Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

KURIOS CHRISTIAN COLLEGES FOUNDATION

Bendita ,Magallanes,Cavite

Propesor:Ginang.Elizabeth L. Duro
Pamagat ng Kurso:Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Deskripsyon ng Kurso: Ang kursong ito ay higit na pagpapalawak ng kaalaman at lalo pang
pagpapataas ng antas ng kasanayan sa kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa
pagsasagawa ng pananaliksik.

Modyul 1

Panimula

Gaano ba kahalaga sa isang indibidwal ang magkaroon ng kasanayan sa pagbasa? Sa Pagbasa nakukuha ng mga
mambasasa ang kaalaman na kanilang nais na maunawaan. Isang masalimuot at komplikadong Gawain ang pagbasa,
sapagkat maraminng kasanayan ang nililinang nito at kailangang dito upang maging epektibo ang pagbabasa,
masasabing isa kang mahusay na mambabasa kung naibibigay ang mga pagpapakahulugan na nais ipaunawa ng mga
manunulat. Masasabing isang mahalagang sangkap sa pagkatuto at pag-unlad ng isang indibidwal ang pagkamaalam
nito sa pagbasa ng iba’t ibang uri ng babasahin, masasabi rin na isa itong hantungan ng kanilang mas malalim na
pagtatasa ng mga kaalaman.

Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1.Maipaliwanag ang kahulugan ng pagbasa.
2.Maunawaan ang mga hakbang ng pagbasa.
3.Maipahayag ang kahalagahan ng gawaing pagbasa sa pagkatuto.

Aralin 1
Ang Pagbasa
Ang natatanging puhunan ng tao sa pakikipagsapalaran ay katalinuhan .Kaya’t mahalagang mahasa ang kanyang
talino upang magamit niya sa kabutihan at kaunlaran.Kailangan ang masidhi at malawakang pagbabasa na siyang
makapagbubukas ng daan sa lahat ng katarungan at disiplina tulad ng agham
panlipunan,siyensya,matematika,pilosopiya,kalusugan,sining at iba pa.
Ayon sa isang dalubhasa sa pagbasa,ang karanasang dulot ng pagbabasa ay nagbibigay ng lubos na kasiyahan at
kaluwalhatian sa buhay na hindi maipagpapalit sa kayamanang materyal.Sa pagbabasa,nagiging ganap ang pagkatao
ng isang nilalang,sapagkat nagiging ganap ang kanyang kaalaman,kalihayahan at kasiglahan sa pakikisalamuha sa
mga kapaki-pakinabang na Gawaing nagpapaunlad sa kanyang sarili,sa kanyang kapwa at sa lipunang kanyang
kinabibilangan.
Samakatwid,ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang
mabigkas nang pasalita ang mga ito,Ang pagbasa’y isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng
pakikinig,pagsasalita,pagsusulat at panonood.Ito ay paraan ng pagkilala,pagpapakahulugan at pagtataya ng mga
kagamitang nakalimbag.

Ang Apat na Hakbang ng Pagbasa


Ang pagbasa ay isang gawaing pangkaisipan.Ayon kay William S.Gray,ang apat na hakbang sa pagbasa ay ang
mga sumusunod:
1.Persepsyon o pagkilala –kakayahan ito sa pagbigkas ng salita bilang makahulugang yunit at pagkilala ng mga
nakalimbag na simbolo.
2.Pag-unawa—pag-unawa ito sa mga kaisipan na ipinahahayag ng mga simbolo o salitang nakalimbag.
3.Reaksyon—kakayahan itong humatol o magpasya sa kawastuan at kahusayan at pagdama sa mga isinulat ng may-
akda.
4.Asimilasyon o integrasyon—kakayahan ito sa pagsasama-sama at pag-uugnay-ugnay ng mga nakaraan at ng mga
bagong karanasan.

Mga Gawain
1.Ano-anong konsepto ni Gray ang nakapaloob sa ilustrasyon?Ipaliwanag.
2.Sa pamamagitan ng ispesipikong halimbawa,ipaliwanag kung paano maiaangkop ng mambabasa sa aktwal na
senaryo ang kaisipan ni Gray.
3.Bigyan ng kritik ang sumusunod na pangungusap.
a.Ayon kay TOZE,”nagbibigay ng impormasyon at nagiging daan sa kabatiran at karunungan ang pagbasa”.
b.Isang pasaporteng magagamit ang pagbabasa tungo sa paglalakbay.
c.Pagbabasa ang susi sa pagtuklas ng mas malawak pang karunungan.
d.Ang kaalamang nabasa ay maiuugnay sa tunay na buhay.
4.Magbigay ng limang (5) matitibay na katotohanang mapanghahawakan upang patunayang mahalagang matutunan
ang teknik sa pagbasa.

Aralin 2
Ang Iba’t ibang Dimensyon ng Pagbasa

Layunin
1.Nasusuri ang iba’t ibang dimension ng pagbasa.
2.Naisasagawa ang mga kasanayang nakapaloob sa iba’t ibang dimension.

I. Pag-unawang Literal
 1. Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirangkahulugan ng salita, o pagkuha nito ayonsa pagkakagamit sa
pangungusap. 
2. Pagkuha ng mga ideya at impormasyong maliwanag na sinabi ng babasahin
 3. Pagsasalin ng kaisipan ng may akda sasariling pagkakaunawa ng bumabasa. 
4. Pagkilala (recognizing) - mga informasyon o ideyang malinaw na isinasaad ng binasa.
 a) Detalye o nilalaman ng kwento (pangalan ng mga tauhan,panahon,pook)
 b) Pangunahing Kaisipan ng talata (malaking bahagi ng kwento) 
c) Paghahambing (Comparison) pakakapareho o pagkakaiba (mgatauhan,panahon,pook) 
d) Sanhi at Bunga (Cause and Effect) dahilan ng:(mga tiyak ngpangyayari, kilos sa loob ngseleksyon) 
e) Mga katangian ng Tauhan(Character Traits) malinaw sa mga pangungusapang makakatulong sapaglalarawan sa
katauhanng isang tao. 
5. Paggunita (Recalling)-Makagawa sa sarilingpangungusap at maipaliwanag na mabutiang mga sinasabi sa loob ng
kwento. 
6. Pagbubuo ng Kaisipan (Reorganization)
 a) Pagbubukud-bukod ayon sa kategorya (Classifying)
 1) tao 
2) bagay 
3) pook  
4) pangyayari 
b) Pagbabalangkas (Outlining) 
c) Paglalagom (Summarizing) 
d) Pagsasama-sama (Synthesizing) 

II. Interpretasyon (Interpretation)


1. Pagbasa sa pagitan ng mga pangungusapkung kwento at mga taludtod kung tula.
2.  Pagkuha ng malalalim na kahulugan, bukodsa mga nakuha ng literal na kahulugan.
3.  Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ngmga salita na hindi tuwirang sinasabi saaklat.
4.  Paglalahad ng tunay na kaisipan ng mayakda kasama pati ang mgaimplikasyon at karagdagangkahulugan
nito.
5. Pagkilala sa tunay na hangarin at layunin ngmay akda. 
6. Mabigyan ng kahulugan ang kaisipan ngmay akda.
7. Makilala at mabigyan ng kahulugan angmga pamamaraan sa pagsulat atpaggamit ng mga tayutay. 
8. Pagbibigay ng kabuuan ng kwento na hindimalinaw na ipinapahayag ng mayakda. 
9.  Pagsasaayos sa panibagong balangkas ngkaisipan ng may akda, pinalalawak ang kaisipang ito at isinasama
sa mgaideyang nakuha ng bumabasa sapagbasa.
10.  Pagbibigay ng opinion at pala-palagayayon sa mga kaisipan at informasyongmalinaw na isinasaad ng akda.
11. Pag-aanalisa at pagsasama-sama upangmagkaroon ng panibagong pananawo mataas na pamantayan ng
pag-unawa upang bayaan ang bumabasana makapag-isip sa nais naipakahulugan sa mahahalagangkaisipan
ng may akda. 
12. Paghinuha (Inferring) 
a) Pagpapatunay o pagtatanggol sadetalye 
b) Pagbibigay ng haka-haka sakaragdagang bagay namaaaring naisama ng may akda
na nakakatulong upang ito’y makapagturo, maging kawili-wiliat makatawag pansin. 
13. Pagkakasunud-sunod (Sequence) 
a) Pagbibigay ng palagay kung anongmga kilos o pangyayari angmaaaring maganap sa pagitanng dalawang
malinaw naipinahayag na mga kilos o mgapangyayari. 
b) Pagbibigay ng haka-haka sa kunganu-ano ang maaaring susunodna mangyari kung ang akda ay natapos
nang hindi inaasahan,ngunit ito’y pinabayaangmangyari. 
14. Paghahambing (Comparison) Mahulaan o mabigyan ng sarilingpalagay o masabi ang pagkakaiba ng:
  a) mga tauhan 
b) panahon 
c) mga pook  
15. Pagkakaugnay ng sanhi at bunga 
a) Paghahaka sa mga motivo ng mgatauhan at kanilang mga kinikilos ayonsa takbo ng panahon at pook  
b) Pagbibigay ng palagay kung bakitisinasama ng may-akda sa kanyangpanulat ang:
 1. mga kaisipan 
2. mga gayong pananalita
III. Mapanuring Pagbasa (Critical Reading)
Pagbibigay halaga sa katumpakan ngpagbabasa
Tiyakin ang kaugnayan nito sa isangparticular sa suliranin 
Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa: 
a) katangian 
b) kabuluhan 
c) katumpakan 
d) pagkanakatotohanan 
4. Pagbibigay ng sariling reaksyon tungkol samga kaisipang natutuhan o sa akdangnabasa
 a) naibigan o di naibigan sa pananawang akda
 b) sang-ayon o di sang-ayon sa sakababasang akda 
c) makikita ng mga kaisipangnakagugulo ng damdamin o kaya’ynakapagpapalubag-loob
 5. Paghatol at pagbibigay-pansin sakatangian ng material na ginamit ayon sa: 
a) katumpakan 
b) pagiging kasiya-siya 
c)kung ito’y kinalulugdan
 d) kalimitan ng pangyayari
 6.Pagpapasaya kung ito’y maaring tunay napangyayari o fantasya lamang batay sakaranasan ng bumabasa. 
7.Pagpapasya kung ito’y katotohanan oopinion lamang,analisahin o tantyahin
a) ang pagsulat ay ibinase ayon sakaalaman ng paksa ng mgabumabasa
 b) ang intension ng may akda.
8. Pagpasya sa kaangkupan Bininigyang pasya angkasapatan nito alinsunod sa iba’t ibang bahagi ng akda.
9. Pagpapasya sa pagpapahalagang moral Pasyahan ang kinalulugdan at kinasisiyahang ugali ng mgatauhan batay sa
alituntuning moralidad o sistema ngpagpapahalaga. 

IV . Aplikasyon sa Binasa /Paglalapat


 1. Pagsanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ngbagong pananaw at pagkaunawa 
2. Malaman ang kahalagahan ng nilalamanng binabasa sa karanasan ngbumabasa. 
3. Maragdagan ang pansariling pang-unawasa sarili.
 4. Pagpapahalaga sa ibang tao, pag-unawasa daigdig na kanyang tinanahananat ang mga bagay sa mundo na
nagpapakilos sa tao upang siya’ymag-isip, makadama at umasal ngkanyang ikinikilos.
 5. Pag-uugnay ng nilalaman sa personal nakaranasan. 
 6. Aplikasyon ng mga kaisipan sa binasa sakasalukuyang isyu at mga problema. 

V.Pagpapahalaga (Appreciation)
 1. Paglikha ng sariling kaisipang ayon sa mgakasanayan at kawilihan sa binasangseleksyon. 
2. Pagdama sa kagandahan ng ipinahiiwatigng nilalaman ng kwento. 
3. Madama ang mga damdamin o kaisipanglikha ng guniguni o mga damdaminng mga tauhan sa
kanilangpakikipagtunggali, papupunyagi atpaghihirap. 
4. Maipahayag ang mga damdamin(kasiyahan, kagalakan,kalungkutan, pagkabigo, pagdakilao kabaliktaran nito)
ayon sapamamaraan ng may akda sa kanyang: 
a. mabisang pagpapahayag 
b. pamamaraan ngpagbibigay ng mgakatangian ng mga tauhan 
5. Pagdama sa nilalaman ng seleksyon. Masabi ang mga damdamingnapapaloob sa seleksyon ayon sa: 
a. interes 
b. kagalakan 
c. pagkainip 
d. pagkatakot 
e. pagkayamot
 f. pagkagalit 
g. pagkasuklam 
h. kalungkutan 
i. iba pa 
Mga Gawain
1.Bakit kailangang mabatid natin ang iba’t ibang dimensyon sa pagbasa?Ipaliwanag.
2..Pumili ng isang maikling kuwentong babasahin.Isama ang kopya ng napiling kuwento sa sagutang papel.

3.Sagutan ang pakuwadrong pagsasalaysay ng napiling maikling kuwento.

