Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

KAGAWARAN NG EDUKASYON

Rehiyon VII
SANGAY NG MANDAUE
Plaridel St., Mandaue City

ANG ALAMAT NG ASWANG

(Mitolohiya)
Para sa Filipino 7
UNANG MARKAHAN – LINGGO 5

SELF
SELF-LEARNING KIT
Paunang Salita

Pamana ng lahi na maituturing ang mga kuwentong-

kuwentong
bayan na nagmumula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.
Ang mga kuwentong ito ay patunay na noon paman ay
sadyang malawak at malikhain na ang kaisipan ng mga
Pilipino. Kasama sa mga kuwentong
kuwentong-bayan
bayan ang mga
mito,, alamat, pabula at mga istorya tungkol sa mga
kababalaghan at mga mahiwagang nilalang kagaya ng
mga engkantada, diwata, mga duwende at iba pa.

Sa mga kuwentong
kuwentong-bayan
bayan naipapahayag ang mga
kultura, tradisyon, paniniwala
paniniwala, at mga pagpapahalaga
ng ating mga ninuno. Ang patuloy na paglinang at
pagsasalaysay sa mga kuwentong ito ay mahalaga para
mapanatili natin ang ating sariling pagkakakilanlan
bilang mga Pilipino.

Ang Self-Learning Kit na ito ay nilikha para iyong mapag

mapag-aralan
aralan ang mga
kuwentong-bayan
bayan mula sa kapuluan ng Luzon.

Sa iyong pagtatapos sa mga aralin at mga gawain sa SLK,, dapat mong

masagot ang mga sumusunod na mahalagang tanong:

1. Anu-ano
ano ang mga aspeto ng kultura ng Luzon ang naipapakita sa
mga kuwentong-bayan
bayan ng kapuluan
kapuluan?
2. Paano naipapakita ng mga kuwentong kuwentong-bayan
bayan ng Luzon ang
pagpapahalaga sa kalikasan
kalikasan?
3. Bilang mag-aaral,
aaral, paano mo maipapakita ang iyong pag
pagpapahalaga
papahalaga sa
oral na tradisyon ng iyong bayan bayan? Papaano mo malilinang at
mapapanatali ang tradisyon
tradisyon?

2
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kuwentong-
bayan mula sa Luzon at ang kahalagahan ng mga ito sa ating
pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng isang poster na
nagpapakita ng iba’t ibang mga mahihiwagang nilalang mula sa mga
mito ng Pilipinas.

Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat,
kuwentong-bayan, maikling kuwento mula sa Mindanao, Kabisayaan
at Luzon batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan at mga
aspetong pangkultura (halimbawa: heograpiya, uri ng pamumuhay,
at iba pa).

3
Ano ang nangyari
nangyari?
Kilalanin Mo!
I-unscambrle
unscambrle ang mga letra para mabuo ang pangalan ng sumusunod na
mahihiwang nilalang mula sa mga mito ng Pilipinas.

WAASNG WEDUNED
__________________ __________________

ATAYNIK OBIGN NAADAR

__________________ ________________________

AWATID PERAK
__________________ __________________

4
Ano ang dapat malaman?
Tuklasin Mo!

Ang mga Kuwentong-bayan

Ang kuwentong-bayan
bayan o foklor ay sumasaklaw sa mga alamat, mito,
pabula, at iba pang mga akda na patungkol sa hindi kapani-paniwalang
kapani
pangyayari o mga kuwento tungkol sa mga mahihiwagang nilalang ng isang
kumunidad.

Kadalasan, ang mga kuwentong

kuwentong-bayan ay naipapasa
ipapasa bilang bahagi
ng tradisyong oral na panitikan ng isang pamayanan. Sa makatuwid, ang
mga kuwentong-bayan
bayan ay naipapasa sa pamamagitan ng pasasalaysay.

Isang mahalagang elemento ng kuwentong

kuwentong-bayan
bayan ay kung papaano
ito kadalasang nakasentro sa karanasa
karanasann ng karaniwang tao na gumagawa
ng pangkaraniwang bagay, at kung minsan sila ay nakararanas ng
mahiwang pangyayari.

Napapaloob sa mga kuwentong

kuwentong-bayan
bayan ang mga aral tungkol sa
pananampalatay, tradisyon, kultura, at pagpapahalaga nga isang bayan.

Mga Mito ng Pilipinas

Ang mga mitolohiyang Pilipino ay mga paniniwala na mula sa
panahon bago pa dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang
Kristyanismo. Sa Pilipinong Mitolohiya, si Bathala ay tinuturing bilang
makapangyarihan na diyos sa buong daigdig.
Ilan sa mga nilalang mula sa mitolohiya
itolohiya sa Pilipinas ay ang Aswang,
Diwata, Duwende, Engkanto
Engkanto, Juan Tamad, Malakas at Maganda, Maganda
Mambabarang, Mananggal
Mananggal, Mankukulam, Mariang Makiling,, at Nuno Sa
Punso.

