Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

Kasaysayan ng Pagsasalin sa Daigdig

Teorya ng Tore ni Babel

“Igawa natin ang ating sarili ng isang pangalan, baka tayo magkahiwa-hiwalay sa balat ng lupa.”
(Henesis 11:4)Ang Tore ni Babel

Batay sa salaysay ng Bibliya, isang nagkakaisang sangkatauhan, na nagsasalita


ng “iisang wika at salita” ang nakilahok sa pagtatayo ng isang tore pagkatapos ng
malaking baha. Napagpasyahan na magtayo ng isang tore na ang taluktok ay aabot sa
langit, subalit hindi upang sambahin at purihin ang Diyos, sa halip para sa kaluwaltihan
ng tao. Ganito ang sambit ng mga tagapagtayo: “Igawa natin ang ating sarili ng isang
pangalan, baka tayo magkahiwa-hiwalay sa balat ng lupa.” (Henesis 11:4). Nang Makita
ng Diyos ang ginawa ng tao, ginulo at pinag-iba-iba ng Diyos ang kanilang mga wika at
pinaghiwa-hiwalay sa balat ng lupa sa pook na yaon.
Kasaysayan ng Pagsasaling-wika sa Daigdig ayon sa Aklat ni Savory

(The Art of Translation, 1986)

Theodore H. Savory

● Sinaunang Panahon ng Pagsasaling-wika sa Daigdig

Sa Europa, ang kinikilalang unang tagapagsalin ay si Livius Adronicus.


isang Griyego. Sa mundo ng pagsasalin, kilala si Adronicus sa kanyang
pagsaling-wika ng Odyssey ni Homer sa Latin sa kaparaanang patula (240
B.C.).Siya ay nataguriang ama ng “Roman Drama” at mga literaturang Latin sa
kabuuan; siya ang kauna-unahang nagsulat ng panitik sa Latin. Ayon sa ilang sa
mga batikang manunulat na gaya nina Varro, Cicero at Horace, ay ipinagtitibay na
si Livius Adronicus ang pinagmulan ng “Latin literature”.

Livius Adronicus

Varro

Cicero
Horace

Sina Naevius at Ennius ay gumawa rin ng pagsasalin sa Latin ng mga


dulang Griyego, tulad yaong isinulat ni Euripedes. Sinundan ito ni Cicero,
tinagurian bilang mahusay na tagasalin at manunulat.

Isang pangkat ng mga iskolar mula sa Syria ang nakaabot sa Baghdad.Sila


ay nangunguna sa pagsasalin ng Arabic ng mga isinulat nina Aristotle, Plato,
Galen, Hippocrates at iba pang kilalang mga matatas na manunulat. Dahilan kung
bakit naging tanyag ang Baghdad bilang isang paaralan ng pagsasaling-wika na
pinag-ugatan ng pagkalat ng karunungan sa Arabia.

Ang Lungsod ng Baghdad at Ang Kanilang Paaralan ng Pagsasaling-wika

Isang pangkat ng mga iskolar mula sa Syria ang nakaabot sa Baghdad.Sila ay


nangunguna sa pagsasalin ng Arabic ng mga isinulat nina Aristotle, Plato, Galen,
Hippocrates at iba pang kilalang mga matatas na manunulat. Dahilan kung bakit
naging tanyag ang Baghdad bilang isang paaralan ng pagsasaling-wika na
pinag-ugatan ng pagkalat ng karunungan sa Arabia.

Ilan lang sa naging kilala sa larangan ng pagsasalin sina; Adelard, nagsalin sa


Latin ng mga sinulat ni Euclid, Retines, nagsalin sa Latin ng Koran noong
1141.Ang kinikilalang “Prinsipe ng Pagsasalingwika” sa Europa ay si Jacques
Amyot na siyang nagsalin ng “Lives of Famous Greeks and Romans”(1559) ni
Plutarch sa wikang Aleman.

