Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
_________________________________________________________________________
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
Grade III
Quarter 3 Week 4
MAPEH (Health) 3

Day & Learning Learning Learning Tasks Mode of


Time Area Competency Delivery
7:00-7:30 Pag gising, Panalangin, pag eehersisyo at pagkain ng umagahan kasama ang pamilya.
7:30-8:00 Paghahanda ng sarili para sa buong araw na gawain.
Weekda MAPEH Discusses the Panimula ( I )- Basahin at pag-aralan sa
ys different factors unang bahagi ng LAS Para sa Modular
8:50-9:30 (HEALTH 3) that influence Distance
AM choice of goods “MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA Learning (MDL)
and services PAGPILI NG PRODUKTO O SERBISYO”
9:45- (H3CH-IIIbc-4) - Ipasa ng
Pagpapaunlad
10:30 magulang/guar
Sagutan ang Gawain sa Pagkatuto
AM dian sa guro
Bilang 1-3 sa LAS.
ang lahat ng
mga nagwang
Pakikipagpalihan ( E )
takdang aralin
Punan ang patlang sa Reflection ng
sa
LAS.
napagkasundun
ag lugar,petsa
at oras.

-Magkakaroon
ng follow-
up/follow
through ang
mga guro sa
mga bata at
magulang
habang
isinasagawa
ang mga
gawain sa
modules sa
pamamagitan
ng text, tawag,
chat o video
call.

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Rizal Avenue, San Pablo City, Laguna 4000


sanpablo.city@deped.gov.ph
depedsanpablo.com
(049) 503 - 5967
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
_________________________________________________________________________

LEARNER’S ACTIVITY SHEET (LAS)

HEALTH 3

Name of Learner
Grade level and THREE
Section
Date Quarter 3 , Week 3&4

MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA PAGPILI NG PRODUKTO O SERBISYO

Learning Competency with code: Discusses the different factors that influence choice of goods
and services (H3CH-IIIbc-4)

Ang konsyumer ay tumutukoy sa mga indibidwal na bumibili o gumagamit ng mga produkto.


Ang konsyumer ay tinatawag ding mamimili , ang mga taong namimili ng mga produkto at
serbisyo upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Naranasan mo na ba na bumili ng iyong mga gamit sa tulong ng iyong ina? Nabili mob a ang
mga bagay na kailangan mo? O sa huli ay nagtalo lamang kayo ng iyong ina? Maraming bagay
ang nakakaimpluwensya sa pagbili natin ng mga bagay na kailangan natin.

Narito ang mga salik na nakakaimpluwensya sa pagpili ng produkto at serbisyo.


1. Personal (interes , kagustuhan)
Kasama sa personal na kadahilan ang edad, kasarian, trabaho, estilo ng pamumuhay,
interes at pang-araw araw na Gawain. Ang iyong kagustuhan sa pagpili ay nababago
habang ikaw ay nagkakaidad. Ang desisyon at ugali sa pagbili ay natural na
naaapektuhan ng ugali ng isang mamimili. Ang kagustuhan ng iyong ina ay maaaring
iba sa gusto mo dahil sa iyong interes at edad. Ang mga batang katulad mo ay mas
gusting bumili ng mga laruan at mga gamit sa paaralan kumpara sa iyong ate na ang
gustong bilhin ay bag at sapatos. Sa iyong murang edad, may hilig kang kumain ng mga
gusto mong kainin. Samantalang ang mga medyo may edad na ay mas pinipili ang
kumain ng masusustansya sa pamamagitan ng pagpili ng mga pagkain na may kaunting
kolesterol.

2. Economic (badget, pangkabuhayan)


Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong kayang bilhin ng konsyumer.
Ang pagbili ng produkto at paggamit ng serbisyo ay depende sa kita ng konsyumer .
Kung ang kita at ipon ay higit sa pangangailangan ng pamilya , sila ay makabibili ng
produktong mas mahal samantala kung ang pamilya ay may mababang kita at ipon ay
kanilang mabibili ay mga produktong di masyadong mahal.. Ang trabaho ng isang
konsyumer ay mahalaga sa pagpili ng produktong bibilhin. Ang mga nagtatrabaho sa
mundo ng korporasyon ay siguradong nakabibili ng mga mamahaling pormal na damit
samantalang ang mga simpleng manggagawa ay simpleng damit tulad ng polo shirt at
pantalong maong.

