang ito ay maraming magandang dulot sa estudyante,
gaya na lamang ng pagiging creative ng mga bata, ang pagtuturo sa mga estudyante ng iba't ibang
format at teknik na dapat sundin kaya naman nadidisplina at natututo ang mga bata. At Sa loob ng
tatlong buwan ay nakagawa na kami ng limang uri ng mga sulatin, mayroong mga aktibiti na nahirapan
ako, may iba naman na hindi.

Sa limang aktibiti na nagawa ko na sa Filipino at Piling Larangan, ang aking pinaka-paborito ay ang
ginawa kong project proposal at talumpati. Sa paggawa ko ng project proposal at talumpati ay nasubok
ang aking "creativity" at ang pag "brainstorm' ng mga ideya na ilalagay ko sa proyekto. Nahirapan ako
dito dahil kailangan kong gumuhit ng isang bahay, samantalang hindi ako mahilig at magaling sa
pagguhit ng kahit na ano. Sa kabila ng kahirapan ay natuwa din naman ako sa paggawa nito, dahil
napatunayan ko na walang imposible lalo na kung ikaw ay magpupursigi. Bilang ito ang aking mga
paborito, maari ko na rin itong tawaging "highlight" ng aking mga aktibiti, sapagkat nahirapan at nag
"enjoy" ako habang ito ay aking isinasagawa. Lubos akong nagalak sa talumpati na aking nagawa, dahil
dito ay nailahad ko ang ideya, opinyon, at saloobin sa paksa na aking napili, nasubok din naman ang
aking "editing skills" sa pag eedit ng bidyo para sa aking talumpati.Natuwa din naman ako sa paggawa ng
iba pang aktibiti sa asignaturang Filipino sa Piling Larangan. Ang mga ito ay ang Abstrak, Bionote, at
Position Paper. Nasubok din sa paggawa ng mga ito ang aking isipan ngunit mas higit lamang ang Project
proposal at ang Talumpati.

Sa kabuuan, may mga aktibiti ako sa Filipino sa Piling Larangan sobrang nahirapan at tama lamang,
may mga aktibiti din ako na "naenjoy" ko at mayroon din namang hindi o tama lang. Natuto din ako sa
asignaturang ito na walang mali ang magboses ng iyong opinyon, natutunan ko din ang paglabas ng
aking "comfort zone", at higit sa lahat ay ang pagsulat ng iba't ibang uri ng sulatin.

G. John Press Ramos

11

You might also like