Kwadro 1 Kwadro 2 Kwadro 3 Kwadro 4


Kwadro 5 Kwadro 7 Kwadro 8
Pamagat ng Tagpuan Tauhan/mga Simula
Pananabik/Saglit
kwento tauhan Kasukdulan Wakas
na kasiglahan

4.a.Magtala ng limang malalim na salita mula sa kuwento at


bigyan ng kahulugan. Kwadro6-Tunggalian
b.Isa-isahin ang mga Gusot na nangyari sa kwento tayutay o matatalinghagang salita na
matatagpuan sa kuwentong binasa.
c.Kilalanin ang may- akda at ang layunin niya sa pagsulat ng
kuwentong iyong napiling basahin.
d.Ilahad ang aral/mga aral na nakuha sa kuwento.
5. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
a.Sa anong bahagi ng kuwento inilarawang mabuti ang tunay na katangian ng pangunahing tauhan?
b.Kalugud-lugod ba ang ugali ng mga tauhan kung pagbabatayan ang alituntuning moralidad o Sistema
ng pagpapahalaga?Bakit?
c.Naranasan mo rin ba ang katulad ng nangyari sa tauhan sa loob ng kuwento?Ano ang ginawa mo?
d.Bilang isang estudyante,ano ang maaari mong gawin(ayon sa sitwasyon sa loob ng kuwento)?
e.Anong damdamin ang namayani sa iyo habang binabasa ang kuwento?Bakit?

Aralin 3
Ang mga Teorya ng Pagbasa
a. Teoryang Bottom-Up
- Ito ay isang tradisyonal na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus
sa kapaligiran sa paglinang ngkomprehension sa pagbasa. Angmambabasa ay isang pasib na partisipant
lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tanging tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng
nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven".

b. Teoryang Top-Down
- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt
nananiniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Tinatawagdin ang teoryang ito na "inside out"
o "conceptually-driven".Ayon kay Goodman,kaunting panahon at oras lamang ang ginugugol sa pagpili
ng makahulugang hudyat sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa teksto sa tulong ng impormasyong
semantics,sintaktiks, at grapophonic.

c. Teoryang Interaktib
- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa saikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito,
ang top-down at maaaring akma lamang samga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang.
Higit na angkop daw angkombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang
direksyon ngkomprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas.Sinusukat ditto ang kakayahan ng pag-unawa
ng mambabasa sa pamamagitan ng makapukaw-isip na mga tanong.Inaalam ng guro kung paano nabuo
ng mag-aaral ang kanilang mga kasagutan sa mga tanong,tama man o mali ang mga ito.
d. Teoryang Iskema
- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng datingkaalaman ng mambabasa. Ito ang
batayang paniniwala ng teoryang iskema. Bawat bagongimpormasyong nakukuha sa pagbabasa ay
naidaragdag sa dati nang iskema. Samakatuwid,bago pa man basahin ng isang mambaba Ssa ang teksto,
siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskema sa paksa. Maaaring
binabasa na niya lamang ang teksto upang patunayan kung ang kanyang hinuha o hula ay tama,may
kulang o dapat baguhin.Dahil sa ganitong kalagayan,masasabi na ang teksto ay isang input lamang sa
proseso ng pagbuo sa kahulugan.

Mga Gawain
Ibigay ang sariling pagpapaliwanag tungkol sa mga sumusunod na ilustrasyon sa mga teorya sa
pagbasa.

A.

B.
C.

Modyul 2
Kalikasan at Kahulugan ng pagsulat

Panimula
Ang modyul na ito ay tungkol sa kahulugan at kalikasan ng pagsusulat. Tatalakayin din ang
Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsusulat at Mga Layunin sa Pagsulat ( Expresive o
Transaksyunal).
Ang pagtalakay sa mga paksa ay makatutulong sa mga mag-aaral na matukoy at mailahad ang
kahulugan at kalikasan ng pagsusulat. Ang mga matutunang aralin ay maiuugnay ng mga mag-
aaral sa totoong buhay gaya ng pagsulat ng isang komposisyon ayon sa kani-kanilang layunin.
Ang bawat mag-aaral ay magiging isang mabuting mananaliksik sapagkat sa pagtatapos ng aralin
ay nalalaman nila ang kahulugan, katangian, tungkulin ng pananaliksik at Responsibilidad ng
Mananaliksik.

Layunin
A. Natutukoy at nailalahad ang kahulugan at kalikasan ng Pagsulat.
B Naibabalangkas nang mabisa at naipaliliwananag ang iba't ibang modelo ayon sa Sosyo-
Kognitibong Pananaw sa Pagsusulat.
C. Masigasig na nakikisali sa talakayan.
D. Nakikibahagi ng sariling kabatiran sa paksang tinatalakay.
E. Nakabubuo ng isang sulatin gamit ang iba't ibang layunin sa pagsulat.

Alam mo ba?
Kahulugan at Kalikasan ng Pagsusulat
Ayon kina Alejo et al. (2008), may iba't ibang kahulugan ang pagsulat gaya ng mga sumusunod:
• Angpagsulat ay gawa ng isang manunulat o anumang pagpapahayag na gamit ang mga letra ng
alpabeto.
• Ang pagsulat ay may letra o mga simbolo na nakasulat o nakalimbag sa ibabaw ng papel para
katawanin ang mga tunog at ang mga salita ng isang wika.
• Ang pagsulat ay isang proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may layuning
makabuo ng mga salita.

Ang mga kaalaman na nabasa at narinig na naisusulat din kaya ang tahasang pagsasanay ay dapat
na gawin upang malinang nang husto ang kasanayan sa pagsusulat. Bago magawa ito, mahalaga
na magkaroon muna ng kaalaman sa iba't ibang pananaw sa proseso ng pagsusulat.
Sosyo- Kognitibong Pananaw sa Pagsusulat
Ayon kay Kellogg (1994), ang pag-iisip ay kasama ng set ng mga kasanayang pampag-iisip na
lumikha, magmanipula at makipagtalastasan sa iba ng personal na simbolo ng isip. Ganito rin
ang sinabi ni Gilhooly (1982,p.1) na ang pag-iisip bilang set ng mga proseso, ang mga tao ay
bumubo, gumagamit at nagbabago ng panloob na simbolikong modelo.
Binanggit pa ni Kellogg na ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak. Ang pag-aaral ng
pagsulat ay may bentahe kaysa sa pag-aaral ng paglutas ng mga problema, pagbuo ng
pagpapasya at gawain sa pangangatwiran. Isang bentahe nito ay ang mayamang produkto na
ginagawa ng mga manunulat.
May ilang argumento rin na sinabi si Kellogg sa pag-aaral ng pagsulat. Una. Ang kalidad ng
pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. Ang pag-iisip na mabuti ay
maaaring hindi sapat na kondisyon para makasulat nang maganda subalit tiyak na lilitaw pa rin
ang kinakailangang kondisyon. Ikalawa, ang pagsulat ay isang instrumento para mag-isip ang
isang tao tungkol sa kanyang paksa. Ikatlo, kasama ssa pagsulat ang apat na kognitibong
operasyon na gumaganap ng tungkulin sa lahat ng gawwaing pampag-iisip. Bilang pangwakas,
ang tatak ng pag-iisip ay ang pagsisikap o pagpupunyagi na mag-isip.

Ang modelong kognitibo nina Bereiter at Scardamalia (1987) ay nagbigay ng dalawang panukala
sa pagbuo ng pagsulat. Ang isang modelo ay nakatuon sa baguhang manunulat na isinusulat
lamang ang nalalaman gaya ng simpleng pagsasalaysay at ang ikalawang modelo ay nakatuon sa
mga bihasang manunulat na ang layunin ay mailipat ang nalalaman gaya ng ekspositoring
pagsulat. Nagkaroon din ng problema rito kung paano maipakikita ang proseso ng pagsulat at
kung kailan nagsisimulang magsulat ang manunulat
Samantala nagkaroon ng pag-aaral si Halliday noong 1980 tungkol sa sosyolinggwistika at
edukasyonal na etnograpiya sa sosolingwistikaat edukasyonal na etnograpiya. Binatikos niya rito
ang mga estratehiya o pamamaraan sa proseso ng pagsulat dahil nakaligtaan daw sa mga
prosesong ito ang aspektong panlipunan. Binigyang-diin ng kilusang pang-edukasyon sa
Amerika na ang mga manunulat ay hindi kumikilos ng isahan bilang indibidwal bagkus kasapi
ng isang pangkat na pangkultural at panlipunan.
Ang komunidad ng diskurso ay nabuo mula sa pananaw na ang pagsulat ay isang gawaing
panlipunan. Ang hinuha ng mambabasa at ang genre na pundamental dito at ang pag-unawa ay
nakatuon sa pagsulat sa antas pantersyayrya na humiling na ang mga mag-aaral ay kailangang
magsulat ng katanggap-tanggap sa komunidad na pang-akademiko.
Bumuo sina White at Arndt (1991) ng dayagram sa proseso ng pagsulat. Ipinakita sa dayagram
ang balangkas ng paulit-ulit at hindi palinya o pahabang kalikasan ng pagsulat. Narito ang
dayagram nina White at Arndt sa proseso ng pagsulat.
1. Paggawa ng burador
2. Paggawa ng estruktura
3. Muling pagtingin
4. Pagpopokus
5. Paglabas ng mga ideya
6. Pagtataya o Ebalwasyon

1. Paglabas ng mga ideya


May iba't iabng gawain para matulungan ang manunulat nalumalabas ang ideya sa paksang
tatalakayin na lumabas ang ideya sa paksang tatalakayin sa pagsulat. Isa na rito ang pagsasagawa
ng malayang talakayan sa paksang napili. Ang tanong na maaaring sagutin din ng manunulat ay
“Ano ang masasabi ko sa paksang ito?”
2. Paggawa ng Estruktura
Ipinakikita rito ang pag-00rganisa at muling pag-aayos ng teksto at sinasagot nito ang tanong na
“Paano ko mailahad ang aking ideya sa paraang katanggap-tanggap sa aking mga mambabasa?”
3. Paggawa ng Burador
Ang burador ay nangangahulugan ng pansamantalang pagbuo ng komposisyon o anumang
isinulat na aayusin at lilinisin pa. Sabahaging ito pa lamang sisimulan ang pagbuo ng teksto.
4. Pagpopokus
Tumutukoy ito sa mabilisang pagsulat na ang gabay na tanong ay “Ano ang kabuuang layunin ko
sa pagsulat ng paksang ito?”
5. Pagtataya o Ebalwasyon
Ang pagbubuo ng talatanungan na magagamit sa pagkuha ng reaksyon o puna ay isang paraan ng
pagtataya o ebalwasyon sa isinulat na teksto.
6. Muling Pagtingin
Ito ay muling pagbabasa ng teksto at pagtingin kung tama ang ginawa. Ang kabuuang layunin
nito ay makalikha ng makabuluhan at mabisang teksto. Kailangan dito ang pagtutulungan ng
mga mag-aaral at guro upang maging maganda ang resulta ng produkto ng pagsulat.

Gawin natin
Pag-unawa sa Paksa

Sagutin ang mga sumusunod na tanong/ pagsasanay.PALAWAKIN ANG SAGOT.

1.Bakit mahalaga ang kasanayang pasulat sa buhay ng tao?


1. Ilahadsa sariling pangungusap kung ano ang kahulugan ng pagsulat?
2. Bakit sinasabing magkakambal ang utak at ang pagsulat?
3. Ilahad ang argumento na binanggit ni Kelly sa pag-aaral ng pagsulat.

4.Buuin ang isang grapikong presentasyon upang ilahad ang prosesong pinagdaraanan sa
pagsulat,Sa huli,ipaliwanag ang grapikong presentasyon.
Modyul 3
Mga Layunin Sa Pagsulat
Panimula
Ang Modyul 3 ay tumatalakay sa iba’t ibang layunin ng pagsulat. Ang layuning ekspresib at
transaksyunal ang dalawang layuning bibigyang-diin sa ating talakayan. Aalamin natin ang
pagkakaiba ng ekspresib at transaksyunal na layunin sa pagsulat. Susubukin rin na makabuo ng
isang teksto na nagtataglay ng layuning tatalakayin.

