Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DEXEL LORREN R.

VALDEZ BSN - 3

Subject Code: FIL2

Subject Title: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

No. of Units: 3

Topic: Register/Barayti ng Wika

Punto ng Talakayan: Tinatalakay ditto ang iba’t ibang barayti ng wika o register.

Layunin: Sa pagtatapos ng mga pagtalakay, ang mga mag-aaral inaasahang:


1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga sitwasyong pangkomunikasyon.

REGISTER / BARAYTI NG
WIKA
Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinaliliwanag ng teoryang sosyolingguwistik na pinagbatayan ng
ideya ng pagiging heterogenous ng wika. Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga
indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang mga tirahan.interes, gawain,pinag-aralan at iba pa.
Samakatuwid, may dalawang dimensyong sosyal. (Constantino, 2006)
Dayalek ang barayti ng wikang nililikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa iba pang
aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang particular na rehiyon.Pansinin ang pananagalog ng mga naninirahan sa
iba’t ibang lugar na gumagamit ng wika.
Maynila: Masayang bumiyahe kasi walang trapik!
Batangas: Ala, eh pagkakahusay ngay-ong bumyahe’t walang katrapik-trapik. Kainaman !
Bataan: Kasayang bumyahe ah! Walang trapik ah!
Nueva Ecija: Eh Kasayang bumyahe! Walang trapik weh!
Sosyolek ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tunatawag din itong sosyal na barayti
ng wika dahik sa nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Pansinin kung paano inilantad ng rehistro ng
sumusunod na pahayag ang pinagmulan ng mga ito:

Legal Jargon Medisina at Nursing Accountancy Jargon Sports Jargon


Jargon
Court Diagnosis Balance Deuce
Justice Symptom Revenue Fault
Appeal Check up Gross income Advantage
Complainant Emergency Cash flow Breakpoint
Attorney prescription Account Substitution
Jargon ang mga tanging bokabularyo ng isang particular na pangkat ng gawain o larang. Idyolek ang ay
kani-kaniyang paraan ng oaggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng
wika, ang indibidwal na katangian ng tao ay nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang
nagpapaiba sa isang indibiduwal sa iba pa. Gaya ng estilo pagsasalita nina Kris Aquino, Jessica Soho, Manny
Pacquiao at iba pa.
Pidgin at Creole ay tinatawag ding nobody’s language. Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na
tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang common na wika ay nagtatangka na magkaroon
kumbensyong makeshift. Ganito ang pidgin na madalas na maririnig sa mga Intsik sa Binondo: Suki ikaw bili
tinda mura.
Ang creole naman ay isang wikang unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika gaya ng
Chavacano na hindi masasabing purong Kastila dahil may impluwensya ng katutubong wika sa istruktura
mito.
Ekolek ang pinagmumulan naman ng mga barayti na ito ay ang mga salitang karaniwang ginagamit sa
tahanan.
C. MGA GAWAIN
Gawain 1:

PANUTO: Pag-aralan ang sumusunod na halimbawa ng register.


1. beat- sa larangan ng pampalakasan o isports – tinalo o pagkatalo Masasabi mo
ba kung ano ang kahulugan ng beat sa iba pang larangan?

sayaw at awit- Ito ang kumpas ng isang kanta na kadalasang sinasabayan ng mga tao
batas trapiko- Ito ang lugar kung saan nakatakda ang isang kapulisan
pagluluto- Ito ang tawag sa kilos ng paghahalo o pagbati ng itlog
medisina- Tinutukoy nito ang pagtibok ng puso o ng pulso

2. dressing- sa larangan ng medisina- paglilinis ng sugat o pagpapalit ng benda


Masasabi mo ba kung ano ang kahulugan ng dressing sa iba pang larangan?

fashion- Ang pagsusuot ng pananamit


pagluluto- Ito ang pinagsama-samang kasangkapan upang makabuo ng masarap sarsa na
kadalasang inilalagay o ihinahalo sa salad
agrikultura- Ito ang mga bagay na idinaragdag o inilalagay sa lupa bago taniman para sa
karagdagang sustansiya

3. bituin- sa larangan ng astrolohiya- flaming ball of gas na makikita sa kalawakan.


Masasabi mo ba kung ano ang kahulugan ng bituin sa iba pang larangan?

pelikula- ito ay ang isang artista


edukasyon- Ito ang katunayan na namarkahan na ang isang papel o may mataas na marka
ang mag-aaral

Gawain 2:
0-
PANUTO : Maglista ng tiglimang salita sa bawat sosyolek ng wika. Maaari kang magpatulong sa
mga kasama sa tahanan mula sa pangkat / okupasyon na nakatala.

Parmasyutika Pamamahayag Musika Matematika


Dosage Anonymous Source Rhythm Arithmetic
Allergic Response File Acoustic Algorithm
Half-life Exclusive Soprano Equation
Narcotic Feature Bass Remainder
Placebo Byline A capella Subtraction

PAGLALAHAT
Gamit ang hashtag, gumawa ng shoutout sa mga bagay na natutuhan sa aralin.

Iba’tIbangBaraytiNgWikaAtAngKanilangPinanggagamitan

Reference:
Onte, Imelda E. SDO Pasay Module Writing. 2020
SHS%20-ABM11-Q1-W1-D4.pdf

You might also like