Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Hanapin Hanapin

(https://mediko.ph/)

Mga Karamdaman Mga Lunas Mga Sintomas (https://mediko.ph/mga-sintomas/)

Nutrisyon (https://mediko.ph/nutrisyon/) Blog Tungkol sa Mediko.ph

Home (https://mediko.ph/) » Sakit sa Puso (https://mediko.ph/karamdaman/puso/) » Coronary Artery Disease

Coronary Artery Disease


Sanhi at Sintomas (https://mediko.ph/karamdaman/coronary-artery-disease/)

Gamot at Lunas (https://mediko.ph/karamdaman/coronary-artery-disease/gamot-lunas/)

Buod Mga Kaugnay na Sulatin


Ang coronary artery disease (CAD) ay isang uri ng sakit sa puso na kilala rin sa mga tawag
na coronary heart disease (CHD) at ischemic heart disease.
Kanser sa Bato (Kidney
Cancer)
Sa sakit na ito, naaapektuhan ang mga ugat ng puso, partikular na ang coronary artery.
(https://mediko.ph/karamdama
Ang coronary artery ay ang pinakamalaking ugat na daanan ng dugo na tumutulong
sa-bato-kidney-cancer/)
(https://mediko.ph/karamdaman/kanser-
maghatid ng oxygen at nutrisyon sa puso.
sa-bato-
Kadalasang nagkakaroon ng coronary artery disease kapag nabarahan ng mga taba ang kidney-
coronary artery. Dahil dito, sumisikip nang husto ang mga ugat ng puso at ito ay cancer/)

nagdudulot ng paninikip ng dibdib o angina, hirap sa paghinga, at atake sa puso


(https://mediko.ph/karamdaman/atake-sa-puso-heart-attack/). Alopecia
(https://mediko.ph/karamdama
Ayon sa World Health Organization (WHO), kabilang ang coronary artery disease sa
sampung pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga tao. Maraming nagkakaroon ng (https://mediko.ph/karamdaman/alopecia/)
sakit na ito dahil sa pagkain ng matatabang pagkain, kakulangan sa ehersisyo,
paninigarilyo, at labis na pag-inom ng alak.
Meningitis
Ang coronary artery disease ay isang mapanganib na sakit, pero ito naman ay (https://mediko.ph/karamdama
nagagamot sa pamamagitan ng pag-inom ng medikasyon, o kaya naman ay operasyon
kung ito ay malala na. (https://mediko.ph/karamdaman/meningitis/)

Kasaysayan Pulmonary Fibrosis


(https://mediko.ph/karamdama
Sa sakit na coronary artery disease, nagkakaroon ng pagbabara ang mga ugat ng puso. fibrosis/)
Ang pagbabarang ito ay tinatawag na atherosclerosis. Ayon sa mga mananaliksik, isa ang (https://mediko.ph/karamdaman/pulmonary-
atherosclerosis sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga sinaunang taga- fibrosis/)
Ehipto. Halimbawa nito ay ang pagkamatay ni Pharaoh Merenptah noong 1,203 BCE.
Ayon sa mga mananaliksik, ang pinakanaaapektuhan ng sakit sa puso ay ang mga Acromegaly
mayayamang taga-Ehipto. Sila kasi ay sagana sa mga pagkaing matataba gaya ng (https://mediko.ph/karamdama
baka, bibe, at gansa. Mahilig din silang maglagay ng asin sa kanilang pagkain, kaya mas
mataas ang posibilidad nilang magkaroon ng mga baradong ugat sa puso. (https://mediko.ph/karamdaman/acromegaly/)