3. Psychological (emosyon)
Ito ay tumutukoy sa damdamin, pagganyak, pang-unawa,pag-aaral paniniwala at pag-
uugali.

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Rizal Avenue, San Pablo City, Laguna 4000


sanpablo.city@deped.gov.ph
depedsanpablo.com
(049) 503 - 5967
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
_________________________________________________________________________

4. Ethical (values)
Ito ay tumutukoy sa karaniwang pamantayan ng isang konsyumer. Ang kultura ay
bahagi ng paniniwala, kaugalian , at pag-uugali. Halimbawa, may mga tao sa ibang panig
ng mundo na mahilig magsuot ng mini-skirt, pero kung ito ay isusuot sa Afghanistan ay
maaari siyang maharap sa mabigat na parusa o kamatayan.

5. Environmental / Social ( pamilya, kapwa, media, at uso)


Sa mga bagay na kailangan ng pamilya ay karaniwang na mga magulang ang
nagdedesisyon. Ang mga ganitong sitwasyon ay madalas mangyari dahil ang mga
magulang ang karaniwang kumikita, nagbabadyet at namamahala ng mga
pangangailangan.
Maliban sa pamilya ay nariyan din ang mga kaibigan o kapwa na nakakaapekto sa
pagpili. Kapag ang iyong kaibigan ay nagkameron ng isang makabagong cellphone ay
gusto mo din magkameron para hindi ka naiiwanan sa uso.
Ang media ay isang paraan din upang maghatid ng anunsyo sa publiko gaya ng
telebisyon, radio, billboard magazine sinehan, streamers, leaflets at internet ay
nakakaapekto ng malaki sa pagpili ng produkto. Ang mga bata ay medaling
makumbinse sa mga bagay na nakikita at naririnig nila ng hindi nalalaman ang mga
kahinaan ng produkto. Ang mga bata ay dapat turuan ng tamang pagdedesisyon sa
pagpili ng mga produkto. Sa panahon ngayon ay maaari ka ng bumili ng mga produkto
sa online at maaari mo na ding matanggap sa loob ng 24 oras

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat sa bawat bilog ang salik na nakakaimpluwensya sa pagpili ng
produkto o serbisyo.

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Rizal Avenue, San Pablo City, Laguna 4000


sanpablo.city@deped.gov.ph
depedsanpablo.com
(049) 503 - 5967
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
_________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Iguhit ang kung tama ang isinasaad ng pangungusap at
kung mali ang isinasaad ng pangungusap.
__________1. Ang mga produkto na nakikita sa patalastas ang pinakamaayos na produkto na iyong
mabibili.
__________2. Huwag bibili ng mga produkto na inirekomenda ng iyong kaibigan.
__________3. Malaking impluwensya sa mga bata ang mga magulang sa pagpili ng mga produktong
bibilhin nila.
__________4. Ang mga konsyumer ay dapat maniwala sa mga patalastas na makikita sa internet.
__________5. Kung hindi gaanong malaki ang sweldo ng konsyumer ay maaari parin siyang bumili ng
mahal dahil pwede naman siyang mangutang.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Bilang bata, paano mo maipakikita ang matalinong pagpili ng
produktong iyong bibilhin. Sumulat ng limang (5) dahilan mo sa sa pagpili.

1. __________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________
4. __________________________________________________________________
5. __________________________________________________________________

Scoring Rubric (If necessary)


Reflection

References for learners


LM MAPEH in Action 3 p.493-496

For Quality Assurance

Reviewed by:
_____________________________
Learning Resource Evaluator
(Master Teachers, Subject Specialist)

School Head Public School District Supervisor

LERMA M. BALDONADO HENRY P. CONTEMPLACION


Education Program Supervisor (Subject) Education Program Supervisor (LRMS)

Approved by:
_____________________________
CID - Chief Education Program Supervisor

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Rizal Avenue, San Pablo City, Laguna 4000


sanpablo.city@deped.gov.ph
depedsanpablo.com
(049) 503 - 5967

You might also like