Meron ring mga Maalamat o Mitikal na mga hayop ang Pilipinas gaya
ng Bakunawa, Ekek, Kapre
Kapre, Manaul, Sarimanok, Sigbin, Sirena,
Sirena Siyokoy,
Tikbalang, at Tiyanak.

5
Basahin at Unawain
Basahin ang isang mito mula sa kapuluan ng Luzon.

Ang Alamat ng Aswang

Noong unang panahon, lima pa lamang ang tao sa mundo.

Isa na dito ay ang batang si LamLam-eng.

eng. Kasama niya sa kanilang kahariang
patag ang kaniyang Tiyo Samuel. Nandoon din ang dalawa nilang alalay na
sina Inas dilim at si Amir-ika
ika sinag.

Gabi-gabing
gabing nananaginip si Lam Lam-eng
eng tungkol sa isang lalaking
kamukhang kamukha niya na nakatira sa bundok. Dahil sa pagkabahala,
tinanong niya ang kaniyang Tiyo Samuel ukol dito.

Sinabi sa kaniya ng kanyang Tiyo Samuel na kambal silang ipinanganak ng

kanilang inang supremong bathala. Siya ay pinatira sa patag kasama ng ng
kanyang tiyo at ang kaniyang kambal na si AsuwAsuw-eng
eng naman ay mag-isang
mag
iniwan sa bundok.

Napatigil ang kaniyang tiyo sa pagkukuwento. Naisip kasi nito na kung

sakaling magkasama ang dalawang magkapatid, ay magsasama din ang
malalakas na kapangyarihan ng mga ito na maaring makapagpawala sa
taglay na kapangyarihan ni Tiyo Samuel.

6
Kaya naman sinabi agad nito na napakabangis na taong may pakpak at
dalawang malalaking pangil si Asuw-eng. Kaya umano ito inilagay sa bundok
para doon kumuha ng mga karne ng hayop bilang pagkain. Mas malakas din
umano ito kay Lam-eng at maaari itong lapain sakaling lumapit si Lam-eng kay
Asuw-eng.

Gayumpaman, nais pa ring makita ni Lam-eng ang kaniyang kapatid.

Hindi siya pinayagan ng kaniyang Tiyo Samuel kaya sinabi nito na uutusan na
lang niya ang dalawang alalay na umakyat sa bundok para makuha si Asuw-
eng. Gagawin ito pagsikat ng araw kinabukasan.

Gabi bago ang araw ng pag-akyat sa bundok, pasikretong tinawag ni

Tiyo Samuel si Amir-ika. Sa kanilang pag-uusap, ibinigay ni Tiyo Samuel kay Amir-
ika ang dalawang malalaking karayom. Kailangan umanong itusok ang
dalawang karayom sa leeg ni Inas bago pa sila makarating sa tuktok ng
bundok. Dagdag pa rito, kailangan ding sugat-sugatan si Inas na para bang
nilapa ng isang mabangis na hayop.

Umakyat na nga ang dalawang alalay sa bundok, at nangyari ang ayon

sa plano. Bumaba si Amir-ika na dala-dala ang bangkay ng kasamang si Inas.
Sinabi nito kay Lam-eng na inatake sila ng isang lalaking may pakpak at
malalaking pangil. Buti na lang daw at nakatakbo siya ngunit si Inas ang
nabiktima.

Natakot si Lam-eng sa nangyari at paniwalang-paniwala siya na halimaw

nga ang kanyang kapatid. Bumaba ang dalawang babaeng anghel na
itinakdang magbibigay ng anak sa magkapatid. Ang isa ay pumunta sa
bundok at ang isa kay Lam-eng.

Nang magkaanak na si Lam-eng, binalaan niya ang mga ito na huwag

pupunta sa bundok dahil nandoon ang halimaw niyang kapatid na si Asuw-
eng.

Nagpasalin-salin sa lahi ni Lam-eng ang kuwento tungkol kay Asuw-eng.

Unti-unti ding nabago ang tawag sa halimaw, mula sa Asuw-eng ay naging
asuwang at ngayon nga ay aswang. Nagkaroon din umano ito ng mga anak.
Ang isa ay nahahati ang katawan na kung tawagin ay manananggal at ang
lalaking malaki't matikas na tinatawag na kapre, ang lalaking anak ni Asuw-
eng.