● Pinakataluktok na Panahon ng Pagsasaling-wika (Panahon ng Pagsasalin


ng Bibliya)

Mayroong dalawang dahilan kung bakit isinalin ang bibliya: Una, dahil ang
Bibliya ang tumatalakay sa tao – kaniyang pinagmulan, sa kaniyang layunin at sa
kaniyang destinasyon; Pangalawa, dahil sa di-mapasusubaliang kataasan ng uri
ng pagkakasulat nito.

Ang orihinal na manuskrito o teksto ng Bibliya ay sinasabing wala na. Ang


kauna-unahang teksto nito ay nasusulat sa wikang Aramaic ng Ebreo at ito ang
pinaniniwalang pinagmulan ng salin ni Origen sa wikang Griyego na kilala sa
tawag na Septuagint gayon din ang salin ni Jerome sa wikang Latin.
“Tatlong Pinakadakilang salin ng Bibliya”

1. Saint Jerome (Latin)

2.Martin Luther (Aleman)


3.Haring James (Ingles-Inglatera).

Samantalang ang kauna-unahang salin sa Ingles ng Bibliya ay isinagawa ni


John Wycliffe. Ang unang salin ng mga Katoliko Romano ay nakilala sa tawag na
Douai Bible.Si William Tyndale ang nagsalin sa Ingles ng Bibliya buhat sa wikang
Griyego na salin naman ni Erasmus. Hindi naging katanggap-tanggap ang salin
dahil sa masalimuot na mga talababa.

John Wycliffe
Douay Bible

William Tyndale

Ilan sa mga kinilalang bersyon ng salin ng bibliya ay ang:

● Geneva Bible– Ito ayisinagawa nina William Whittingham at John Knox.


Ginamit ang Bibliya na ito sa pagpapalaganap ng Protestantismo.
Tinagurian itong “Breeches Bible”.
● Authorized Version -Ito ang naging pinakamalaganap at hindi na
malalampasan.Nakilala ito dahil sa naging panuntunan na ang pagsasalin
ay dapat maging matapat sa orihinal na diwa at kahulugan ng Banal na
Kasulatan. Ayon ito sa lupong binuo ni Haring James sa pagsasalin ng
Bibliya.
● The New English Bible (1970) – ang naging resulta ng pagrebisa ng
Authorized Version. Maituturing naman na pinakahuling salin ng Bibliya. Ito
ay inilimbag ng Oxford University.

Sa dinami-dami ng mga pagsasaling isinagawa sa Bibliya, kinailangan pa


rin ang muling pagsasalin dahil sa mga sumusunod na dahilan: (1) Marami nang
mga natuklasan ang mga arkeologo na naiiba sa diwang nasasaad sa maraming
bahagi ng mga unang salin; (2) Naging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng
linggwistika na siyang naging daan ng pagpapalinaw ng maraming malabong
bahagi ng Bibliya; (3) Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikang English Bible
ay hindi na halos maunawaan ng kasalukuyang mambabasa bukod sa kung
minsan ay iba na ang inihahatid na diwa.

● Pagsasalin ng mga Akdang Klasika (Ika- 19 hanggang Ika-20 Siglo)

VIRGINIA WOOLF

Ang kalakhan ng kinikilalang mga akdang klasika ay ang mga orihinal na


nasusulat sa Griyego at Latin, ngunit ayon kay Gng. Virginia Woolf, ang alin mang
salin ay hindi makakapantay sa orihinal sapagkat ang wikang Griyego ay isang
wikang maugnayin, mabisa, tiyak at waring may aliw-iw na nakaiigayang
pakinggan. Dalawang pangkat ang mga tagapagsaling-wika sa Ingles ng wikang
Griyego, ito ay ang makaluma o Hellenizers at ang makabago o Modernizers. Ang
layunin ng mga makaluma ay maging matapat sa pagsasalin sa paghahangad na
mapanatili ang orihinal na diwa at katangian ng kanilang isinasalin kaya naman
pinapanatili nila ang paraan ng pagpapahayag, at balangkas ng mga
pangungusap at idyoma ng wikang isinalin sa wikang pagsasalinan. Kasalungat
naman ito ng paniniwala ng mga makabago na nagsasabing ang salin ay dapat
nahubdan na ng mga katangian at idyoma at nabihisan na ng kakanyahan ng
wikang pinagsalinan.
ROBERT BROWNING

Ayon naman kay Robert Browning, ang tagasaling-wika ay kailangang


maging literal hangga’t maaari maliban kung ang pagiging literal ay lalabag sa
kalikasan ng wikang pinagsasalinan.

