Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6 Week 1

3rd Quarter

I. Layunin
Pagkataposng aralin, ang mga mag-aaral ay isnaasahang:
1. nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946
hanggang 1972.
II. Paksang-aralin
Paksa : Pangunahing Suliranin Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
(Pangunahing Suliranin Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig)
III. Pamamaran
a. Panimulang Gawain
Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano ang naging isang malaking hamon ng pamahalaang Komonwelt?


A. kawalan ng hanapbuhay C. kawalan ng mapapasyalan
B. marami ang namamatay D. walang nagugutom
2. Bakit naging isang hamon ang kawalan ng hanapbuhay?
A. Marami ang mga manggagawa.
B. Kakulangan ng puhunang pangtustos.
C. Walang mga impraestrukturang magamit.
D. Marami ang gustong kumuha ng pagkain.

3. Bakit naghirap ang mga Pilipino pagkatapos ng digmaan?


A. Umaasa sa ayuda ng gobyerno.
B. Minamaliit ang kakayahan ng mga Pilipino.
C. Kinaugalian ng mga Pilipino ang manana habit.
D. Nawalan ng hanapbuhay ang mga Pilipino.

4. Alin sa mga sumusunod na probisyon ng kasunduang base militar ang hindi nakabubuti para
sa mga Pilipino?
A. Tatagal ang kasunduang ito sa loob ng 99 taon at maaaring palawigin ang taon.
B. Ito ang nagbigay-daan sa pag-ayon ng dalawang panig na magtulungan at pangalagaan
ang katiwasayan ng kanilang teritoryo.
C. Maaaring patawan ng buwis sa sahod ang mga Amerikanong sundalo at empleyado na
naglilingkod sa mga base militar
D. Ipinagbabawal na gamitin o daanan ng mga Amerikano ang mga daungan sa pagitan ng
mga base militar sa buong kapuluan.

5. Bakit kailangan nating pahalagahan ang kasunduang base militar ng mga Amerikano sa
Pilipinas?
A. Nagkaroon ng pantay na karapatang tinatamasa ang mga Pilipino.
B. Naisaayos ang mga taniman at sakahan at muling napakinabangan.
C. Nalutas ang suliranin sa salapi dulot ng pananakop ng mga Hapones
D. Nakapagbibigay sila ng proteksyon laban sa ibang mananakop at nakakatulong ito upang
sanaying ang sundalong Pilipino.
b. Pagganyak
Isulat ang T kung ang pahayag tama at M naman kung mali. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Ang tawag sa Pilipinong piniling pumanig sa mga Hapones ay Makapili.

2. Ang mga sundalong kabilang sa USAFFE na hindi nasawi ay pinili nilang


manahimik na lamang at nagtago.

3. Ang HUKBALAHAP ay isang kilusang gerilya na pinamunuan ni Luis Taruc.

4. Walang naging ambag ang mga kilusang gerilya sa pakikipaglaban ng mga Pilipino
sa mga Hapones.

5. Ang mga sibilyan ay may malaking ginampanan sa pakikibaka ng mga Pilipino para
sa kalayaan noong panahon ng mga Hapones.

c. Pagtalakay
Magpakita ng larawan noong panahon ng Hapon.
Talakayin ang mga Pangunahing Suliranin Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Tanong: Ano ang iyong makikita sa larawan? Base sa iyong
nakita na larawan, masasabi mo bang uunlad ang bayan kapag
ganito ang nangyayari?

d. Paglalapat
Punan ng wastong salita ang bawat kahon upang matukoy ang mga ito. Isulat ang sagot
sa iyong kwaderno.
1. Ito ay itinatag ng pamahalaan upang masolusyonan ang problemang informal settlers.

2. Lugar kung saan ang mga tao mula sa probinsiya ay nagsilipat sa pag-aakalang dito
matatagpuan ang magandang buhay na inaasam-asam.

3. Uri ng komunidad na binigyang-tuon ng pamahalaan ang pagpapaunlad upang


makumbinsi ang mga taong manatili at manirahan ditto.

4. Ito ang ibinagsak ng mga kaalyadong bansa sa Pilipinas na puminsala sa bansa.

5. Ito ay kaakibat ng kakulangan sa hanapbuhay o mapagkukunan ng hanapbuhay.


e. Paglalahat
Matapos ang digmaan ay nabago ang takbo ng kalakan at kalinangan sa muling pagtatag
ng Lungsod.
Kaakibat ng kakulangan sa hanapbuhay o mapagkukunan ng hanapbuhay ay ang
kahirapan.
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek (✔) kung ang ipinapahayag ng pangungusap ay tama at ekis (✖) kung mali.
Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

_____1. Walang pinsalang natamo ang Pilinas pagkatapos ng digmaan.


_____ 2. Maraming mga tao mula sa probinsiya ang nagsilipat sa Maynila sa pag-aakalang
dito matatagpuan ang magandang buhay na inaasam-asam kahit sa malaking
pinsalang nagyari dito.
_____ 3. Hindi naipatayo ang kalsada at tulay ang ipinagawa noong 1954.
_____ 4. Natutong magnakaw, mang-agaw, manlamang sa kapuwa, manloko ang mga
Pilipino.
_____ 5. Nagdulot ng matinding kahirapan sa mga Pilipino ang digmaan sa panahon ng
Komonwelt.
V. Takdang aralin
Sumulat ng isang talata tungkol sa suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at ang
naging pagtugon sa mga suliranin.

You might also like