Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REPLEKSYON

Sa asignaturang ito marami na akong nagawang mga sulatin, katulad ng ABSTRAK,


BIONOTE, PROJECT PROPOSAL, POSITION PAPER, AT TALUMPATI. Ang Filipino sa Piling Larangan
ay tungkol sa pag sulat ng iba’t ibang anyo ng sulating sa mga kakayahang mag pahayag tungo
sa mabisa, mapanuri, at masinop na pag susulat sa Piling Larangan. Sa asignaturang ito maka
bubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating akademik ayon sa format at teknik.

Sa limang aktibidad na aking nagawa sa asignaturang ito pinaka nahirapan ako sa pag
gawa ng PROJECT PROPOSAL, samantalang ang pinaka gusto ko naman ay ang pag gawa ng
TALUMPATI. Nahirapan ako sa pag gawa ng PROJECT PROPOSAL sa kadahilanang hindi ako
gaanong mahusay gumuhit ng mga bagay bagay. Ang pag guhit ay isa sa mga bagay na pinaka
ayaw kong gawin. Sa kabila ng lahat, pinaka nasiyahan ako sa pag gawa ng TALUMPATI,
sapagkat naipapakita ko dito ang aking talento sa pag eedit ng video. Isa pang dahilan kung
bakit ko pinaka nagustuhan ang TALUMPATI dahil naipapahayag ko ang aking opinyon sa ibang
tao ng malaya. Ang pinaka highlight naman ng aking mga ginawa ay ang PROJECT PROPOSAL,
dahil sa kabila ng pag hihirap nagawa at naisakatuparan ko ang proyektong ito na naayon sa
aking plinano.

Ang kabuoang ideya ng repleksyon na ito ay ang maipahayag ang saloobin ko sa mga
nagawa kong aktibidades sa asignaturang Filipino sa Piling Larangan. Aking nabanggit na ang
PROJECT PROPOSAL ang pinaka mahirap at highlight ng aking magiging portfolio, dahil sa ito
ang masasabi kong nag bigay kulay sa aking portfolio. TALUMPATI naman ang pinaka madali
sapagkat kayang kaya kong ipakita ang aking talento at kaya ko itong ipahayag sa maraming tao
sa pamamagitan ng social media.

_________________
JOHN PRESS RAMOS

You might also like