Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA EPP 4

3rd Quarter ( Industrial Arts )


I. LAYUNIN:
1. Naipaliliwanag ang gamit ng bawat kagamitan sa pagsusukat.
2. Naiisa-isa ang paggamit ng bawat kagamitan sa pagsusukat.
3. Naipamamalas ang kahalagahan ng bawat kagamitan sa pagsusukat.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Mga Kagamitan sa Pagsusukat
Sanggunian: Batayang Aklat sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan,
Baitang 4-pahina 452-455, Manwal ng guro pahina 210-212
Kagamitan: Laptop, larawan, ICT, strips, cartolina at pentelpen.

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagtala ng dumalo/lumiban sa klase
3. Pagbati
4. Mga Pamantayan Sa Klase
✓ Itaas ang mga kamay tanda na handa na sa klase.
✓ Maupo ng maayos
✓ Makinig nang mabuti sa guro at sa kaklase na nagsasalita.
✓ Maging alerto lagi sa klase
✓ Lumahok sa mga gawain at talakayan sa klase.
✓ Iwasan ang sabayang pagsagot.
✓ Itaas ang kamay kung gustong sumagot.
✓ Hintayin ang sariling pagkakataon.
✓ Iwasang pagtawanan ang sinumang nagkakamali sa pagsagot.
✓ Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.

5. Pagbabalik Aral
Ano ang tamang paraan sa pag-aalaga ng hayop?
6. PAGGANYAK
( Ipapakita sa mga bata ang mga kagamitan sa pagsusukat at
itanong )
• Saan ito ginagamit?
• Paano ginagamit ang mga ito?
B.PAGLALAHAD
Aktbiti:
Hatiin ang klase sa apat na grupo at ipagawa ang mga Gawain para sa
kanilang mga grupo.
Pangkat 1: Idikit sa loob ng lalagyan ng gamit (kahon) ang mga kagamitan sa
pagsusukat.
Pangkat 2: Itapat ang larawan sa angkop na gamit nito ayon sa iyong palagay.
Pangkat 3: Kumpletuhin ang table at ibigay kung saan angkop gamitin ang panukat
na ibinigay.
Pangkat 4: Gumuhit ng mga kagamitan na ginagamit pansukat.

C. PAGTATALAKAY
- Ang guro ang magtatalakay na sa bagong aralin.
- Tanong:
*Anu-ano ang mga kasangkapang panukat?
*Paano ginagamit ang mga ito?
*Saan ito ginagamit?

D.PAGLALAPAT
Unang pangkat
Panuto: Hanapin sa loob ng crossword puzzle ang mga salita na may
kaugnayan sa mga kasangkapang panukat (1-8). Kopyahin at bilugan ang sagot sa
loob ng kahon.
Pangalawang pangkat
Panuto: Pagtambalin ang mga kasangkapan ayon sa gamit nito.

Pangatlong pangkat
Panuto: Ano ang ginagamit sa pagsusukat ng sumusunod na bagay.
Pang-apat na pangkat
Panuto: Kilalanin at isulat ang pangalan ng bawat kagamitan.

E.PAGLALAHAT
1. Bakit kailangang gumamit ng kasangkapang panukat?
2. Paano gamitin ang mga kasangkapang ito?
3. Bakit mahalagang malaman ang gamit ng bawat panukat na nabanggit?
4. Anong kahalagahan nito sa ating komunidad?

lV- PAGTATAYA
Lagyan ng tsek ( / ) ang espasyo kung ano ang wastong kagamitan sa
pagsusukat ang gagamitin sa mga bagay na nasa tsart.
BAHAGING RULER STEEL ISKWALA PULL- PROTRAKTOR TRIANGLE
SUSUKATIN SQUARE PUSH
RULE
1.lapad ng
kartolina
2.haba ng
kawayan
3.takip ng
lata ng gatas
4.taas ng
drowing
5.ibabaw na
bahagi ng
table
V- TAKDANG ARALIN
1. Magtala ng mga bagay na makikita sa inyong tahanan na ginagamitan ng
sistemang metrik at Ingles. Isulat sa kartolina at iulat sa harap ng klase.
2. Ano-ano ang mga yunit sa pagsusukat sa bawat Sistema? Isulat sa kwaderno
ang sagot.

Inihanda ni:

MYRNA A. DE GRACIA
Nagpapakitang-turo
Manunuri:

FRANCIS ABVIS V. ABO-ABO


Master Teacher l

You might also like