Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Barayting Wika

Heterogenius at Homogenius ng Wika


Walang "BUHAY NA WIKA" ang maituturing na HOMOGENEOUS dahil ang bawat wika ay
binubuo ng mahigit sa isang barayti. Kaya ito ay matuturing na HETEROGENEOUS.
Homogenius
- Ito ang pare-parehong magsalita ang lahat na gumagamit ng isang wika.
Heterogenius
- Ito ay pagkaiba-iba wika ng sanhi ng iba’t-ibang Sali sa lipunan tulad ng edad,
hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag-aaralan, kalagayang lipunan, relihiyon o lugar, pangkat-
etniko o tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad.
Hindi maiiwasan na magkaroon ng pagkakaiba ang wikang sinasalita ng mga tao. Mula pa man
noon nang simulang gunawin ng Diyos ang tore ni Babel. (Genesis 11:1-9)
Sa kasalukuyang panahon, sinisikap pa rin na pag-aralan ang pagkaaroon ng iba’t ibang
Varayti ng Wika. Ito ang nagbubunga ng sitwasyon at pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na
divergence, ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng iba’t ibang uri o varayti ng wika. (Paz, et.
Al. 2003)
Dayalek
- Varayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang
partikular na lugar, lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaring magkaroon ng pagkakapareho ng mga
salita, ngunit nagkakaroon naman ng pagkakaiba sa tono, punto at/o diksyon. bagamat ganito ang
sistema, may pagkakataon na rin na nagkakaintindihan ang dalawang ispiker.
Idyolek
- Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring
pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Ito ang tinatawag na IDYOLEK.
- Pinatutunayan lamang nito na hindi homogenous ang wika dahil may pagkakaiba ang
paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay na rin sa kani-kaniyang indibidwal na
estilo o paraan ng paggamit wika ng kung saan higit siyang komportableng magpahayag.
Sosyolek
- ito ang wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o mga taong gumagamit ng
wika.
- Ang sosyolek ay mahusay na palatandaan (pagpapangkat-pangkat ng tao sang-ayon sa
lipunang kasangkot sila) ng isang lipunan, na siyang nagsasaad ng pakakaiba paggamit ng wika
ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa kanilang
kinabibilangang grupo.
Etnolek
- Barayti ng wika na mula sa mga Etnolingguwistikong Pangkat. Halaw ito sa mga
salitang etniko at dayalek. Taglay nito ang mga salitang magiging bahagi na ng pagkakakilanlan
ng isang pangkat-etniko.
Halimbawa:
Vakkul- (Ivatan) gamit ng mga kababaihang Ivatan bilang panangga sa init at lamig. Inilalagay
ito sa ulo.
Lataven- Kinilaw
Palek-Coconut Wine
Kapayvanuvanua- Ritwal ng mga mangingisdang Ivatan

Pidgin at Creole
- Ang Pidgin ay umusbong na bagong wika. Kadalasang aksidente ito. Nangyayari kapag
may dalawang tao na di-magkaintindihan dahil magkaiba ang gamit nilang wika. Ang bawat
salita ay nagkakaroon ng katumbas na simbolo at kaipala’y sa paglaon ng panahon at gasgas pa
pagkakagamit, nagkakaroon ito ng istruktura na kalauna’y magiging creole.

Register
- Barayti ng wika kung saan na-iaangkop ng ispiker ang kanyang sinasabi batay sa kung
sino ang kaniyang kausap at sa sitwasyon na rin ng pag-uusap.

Halimbawa nito ay di-hamak na mas may paggalang ang iyong pakikipag-usap kung ang iyong
magulang o tagagabay ang iyong kausap kumpara sa kaibigan mo ang iyong kaharap.

You might also like