Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MATAAS NA PAARALAN NG TONDO

Daang Quezon Barrio Magsaysay Tondo, Maynila

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig
B. Pamantayang Pagganap
Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang uri ng teksto
C. Mga Kasanayang Pagkatuto
Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (F11PB-IIIa-98)
Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng
tekstong binasa (F11PT-IIIa-88)
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa (F11PS-IIIf-92)

D. Mga Detalyadong Kasanayang Pampagkatuto


1. Natutukoy ang impormasyong nais ipabatid ng mga larawang ipinakita
2. Natutukoy ang kahulugan, elemento, at kahalagahan ng tekstong impormatibo
3. Naibabahagi ang sariling opinyon batay sa tekstong binasa

II. Paksang-aralin
ARALIN 2: PAGTUKOY NG KAHULUGAN AT KATANGIAN NG MAHAHALAGANG
SALITANG GINAMIT NG IBA’T IBANG URI NG TEKSTONG BINASA (TEKSTONG
IMPORMATIBO)
Sanggunian: Modyul, maaaring maglagay pa ng ibang sanggunian hal. Aklat, website
Kagamitan: Presentasyon sa PowerPoint, Laptop, Modyul, Mga larawan
III. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
PANIMULARAWAN: Suriing mabuti ang mga larawang nakapaskil. Tukuyin at ilarawan
ang nais iparating ng bawat larawan.
1.

2.
MATAAS NA PAARALAN NG TONDO
Daang Quezon Barrio Magsaysay Tondo, Maynila

3.

4.

5.

Gabay na tanong:
1. Ano-ano ang nakita o napansin mula sa mga larawan? Saang mga lunsaran ito
maaaring makita?
2. Bakit mahalagang maunawaan ang mga impormasyong nais iparating ng mga
ganitong uri ng larawan?
3. Sa iyong palagay, sapat bang gamitin ang larawan sa paghahatid ng impormasyon?
MATAAS NA PAARALAN NG TONDO
Daang Quezon Barrio Magsaysay Tondo, Maynila
B. Pagbasa ng Teksto
Tekstong Impormatibo
BASA-UNAWA: Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang sumusunod na tanong.

Gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang binasang teksto? Ano ang layunin ng teksto?
2. Ano-anong mahalagang impormasyon ang nakuha mula sa teksto?
3. Anong mga katangian ng tekstong impormatibo ang nakita sa teksto? *Hindi mo
ito maaaring ilagay na tanong dahil hindi mo pa natatalakay ang tekstong
impormatibo
4. Gaano kahalaga para sa iyo ang mga impormasyong nakuha mula sa binasang
teksto? *Maaaring palitan ng tanong na ito ng (Sa palagay niyo, anong uri ng
teksto ang binasang teksto?)
MATAAS NA PAARALAN NG TONDO
Daang Quezon Barrio Magsaysay Tondo, Maynila
5. Paano magagamit sa pang araw-araw na buhay ang pagbabasa ng ganitong
teksto?

C. Pagtalakay sa Aralin

Ano ang Tekstong Impormatibo?


 Naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga
impormasyon. Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad
nang buong linaw upang lubos na maunawaan. Kadalasang sinasagot nito
ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.
 Ito ay di-piksyon. Isinulat ito sa layuning makapaghatid ng impormasyon sa
mga mambabasa.
 Nakapagbibigay liwanag sa mga katanungan sa isipan ng mga mambabasa.
 Nakapagpapaliwanag din ito ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay
na pangyayari at nakapaglalahad ng kapakipakinabang na impormasyon.

Halimbawa ng mga akdang pampanitikan na naglalaman ng tekstong


impormatibo:
a. Mga sangguniang aklat tulad ng mga ensayklopedia, almanac, batayang
aklat, at dyornal
b. Ulat
c. Pananaliksik
d. Artikulo
e. Komentaryo
f. Suring-papel
g. Sanaysay
h. Mungkahing proyekto
i. Balita

Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo

1. Layunin ng May-Akda - nakalagay dito ang pangunahing ideya sa paraan


ng paglalagay ng pamagat.
2.  Pangunahing Ideya- dito inilalahad kung tungkol sa ano ang tekstong
impormatibo. Kadalasang ginagamit ang mga Organizational Markers para
mailarawan ng maayos at mabasa agad ng madla ang pangunahing ideya.
3. Pantulong na kaisipan- ito’y ginagamit ng may akda upang makapagbuo sa
isipan ng mga madla ang pangunahing ideya na nais maitanim o maiwan sa
isipan.
4. Mga Estilo sa Pagsususlat, Kagamitan, Sangguniang magtatampok sa mga
bagay na binibigyan-diin:
a) Paggamit ng mga nakalarawang representasyon- paggamit ng larawan,
diagramo chart.
MATAAS NA PAARALAN NG TONDO
Daang Quezon Barrio Magsaysay Tondo, Maynila
b) Pagbibigay diin sa mga mahahalagang salita- pag bold ng letra, gawing
italic o ang paglalagay ng guhit sa mga salita. Upang mabigyan diin ang
mahahalagang salita.

c) Pagsusulat ng mga Talasanggunian- paglalagay ng credits upang


mapatunayan ang totoo

Kahalagahan ng pagbasa ng tekstong impormatibo


Ang pagbabasa ng mga tekstong impormatibo ay nakapagpauunlad ng iba pang
kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang
detalye, at pagpapakahulugan ng impormasyon.

Gabay na tanong:
1. Bakit mahalagang maunawaan ang uri ng tekstong impormatibo?
2. *Maaaring idagdag ang tanong na (Sa inyong larang na kinabibilangan, paano
nakatutulong ang mga tekstong impormatibo?)
3. Kung ikaw ay magsusulat ng isang tekstong impormatibo, ano ang iyong mga dapat
isaalang-alang?

D. Sintesis/Paglalagom
DAYALOGO NG KARUNUNGAN: Magpapaskil ng grapikong pantulong bilang paglalagom
sa mga natutuhan sa aralin. Dudugtungan ng mga mag-aaral ang pahayag na nakasaad sa
paskil. Pagtapos ay tatawag ng ibang kamag-aaral upang sunod na sasagot.

Ang natutuhan ko ngayon araw ay ____________


at maisasapraktika ko ito sa pamamagitan ng
________________________________________

IV. Takdang-aralin
Magsaliksik tungkol paraan ng pagpapakahulugan ng salita at kaantasan ng wika. Ilagay din ang
sanggunian.

You might also like