Layunin
A. Natutukoy ang dalawang layunin sa pagsulat
B. Naiisa-isa ang pagkakaiba ng ekspresib at transaksyunal
C. Nakapagbibigay ng sarilingopinyon o kaisipan hinggil sa mga dahilan kung bakit nagsusulat
ang isang tao
D. Nakabubuo ng isang maikling teksto na ang layunin ay ekspresiv sa pamamagitan ng pagsulat
ng tula

Alam mo ba?
Mga Layunin sa Pagsulat ( Eksresiv at Tansaksyunal)
Ang anumang bagay na isinusulat ay may tiyak na layunin. Iba-iba nga lamang ang mga layunin
sa pagsulat ng bawat manunulat.
May dalawang uri ng layunin sa pagsulat, ang tinatawag na ekspresiv at transaksyunal. Makikita
sa talahanayan ang pagkakaiba ng ekspresiv at transaksyunal na pagsulat.
Mga Layunin sa Pagsulat
Ekspresiv
Upang mapatunayang ekspresib ang layunin ng manunulat,pangunahing layunin niya sa pagsulat
ang maipahayag niya ang kanyang niloloob at nadarama.Susulat ba siya dahil siya’y
nalulungkot?natutuwa?nagtatampo?nagagalit? Sa tanong na ito,malinaw na maipahahayag ng
manunulat ang kanyang niloloob o nadarama.May mga manunulat ngang nagsasabing
nakasusulat siya kung sakbibi siya ng lungkot o matinding kabiguan ang kanyang
dinaranas.Dahil ditto,maraming nagpapalagay na ang mga manunulat ay loner in nature,o likas
silang malulungkutin.
Transaksyunal
Dahil ang pagsulat ay isang paraan ng paghahatid o paglilipat ng impormasyon,ideya o kaalaman ng isang
tao sa kanyang kapwa,may layuning maging transaksyunal ang pagsulat ng manunulat.Nagsusulat siya
para makipagtalastasan sa ibang tao,para maghatid ng mensahe o makipagpalitan ng mga
ideya,impormasyon at karanasan.Samakatwid,sa transaksyunal na layunin ng pagsulat dapat maisaalang –
alang ng manunulat ang apat nitong katangian (1) akto,kaganapan at kilos,(2) integral na elemento,
(3)nagbabago at (4) kumikilos ang taong kasangkot.

Gawin Natin

Ano Sa Palagay Mo?


1. Bakit nagsusulat ang isang tao? Palawakin ang sagot.
2. Ano-ano sa tingin mo ang nag-uudyok sa tao upang magsulat?Patunayan
3. Kailan masasabing ang sulatin ay pampersonal? Pansosyal? Pangatwiranan.

4. Gamit ang Venn diagram, paghambingin ang ekspresib at transaksyunal na pagsulat.

5. Bumuo ng isang ekspresiv na pagsulat, isang maikling tula tungkol sa Edukasyon sa


kasalukuyang panahon. Ang tula ay limang saknong na may tig aapat na taludtod.

6.Sumipi ng isang napapanahong isyu sa ating bansa,sumulat ng isang sanaysay na


nangangatwiran tungkol sa isyung napili.Bigyang pansin sa pagsulat ang pagkakaroon ng
makatawag-pansing pamagat,kaakit-akit na panimula, gitnang bahagi na naglalaman ng
mahahalagang impormasyon at wakas na mag-iiwan ng isang tumatagal na impresyon sa
mambabasa.

Modyul 4
Mga Uri ng Pagsulat
Panimula
Ang Modyul 4 ay naglalaman ng mga talakayin hinggil sa iba’t ibang uri ng pagsulat. Saklaw nito ang
apat na uri ng pagsulat: Teknikal, Referensyal, Jornalistik, akademiko. Tutukuyin sa modyul na ito ano
ang pagkakaiba ng apat na uri at ang kanilang mga katangian.
Layunin
A. Natutukoy ang apat na uri ng pagsulat at mga katangian nito;
B. Nakapagbibigay ng sariling kaisipan , kuro-kuro, pananaw hinggil sa iba’t ibang pangangailan ng tao
sa pagsulat;
C. Naihahambing ang mga katangian ng apat na uri ng pagsulat.
D. Nakapagbibigay ng halimbawa sa bawat uri ng pagsulat.

Alam mo ba?
Uri ng Pagsulat
1. Teknikal na Pagsulat – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para
sa komersyal o teknikal na layunin. Lumilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa
teknolohiya. Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga
propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t ibang uri ng
mambabasa.
Karaniwang nagtataglay ito ng mga paksang teknikal. Halimbawa: manwal, gabay sa pagg
ayos ng kompyuter, at iba pa.

2. Referensyal na Pagsulat – isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng


impormasyon o nagsusuri. Layunin nito na maiharap ang impormasyon batay sa katotohanan.
Ito ay may kaugnayan sa malinaw at wastong presentasyon ng paksa. Ito ay isang uri ng pagsulat
na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri. Ang ilang halimbawa nito ay
teksbuk, balita, ulat panlaboratoryo, pagsusuring pangkasaysayan.

3. Jornalistik na Pagsulat – isang uri ng pagsulat ng balita. Ang isang balita ay sumasagot sa
lahat ng mga tanong na pangjornalistik; sino, ano, saan, kailan, bakit, paano.
Pinipili nang maingat ang mga salita at panatilihing simple at tuwiran ang istilo ng pagsulat.

4. Akademikong Pagsulat – ito ay may sinusunod na particular na kumbensyon. Ito ay may


layunin na maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa.
Katangian ng akademikong pagsulat: maliwanag, may paninindigan, may pananagutan.

GawinNatin
A. Sagutinangmgatanong.
1. Bakit kailangan bigyang-suporta ang mga ideya o kaisipansaakademikongpagsulat?
2. Saiyongpagkakaunawa, ano-ano ang pangangailangan ng tao kung bakit siya nagsusulat?
3. Sa mas payak na pagpapaliwanag, isa-isahin ang apat na uri ng pagsulat at ibigay ang
katangian ng bawat isa.

4.Magbigay ng tiglilimang halimbawa sa bawat uri ng pagsulat.

5.a.Magsaliksik ng isang akademikong pagsulat na may kaugnayan sa kinukuhang kurso


b.Magsaliksik ng isang reperensyal na pagsulat na may kaugnayan sa kursong napili
c.Magsaliksik ng napapanahong isyu na magagamit na halimbawa sa dyornalistikong pagsulat.
(Isama sa sagutang papel ang sipi ng nakuha sa pananaliksik.)
6.Bumuo ng sariling konklusyon sa pagkakaiba ng mga uri ng pagsulat.
7.Magtala ng 20 teknikal na salita na may kaugnayan sa kursong kinukuha,ibigay ang katawagan sa
Ingles,kahulugan sa Ingles, Katawagan sa Filipino at kahulugan sa Filipino.
Katawagan sa Ingles Kahulugan sa Ingles Katawagan sa Filipino Kahulugan sa Filipino

Modyul 5
Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat
Panimula
Ang Modyul 5 ay nakatuon sa mga kasanayan sa akademikong pagsulat. Nakapaloob din sa
modyul na ito ang kahalagahan ng konseptong papel. Isa sa pinakakaraniwang sinusulat ng mga
mag-aaral sa kolehiyo. Maliban sa konseptong papel ay tatalakayin rin ang pag-aayos ng mga
datos at ang wastong pagbabalangkas ng mga paksa. Ang paksang ito ay lubhang makatutulong
sa inyong paghahanda sa pagsulat ng pananaliksik.

Layunin
A. Nakapagbibigay ng sariling kaisipan o opinion hinggil sa kahalagahan ng konseptong papel,
ng pag-aayos ng datos at pagbabalangkas sa kanilang pag-aaral at pananaliksik;
B. Naipapahayag ang kabutihang dulot ng mga kasanayan sa pag-aayos ng datos sa pagsulat ng
mga akademikong sulatin;
C. Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng pagbabalangkas ng mga paksa;
D. Natutukoy ang pagkakaiba ng iba’tibang paraan ng paggamit at pagkuha ng datos.

Subukin Natin
A. Maramimg dahilan kung bakit ang tao ay nagsasaliksik o gumagawa ng pag-aaral. Gamit ang
word association. Magbigay ng mga dahilan kung bakit gumagawa ng pananaliksik.

Alam mo ba?
KONSEPTONG PAPEL
Ano ang konseptong papel? Ito ay nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik.isang
kabuuang ideya na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng paksang bubuuin. Ito ay isang
kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang gawaing balangkas o framework ng paksang bubuuin.
Bahagi ng konseptong papel
1. Tiyak na paksa
2. Rasyunal
3. Layunin
4. Panimulang haka
5. Sarbey ng mga sanggunian
6.Metodolohiya

2. PAGGAWA NG BALANGKAS
Ang balangkas ay pinagbabatayan ng mga mananaliksik sa pagtalakay sa mga paksang napili. Ito ay
nagbibigay ng direksyon sa manunulat kung paano tatalakayin ang paksang napili niya

A. Uri ng balangkas
1. Balangkas na papaksa- gumagamit ng salita o kataga lamang
2. Balangkas na papangungusap- binubuo ito ng mga pangungusap
B. Uri ng balangkas
Balangkas decimal- 1. ________________________
1.1 _____________________
1.2 _____________________
2. ________________________
2.1 ____________________
2.2 ____________________
Balangkas romano at arabiko
I. _________________________________
A. _______________________________
B. _______________________________
1. ____________________________
2. ____________________________
II. __________________________________
A._________________________________
1. ______________________________

PAG-AAYOS NG DATOS
Kailangang malaman mo kung ano –ano ang mga uri ng sangguniang gagamitin at kung papaano
ito aayusin. May dalawang uri ng mapaghahanguan ng mga datos: pangunahin at sekondaryang
datos
PAGKUHA NG DATOS
1. Direktang sipi- paghango ng mga ideya mula sa orihinal na teksto. Ang mg
Papanalita ay ganap na hiniram sa isang aklat o artikulo. Gumagamit ng panipi upang matukoy
na anng pahayag ay hinango lamang mula sa ibang source.
2. Buod o synopsis –nakapaloob dito sa buod o synopsis ang paglalahad ng pangunahing ideya sa
sariling pananalita. Kadalasan ito ay higit na maikli kaysa sa orihinal na teksto.
3. Presi – ito ay hindi isang personal na interpretasyon sa isang akda o ekspresyon ng saloobin.
Ito ay isang replica sa mas maikling pahayag na kadalasan ay 1/5 lamang ang haba kung
ihahambing sa orihinal na teksto.
4. Hawig o paraphrase- ito ay muling paglalahad ng ideya ng iba sa sariling pananalita.
Nagkaroon ng pagbabago sa estruktura ng salita at pangungusap ngunit kailangan hindi ito
lumihis sa orihinal na teksto.
5. Abstrak o halaw- pinaikling deskripsyon ng isang pahayag o sulatin. Sa mga sulating
pampanitikan maaaring ito ay bahagi ng isang buo at mahabang sulatin, aklat, diyalogo,
sanaysay, pelikula, at iba pang na hinahango ang bahagi upang bigyang diin ang pahayag o
gamitin bilang sipi.
6. Pagsasalin o translate- isang napakahalagang kaalaman sa pagbuo ng pananalisik. Ang
pagsasalin ay paglilipat mula sa orihinal sa anyo ng wika patungo sa iba pang wika.

Gawin Natin

Ano Sa Palagay Mo?


1. Ano ang pananaliksik?
2. Bakit isang pangangailangan sa kolehiyo ang pananaliksik? Bakit ito mahalaga?
3. Ano ang pagbabalangkas? Paano ito nakatutulong sa pag-aaral?
4. Bakit mahalagang ang iyong mga datos ay nakaayos?
5. Umisip at magtala ng 5 paksa na gusto mong pag-aralan na may kinalaman sa iyong kurso.
Kurso: ________________________________
Paksa #1.
Paksa #2.
Paksa #3.
Paksa #4.
Paksa #5.
6. Sa 5 paksang ibinigay , pumili ng isang paksa at bumuo ng 3 layunin sa paggawa ng
konseptong papel.
MgaLayunin :
1.
2.
3.
7. Gamit ang Balangkas Romano at Arabiko. Balangkasin ang mga datos na maaaring talakayin
sa paksang napili.

Modyul 6
Lohikal at Mapanghikayat naPagsulat

Panimula
Ang Modyul 6 ay tumatalakay sa lohikal at mapanghikayat na pagsulat. Bibigyang-diin sa
bahaging ito ang tungkol sa pangangatwtiran. Aalamin natin ang pasaklaw at pabuod na
pangangatwiran at ang lihis o palisa na pangangatwiran. Mahalagang marunong tayong
magbigay katwiran sa mga isyung napapanahon at sa mga bagay na tayo ay may alam. Nararapat
rin na alamin natin kung paano tayong magiging mabisa sa ating pinangangatwiranan.
Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mag-aaral ay inaasahang…
A. Matukoy ang dalawang uri o paraan ng pangangatwiran;
B. Makapagbigay ng mga halimbawa ng pabuod at pasaklaw na pangangatwiran;
C. Makapgbigay ng sariling opinion hinggil sa kahalagahan ng lohika at mabisang
pangangatwiran sa pang-araw-araw na buhay sa pamayanan man o sa paaralan;
D. Makilala ang mga lihis at palisang pangangatwiran na ginagamit.

Alam mo ba?
Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip. Sa akademikong pagsulat,ito ay isang
pangangailangan.Ito ang nagiging batayan ng panghikayat sa mga mambabasa.May dalawang panlahat
nga kategorya ang lohikal na pangangatwiran: pabuod at pasaklaw na pangangatwiran.
Ayon kay Trochin(2002),ang pasaklaw na pangangatwiran ay nagsisimula sa pangkalahatan patungo sa
tiyak at detalyado.Minsan tinatawag din itong pagdulog na pataas-pababa.Sa pangangatwirang ito,ang
manunulat ay maaaring magsimulang mag-isip ng teorya tungkol sa paksang nais niyang pag-
aralan.Maaring limitahan ng manunulat ang paksa sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tiyak na
haypotesis na susubukin sa pag-aaral na gagawin.
Narito ang dayagram na nagpapakita ng proseso sa pasaklaw na pangangatwirang ibinigay ni Trochin.