Dahil sa kakulangan pa ng kaalaman tungkol sa sakit na coronary artery disease,


Irritable Bowel Syndrome
maraming mananaliksik pa ang nag-aral tungkol dito gaya ni Leonardo da Vinci (1452-
(https://mediko.ph/karamdama
1519). Ang pinakamahalagang kontribusyon ni da Vinci sa larangang ito ay ang
bowel-syndrome/)
pagkakadiskubre na may apat na valves ang puso. Ayon din kay da Vinci, kapag
(https://mediko.ph/karamdaman/irritable-
nabarahan ang mga ugat ng puso ay hindi malayong magkaroon ng sakit ang isang tao.
bowel-
Upang mas maintindihan pa kung bakit nagkakaroon ng iba’t ibang sakit sa puso, syndrome/)
nagsagawa rin ng pag-aaral si William Harvey (1578-1657), isang Ingles na doktor. Sa
dinami-rami ng teorya tungkol sa pagdaloy ng dugo, tanging si Harvey lamang ang Ubong-Dalahit (Pertussis)
nakapaglahad nang tama kung paano ang wastong sirkulasyon ng dugo sa katawan. (https://mediko.ph/karamdama
dalahit-pertussis/)
Ayon naman kay Friedrich Hoffman (1660-1742), isang propesor ng medisina sa University of
(https://mediko.ph/karamdaman/ubong-
Halle, nagkakaroon ng coronary artery disease kapag sumisikip ang mga daluyan ng dugo. dalahit-
pertussis/)
Mga Sanhi
Gaya ng nabanggit noong una, ang pinakapangunahing sanhi ng coronary artery disease Cushing Syndrome
(https://mediko.ph/karamdama
ay ang pagkakaroon ng baradong coronary artery. Posibleng mabarahan ang ugat na ito
syndrome/)
nang dahil sa mga sumusunod:
(https://mediko.ph/karamdaman/cushing-
Pagkain ng matatabang pagkain – Nagiging sanhi ng pagbabara ng coronary artery syndrome/)
ang matatabang pagkain sapagkat ang mga ito ay mayaman sa saturated fats. Ang
saturated fats ay uri ng taba na nakapagpatataas ng bad cholesterol ng katawan. Ilan Impeksyon sa Ulo ng Ari
lamang sa mga pagkaing sagana sa saturated fats ay ang matataba at masesebong ng Lalaki (Balanitis)
parte ng karne ng baka, tupa, baboy, at manok. (https://mediko.ph/karamdama
Kakulangan sa pag-eehersisyo – Kapag ang labis na pagkain ay sinabayan ng sa-ulo-ng-ari-ng-lalaki-
(https://mediko.ph/karamdaman/impeksyon-
kakulangan sa pag-eehersisyo, hindi rin malayo na magkaroon ng coronary artery sa-ulo-ng- balanitis/)
disease. Dahil sa hindi pag-eehersisyo, hindi nawawala ang bad cholesterol ng ari-ng-lalaki-
katawan, kaya naman nagkakaroon din ng pagbabara sa mga ugat ng puso. balanitis/)
Paninigarilyo – Ang carbon monoxide, nicotine, at iba pang mga nakalalasong kemikal
mula sa sigarilyo ay nagdudulot din ng coronary artery disease. Imbes na taba, ang Balakubak (Dandruff)
mismong dugo ng katawan ay lumalapot at nagkukumpul-kumpol para mabarahan (https://mediko.ph/karamdama
ang mga ugat ng puso. dandruff/)
Labis na pag-inom ng alak – Ang labis na pag-inom ng alak ay nakapagpapataas ng (https://mediko.ph/karamdaman/balakubak-
presyon ng dugo (https://mediko.ph/karamdaman/altapresyon-high-blood-pressure/) dandruff/)
na posibleng maging sanhi ng paninikip ng mga ugat ng puso. Bukod dito, pinapahina
nito ang pagtibok ng puso, kaya naman hindi makatanggap ng sapat na oxygen at
nutrisyon ang ibang mga parte ng katawan. Hanapin Hanapin

Sintomas Mga Bagong Artikulo


Mga Paraan Upang Maiwasan ang
Pagkalat ng STD
(https://mediko.ph/mga-paraan-
upang-maiwasan-ang-pagkalat-ng-
std/)
Ano nga ba ang Urinalysis o Pagsusuri sa
Ihi? (https://mediko.ph/urinalysis-
pagsusuri-sa-ihi/)
707 na Kaso ng COVID-19, Kumpirmado
sa Pilipinas (https://mediko.ph/707-na-
kaso-ng-covid-19-kumpirmado-sa-
pilipinas/)
Mga karaniwang sakit sa balat na
nararanasan ng mga Pilipino
(https://mediko.ph/mga-karaniwang-
sakit-sa-balat-na-nararanasan-ng-
mga-pilipino/)
Mga karaniwang sakit sa balat na dulot
ng impeksyon ng fungi
(https://mediko.ph/mga-karaniwang-
sakit-sa-balat-na-dulot-ng-
impeksyon-ng-fungi/)

Source: healthination.com (https://www.healthination.com/health/coronary-artery-


disease-symptoms)

Ang coronary artery disease ay may iba’t ibang sintomas. Magpatingin agad sa doktor
kung nakararanas ng alinman sa mga sumusunod:

