Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Alamat Ng Gagamba

Noong unang panahon,may isang mag-asawa na biniyayaan ng isang magandang


anak na babae.Ang kanilang anak ay tinawag nilang AMBA.Ang mag-asawa ay
may hanapbuhay na paghahabi ng tela.Parehas na galing sa angkan ng mga
mahuhusay humabi ang mag-asawa.

Kaya’t tama lamang na ito rin ay kanilang ipapamana sa nag-iisang anak.


Habang maliit pa ang bata ay itinuro nang mag-asawa kung paano ang humabi.

Habang lumaki na nga ang bata ay unti-unti itong nagging bihasa sa paghahabi ng
tela.maging ang nga mahihirap na disenyo ay kaya ng gawin ng bata sa murang
edad.Nahigitan na nito ang kakayanan ng kanyang ama at ina.
Dahil sa kanyang natatanging kakayahan, naging tanyag ang bata sa iba’t ibang
lupalop.
Marami ang dumarayo hindi lang para bumili ng mga disenyo.

Naging mayaman din ang mag-anak dahil sa mga bentang tela na ginagawa ng
bata.

Ngunit ang bata ay naging mayabang .Dahil sa alm nito na magaling siya sa
kanyang kakayanang paghahabi , hinamon nito ang sino man na magkipagtagisan
sa kanya.Maraming mga mahusay na maghahabi ang tumaggap sa hamon ng
batang si AMBA.Gusto rin nilang patunayan kung siya nga ay magaling tulad ng
napabalita .Nagtagisan ng galing ang mga maghahabi.Napakahusay nga ang
bata.Lahat ng magagaling na maghahabi ay napahanga sa kakayahan ni
Amba.Nilaos sila ng bata at dahil ditto,mas lalong yumabang ang bata.
Ani niya,wala nang makakatalo sa kanyang kakayanan.Maging ang mga diyosa ay
kanyang hinamak na wala na ngang makahihigit pa sa galing niya.Naranig ng mga
diyosa ang kayabangan ng bata .Hindi na sila nasisiyahan sa nagiging asal ng bata.

Isang araw, isang matanda ang nagpunta sa bahay ng bata at hinamon niya
ito.Natawa ang bata ngunit pumayag din ito.Mukha naming pangkaaniwan lang
ang humabi.Sigurado na siyang walang panalo sa kanya ang matanda.

Nag-umpisa ang paligsahan.Maraming tao ang dumalo upang manood kung


mananalo ang matandasa batang si Amba.Naging napakaganda ng telang hinabi ng
matanda.Maging si Amba ay natulala sa mahirap na disenyong nagawa ng
matanda. Ang pasya nang pagkapanalo ay sa tela ng matanda.Nagngingi ang bata.
Paano daw siya natalo ng isang matanda na mahina na ang mata at uugod-ugod
pa.Pinagalitan niya ang matanda at tinulak-tulak ito.Igigiit nito na ang matanda ay
nandaya at baka ipinalit lamang ang isang nagawa nang tela sa ginawa nito.Baka
nga si Amba pa gumawa ng tela aniya.

Tangka na niyang pagbubuhatan ng kamay ang matanda nang biglang lumiwanag


ang damit ng matanda at nagbago ang kanyang anyo.Hindi na maganda ang asal ng
bata ayon sa diyosa.Naging masyadong mayabang ang bata at narrapat daw itong
parusahan.

Nagbago ang ayo ng bata. Lumiit ito at nagkaroon ng mga mahahabang


paa.Umiyak ang kanyang mga magulang ngunit alam nilang wala na silang
magawa para sa bata.
Simula noonang batang si Amba ay naging unang gagamba.sa ngayon,makikita pa
rin ang kahusayan ng mga gagamba sa paghahabi ng kanilang bahay.
disenyong nagawa ng matanda. Ang pasya nang pagkapanalo ay sa tela ng
matanda.Nagngingi ang bata. Paano daw siya natalo ng isang matanda na mahina
na ang mata at uugod-ugod pa.Pinagalitan niya ang matanda at tinulak-tulak
ito.Igigiit nito na ang matanda ay nandaya at baka ipinalit lamang ang isang
nagawa nang tela sa ginawa nito.Baka nga si Amba pa gumawa ng tela aniya.
Tangka na niyang pagbubuhatan ng kamay ang matanda nang biglang lumiwanag
ang damit ng matanda at nagbago ang kanyang anyo.Hindi na maganda ang asal ng
bata ayon sa diyosa.Naging masyadong mayabang ang bata at narrapat daw itong
parusahan.

Nagbago ang ayo ng bata. Lumiit ito at nagkaroon ng mga mahahabang


paa.Umiyak ang kanyang mga magulang ngunit alam nilang wala na silang
magawa para sa bata.
Simula noonang batang si Amba ay naging unang gagamba.sa ngayon,makikita pa
rin ang kahusayan ng mga gagamba sa paghahabi ng kanilang bahay.

At yan ang kwento ng ang ALAMAT NG GAGAMBA

You might also like