Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Samantala, ang dayalek naman ay isang barayti ng wika na tumutukoy sa mga salita at paraan ng

pananalita ng tao ayon sa kanyang ng lokasyong heograpikal at katsyuan sa lipunan. Ang bawat lugar ay
may iba’t ibang lingguwahe o barayti ng dayalek. Halimbawa ang wikang Waray ay may barayti na
Waray-Samarnon, Waray ng Leyte at Waray ng Jaro. Magkaiba man ang kanilang barayti ng dayalek ay
nagkakaintindihan pariin sila. Pinatunayan ito ni sa pahayag nina Santos at Hufana (2008), na ang
baryasyon ng wika ay nasa, tunog,mga salita o bukabularyo, istruktura ng gramatika o sa eksternal na
paktor tulad ng heograpikal o grupong sosyal. Ang isang wika ay nasa baryasyong heograpikal kung
pumapasok ang pagkakaiba sat ono, sa bokabolaryo at sa morpolohiya ng wika o gramtika nito. Ang
pagkakaiba ng wika ay dulot ng elementong pangwika na tinatawag na rehiyunal na baryasyon o
dayalek. Sa palabas na Maria Clara at Ibarra, mapapansin na may pagkakaiba si Klay at Maria Clara sa
paggamit ng wikang Tagalog. Dahil sa nagmula si Klay sa kasalukuyan o Generation Z. mapapansin na
ang kaniyang wikang Tagalog ay may halong pagkamoderno samantalang ang kay Maria Clara naman ay
pormal na pormal at purong Tagalog. Halimabwa na Lamang ng salitang “gusto” ni Klay ay katumabas ng
salitang “iniibig” o “iniirog” ni Maria Clara. Magkaiba man ngunit magkasing-kahulugan.

Reference;
De Guzman, J. A., & Abagon, B. S. KAKAYAHAN NG MGA GURO SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO NG SENIOR HIGH SCHOOL.

https://www.ajhssr.com/wp-content/uploads/2021/10/P21510125137.pdf

You might also like