Teorya
Hipotesis
Obserbasyon Pagpapatunay

Narito naman ang dayagram ni Trochin na nagpapakita ng proseso sa pabuod na pangangatwiran.


Teorya
Pansamantalang Hipotesis

Padron
Obserbasyon
Lihis na pangangatwiran
Sa pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga lihis na pangangatwuran dahil sa
nagpapahina ang mga ito ng argumento.Narito ang mga karaniwan sa maling pangangatwiran na
madalas katisuran ng marami.
a. Argumentum ad hominem- pag-atake sa personal na katangian at hindi sa paksa o argumento.
b. Argumentum ad baculum- paggamit ng pwersa o awtoridad.
c. Argumentum ad misericordiam- pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran
d. Argumentum ad ignorantiam- nagpapalagay na hindi totoo ang anumang hindi
napapatunayano kaya’y totoo ang anumang hindi napapasinungalingan.
e. Non-sequitur- paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does
not follow the premise.
f. Ignoratio elenchi- pagpapatotoo sa isang kongklusyon hindi naman siyang dapat patotohanan.
g. Maling paglalahat-pagbatay sa isang kongklusyon sa isa o ilang limitadong premis.
h. Maling analohiya- paggamit ng hambingang sumasala sa matinong kongklusyon
i. Maling saligan- paggamit ng maling batayan sa humahantong sa maling kongklusyon.
j. Maling awtoridad- paggamit ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isang paksa
k. Dilemma – pagbibigay ng dalwang opsyon lamang na para bang wala ng iba pang alternatib
l. Mapanlinlang na tanong - paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay sa
isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.

“ GawinNatin
.Sagutin ang mga sumusunod.

1.Paano mo mahihikayat ang mga mambabasa o makikinig? Ano-ano ang mga katangian dapat tagalayin
ng isang manunulat o tagapagsalita? Magbigayng 5 katangian.
2 . Bakit bahaging pang – araw-araw na pakikipag-ugnayan ang pangangatwiran? Sa ano-anong mga
pangyayari nagagamit ang pangangatwiran?
3. Bakit mahalagang may mga patunay o ebidensya sa mga tesis o paksang nais pag-aaralan?
4. Isa-isahin ang mga instrumentong magagamit sa paglalatag ng ebidensya. Ipaliwanag sa sariling
pangungusap kung paano magagamit ang mga ito.
5. Paano naiiba ang pasaklaw at pabuod na pangangatwiran? Magbigay ng halimbawa ng bawat isa.
6.Magsaliksik ng isang tekstong nangangatwiran at suriin ito batay sa mga sumusunod: (Paalala:isama
sa sagutang papel ang sipi ng tekstong nangangatwiran.)
a.Ang pangangatwiran ba ay pabuod o pasaklaw?
b.Ano-ano ang mga ebidensyang ginamit sa pangangatwiran?
c.Tukuyin kung may lihis na pangangatwirang ginamit,pagkatapos,isa-isahin ang mga ito
7. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga lihis o maling pangangatwiran
8.Sumulat ng pasaklaw na pangangatwiran tungkol sa balitang posibleng umarangkada na ang bakunahan
sa bansa dahil sa pagdating ng unang batch ng mga bakuna.
9.Sumulat ng pabuod na pangangatwiran tungkol sa balitang

Modyul 7
Ang Pananaliksik
Layunin:
Pagkatapos ng talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A.Maibigay ang kahulugan at katangian at uri ng pananaliksik.
B.Matalakay ang kahalagahan ng pananaliksik.
C.Masuri ang layunin ng pananaliksik.
D.Maisagawa ang mga Gawain.

Alam mo ba?
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng pananaliksik sa buhay ng tao,lalo na sa mga estudyanteng
tumutuklas ng kanyang kaalaman.Sa loob ng maraming panahon,pinatutunayan sa pag-aaral,Malaki at
marami ang kapakinabangang maibibigay ng pag-aaral ng pananaliksik.Nabibigyan ang mga mag-aaral
ng pagkakataon na mapalawak ang karanasan,maragdagan ang kaalaman at kamulatan na magiging
kapaki-pakinabang sa kanyang sariling pag-unlad,makilala at mapahalagahan ang komunidad at lipunang
kanyang kinabibilangan.
Ang pananaliksik ay isang pang-akademikong Gawain.Ito’y maaaring pang-indibidwal at panggrupong
Gawain na nangangailangan ng ibayong kasanayan,tiyaga,sipag at disiplina.Samakatwid,kailanagn
munang maunawaan ang mga batayang kaalaman sa pananaliksik upang higit na maging kapakinabangan
ang pag-unawa sa mga kursong pang disiplina na may kaugnayan sa tutuklasing mga paksa,datos o
metodolohiya. Tinukoy nina Geronimo et al(2007) na ang pananaliksik ay isang kasanayan o skill na
inilahad sa anyong pasulat.Ang kasanayang ito ay maiuugnay at magagamit sa ibat-ibang larangan o
disiplina.Mahalagang madevelop ang ganitong kasanayan dahil ditto tayo natuturuang mag-isip at
sumulat namg may kritikal na pag-unawa upang matimbang ang katibayan at nabuong
opinion,interpretasyon,panghusga at konklusyon.
Mga Uri ng Pananaliksik
1.Analitikal
Kailangan itong suportahan ng impormasyon o patunaymula sa kinauukulan upang lalong mapalawak
ang pagtalakay sa paksa.Mataman nitong sinusuri ang isang paksa o isyu at nagbibigay ang mananaliksik
ng kanyang sariling opinyon sang-ayon sa kanyang kritikal na pag-unawa sa isyu.
2.Pag-aaral sa isang Kaso(Case Study)
Maibibilang na halimbawa sa uring ito ang pag-aaral sa kaso,pangyayari,karanasan na maaring
kasangkutan ng isang pasyente o kaya’y kaso na nasa korte.
3.Komparatibo
Ang mga talang nakapaloob ditto ay maaaring mahmula sa istadistika o sarbey kung saan
nagpapahayag ng pagkakaiba o pagkakatulad sa katangian ng paksang pinag-aaralan.
4.Historikal
Nababatay sa mga pangyayaring naganap sa nakalipas na panahon ang uring ito ng pananaliksik.
5.Argumentatibo
Mauuri rin itong mapanghikayat na pananaliksik kung saan ang mananaliksik ay may sariling
katayuan ukol sa sisang paksang nais panigan.Hinikayat niyo ang mambabasa na magbigay ng sariling
pahmamatwid ukol sa isyung iniharap.

Gawin natin
Sagutin ang mga sumusunod:
1.Anong sariling pagpapakahulugan ang maibibigay mo para sa sulating pananaliksik?Magbigay ng tatlo.
2.Sa iyong sariling pananaw,paano ito naiiba sa isang ulat o sa iba pang uri ng teksto?Magbigay ng mga
pagpapatunay.
3.Ano-ano ang mga layunin ng pananaliksik?Sa paanong paraan nagiging mahalaga ang bawat layuning
ito?
4.Maglahad ng sariling patotoo na ang pananaliksik ay nagbubunga ng mas malawak na kaalaman at
kapakinabangan.Magbigay ng limang (5) sagot.Gumawa ng sariling dayagram (sundan ang
halimbawa)sa pagsagot.Ipaliwanag. .
PANANALIKSIK

kAALAMAN KAPAKINABANGAN

Ilahad ang sagot Ilahad ang sagot

5.Bakit sinasabing hindi lamang ang aklatan at ang internet ang maaaring mapagkunan ng mga gamit o
impormasyon para sa isang sulating pananaliksik.Palawakin ang sagot.
6.Bakit mahalagang tugma ang layunin ng isang mananaliksik sa uri ng pananaliksik na kanyang
gagawin?Magbigay ng mga pagpapatunay.

Modyul 8
Problematisasyon:Paghahanda ng Panimulang Bahagi ng Pananaliksik
Layunin:
Pagkatapos ng talakayan,ang mga estudyante ay inaasahang:
A.Makapili ng paksa sa pananaliksik.
B.Malimitahan ng mahusay ang napiling paksa sa pananaliksik.
C.Makapaglahad ng pangkalahatan at tiyak na suliranin/layunin sa gagawing pananaliksik.
D.Makabuo ng haypotesis at palagay sa gagawing pananaliksik.
E.Makalikha ng konseptwal na balangkas na gagamitin sa pananaliksik.
F.Matukoy ang saklaw at limitasyon ng paksang sasaliksikin.
G.Mabigyang kahulugan ang terminolohiyang ginamit sa pananaliksik.
H.Makasulat ng panimulang bahagi ng pananaliksik.

Ang Pagpili ng Paksa


Narito ang mga bagay na dapat mong isaalang-alang sa pagpili ng paksa.
1.Interes—Mahalaga na mayroon kang interes sa paksang nais mong pag-aralan.Kung mahilig ka sa
pelikula ,pwede mo itong hanguan ng iyong pananaliksik.Huwag mong pilitin ang sarili na gustuhin ang
isang paksa na hindi mo naman ibig pagtuunan ng pansin.
2.Magkaroon ng pokus—Huwag gawing masaklaw ang isasagawang pananaliksik.Siguraduhing tiyak ang
paksang pag-aaralan.
3.May kapakinabangan—Tiyakin na ang paksa ay makabuluhan at may saysay sa particular na
mambabasa upang masabi na ito ay kapaki-pakinabang.
4.Hindi pa lubos na nasasaliksik—Siguraduhin na wala pang nakagagawa ng pananaliksik na nais mong
gawin.Halimbawa kung ang paksang gusto ay nagawa na ng iba,kailangan mong maghain ng bagong
perspektibo,bagong kaisipan,bagong ideya at impormasyon.
5.Isaalang-alang ang Panahon—Maging makatotohanan.May mga paksa na tumatagal ng taon at
mahabang panahon.kaya siguraduhing matatapos ang pananaliksik sa loob ng itinakdang panahon.
6.Karanasan at Mapagkukunan—Iangkop ang paksa sa iyong kakayahan,kaalaman at karanasan.
7.Antas ng Kahirapan—Dahil nasa mataas na antas ka na sa pag-aaral,siguraduhing ang
isasagawang pananaliksik ay naaayon sa antas kolehiyo.Kalimutan mo na ang mundo ng hayskul
kung saan ang pananaliksik ay may kadalian.Subalit,huwag namang pahirapan nang lubos ang sarili at
huwag ding gawing teknikal ang pananaliksik upang matapos ito sa itinakdang panahon.
8.Pinansyal—Huwag ka namang gumawa ng pananaliksik na dapat paglaanan ng malaking
pondo.Tiyakin na ang gagawing pananaliksik ay kaya rin ng bulsa.
Ang Paglilimita ng Paksa
Ayon kina Atienza et al (1996),kailangan mong limitahan ang paksa sa simula pa lang hg pag-
aaral.Narito ang mga salik na makatutulong sa paglilimita ng paksa.

1.Perspektiba—Pakaisipin kung sa anong anggulo mo titingnan ang iyong pananaliksik.Mahalagang alam


mo kung hanggang saan ang punto ng gagawing pag-aaral-Ito bay nakatuon sa pananaw o opinyon ng
isang grupo o tao,o epekto ng isang penomeno sa isang pangkat panlipunan.
2.Uri—Tukuyin sa isasagawang pag-aaral kung anong uri ng isang masaklaw na paksa ang
sasaliksikin.Halimbawa,kung tungkol sa midya ang paksa,anong uri ng midya ang pagtutuunan ng pag-
aaral—radyo,telebisyon,pelikula,dyaryo o internet.
3.Edad—Mahalagang isaalang alang ang edad ng mga kalahok sa pag-aaral upang maging obhetibo ang
pananaliksik.
4.Kasarian—Maaari ring makaapekto ang kasarian ng mga kalahok sa magiging resulta ng pag-aaral dahil
magkaiba ang paraan ng pag-iisip ng kababaihan sa kalalakihan.
5.Pangkat—Isinasaalang-alang sa salik na ito ang particular na grupong kinabibilangan ng mga kalahok.
6.Lugar—Kung ang iyong pag-aaral ay kailangan ng pagmamasid,pakikipagpalagayang-
loob,pagtatanong-tanong.
7.Panahon—Sikaping limitahan ang paksa ng naayon sa itinakdang oras upang hindi ka mahuli sa
pagsasagawa nito.

Gawin Natin:
Pagsasanay 8.1
Gamit ang talahanayan sa ibaba,ilagay ang paksang nais mong pag-aralan at punan ang hinihingi sa
bawat kahon.
Pakaisipin:Ano ang paksang nais mong pag-aralan(puwedeng isulat ang sagot sa modyul
4 kung ito ang nais maging paksa)
Mga Salik Nilimitahang Paksa
Perspektiba
Uri
Edad
Kasarian
Pangkat
Lugar
Panahon
Pakasuriin: Ano ang nabuo mong paksa sa iyong gagawing pananaliksik

Paalala: Bawal ang may kapareho o katulad na paksa/pamagat ng pananaliksik.