7
Ano ang natutunan?
Gawain 1: Paglalagum
Batay sa mito na binasa
binasa,, kumpletuhin ang sumusunod na mga detalye.

Pamagat : ________________________________

Tagpuan : ________________________________

Mga Tauhan : ________________________________

________________________________
________________________________

Aspektong Kultural: ________________________________

Buod :
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________
______________________________________________________________________________
__________________________________________________

______________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

8
Gawain 2: Talasalitaan
A. Piliin ang pinaka-angkop na salita na bubuo sa mga sumusunod na
pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Itinago ang kapatid ni Lam-eng sa ________ ng bundok.

a. ilalim b. tuktok c. gitna

2. Usap-usapan na ang mabangis na si Asuw-eng ay maaring ____________ ang

sinumang pumunta sa bundok.

a. kaibiganin b. lapain c. lutuin

3. Ang malalaking __________ ng halimaw ay bumuo ng dalawang marka sa

leeg ni Inas.

a. ngipin b. kuko c. pangil

4. Lubhang __________ si Lam-eng ng Makita ang malamig na bangkay ni Inas.

a. natakot b. natuwa c. naiyak

5. ___________ ni Lam-eng ang kanyang mga anak na wag pumunta sa gubat

a. Sinabihan b. Binawalan c. Inutusan

B. Gamitin ang mga sumusunod na salita sa iyong sariling pangungusap.

1. Matikas - __________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Kapangyarihan - __________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Lapain - ___________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Karayom - _________________________________________________________________
_______________________________________________________________

5. Binalaan - _________________________________________________________________
_________________________________________________________________

9
Gawain 3: Hinuha
Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa akdang binasa.

1. Bakit ayaw ni Tiyo Samuel na magkita ang magkapatid na Lam-eng

Lam
at Asuw-eng?

________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Papaano isinalarawan ni Tiyo Samuel kay Lam

Lam-eng
eng ang kapatid nito na si
Asuw-eng?

________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Ang pagtataksil ni Amir-ika

ika sa kanyang kasama na si Inas ay patunay na hindi
lahat ng kaibigan ay mapagkakatiwalaan. San Sang-ayon ka ba na hindi dapat
pagkatiwalaan lahat ng kaibigan
kaibigan? Palawigin ang iyong sagot.

______________________
________________________________________________________________________
__________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. May kasalanan bang mituturing si Lam

Lam-eng
eng sa pagkalat ng maling haka-haka
haka
tungkol sa kanyang kapatid na si Asuw
Asuw-eng? Bigyang diin ang
g iyong sagot.

________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Mahalaga ang patitiwal

patitiwala sa ibang tao ngunit sa pangyayari sa kwento ay
makikita natin na maaring abusuhin ang patitiwala at bigyan tayo ng maling
impormasyon. Alinsunod dito, anu
anu-ano
ano ang mga hakbang na maari mong
gawin para maiwasan ang Fake News o mga walang katotohanang balita?
balita

__________________________________________
________________________________________________________________________
______________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

10
Gawain 4: Pagguhit ng Larawan

Mga Nilalang sa mga Mito ng Pilipinas

(GRASP activity)

Goal Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng iba’t ibang mga

(Layunin): mahihiwagan nilalang mula sa mga mito ng Pilipinas

Role (Papel): Artist/Pintor

Audience
National Art Gallery
(Madla):

Bilang isang kilalang pintor, ikaw ay naatasan ng National Art

Gallery na gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng iba’t
Situation
ibang mga mahihiwagang nilalang mula sa mga mito ng
(Sitwasyon):
Pilipinas. Ang larawan ay itatampok sa Art Exhibit na gaganapin
kasabay ng selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Product Isang painting o larawan na nagpapakita ng ng iba’t ibang

(Produkto): mga mahihiwagang nilalang mula sa mga mito ng Pilipinas.

Rubrik sa pagmamarka

Batayan
Krayterya Iskor
5 pts - Lubhang Kaaya-aya 3 pts - Kaaya-aya 2 pts - May Igagaling Pa
Naipapakita ang Naipakita ang Hindi masyadong
Pagkamalikhain pagkamalikhain sa pagbuo pagkamalikhain naipakita ang pagka
ng larawan subalit may mga malikhain sa ginawang /5
iilang kulang na larawan
elemento
Nilalaman Naiguhit ang higit sa lima Naiguhit ang 3-5 Ang naiguhit ay
na mga mahihiwagang mga nagpapakita ng
nilalang mahihiwagang mababa sa tatlong
/5
nilalang mga nilalang
Visual Quality Maganda at malinis ang Magan at malinis Hindi masyadong
ginawang obra ang ginawang maganda at di
obra subalit may organisado ang
/5
igaganda pa ito larawan
Kabuuang iskor
/15

11
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY
Plaridel St., Mandaue City

NIMFA D. BONGO, Ed.D., CESO V

Schools Division Superintendent

ESTELA B. SUSVILLA Ph.D.

Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN Ed.D.

Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA DESABILLE Ed.D.

Education Program Supervisor – (LRMDS)

FELICITAS C. MAGNO
Education Program Supervisor- (FILIPINO)

FLORENCIA B. SANTIAGO, TEACHER III

Writer/Layout Artist

12

You might also like