Angina – Ang angina ang pinakapangunahing sintomas ng coronary artery disease. Ito
ay ang paninikip ng dibdib sa hindi malamang dahilan. Kadalasan, inilalahad ang
angina na parang may nakadagan sa dibdib, o kaya naman ay parang pinipiga ang
dibdib.
Pananakit ng panga, balikat, braso, o likod – Kapag may angina, posibleng
makaramdam din ng pananakit sa ibang mga parte ng katawan gaya ng panga,
balikat, braso, o likod.
Hirap sa paghinga – Dahil sa hindi magawang maghatid nang maayos ng oxygen ang
puso sa iba’t ibang parte ng katawan, ang pasyenteng may coronary artery disease ay
makararanas din ng hirap sa paghinga.
Pagkakaroon ng cold sweat o malamig na pawis – Kung ang lumalabas na pawis sa
iyong katawan ay labis-labis at malamig, posibleng indikasyon na ito ng sakit sa puso.
Pagkahilo – Ang pagkahilo ay isa rin sa mga sintomas ng coronary artery disease
sapagkat bukod sa puso, hindi na rin nakatatanggap ng sapat na oxygen at nutrisyon
ang utak.

Kapag lumala ang isang kaso ng coronary heart disease, maaari itong magdulot ng mga
komplikasyon. Ang pinakamalala sa mga dito ay ang heart attack o atake sa puso. Dito,
ang mga kalamnan ng puso ay unti-unting nanghihina at pansamantalang titigil sa
pagbomba ng dugo. Kapag nangyari ito, ang pasyente ay mawawalan ng malay. Upang
mailigtas ang buhay ng pasyente, kailangang magsagawa ng emergency chest
compressions at magbigay ng agarang atensyong medikal.

Minsan, isinasawalang-bahala ng iba ang mga sintomas na ito lalo na ang angina o
paninikip ng dibdib, sapagkat inaakala nilang ito ay heart burn o indigestion lamang.
Bagama’t ang ilang mga sintomas ng coronary artery disease ay natutulad sa ibang hindi
kaselang sakit, iminumungkahi pa rin na magpakonsulta agad sa doktor.

Mga Salik sa Panganib


Source: saukprairiehealthcare.org (https://www.saukprairiehealthcare.org/Services/Mens-
Health-Tools/Mens-Health-Blog/5-myths-blood-pressure-and-cholesterol-debunked)

Tumataas ang posibilidad na magkaroon ng coronary artery disease kapag nabibilang


ang isang tao sa alinman sa mga sumusunod na grupo:

Mga may matataas na presyon at cholesterol – Isa sa mga pangunahing salik sa


panganib ng coronary artery disease ay ang pagkakaroon ng mataas na presyon at
cholesterol. Maigting na pinag-iingat ang sinumang madalas magkaroon ng presyon na
140/80 mmHg pataas o kaya naman ay may mahigit 240 mg/dL na lebel ng cholesterol.
Mga overweight – Ang mga taong overweight o labis-labis ang timbang ay
nanganganib ding magkaroon ng coronary artery disease. Ang mga katawan nila kasi
ay maraming saturated fats na posibleng bumara sa mga ugat ng puso.
Mga mahihilig kumain ng matatabang pagkain – Kahit hindi overweight, posible pa ring
magka-coronary artery disease kung ikaw naman ay mahilig kumain ng matatabang
pagkain. Tandaan, ang matatabang pagkain ay maraming saturated fats na
nakapagpapataas ng presyon at cholesterol ng katawan.
Mga naninigarilyo – Kung umuubos ng mahigit sa isang pakete ng sigarilyo isang araw,
hindi malayong magkaroon ng coronary artery disease. Gaya ng nabanggit noong una,
ang mga nakalalasong kemikal ng sigarilyo ay nagdudulot ng pagkukumpul-kumpol ng
dugo na siyang nagiging sanhi ng pagbabara ng mga ugat ng puso.
Mga labis-labis uminom ng alak – Ang labis-labis na pag-inom ng alak ay nagdudulot
ng pagtaas ng presyon at panghihina ng mga kalamnan ng puso.
Mga taong may ibang karamdaman – Ang mga taong may ibang karamdaman gaya
ng diabetes (https://mediko.ph/karamdaman/diabetes/) at sleep apnea
(https://mediko.ph/karamdaman/sleep-apnea/) ay maaaring magkaroon ng
komplikasyon at magdulot ng pagbabara ng mga ugat sa puso.