Sariling -likha

Paglalahad ng Suliranin at mga Layunin


Isipin na ang ilalahad na suliranin ay nakasandig sa layunin ng pag-aaral.Mahalaga ang bahaging ito
ng pananaliksik dahil dito nakasaad ang mga tanong na gusto mong sagutin sa pag-aaral.
Ang paglalahad ng suliranin ay nahahati sa dalawang bahagi-pangkalahatan at tiyak na
suliranin.Inilalahad sa pangkalahatang suliranin ang kabuuang layunin ng isasagawang
pananaliksik.Samanatala,hinihimay naman ng tiayak na suliranin ang mga maliliit na detalyeng
kailangang sagutin sa buong pag-aaral.Dagdag pa rito ,nakatutulong ang tiyak na suliranin na masagot
ang pangkalahatang suliranin.Ang mga tiyak na layunin ay maaari pang mahati sa iba’t ibang maliliit na
detalye.

Pagsasanay 8.2
Balikan ang iyong paksa at pagnilayan kung ano ang pangkalahatan at tiyak na suliranin nito.
PAKSA NG PANANALIKSIK_________________________________________________________
PANGKALAHATANG
SULIRANIN________________________________________________________
________________________________________________________________________________
MGA TIYAK NA SULIRANIN
1.__________________________________________________________________________________
2.__________________________________________________________________________________
3.__________________________________________________________________________________

Pagbuo ng Haypotesis at Palagay


Ayon kay Sevilla( 1998),ang haypotesis ay pansamantalang paliwanag para sa mga tiyak na gawi o
kaasalan,mga bagay na hindi pangkaraniwan o mga pangyayaring naganap o magaganap.Ipinahahayag
nito ang iyong mga inaasahan tungkol sa pagkakaugnay ng mga baryabol sa iyong pananaliksik.
Samakatwid,sa oras na mailahad mo ang iyong suliranin sa pananaliksik,makabubuo ka na rin ng
pansamantalang kasagutan ukol dito.
Ang pagbuo ng haypotesis sa isang pananaliksik ay makatutulong upang makondisyon mo ang iyong
isip sa maaaring kahantungan ng iyong pag-aaral.Subalit,kinakailangan na makatwiran ang isang
haypotesis/palagay na may batayan upang masabi itong makatwiran,naipakikita ang ugnayan ng mga
baryabol,nasusubok at nasusuri at kailangang nakabatay sa dati nang mga resulta.

Pagsasanay 8.3
Balikan ang pagsasanay 8.2, bumuo ng haypotesis sa bawat tiyak na suliranin.
Mga Haypotesis
1.__________________________________________________________________________________
2.__________________________________________________________________________________
3.__________________________________________________________________________________

Ang Teoretikal/Konseptwal na Balangkas


Ang teoretikal o konseptwal na balangkas na kailangan sa isang sulating pananaliksik ay tumutukoy
sa set ng magkakaugnay na konsepto,teorya,kahulugan at proporsyon na nagpapakita sa sistematikong
pananaw ng penomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o kaugnayan ng mga baryabol sa
paksang pag-aaralan.
M ahalagang maihanda ang sariling balangkas upang maipakita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
konseptong saklaw ng pag-aaral.Mahalaga ang pagbuo nito dahil ito ang nagsisilbing gulugod ng pag-
aaral.Sa pahayag ni Alejo et al.(2008),inihambing niya ito sa paggawa ng plano ng isang bahay na
sinusundan ng inhinyero sa pagbuo ng bahay.
Makatutulong ang pagbuo ng balangkas ng pag-aaral upang maipakita mo sa mga mambabasa ang
ugnayan ng iba’t ibang konsepto sa iyong pag-aaral.Tandaan na maaaring gumamit ng teorya na siyang
lalapatan ng konseptwal na balangkas.

Pagsasanay 8.4
Gamit ang iyong nabuong paksa,suliranin at haypotesis ng pag-aaral,lumikha ng isang konseptwal na
balangkas na nagpapakita ng ugnayan ng mga konsepto sa iyong gagawing pananaliksik.Sa
huli,ipaliwanag ang balangkas na binuo.

KONSEPTWAL NA BALANGKAS
Paglalahad ng Saklaw at Limitasyon
Upang hind imaging malawak ang sakop ng iyong pag-aaral, mahalagang mailahad mo ang
hangganan ng iyong gagawing pag-aaral.
Ayon kina Alejo et al. (2008),sa bahaging ito inilalahad kung sino ang tagatugon o mga kalahok na
gagamitin mo sa iyong pag-aaral, saan at kung kalian ito isasagawa.Inilalahad din sa bahaging ito ang
mga itinakdang limitasyon ng mananaliksik upang maging kapani-paniwala ito sa mga mambabasa.
Narito ang saklaw na inilahad ni Lacerna (2011) sa kanyang tesis:
Saklaw ng saliksik na ito ang mga katotohanan sa mga malayang pelikula ukol sa
homosekswalidad.Sa pamamagitan ng panayam sa mga piniling impormante na mga manonood at
gumagawa ng mga malayang pelikula ukol sa homosekswalidad,naunawaan ang mga paliwanag sa
nabuong katotohanan ng nasabing uri ng pelikula.Ang mga impormasyon ay kinuha mula sa tarok ng
isipan at paliwanag ng mga impormanteng ito.

Mapapansin na inilahad niya lang ang saklaw ng ginawa niyang pag-aaral maging ang mga kalahok na
gianamit niya upang makalap ang mga impormasyong kailangan sa pananaliksik.Subalit hindi niya
inilahad kung ano ang limitasyong ito.
Ang limitasyon ng pag-aaral ay mga bagay na maaring saklawin ng pananaliksik subalit pinipili ng
mananaliksik na hindi na ito isama pa upang mabigyan ng tutok ang saklaw ng pag-aaral.Halimbawa,sa
kaso ni Lacerna,maari niyang gawing limitasyon ng pag-aaral ang ganito:,samantala,bukod sa istorya at
nilalaman ng malalayang pelikula ukol sa homosekswal,hindi na sasaklawin pa ng pag-aaral ang ibang
element ng pelikula tulad ng mga tauhan,disenyo ng produksyon,direksyon,sinematograpiya at musika at
tunog.

Pagsasanay 8.5
Gamit ang iyong nabuong paksa,suliranin at haypotesis ng pag-aaral,ilahad ang saklaw at limitasyon
ng iyong pananaliksik upang Makita ang hangganan ng iyong pag-aaral.
SAKLAW NG PANANALIKSIK
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
LIMITASYON NG PANANALIKSIK
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pagpapakahulugan sa Terminolohiya
Sa pagbuo ng pananaliksik,hindi maitatanggi na marami kang terminolohiya o salitang gagamitin na
maaring magkaroon ng ibang kahulugan batay sa kung paano mo ito ginamit sa iyong pag-
aaral.Makatutulong ang bahaging ito na bigyang-kahulugan ang mga salitang gagamitin sa pananaliksik
upang maiwasan ang kalituhan sa mga babasa nito.
Ayon kay Sevilla (1998), may dalawang paraan sa pagbibigay-kahulugan sa mga terminolohiyang
ginamit sa pag-aaral—depinisyong konseptwal at depinisyong operasyonal.Tumutukoy ang depinisyong
konseptwal sa mga kahulugang matatagpuan sa mga diksyunaryo.Ito ay unibersal na kahulugan na
tinatanggap ng lahat at nauunawaan ng maraming tao.Samantala,tumutukoy naman ang depinisyong
operasyonal sa tiyak na paraan o kahulugang ginamit sa pag-aaral.Sa madaling salita,ibabatay mo ang
pagbibigay-kahulugan sa isang termino sa kung paano mo ito ginamit sa pag-aaral.

Pagsasanay 8.6
Sa iyong gagawing pananaliksik,ano-anong mga salita na ang ginamit mo at paano mo ito bibigyang-
kahulugan?
Gamitin ang talahanayan,isulat ang kahulugan ng mga terminolohiyang ginamit sa
pananaliksik.Pakaisipin kung paano ginamit ang mga termino sa pananaliksik.Kung ginamit mo ang
termino bilang isang unibersal na salita,isulat ang kahulugan nito sa hanay ng depinisyong
konseptwal.Kung hindi naman,isulat sa depinisyong operasyonal ang kahulugan kung paano mo ginamit
ang termino sa iyong pag-aaral. (20 salita o higit pa)
Terminolohiya Depinisyong Konseptwal Depinisyong Operasyonal

Pagsulat ng Panimulang Bahagi ng Saliksik Papel


Narito ang nilalaman ng panimulang bahagi ng saliksik papel.

Kabanata 1
Ang Suliranin at Kaligiran nito
Panimula. Sa bahaging ito inilalahad ang paliwanag at saligang katuwiran sa pagsasagawa ng
pananaliksik.Hindi ito kailangang maglaman ng mahahabang pahayag subalit tiyakin na naipaliwanag ang
mga mahahalagang detalye ng pag-aaral.Ayon kina Kibla-Lartec et al.(2011),nakatutulong ang bahaging
ito upang maipabatid sa mga mambabasa kung tungkol saan ang pananaliksik,bakit ito gusting pag-aralan
ng mananaliksik,ano ang kahalagahan nito sa particular na pangkat panlipunan at bakit pa ito kailangang
pag-aralan. Majkatutulong din ang paglalagay ng mga pahayag mula sa ibang literature upang maging
matibay ang pagpapaliwang ng iyong pag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin/layunin. Nakasaad sa bahaging ito ang pangunahin at tiyak na suliranin ng


pag-aaral na kadalasan ay nasa anyong patanong..Muli ang suliranin at layunin ay magkatulad.Nagbabago
lang ang estruktura ng paglalahad nito.
Mga Haypotesis o Palagay. Inilalahad sa bahging ito ang inyong palagay na kasagutan sa inyong mga
suliranin.Sa madaling salita,nakabatay ang palagay sa paglalahad ng suliranin/layunin.

Teoretikal/Konseptwal na Balangkas. Dito ipinaliliwanag ang mga teoryang ginamit sa pag-aaral o ang
nilikhang konseptong pinagbatayan sa pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral. Nakalahad ditto ang sakop at hangganan ng pag-aaral.

Depinisyon ng mga Termino. Binibigyang-kahulugan sa bahaging ito ang mga terminolohiyang ginamit
sa pag-aaral.Maging detalyado sa pagbibigay-kahulugan upang hindi magkaroon ng kalituhan sa pagitan
ng iyong pananaliksik at mambabasa.

Pagsasanay 8.7
Isulat ang unang kabanata ng iyong pananaliksik.Ang papel ay kailangang kompyuterisado sa maikling bond
paper na may isang pulgadang palugit sa lahat ng gilid,doble-espasyo at may font na Arial na 10 ang font size (8
papel o higit pa.)

Gamitin ang rubric bilang batayan ng iyong pagsulat at pagmamarka ng iyong instruktor.
Kopyahin ang bahaging ito at ilakip sa kompyuterisadong kopya ng iyong papel na ipapasa sa instruktor.

Bahagi ng Kabanata Marka


Panimula
Paglalahad ng Suliranin/Layunin
Mga Haypotesis/Palagay
Teoretikal/Konseptwal na Balangkas
Saklaw at Limitasyon
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Kabuuang Marka

Rubric sa Pagsulat/Pagmamarka
5 -Natatangi ang sulatin.Walang kamalian sa paggamit ng wika at gramatika at malinaw na naipaliwanag
ang mga detalye.
4 -Mahusay na naisulat ang bahagi.May kaunting kamalian sa paggamit ng wika at gramatika at malinaw na
naipaliwanag ang mga detalye.
3 -May kahusayan sa pagsulat ng bahagi subalit hindi ganap.May mga kamalian sa paggamit ng wika at
gramatika,at hindi lubos na naipaliwanag ang mga detalye.
2 -Hindi lubos na mahusay ang pagkakasulat ng bahagi.Maraming kamalian sa paggamit ng wika at gramatika at
hindi naipalaiwanag ang mga detalye.
1 -Walang kahusayan sa pagkakasulat ng bahagi.Maraming kamalian sa paggamit ng wika at gramatika at hindi
naipaliwanag ang mga detalye.

Modyul 9
Pagsisiyasat ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin,ang mga estudyante ay inaasahang:
A.Makahanap ng iba’t ibang babasahin,literatura at pag-aaral mula sa iba’t ibang hanguan.
B.Makasulat ng rebyu ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral gamit ang tematikong teknik.
C. Makasulat ng sintesis ng kabanata.