ROBERT BRIDGES

Naniniwala naman si na higit na mahalaga ang istilo ng awtor kung ang


isang mambabasa ay bumabasa ng isang salin. Sa kabila ng magkasalungat na
opinyong nabanggit ay may ikatlong opinyong lumitaw, ito ay ang paniniwalang
hindi makatwirang piliting ipasok sa wikang pinagsasalinan ang mga kakanyahan
ng wikang isinasalin.

SAMUEL BUTLER

EDWARD FITZGERALD

Pareho naman ang paniniwala nina Edward FitzGerald at Samuel Butler na alin
mang salin ng mga akdang klasika ay dapat maging natural ang daloy ng mga
salita, madaling basahin at unawain.
F.W. NEWMAN

Sa mga pagsasalin ni F.W. Newman sa mga akda ni Homer, pinilit niyang


mapanatili ang kakanyahan ng orihinal hangga’t maaari dahil naniniwala siya na
kailangang hindi makaligtaan ng isang mambabasa na ang akdang binabasa ay
isa lamang salin at hindi orihinal. Sumasalungat naman sa paniniwalang ito si
Arnold na tagapagsalin din ni Homer. Ayon sa kanya, ang katapatan sa
pagsasalin ay hindi nangangahulugan ng pagpapaalipin sa orihinal na wikang
kinasusulatan ng isasalin. Samantala, unti-unting nahalinhan ng Roma ang Atenia
bilang sentro ng karunungan nang mga panahong iyon.

C. DAY LEWIS

Ayon kay C. Day Lewis sa kanyang pagsasalin ng “Aeneid” ni Virgil (na


siyang pinakapopular sa panulaang Latin) sa wikang Ingles, upang mahuli ng
tagapagsalin ang tono at damdamin, kinakailangang magkaroon ng ispiritwal na
pagkakaugnayan ang awtor at ang tagapagsalin.

● Pausbong na Makabagong Paraan ng Pagsasalin (Machine VS. Human


Translation)

Hindi maitatangging sa umuunlad na teknolohiya, maaari na ring mapalitan


ng makabagong pamamaraan ang pagsasalin. Ang katotohanang ito ay bukas
naman sa larangan ng pagsasalin ngunit may mga salik na naging dahilan kung
bakit hindi mabuo-buo ang “machine translator” na sana ay maging daan upang
mapabilis ang proseso ng pagsasalin. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit
hindi makabuo ng machine translator para sa di-teknikal na paksa:

1. Hindi pa maabot ng isip ng kasalukuyang mga sayantist kung papaano


mabisang maisasalin ang mga idyoma.
2. Pagkakaiba ng istraktura o pagkasusunod-sunod ng mga salita ng wika.
3. Maraming kahulugan ang maaring ikarga sa isang salita.
4. Napakaraming oras naman ang magugugol sa pre-editing at post-editing
ng tekstong isusubo rito. 5. Wala pang computerized bilingual dictionary.
Narito pa ang mga problema sa paglikha ng machine translator:

1. Ang isip ng tao ang pinakakumplikadong computer machine.


2. Kulang pa sa nalalamang mga teorya ang mga linggwista tungkol sa
paglalarawan at paghahambing ng mga wika upang magamit sa pagbuo ng
MTr.

Kasaysayan ng Pagsasalin sa Pilipinas

● Unang Yugto- Panahon ng Kastila


Nagsimulang magkaanyo ang pagsasalin sa Pilipinas noong Panahon ng
Kastila. Binigyang-diin sa yugtong ito ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo
kung saan nabibigyang-tuon ang pangangailangang panrelihiyon ng mga akdang
Tagalog at iba pang mga katutubong akdang makarelihiyon, mga dasal at iba pa,
sa ikadadali ng paglalaganap ng Iglesia Catolica Romana.

