pangkasarian sa lipunan Ang pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga tao ayon sa kanilang kasarian ay naging isang mainit na isyu muli. Sa mga kababaihan na naninindigan para sa kanilang mga karapatan, mga miyembro na ngayon ng LGBTQIA community ang sumisigaw para sa pantay na pagtrato. paggalang. Para sa ilan, hindi katanggap- tanggap ang kasarian sa labas ng pagiging lalaki at babae. Ito ay sinasabing labag sa Salita ng Diyos at hindi dapat pagbigyan. Kung saan-saan, kailangan nilang humingi lagi ng pagtanggap dahil katulad lang sila na mga ordinaryong nilalang. Ngunit kung palalawakin natin ang ating isipan, hindi natin dapat husgahan ang isang tao batay sa kasarian. Ang pagiging mabuting tao ay neutral sa kasarian. Hindi mahalaga kung paano nakikita ng isang tao ang kanyang pagkakakilanlan. Ang mahalaga ay ang pagpapakita ng disiplina at pagiging produktibong bahagi ng ating komunidad. Basta may effort, yakapin mo lang sila at tingnan Huwag sanang mabulagan ang mga tao dahil lamang sa sekswalidad nito. May mga ‘normal’ nga ang piniling landas pagdating sa kasarian ngunit tila wala namang pakinabang sa kanilang kapuwa at nagiging salot pa sa lipunan