Ayon kina Castro et al.(2008),ang kaugnay na literatura ay nagpapakita ng antas at lawak ng kaalaman ng
mananaliksik.Nakapaglalahad ang mahusay na mananaliksik nang sapat na kaligiran para sa suliranin, sa
magkakaugnay,makatotohanan at makabuluhang pahayag.Samakatwid, kinakailangang maipakita ang kaisahan ng
mga makakalap na sanggunian sa suliraning nais bigyang kasagutan ng pag-aaral.
Batay kina K ibla-Lartec et al.(2011), tinatawag na kaugnay na literatura ang mga nabasang akda,artikulong
umuugnay sa sulating pananaliksik na buhat sa aklat,pahayagan,dyornal at magasin.Samanatala, kaugnay na pag-
aaral naman ang tesis at disertasyon.
Ano-ano ba ang maaaring gamiting sanggunian para sa iyong pananaliksik?
Maraming hanguang ibinigay sina Bernales et al.(2012) na hinati niya sa tatlo—primarya,sekundarya at
elektroniko.
Pumapailalim sa hanguang primarya ang dokumentong pangkasaysayan,gawang literari,ulat ng mga
pulis,pag-aaral na isinagawa sa laboratory,talaarawan at mga orihinal na pananaliksik sa pamamagitan ng
panayam,obserbasyon,eksperimento at sarbey.Samakatwid ,ang hanguang primarya ay mga orihinal na pag-aaral ng
isang mananaliksik.
Ang hanguang sekundarya ay mga aklat pang akademiko,artikulo,rebyu,biograpiya at iba pang mga
ginawang interpretasyon sa hanguang primarya.Ang iba pang halimbawa ay ensayklopidya, diksyunaryo at
peryodiko.
Lahat naman ng makukuhang impormasyon sa internet ay pumapailalaim sa hanguang elektroniko.
Malaki ang naitutulong nito dahil mapapabilis ang paghahanap ng mga datos at impormasyong kakailanganin sa
pag-aaral.Subalit hindi lahat ng mga artikulo sa internet ay magagamit at mapagkakatiwalaan.
Sa proseso ng pagsisiyasat at pananaliksik,nangyayaring makapangalap ng mga datos at impormasyon na
kailangang ilagay sa isang masinop na paghahanay upang mas madaling masuri.Sinusuri ditto kung ano-anong mga
datos ang kapaki-pakinabang at alin ang maari ng itabi at ipagpaliban.Isang mahalagang kasanayan ang mapanuring
pagsasala ng mga datos.Gamiting gabay sa pagpili ang suliraning sinasagot.Balikan kung naaayon ang mga datos na
nakuha sa mga susing salita at kabuuang larangan na pagsisiyasat na tinatalunton.
Kapaki-pakinabang sa paghahanay ng mga impormasyon at pagtatala ang gamit ng mga notecard.
Dalawa ang uri ng notecard na ginagamit—ang 3X5 notecard na para sa paglilista ng mga sanggunian at ang 5X8
notecard para sa pagtatala ng mga datos mula sa isang sanggunian.

Sa pagtatala,maaaring pumili ng iba’t ibang paraan ng pagkuha ng tala o datos.Narito ang ilang mungkahing paraan
sa pagkuha ng tala o datos.
1. Tuwiran o Direktang Sipi—Ginagamit ang tuwiran o direktang sipi kapag nais bigang diin sa sulating
pananaliksik ang ideya at pagkakapahayag ng manunulat.Ito ang pinakamadaling paraan ng pagtatala dahil
kailangan lamang kpyahin ang ideya sa kard.Tandaan nga lamang na lagyan ng panipi ang sipi upang
matandaan na ito ay tuwiran o direktang sipi.Maaaring gamitin ang mga pahayag tulad ng sang-ayon
kay,batay kay,sinabi ni,ayon kay at iba pa upang ipahayag ang direkta o tuwirang sipi.
2. Sinopsis(buod)—Ito ay maikling buod ng isang paksa.Nasa anyo ito nang patalata.Maikli ito subalit
malaman.Ginagamit itong panimula sa mga akdang pampanitikan para maipakita ang pangunahing daloy
ng banghay sa simpleng pamamaraan.Ginagamit din ito sa nobela mula sa simula hanggang saw akas
gayundin sa manuskrito at ano mang aklat.
3. Presi (precis) – Ang presi ay galing sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay pruned o cut-down
statement.Nangangahulugan ito ng isang maikling pagbubuod o paglalagom ng mahahalagang ideya ng
isang mahabang teksto.Binibigyang diin dito ang pinakamahalagang detalye.Ang layunin ng presi ay
muling maipahayag ang pinakaimportanteng detalye lamang para malaman ng mambabasa ang
pangunahing nilalaman ng akda.Sa pagsulat ng presi,pinaiikli ang orihinal na isinulat nang may kaunting
pagbabago.Kailangang mapanatili ang pagkakaayos at pagkakasunud-sunod ng orihinal.Kailangan ding
matukoy agad sa simulang presi ang pangalan ng mga tauhan at mga lugar bago talakayin ang
mahahalagang detalye ng pangyayari.
4. Hawig (paraphrase)—Ito ay muling pag-uulit ng talata sa sariling pangungusap na hindi gaanong teknikal
subalit kasinghaba rin ng orihinal na talata.Dapat makuha rito ang sariling estilo ng paggamit ng
salita.Kumakatawan sa orihinal na ideya ang muling pagsasaad ng pangungusap.Bukod ditto,kailangang
malinaw at mabisa ang mga pangungusap.Mahalaga ang pagsasanay sa paggawa ng hawig.Sa pamamagitan
nito,nagagawang higit na maunawaan ang mga akdang teknikal o ano mang akdang mahirap
unawain..Bukod ditto,ang paggawa ng hawig ay isang pagsasanay sa maingat at mapanuring pagbasa.Ang
isang mahusay na hawig ay humahalaw ng eksaktong katapat na ibig sabihin ng orihinal na akda.
5. Salin—Ang kasanayan sa pagsasalin ay mahalaga sapagkat hindi naman lahat ng babasahin sa pananaliksik
ay nasasalin sa Filipino.Karamihan sa mga babasahing pang-akademiko ay nasusulat sa Ingles.May ilan din
namang nasusulat sa mga wikang rehiyunal kaya mahalaga talagang matutunan ang pagsasalin sa Filipino
upang maging malawak ang batis ng impormasyong magagamit sa pananaliksik.
Ang isang mabuting salin ay nagpapanatili ng orihinal na ibig sabihin ng akda.Ang pagsasalin ay
mahusay na pagsasanay sa husay sa pag-unawa sa isang nabasang akda,husay ng pagkagagap ng nabasa at
yaman ng bokabularyong gagamitin sa pagpapahayag ng kabuuang kaisipan nang walang nababawas at
nadaragdag.

Gawin Natin
Pagsasanay 9.1 : Ibuod ang teksto.Sikaping maging maikli subalit buo pa rin ang mga ideya.
Ang Maagang Pagbubuntis
Ang teenage pregnancy o ang pagbubuntis sa maagang edad ay isang suliranin na kinakaharap ng halos
lahat ng mga bansa sa buong mundo. Karamihan sa mga batang babae na nasa ganitong sitwasyon ay
humaharap sa mga isyu gaya ng pagpapalaki sa isang bata na hindi alam kung paano ito gagawin ng tama o
kaya naman ay ang pagkokonsidera sa abortion bilang sagot sa kanilang problema.Sa Pilipinas,ipinapakita ng
estadistika na karamihan sa bilang ng mga batang nabubuntis ay hindi pinagplanuhan.Ang iba ay masasabi pang
unwanted (Ancheta,2004)
Ang maagang pagbubuntis ay may epekto hindi lamang sa mga batang babae na nabuntis kundi maging
maging sa kasintahan nito.Sa isang artikulong isinulat ni Raynah Sivarama(n.d),inilahad niya ang takot at gulo
sa pag-iisip na nadarama ng isang teenage father.May mga bagay din na naiisip ang batang magiging ama kung
ano ang gagawain at ano ang kanyang nagawa.
Ang teenage pregnancy ay may malaking epekto hindi lamang sa magkasintahan kundi sa magiging anak
na rin.Kung ganito ang sitwasyon,lumolobo pa rin ang bilang ng mga kabataang nasasangkot sa isyung ito.
Ang 2002 Young Adults Fertility Survey ay nagsabing 1/3 sa mga batang babae ay nagbubuntis bago pa
ikasal.Nakasaad din dito na 30% ng mga kabataang nanganganak ay nasa edad na 15-19 .74% ay masasabing
illegitimate births at mahigit kumulang sa 400,000 abortion ang nangyayari taon-taon.
36% ditto ay mula sa mga kabataang babae (Silvarama &Club,n.d.)
Ayon sa Forum for Family Planning and Development, Inc.(FFPDI),patuloy na tumataas ang bilang ng
teenage pregnancies sa bansa. Sa katunayan,noong nakaraang taon ay umabot ito sa nakakaalarmang lebel.
( Mula sa Pamanahong Papel nina Alkuino,M.,et al. Mga Isyu at Kuwento ng Maagang Pagbubuntis)

Pagsasanay 9.2.
Pumili ng tatlong paksa batay sa iyong interes.Sumipi o humalaw ng mga impormasyon tungkol dito. Huwag
kalimutang ilagay ang mga sanggunian.

Pagsasanay 9.3
Isalin sa Filipino ang mga impormasyon,ideya at kaisipan sa teksto.Sikaping huwag lumayo sa orihinal na
mensahe

Prayer for the Nation


Lord, as we face these uncertain times in our nation and the world,
We ask You to dwell among us.We are comforted by the knowledge that
You alone are our Savior and Lord, and the ultimate Master of life. Send
Your spirit to touch the hearts of our leaders.Give them the wisdom and
discernment as they lead. , and the courage to do it. Give us Your light
and Your truth to guide us in our ways so that we may seek Your will
in our lives.
We pray for Your great healing in our land.Shine Your face on us ,
Dear God.We need you now, more than ever before.Thank you that
You are rich in mercy and full of grace.Thank you that You are forgiving
And merciful.Thank you that You are strong and mighty.
Bless the Philippines and use the Filipino people to spread Your Holy
Word. Glory to You our God in the highest.I pray,in the name of my Lord,
God and Savior Jesus Christ. Amen!

Mga Sistema sa Pagsasaayos ng mga Kaugnay na Literatura


Sa oras na makalikom nan g mga sanggunian para sa iyong pananaliksik,maaari mo na itong
maisaayos.Ayon kina Alejo et al.(2008), may iba’t ibang Sistema sa pagsasaayos ng mga kaugnay na
literature.Ang ibang mananaliksik ay gustong kronolohikal ang pagkakaayos ng mga ito.Ang iba naman ay
inihihiwalay ang local na sanggunian sa mga dayuhang sanggunian o kaya’y nakabukod ang mga tesis at
disertasyon sa mga aklat.
May mga pananliksik na ibinubukod bilang isang kabanata ang kaugnay na literature at pag-aaral.Sa
ganitong punto,mahalagang maging malinaw sa iyo ang mga teknik na maaaring magamit sa pagsasaayos ng
mga sangguniang nakalap.Narito ang ilang mga teknik na hinango kina Kibla-Lartec et al. (2011)
Tabyular. Ginagamit ito kung ang mga kaugnay na pag-aaral ay isinasaayos sa paraang talahanayan.Sa
pagsasaayos ng mga datos sa talahanayan,pinipili ng mananaliksik ang mahalagang detalye tulad ng may
akda,taon ,mga susing salita,paraang ginamit,mga mahahalagang natuklasan,at iba pa.Kung minsan,kahit nasa
talahanayan,inaayos ang mga pag-aaral nang kronolohikal upang maipakita ang mga pagbabago o pag-unlad sa
paksang kasangkot ditto.
Tekstuwal. Kung hindi tabyular ang nais,ito ang teknik na ginagamit.Inilalahad nang isa-isa ang
mahahalagang detalye o datos na may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik.May pagkakatulad ang mga
impormasyong matatagpuan sa tabyular.Ang tanging pagkakaiba lamang nila ay ang paraan ng paglalahad ng
mga ito na teksto ang ginagamit o sa paraang patalata.
Tematiko. Ito ang mas gamitin na teknik sa mga kasalukuyang pananaliksik.Sa teknik na ito,inaayos ang
mga kaugnay na pag-aarala ayon sa tema o paksang tinatalakay.Hinahati ang mga paksa ayon sa pagkakatulad
ng mga ito at inilalahad ang mga pag-aaral.Hindi kailangang ayusin sa paraang kronolohikal ang mga kaugnay
na pag-aaraldahil ibinase sa tema ang pagsasaayos ng mga detalye.

Pagsasanay 9.4
Humanap ng mga sangguniang makatutulong sa pagpapatibay ng iyong ginawang pananaliksik.Kumuha ng
dalawampung sanggunian (aklat,dyornal,dyaryo, internet at iba pa). Matapos mangalap ng mga
sanggunian,subukan mo ng sumulat ng burador ng Rebyu ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral.
Ang papel ay kailangang kompyuterisado sa maikling bond paper na may isang pulgadang palugit sa lahat ng
gilid,doble-espasyo at may font na Arial na 10 ang font size .

Gamitin ang rubric bilang batayan ng iyong pagsulat at pagmamarka ng iyong instruktor.

