Professional Documents
Culture Documents
Q4 Arts 5 Week8
Q4 Arts 5 Week8
W8 Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Kasanayan Paggawa ng Paper Beads
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Nakagagawa ng paper beads na may masining na disenyo at iba’t ibang
KASANAYANG PAMPAGKATUTO kulay mula sa mga lumang magasin at makukulay na papel para sa
(MELCs) kwintas, pulseras at pisi (lanyard) ng ID.
III. PANGUNAHING NILALAMAN Naipakikita ang kasanayan sa paggawa ng 3-dimensyong likhang-sining
na nagpapahayag ng balanse, malikhaing disenyo at pag-uulit ng
disenyo at kulay.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I.Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto) Unang Araw
Nakadalo ka na ba ng mga pista sa lalawigan? Karamihan sa mga lumalahok ay sa mga parada o iba pang
palabas tulad ng Sinulog, Dinagyang, Pintados, at iba.
Sa araling ito, inaasahan na ang mga bata ay naipapakita ang kanilang kakayahan sa paggawa ng paper
beads gamit ang mga makukulay na lumang magasin at papel para sa kuwintas, pulseras at pisi(lanyard).
Ang sining sa paggawa ng mga pansariling palamuti ay nauugnay sa nakaraang panahon bago pa man
dumating ang mga Espanyol sa ating bansa. Ang mga sinaunang gintong alahas ng Pilipinas na natagpuan
dantaon na ang nakalipas sa bansa ay makikita ngayon sa Ayala Museum at Metropolitan Museum. Ang mga ito
ay pagpapatunay sa kagalingan at kalinangan sa sining ng mga katutubong Pilipino. Ang mga sinaunang gintong
alahas ay kakikitaan ng masinsinang pagkakagawa nito. Ang ilan ay gawa sa butil na ginto o hindi naman kaya ay
hinabing parang hiblang manipis. Mayroon ding mga alahas na nagpapakita ng kakayahan ng pinaghalong ukit
at pagpapanday ng mga hugis sa pagdisenyo ng hikaw, pulseras, at iba pang mga pansariling palamuti.
Paper Beads
Ang paper beads ay isang gawang sining na nagmula sa bansang Inglatera na ginagawang libangan ng mga
kababaihan kung saan ang mga paper beads ay tinutuhog upang gawing palamuti o kurtina na inilalagay sa mga
bintana. Sa Pilipinas, nagkaroon na rin ng industriya ng paggawa ng paper beads . Karaniwan itong ginagamit na
pandekorasyon o kaya naman ay kwintas o pulseras . Ang paggawa ng paper beads ay isang gawaing nakalilibang
na maaaring pagkakitaan kung gagamitan ng kaalaman sa paglikha ng mga palamuti. Ito rin ay isang mabisang
paraan upang mapakinabangang muli ang mga lumang diyaryo, magasin at makukulay na papel.
Nangangailangan ng masusi at matiyagang pagbibilot o pagrorolyo ng maliliit na papel upang makalikha ng beads
na kukulayan ng pintura at didisenyuhan ayon sa nais.
1. ___________________________________________________________________________.
https://www.google.com/search?q=pictures+of+steps+in+making+paper+beads
2. __________________________________________________________________________.
https://www.google.com/search?q=pictures+of+steps+in+making+paper+beads
3. __________________________________________________________________________.
https://www.google.com/search?q=pictures+of+steps+in+making+paper+beads
4._______________________________________________________________________
https://www.google.com/search?q=pictures+of+steps+in+making+paper+beads
5._______________________________________________________________________
https://www.google.com/search?q=pictures+of+steps+in+making+paper+beads
Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagiging malikhain gamit ang mga kasanayan sa
paggawa ng likhang sining? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
VII. SANGGUNIAN Helen P Copiaco, Emilio S. Jacinto Jr. 2016, Halina’t Umawit at Gumuhit, 1253 Gregorio
Araneta Avenue, Quezon City, Philippines: Vibal Group Inc.