● Ikalawang Yugto- Panahon ng mga Amerikano


Nagtuluy-tuloy pa rin ang pagsasalin ng mga piyesang orihinal na
nasusulat sa wikang Kastila, kaalinsabay ng mga pagsasalin sa wikang
pambansa ng mga nasusulat sa Ingles. Karamihan sa mga isinaling dula ay
itinanghal sa mga teatro na siyang pinakapopular na libangan ng mga tao
sapagkat wala pa noong sinehan o televisyon. Mapapansin din ang dami ng mga
salin sa iba’t ibang genre ng panitikan sapagkat sa Panahon ng Amerikano
nagsimulang makapasok sa Pilipinas nang maramihan ang mga iyon mula sa
Kanluran. Nang pumalit ang Amerika sa España bilang mananakop ng Pilipinas,
nagbago na rin ang papel na ginagampanan ng pagsasaling-wika. Kung ang
pangunahing paraang ginamit noong panahon ng kastila ay krus o relihiyon at
espada para masakop ang Pilipinas; edukasiyon naman ang kinasangkapan ng
mga Amerikano. Ang mga Pilipino ay napilitang pag-aralan ang pagsasalita at
pagsulat sa Ingles.

● Ikatlong Yugto- Patakarang Bilingual

Sa ikatlong yugto ng kasiglahan ay nakadiin sa pagsasalin sa Filipino ng mga


kagamitang pampagtuturong nakasulat sa Ingles. Ang mga kagamitang
pampaaralan ay tumutukoy sa mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba
pa. Ito ay nakaangkla sa Patakarang Bilinggwal sa ating sistema ng Edukasyon
Department Order No. 52.series of 198, na nagsasaad na “Ang Pambansang Wika
sa bansa ay Filipino at kailangan itong pagyamanin at pagyabungin batay sa mga
umiiral na mga wika sa bansa at iba pang wika”. Higit na marami ang mga
kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles, nangangahulugan na lalong pasiglahin
ang pagsasalin sa Filipino ng mga kagamitang pampagtuturong nakasulat sa
Ingles.

● Ikaapat na Yugto- Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikan Di – Tagalog

Sa panahong ito, isinalin ang mga katutubong panitikang di –Tagalog.


Kailangang-kailangang isagawa ang ganito kung talagang hangad nating
makabuo ng panitikang talagang matatawag na “pambansa.”

Mahusay ang naging proyekto sa pagsasalin na magkatuwang na


isinagawa ng LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at ng
SLATE (Secondary Language Teacher Education ng DECS at PNU noong 1987 sa
tulong na pinansyal ng Ford Foundation. Ang proyekto ay nagkaroon ng
dalawang bahagi: Pagsangguni at Pagsasalin.
Sa unang bahagi ay inanyayahan sa isang kumperensya ang
kinikilalang mga pangunahing manunulat at iskolar sa pitong
pangunahing wikain ng bansa: Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol,
Samar-Leyte Pampango, Pangasinan. Pinagdala sila ng mga piling
materyales na nasusulat sa kani-kanilang vernakular upang magamit
sa ikalawang bahagi ng proyekato.

Ang ikalawang bahagi ay isinagawa sa loob ng isang linggong


workshop-seminar na nilahukan ng mga piling tagapagsalin na ang
karamihan ay mga edukador na kumakatawan sa nabanggit na pitong
vernakular ng bansa. Nagkaroon pa rin ng mga pagsasalin sa ilang
Chinese-Filipino Literature, Muslim at iba pang panitikan ng mga
minor na wikain ng bansa.

Sa kabuuan, kapansin-pansin ang naging makabuluhang pagkakahabi


ng kasaysayan ng pagsasalin sa buong mundo hanggang umabot ito
maging sa Pilipinas. Maraming magandang dulot ito ngunit patuloy pa
ring kumakaharap sa maraming suliranin.

You might also like