Rubric sa Pagsulat/Pagmamarka
5 -Natatangi ang sulatin.Walang kamalian sa paggamit ng wika at gramatika at malinaw na naipaliwanag
ang mga detalye.
4 -Mahusay na naisulat ang bahagi.May kaunting kamalian sa paggamit ng wika at gramatika at malinaw na
naipaliwanag ang mga detalye.
3 -May kahusayan sa pagsulat ng bahagi subalit hindi ganap.May mga kamalian sa paggamit ng wika at
gramatika,at hindi lubos na naipaliwanag ang mga detalye.
2 -Hindi lubos na mahusay ang pagkakasulat ng bahagi.Maraming kamalian sa paggamit ng wika at gramatika at
hindi naipalaiwanag ang mga detalye.
1 -Walang kahusayan sa pagkakasulat ng bahagi.Maraming kamalian sa paggamit ng wika at gramatika at hindi
naipaliwanag ang mga detalye.

Ang Sintesis
Ito ay isang ebalwasyon o pagsusuri ng ebidensya ng isang pananaliksik at sa opinyon ng isang eksperto sa
isang particular na paksa na ginamit upang makatulong sa pagpapasya sa pagbuo ng mga patakaran. Ito rin ang
pagbuo ng paglalahad sa iba’t ibang paksa na nabasa o narinig..Kasama rin dito ang pagsusuri ng mga datos na
natuklasan at ang pagbuo ng kaalaman,konsepto o interpretasyon.Tumutukoy rin ito sa sa kakayahang mapagsama-
sama ang iba’t ibang bahagi para makabuo ng isang bagong anyo ng kaalaman.Ang sintesis din ang nagsisilbing
buod ng buong kabanata.

Pagsasanay 9.5
Matapos maisulat ang Rebyu ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral, gumawa ng sintesis. Gamitin pa rin ang
rubric sa pagsulat at pagmamarka.

Modyul 10
Dokumentasyon:Pagbuo ng Listahan ng mga Sanggunian
Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin,ang mga estudyante ay inaasahang:
A.Mabigyan ng wastong pagkilala ang awtor ng mga kaugnay na saliksik-papel at iba pang materyal na
sumuporta sa mga layunin at resulta ng pag-aaral.
B.Makagawa ng organisadong sanggunian na kinapapalooban ng mga pamagat ng mga kaugnay na pag-
aaral at iba pang saligang ginamit sa pananaliksik.

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng pagbuo ng ng isang saliksik-papel ay ang detalyadong


dokumentasyon o ang pagtatala ng mga sangguniang ginamit sa pananaliksik.Gumamit ka manng ng
direktang sipi mula sa ibang literatura o kaya’y binigyan ito ng sarili mong
pagpapakahulugan(paraphrase),nararapat lamang na bigyan mo ng wastong pagkilala ang awtor at ang
kanyang likhang pinaghanguan mo ng mga impormasyong makatutulong sa pagpapalinaw at
pagpapatibayng inyong pag-aaral.
Kung walang dokumentasyon,ang mga kaisipan o konseptong iyong nabanggit sa iyong pag-aaral
ay magtutunog subhetibo.Sa madaling sabi,ang dokumentasyon ang magsisilbi mong armas o patunay na
ang mga resulta at pansuportang kaisipang iyong inilahad sa iyong saliksik papel ay hindi haka-haka o
opinyon lamang.Samakatwid,napatataas nito ang kalidad ng iyong mga kaisipan.
Mahalaga ring itala mo ang mga impormasyon tungkol sa sangguniang ginamit upang mas mapadali
upang mas mapadali ang paghahanap mo sa mga ito sakaling kailanganin muli ang mga parehong mga
sanggunian.Dagdag pa rito,ang iyong talaan ay makapagsisilbi ring gabay ng iba pang mannaliksik.
Ang lahat ng tesis,aklat,peryodiko,magasin,dyornal,elektronikong artikulo o bidyo mula sa
internet,pelikula,programa sa telebisyon o radio at iba pang sangguniang ginamit na sa pananaliksik
Ay itinatala sa paalpabetong paraan upang makabuo ng isang organisadong listahan ng mga sanggunian.Ito ay
tinatawag na bibliograpiya o talasanggunian.
Bago ka tumungo sa pagsasa-alpabetiko ,siguraduhin mo munang kumpleto ang mga detalye at impormasyong
taglay ng bawat sanggunian.Kailangan mo ring mabatid ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga impormasyong
ito,pati na rin ang tamang pagbabantas at paggamit ng malalaki at maliliit na titik.
Narito ang tala ng mga impormasyong kailangan mong kalapin sa bawat uri ng sanggunian.
Uri ng Sanggunian Mga Impormasyong Kailangang Itala
Aklat Pamagat ng aklat,pangalan ngmay akda,pook kung
saan nilimbag ang aklat,pangalan ng limbagan,aon ng
pagkakalimbag.
Tesis Pamagat ng tesis,pangalan ng may akda,pook kung
saan nilimbag ang tesis,pangalan ng pamantasan,taon
ng pagkakalimbag.
Dyornal Pamagat ng dyornal,pangalan ng may akda o
editor,bilang ng bolyum,pook kung saan nilimbag ang
dyornal,pangalan ng limbagan,taon ng pagkakalimbag.
Pahayagan Pamagat ng artikulo,pangalan ng may akda,pangalan
ng pahayagan,petsa,pahina
Magasin Pamagat ng artikulo,pangalan ng may akda,pamagat ng
magasin,bilang ng bolyum,petsa,pahina
Ensayklopidya Pamagat ng ensayklopidya ,taon ng edisyon,bilang ng
edisyon, bolyum,pahina
Elektronikong artikulo Pamagat ng artikulo,pangalan ng may akda,petsa ng
pagkakalathala ,web address o uniform resource
locator (url)
Pelikula Pamagat ng pelikula,pangalan ng direktor,petsa kung
kailan unang ipinalabas,pangalan ng produser ng
kompanya.
Bidyo Pamagat ng bidyo,petsa ng pagkakalathala ,web
address o uniform resource locator (url)
Palabas sa telebisyon o radyo Pamagat ng palabas,paksa,pangalan ng host,pangalan
ng istasyon,lokasyon ng istasyon,petsa (kung kailan
unang umere)

Iba’t ibang Sistema ng Dokumentasyon


Sa pagbibigay ng kredit o pagkilala sa awtor ng mga impormasyong iyong makakalap at magagamit sa iyong
pananaliksik,maaari mong gamitin ang Sistemang Talababa (Footnote) o kaya’y ang Dokumentasyong Parentetikal.
Ang dokumentasyong parentetikal ay nahahati sa dalawa, ang estilong Modern Language Association (MLA) at
ang estilong American Psychological Association (APA)
Ang MLA ay ginagamit sa mga pag-aaral o pananaliksik na ukol sa disiplina o asignaturang Humanities
(Panitikan at Wika),Philosophy of Arts. Bagamat mas simpleng gamitin ang sistemang MLA ,mas ginagamit ang
sistemang APA na nauukol sa mga pananaliksik sa disiplinang Social Sciences tulad ng Kasaysayan,
Antropolohiya, at Political Sciences.Maliban ditto,format lamang ang ipinagkaiba ng dalawang estilo.Upang mas
maging malinaw ang ipinagkaiba,surrin ang halimbawa.
 Kung gagamitin sa in-text citation:
MLA (Ancheta 2014)
APA (Ancheta,2014)
 Kung gagamitin sa pagsasaayos ng bibliyograpiya
MLA
Remoto,D.Buhay Bading ,Anvil Publishing Inc., Pasig City,2004.
APA
Remoto,D. (2004).Buhay Bading.Pasig City.Anvil Publishing Inc.

Pagsasanay
Itala ang mga sangguniang ginamit mo sa iyong gagawing pananaliksik.Sundin ang APA na pormat.

Modyul 11
Metodolohiya
Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin,ang mga estudyante ay inaasahang:
A.Maipaliwanag ang kahalagahan ng metodolohiya.
B.Maipag-iba-iba ang iba’t ibang disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.
C.Mapag-isa-isa ang iba’t ibang paraan ng pagkalap ng datos at impormasyon mula sa mga
respondente.
D.Magamit ang akmang pormula sa pagbuo ng sample mula sa populasyon.

Bago simulang isulat ang ikatlong bahagi ng iyong saliksik-papel,kailangang malinaw na sa iyo
kung anong dulog ang gagamitin sa pananaliksik.Ito ba ay kwantitatibo o kwalitatibo? Kung ang
layunin mo ay lumikom ng pang-unawa sa kilos ng tao,gayundin ang mga kadahilanan ng mga kilos
at ugaling ito,kwalitatibong dulog ang akmang iaplay sa iyong pananaliksik (Kibla-Lartec et
al.,2011).Samantala,kwantitatibo naman ang dulog ng pag-aaral kung ang mga resulta ay titimbangin
at susuriin gamit ang mga pormula ng estadistika.
Respondente ang katagang karaniwang ginagamit upang tukuyin ang mga kasangkot sa isang
pag-aaral o pananaliksik..Ngunit paano mo nga ba sila dapat piliin?Paano mong malalaman ang sapat
na bilang ng mga indibidwal na kailangan mong isangkot sa pag-aaral? Matapos mamili,paano ka
naman mangangalap ng mga datos at impormasyong kailangan mo upang matamo ang mga layunin
ng iyong pag-aaral? Sa ikatlong bahagi ng mga sulating pananaliksik,inilalahad ang mga kasagutan
sa mga katanungang ito.
Ang metodolohiya o disenyo at pamamaraan ay kinapapalooban ng mahahalagang nahaging
magsisilbing gabay sa pagsasabuhay o pagsasagawa ng pananaliksik.Ito ay ang mga sumusunod:

1.Disenyo ng Pananaliksik
Sa bahaging ito inilalahad ang gagamiting dulog at pamamaraan ng pananaliksik (research
design) na naaayon sa layunin ng pag-aaral.Sa pinakapayak na paraan,ipinaliliwanag din dito ang
dahilan sa pagkakapili ng disenyo ng pananaliksik,pati na rin ang mga napunang kahinaan at
kalakasan nito.Ang pananaliksik mula sa iba’t ibang larangan ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang
kahingian,kung kaya’t kailangang maging maingat sa pagpili ng disenyong aakma sa bawat isa.Narito
ang ilan samga disenyong maaari mong pagpilian.
a.Pamamaraang Deskriptib (Descriptive Method)
Sa pamamaraang deskriptib,wala kang kontrol o hindi mo maaaring manipulahin ang kasal
ukuyang kalagayan o sitwasyon ng mga baryabol sa iyong pananaliksik.Kailangan mo lamang
obserbahan at iulat ang mga umiiral.
Ayon kay Gay (n.d), ang pamamaraang ito ay kinapapalooban ng koleksyon ng mga datos na
naglalayong masubok ang haka o masagot ang mga katanungang iniuugnay sa kasalukuyang
kalagayan ng pananaliksik.
b.Pamamaraang Eksperimental (Experimental Method)
Hindi tulad ng pamamaraang deskriptib,maaari mong manipulahin ang independent
variable,kontrolin ang iba pang kaugnay na baryabol at obserbahan ang epekto nito sa dependent
variable.

2.Populasyon at Lugar ng Pananaliksik


Sa bahaging ito,tinutukoy ang tiyak na bilang ng mga indibidwal na kasangkot sa pag-aaral,tiyak
na lugar,hangganan ng paksang tatalakayin at tiyak na panahong gugugulin sa pag-aaral.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kakailanganing pag-aralan o isangkot ang buong
populasyon.Kailangang isaalang-alang ang abeylabol na oras at mga gastusing kaakibat ng
pananaliksik.Ang populasyon ang kabuuang bilang ng lahat ng miyembro ng kahit anong tiyak na
klase o uri ng mga tao,pangyayari o bagay.Samantala, ang sample ay ang bahagi ng kabuuang hinugot
mula sa populasyon.
Ang sample ang nagsisilbing kinatawan ng isang populasyonna siyang oobserbahan.May
dalawang pangunahing uri ng sampling:
1.Probability Sampling. Ang pagpili ng kinatawan ng populasyon ay isinasagawa gamit ang
pormula ng estadistika.
a.Random sampling-ito ay maihahalintulad sa konsepto ng lottery o raffle kung saan pantay-pantay
ang pagkakataon ng bawat indibidwal na mapabilang sa sample.
b.Sistematikong Sampling- gamit ang pormula,natutukoy ang sampling interval o pagitan sa bawat
bilang upang matukoy ang mga indibidwal na makakasangkot sa pag-aaral.

N
K= Kung saan ang:
n
K=sampling interval
N=populasyon
n =bilang ng sample
c.Stratified Sampling—ginagamit ang pamamaraang ito sa heteregenous na populasyon o
populasyong kinabibilangan ng mga indibidwal na may magkakaibang katangian.
d.Cluster Sampling—ang mga kinatawan ay pinipili hindi bilang indibidwal kundi grupo.
e.Multi-Stage Sampling—ang uring ito ng sampling ay dumaraan sa iba’t ibang yugto.Masasabing
ito ay mas komplikadong bersyon ng cluster sampling.

