Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BARAYTI NG WIKA AYON SA URI NITO (Permanente)

1. Dayalek- wikang ginagamit sa isang particular na rehiyon, lalawigan o pook.


Halimbawa:
TAGALOG- Saan ka pupunta?
ALANGALANG- Makain ka?
Eastern Samar – Tikain ka?
2. Idyolek- ang barayti ng wikang kaugnay sa personal na kakanyahan o katangian
ng tagapagsalita.
Halimbawa:
Nagbuburolok! – Sir Gender
Pagsenelpone la, dire ka lugod man hugas - Nanay
Kang may chika ako – Eunice (best friend)

3. Etnolek – mayroon namang mga salitang likas at naging pagkakakilanlan na ng


mga pangkat etniko sa bansa.
Halimbawa:
Baklo – nail cutter
Moron- pagkain na gawa sa giniling na bigas na may niyog at may iba pang
sangkap
Budbud- lutong bigas na binalutan ng dahon ng hagikhik

4. Ekolek – tumutukoy sa mga salita, kataga, o mga parirala na ginagamit ng bawat


miyembro ng pamilya sa loob ng bahay.
Halimbawa:
Nanay, Tatay
Higdaan
Sampayan

BARAYTI NG WIKA AYON SA URI NITO (Pansamantala)

1. Sosyolek – sinasabing nababatid ang katayuan ng tao ayon sa wikang kaniyang


ginamit. Napapaloob sa barayting sosyolek ang paraan ng paggamit ng mga
salita ayon sa kanilang personalidad, edad, katayuang socio-ekonomiko,
kasarian, maging ang pinaniniwalaan sa buhay.
Halimbawa:
BTW- by the way
LOL- laugh out loud
2. Pidgin- ang dalawang tao na may magkaibang wika at kultura ay
pinagsisikapang mairaos ang kanilang pag-uusap sa paghahalo ng wikang alam
nila at likas sa kanila at mga salitang madalas ding gamitin ng kausap.
Halimbawa:
I don’t want to kain that its maasim. I am maganda kaya.
3. Register- ang wikang espesyalisadong ginamit ng isang partikukar na domain o
isang teknikal na lipon ng mga salita sa isang larangan o disiplina.

Halimbawa:

LP- Lesson Plan PM- private message


Basher

4. Creole- kasama rin sa barayti ng wika ang pagkakahalo ng wika o salita ng mga
indibidwal mula sa magkaibang lugar o bansa.
Halimbawa:
Adios Ti amo

You might also like