Pag-Iwas

Source: wikihow.com (https://www.wikihow.com/Live-With-Coronary-Artery-Disease)

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng coronary artery disease, iminumungkahi na gawin


ang mga sumusunod:

Kumain ng mga masusustansyang pagkain – Ang pagpili ng mga masusustansyang


pagkain ay nakatutulong upang makaiwas sa mga salik sa panganib ng coronary artery
disease gaya ng mataas na presyon, labis na timbang, at diabetes. Damihan ang
pagkain ng mga gulay, prutas, at isdang mayaman sa omega-3 (healthy fats). Bawasan
din ang pagkain ng matataba at masesebong parte ng mga karne upang hindi dumami
ang saturated fats ng katawan.
Mag-ehersisyo araw-araw – Ang pag-eehersisyo kahit 30 minuto lamang araw-araw
ay makatutulong upang mapanatili ang wastong timbang. Bukod dito, ang pag-
eehersisyo ay nakapagpapababa ng cholesterol ng katawan.
Itigil ang paninigarilyo – Ang paninigarilyo ay napakaraming naidudulot na sakit. Hindi
lamang sakit sa baga ang naidudulot nito, kundi pati sakit sa puso.
Bawasan ang pag-inom ng alak – Ang sobrang pag-inom ng alak ay
nakapagpapataas ng presyon. Kung nais uminom ng alak, mas maigi kung ang pag-
inom nito ay tuwing may mga okasyon lamang.

Maliit lamang ang posibilidad na magkaroon ng coronary artery disease kung uugaliin ang
healthy lifestyle. Sa oras naman na makaramdam ng mga sintomas nito, agad na magpa-
checkup sa doktor upang hindi na ito lumala pa.

Sanggunian
https://www.cardiosmart.org/Heart-Conditions/Coronary-Artery-Disease
(https://www.cardiosmart.org/Heart-Conditions/Coronary-Artery-Disease)
https://www.healthline.com/health/coronary-artery-disease
(https://www.healthline.com/health/coronary-artery-disease)
https://www.medicalnewstoday.com/articles/184130.php
(https://www.medicalnewstoday.com/articles/184130.php)
https://www.healthinfotranslations.org/pdfDocs/CAD_TAG.pdf
(https://www.healthinfotranslations.org/pdfDocs/CAD_TAG.pdf)
https://www.nhlbi.nih.gov/health-topics/ischemic-heart-disease
(https://www.nhlbi.nih.gov/health-topics/ischemic-heart-disease)
https://www.healthline.com/health/heart-disease/history#diet-and-heart-disease
(https://www.healthline.com/health/heart-disease/history#diet-and-heart-disease)
https://www.nhs.uk/conditions/coronary-heart-disease/
(https://www.nhs.uk/conditions/coronary-heart-disease/)
https://columbiasurgery.org/news/2016/02/18/heart-disease-was-common-ancient-
egypt-too-0 (https://columbiasurgery.org/news/2016/02/18/heart-disease-was-
common-ancient-egypt-too-0)
https://www.cardiosmart.org/Healthwise/hw79/682/hw79682
(https://www.cardiosmart.org/Healthwise/hw79/682/hw79682)
https://www.drinkaware.co.uk/alcohol-facts/health-effects-of-
alcohol/diseases/alcohol-and-heart-disease/ (https://www.drinkaware.co.uk/alcohol-
facts/health-effects-of-alcohol/diseases/alcohol-and-heart-disease/)
https://www.medicalnewstoday.com/articles/315900.php
(https://www.medicalnewstoday.com/articles/315900.php)

Mga Bahagi ng Website Mag-subscribe sa aming


newsletter
Mga Karamdaman
(https://mediko.ph/karamdaman/)
Mga Lunas (https://mediko.ph/mga-lunas/) Email Address
Mga Sintomas (https://mediko.ph/mga-sintomas/)
Nutrisyon (https://mediko.ph/nutrisyon/)
Blog (https://mediko.ph/blog/) Submit
Itanong Kay Doc (https://mediko.ph/itanong-kay-
doc/)
Tungkol sa Mediko.ph (https://mediko.ph/mediko-
ph/)
Makipag-ugnayan
(https://mediko.ph/makipagugnayan/)

© 2019 Mediko Philippines. All rights reserved.

Mediko.ph does not provide medical advice,


diagnosis or treatment.

You might also like