2.Non-probability Sampling—sa pamamaraang ito,ang pagpili ng mga kasangkot ay hindi bahagdan


ng kabuuang populasyon.Hindi rin ito ginagamitan ng anumang pormula ng estadistika sapagkat ang
pagpili ay depende sa sitwasyon
a.Sampling na may layunin –ang tiyak na bilang ng mga kakasangkutin sa pananaliksik ay
nakadepende sa sarili mong desisyon.
b.convenience sampling—ang pagpili ng kakasangkutin sa pananaliksik ay iyong mga madaling
hanapin batay sa iyong kaluwagan o availability.
c.quota sampling—katumbas ng stratified sampling kung saan ang bawat grupo ay may
representasyon nito.
d.snowball sampling—ang paraan ng pagkalap ng mga kasangkot ay parang nyebe,nadaragdagan at
patuloy na lumalaki habang pinapagulong-gulong.

3.Instrumento sa Pangangalap ng Datos


Ang nilalaman ng bahaging ito ay kailangang bumagay sa uri ng pananaliksik na ginamit sa
pag-aaral.Sarbey,pakikipanayam-talatanungan at obserbasyon ang pinakamadalas na kasangkapang
ginagamit sa pangangalap ng datos,kwantitatibo o kwalitatibo man ang dulog ng pananaliksik.May
tatlong pangunahing kasangkapang ginagamit sa pangangalap ng datos:
a.Talatanungan—pinakamadaling paraan sa pagkalap ng datos
1.open-ended na talatanungan—malaya sa pagsasagot ang mga respondent
2.close-ended na talatanungan—may pagpipilian ang mga respondente sa uri ng talatanungang ito.
b.Pakikipanayam o interbyu—ginagamit kung ang dulog ng pag-aaral ay kwalitatibo.
1.Binalangkas na Pakikipanayam/Structured interview—kailangan mong maghanda ng gabay sa
pakikipanayam na kailangan mong sundin sa pagtatanong.Hindi maaaring lumabis o magkulang ang
iyong mga tanong ayon sa pagkakasunud-sunod sa iyong listahan.
2.Di-binalangkas na Pakikipanayam/Unstructured interview—Mayroon ka ring nakahandang
listahan ng mga tanong ngunit maaari kang tumaliwas sa takbo ng pagkakasunud-sunod nito.Malaya
ka ring ulitin ang tanong at magtalakay pa ng ibang punto kung sa panimbang mo ay makatutulong at
magiging kapaki-pakinabang ito sa pakikipanayam.
c.Obserbasyon—maaaring gamitin sa deskriptib o eksperimental na imbestigasyon pero hindi sa mga
historikal na pag-aaral.Kailangan mong magmasid at tuwirang mailarawan ang mga kasalukuyang
kondisyon at sitwasyong pinag-aaralan.

4.Paraan ng Pangangalap ng Impormasyon


Kailangan mo ring ilahad kung paano mo susubukin ang reliability ng resulta ng iyong pag-
aaral.Ito ay itinuturing na pangunahing katangiang dapat taglayin ng bawat teknik o
pamamaraan.Dagdag pa rito,kailangan mo ring sukatin ang validity o ang lawak ng pagtatamo ng
mga layuning hinahangad matamo o masukat ng pamamaraan.
Isa sa pikakakilalang paraan upang sukatin ang reliability ng pag-aaral ay ang test-retest reliability
kung saan ibinibigay ang pagsusulit sa parehong sample sa dalawang magkaibang okasyon.Kung ang
dalawang okasyon ay makapagpapakita ng mataas na korelasyon-nangangahulugang may reliability
ang pagsusulit.
Sapagkat may dalawang uri ng dulog sa pananaliksik,kailangan ding maging pamilyar ka sa
paraan ng pagsusuri o pag-aanalisa sa mga nakalap na datos.Upang masukat ang validity at reliability
ng mga makakalap mong resulta sa kawantitatibong pananaliksik,kailangan ng tulong ng
estadistika.Maaari mo itong gawin sa paraang pabahagdan o papuntos.Sa tulong ng estadistika,ang
bawat kasagutan ay magkakaroon ng karampatang puntos.Kung gayon,mas maipaliliwanag mo ang
mga kinalabasan ng pag-aaral sa obhetibong paraan.

Mga Gawain
1.Ano-ano ang pamamaraang ginamit mo sa pagpili ng impormante?Bakit ito ang iyong napili?
2.Bilang isang mananaliksik,paano mo kinalap ang mga datos na ginamit mo sa iyong pag-aaral?
3.Ilahad ang instrumentong ginamit mo sa pangangalap ng mga datos o impormasyon
a.Kung gumamit ka ng talatanungan,ilakip sa sagutang papel ang kopya ng iyong mga tanong.
(ginamit ng respondente)
b.Kung gumamit ka ng pakikipanayam,ilakip ang sipi ng mga ginamit mong mga tanong,kasama
ng mga katibayan (larawan ) na ikaw ang nakikipanayam.

Paglalahad ng Resulta at Diskusyon


Sa paglalahad ng resulta ng iyong pananaliksik,ibinubuod ang mga nakalap na datos at mga
inilapat na estadistika upang masagot ang mga suliranin.Kailangang ibahagi mo ang iyong mga
natuklasan sa pangkalahatang pananaw upang mabigyang linaw ang konklusyong gagawin.Ang mga
resultang ihahain mo ay maaaring umayon o maaari ring sumalungat sa haypotesis ng pag-aaral.
Matapos maihain ang mga datos,kailangan mong magbigay ng naratibo ng iyong ebalwasyon at
interpretasyon sa mga resulta.Maari kang kumuha ng mga impormasyon mula sa mga kaugnay na
literaturang iyong sinipi upang suportahan ang iyong interpretasyon.
May dalawang paraan ng paglalahad ng resulta at diskusyon.Upang gawing mas interesante ang
presentasyon ng mga resulta,maaari kang gumamit ng paraang talahanayan o tabyular o kaya ay
paraang grapikal.Paraang talahanayan ang pinakaangkop gamitin lalo na sa mga pag-aaral na
nilalapatan ng estadistika.Sa kabilang banda,maaari mo ring gamitin ang iba’t ibang paraang grapikal
na ibinabagay sa pangangailangan ng mga impormasyong nakalap.

Modyul 12
Buod,Konklusyon at Rekomendasyon
Layunin
A.Nakasusulat ng komprehensibong lagom ng isinagawang pananaliksik.
B.Nabibigyang-kasagutan ang problema at mga layunin ng pananaliksik.
C.Nakapaglalahad ng mga suhestyon o mungkahing solusyon para sa mga suliranin o kahinaang
natuklasan sa pananaliksik.
D.Nakapaglalahad ng mga suhestiyon o mungkahing makapagpapatuloy o makapagpapalawig sa
saklaw ng isinagawang pananaliksik.

Ang buod ay mas mahabang bersyon ng abstrak na nagsisilbing synopsis at karaniwang


nakikita sa unahang bahagi ng saliksik-papel kasama ang ilan pang preliminary pages.Sa buod inilalahad
ang kabuuan ng isinagawang pag-aaral sa pinakamaikling paraan.
Inilahad nina Calderon at Gonzales (1993),sa Bernales et. Al.(2006) ang mga sumusunod na
tagubilin sa paglalagom.
a.Simulan sa maikling pahayag tungkol sa pangunahing layunin ng pag-
aaral,respondente,saklaw,limitasyon at panahon ng pag-aaral,pamamaraan at instrumentong ginamit sa
pangangalap ng mga datos,at impormasyon at disenyo sa pananaliksik.Hindi mo na kailangang palawigin
ang alin man sa mga nabanggit.
b.Ibuod ang saliksik-papel sa paraang tekstuwal.Paraang numerikal naman ang gamitin sa
pagtalakay ng pinakaimportanteng mga datos.
c.Huwag magbibigay ng interpretasyon sapagkat sa konklusyon dapat matagpuan iyon.Gumamit ng
maiikli at tuwirang mga pahayag sa lagom.Huwag magdaragdag o magbabawas ng anumang datos sa
lagom.
Sa iyong konklusyon,kailangan mong sagutin ang mga layunin ng iyong pag-aaral.Ilalahad mo rin
dito ang lahat ng natuklasan sa pananaliksik.
Sa sandaling nailagom mo na ang pag-aaral at nabigyang- kasagutan ang mga layunin nito,dapat
ay napuna mo na rin ang mga bagong suliraning nag-ugat sa mga natuklasan mo. Sa rekomendasyon mo
kailangang magmungkahi ng solusyon para sa mga suliraning matutukoy mo.Maliban ditto, magbibigay
ka rin ng mga suhestiyong mapakikinabangan ng mga susunod pang mananaliksik tungo sa pagpapatuloy
o pagpapalawig ng isinagawa mong pag-aaral. Ang mga mungkahi ay maaari mong ipatungkol sa isang
indibidwal,pangkat,tanggapan o institusyong nasa posisyong magpatupad ng bawat isa.Maaring maging
ideyal ang iyong mga rekomendasyon,subalit kailangang maging
praktikal,naisasagawa,nakakamit,makatotohanan at makatarungan pa rin ang bawat isa.

Mga Gawain
1.Lagumin ang mga resulta ng iyong pag-aaral.
2.Bumuo ng konklusyon mula sa isinagawang pag-aaral.
3.Magbigay ng rekomendasyon gamit ang isinagawa mong pananaliksik.

Modyul 13
Pagsulat ng Manuskrito ng Saliksik Papel

Layunin
1.Natutukoy ang iba pang pahina sa saliksik-papel.
2.Naisasaayos ang manuskrito batay sa pormat.

Narito ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng iyong saliksik-papel.


1.Mga Paunang Pahina—tinatawag itong preliminary pages sa Ingles na naglalaman ng mga sumusunod:
a.Fly leaf 1—ito ang pinakaunang pahinang makikita sa iyong saliksik-papel.Ito itong blangkong
papel,ibig sabihin,walang kahit na anong nakasulat sa pahina.
b.Pahina ng pamagat—ang ikalawang pahinang makikita sa iyong saliksik papel.Dito nakalagay ang
pamagat ng pananaliksik,kung kanino ihaharap o ipapasa ang papel,kung sa anong aralin ito kahingian at
kung sino ang mananaliksik nito.
c.Dahon ng Pagpapatibay—nakasaad sa pahinang ito ang kumpirmasyon na ang saliksik papel ay
nakapasa at tinanggap ng panel.
d.Pasasalamat—nakalahad ang pasasalamat at pagkilala sa mga tao,pangkat,institusyong nakatulong sa
pagbuo mo ng pananaliksik.
e.Talaan ng Nilalaman—nakasaad kung saang pahina matatagpuan ang isang partikular na paksa.
f.Talaan ng talahanayan,Larawan at Pigura—nakabalangkas sa pahinang ito ang mga
talahanayan,larawao at/o pigurang ginamit sa pananaliksik.
g.Fly leaf 2—blangkong pahina
2.Papel at pormat-ang papel ay kailangang kompyuterisado sa maikling bond paper na may isang
pulgadang palugit sa taas,baba, kaliwa at kanang bahagi ng papel,may font na Times New Roman,may
laking 12 ( font size) at doble espasyo.
3.Dokumentasyon—muling balikan ang mga sangguniang ginamit sa pananaliksik upang makasiguro na
lahat ay naisa dokumento nang maayos.
4.Mga Panghuling Pahina—matapos repasuhin ang ang una hanggang ikalimang kabanata,narito naman
ang mga kasunod na panghuling pahina.
A.Talasanggunian—nakatala sa bahaging ito ang ang lahat ng sangguniang ginamit sa
pananaliksik.Gamitin ang APA style.
B.Apendiks—binubuo ng iba’t ibang seksyong kinapapalooban ng mga dokumentong ginamit sa
pananaliksik.
Halimbawa
Apendiks A- Mga Liham sa Pananaliksik
A pendiks B.-Transkripsyon ng Panayam o Talatanungang ginamit sa Sarbey

Mga Gawain
Ilahad ang kabuuan ng isinagawang pananaliksik.Tandaan ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa
pagsulat ng saliksik-papel.Gawing gabay ang mga bahagi ng pananaliksik.

Pamagat
Pasasalamat
Nilalaman
Talaan ng Nilalaman
Talaan ng talahanayan,larawan at/o pigura
Kabanata 1-Kaligiran ng Pag-aaral
Tesis na Pangungusap
Rasyonal
Mga Layunin
Kahalagahan ng Pag-aaral
Delimitasyon at Limitasyon
Inaasahang Awtput
Konseptwal na Balangkas
Depinisyon ng mga Termino
Kabanata 2—Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Kabanata 3—Metodolohiya
Kabanata 4-Paglalahad ng Datos at Interpretasyon
Kabanata 5-Lagom,Konklusyon at Rekomendasyon
Talasanggunian (APA Style)
Apendiks
Orihinal na Talatanungan
Pinasagutang Talatanungan

(end)

GOODLUCK and GOD BLESS!

You might also like