Professional Documents
Culture Documents
Q4 Elem AFA 5 Week4
Q4 Elem AFA 5 Week4
Q4 Elem AFA 5 Week4
Link: https://www.youtube.com/watch?v=8eD9GL8wO20
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: Ikalawang Araw)
Gawain sa Pagkatuto 1 Basahin at unawain ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin at isulat ang tamang salita
na nasa loob ng panaklong sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang mabisang pangsugpo ng mga peste sa halaman tulad ng beetles .( Sili , Marigold , Makabuhay at
Tanglad )
2. Saan ginagamit ang organikong pangsugpo gamit ang gata ng niyog?
( Aphids , Langgam , sucking insects )
3. Ano ang isa sa mga sanhi ng pagkawala ng sustansya sa lupa?
(Paggamit ng organikong pestisidyo, Paggamit ng kemikal na pestisidyo ,
Paggamit ng Abono)
4. Anong insekto ang maaaring mapuksa kapag ginagamit ang organikong pestidyo tulad ng bawang?
( Sucking insects, Langgam , Uod )
5. Saan ginagamit ang organikong pestisidyo na mula sa Madre Cacao?
( Aphids , Uod , catworm )
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: Ikatlong Araw)
Gawain sa Pagkatuto 2 Sa tulong ng iyong magulang o iba pang nakatatandang kasama sa bahay, gumawa
ka ng Organikong Pestisidyo gamit ang mga kagamitan/materyales na makikita sa inyong bahay. Isalaysay ang
mga hakbang na iyong gagawin upang masigurong makasunod ka sa ligtas na pamamaraan ng paggawa ng
organikong pestisidyo.
Tayahin ang isinulat na paglalahad batay sa sumusunod na pamantayan. Lagyan ng tsek (√) sa puntos na
naayon sa mga sumusunod na pamantayan.
Puntos
Pamantayan
5 4 3 2 1
1. May kabuluhan ang inilahad at pagkakaugnay ng detalye.
Kabuuang Puntos
Rubrik sa Paglalahad
Pagpapakahulugan:
20-25 = Napakahusay 10-15 = Mahusay 5-9= Mahusay –husay 1-4 = Kailangan pang magsanay
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: Ikaapat na Araw)
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Bakit kinakailangang sugpuian ang mga peste sa halaman?
2. Bakit mahalagang matutuhan ng isang batang tulad mo ang wastong pamamaraan ng pagsugpo ng
peste?
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: Ikalimang Araw)
Gawain sa Pagkatuto 3: Gamit ang sagutang papel , unawain ang mga sumusunod na tanong at isulat ang titik
ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod na pangungusap ay mga dahilan kung bakit kailangang sugpuin ang mga peste at
insekto maliban sa isa.
a. Dahil lumalaking malago at mataba ang mga halaman.
b. Dahil nagkakasakit ang mga halaman
c. Dahil nababawasan ang kita ng mga magsasaka
d. Dahil sumisira at pumapatay ito sa mga pananim
2. Maayos na ang punlang pananim na inaalagaan mo ngunit ibig mo pang maging malago ang mga ito.
Ano ang dapat mong gawin?
a. Diligin ng sobrang tubig
b. Sugpuin ang mga peste’t kulisap
c. Bisitahin ito ng madalas
d. Hayaan ang mga damong tutubo sa paligid nito
3. Bakit kailangang iwasan ang paggamit ng kemikal na pangsugpo ng mga peste at kulisap?
a. Makadaragdag ito sa ani c. Makapagpapalaki ito ng halaman
b. Makakapagpalaki ng kulisap d. Makakabawas ito ng sustansya sa lupa
4. Ito ay isang proseso ng pagtatanim na kung saan nakapaloob ang pagsasalit-salit ng mga pananim ayon sa
kalagayan ng panahon.
a. intercropping c. companion planting
b. crop rotation d. cash cropping
5. Ang mga sumusunod na pangungusap ay pamamaraan ng pagsugpo ng peste o salot sa mga halaman. Piliin
ang mga ito.
I. Pagpapausok sa mga puno at halaman gamit ang mga tuyong dahoon o damo. Tiyaking usok lamang ang
lalabas at hindi apoy.
II. Alisin kaagad ang mga kulisap na sumisira o kumakain sa mga dahoon ng mga halaman.
III. Pagtatanim na ayon sa sistema ng Intercropping .
IV. Gumawa ng pamboba o pestisidyo (pesticide) sa mga peste o salot sa halaman mula sa katas ng mga
halaman.
A. I at II b. II, III at IV c. I, II at IV d. Lahat ng nabanggit.
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: Ikalimang Araw)
•
• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.