Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Malakas na lindol pinatay ang libo-libong tao sa Turkey at

Syria
Mahigit 2,300 ang namatay habang gumuho ang mga gusali nang lumindol ng madaling araw

Isang lalaki dala-dala ang batang babae matapos ang malakas na lindol, sa bayan ng Jandaris,
Syria, ngayong Lunes.
LITRATO: REUTERS / KHALIL ASHAWI
Ipinost: Pebrero 6, 2023 22:49
Isang malakas na 7.8-magnitude na lindol ang yumanig sa timog-silangang Turkey at hilagang
Syria noong madaling araw ng Lunes, gumuho ang daan-daang gusali at namatay ang mahigit
1,900 katao. Daan-daan ang pinaniniwalaan na na-trap sa ilalim ng rubble, at ang death toll ay
inaasahan na tataas habang ang rescue workers ay nagsasagawa ng search sa mga nawasak na
gusali at bahay sa mga siyudad at bayan sa buong area.

Sa bawat panig ng border, ang mga residente ay nagising mula sa kanilang pagkakatulog ng
isang lindol na tumama ng madaling araw at lumabas sa malamig, maulan at snowy na winter
night, habang gumuho ang mga gusali at nagpatuloy ang malakas na aftershocks.

Ang mga rescue worker at residente sa ilang siyudad ay naghanap ng mga survivor, nagsagawa
ng rescue sa gitna ng buhol-buhol na metal at higanteng tambak ng kongkreto. Isang ospital sa
Turkey ang gumuho at ang mga pasyente, kabilang ang mga sanggol, ay nilikas mula sa mga
pasilidad sa Syria.

Dahil ang debris removal efforts ay nagpapatuloy sa maraming gusali sa earthquake


zone, hindi natin alam kung gaano ang itataas ng bilang ng mga namatay at
nasaktan, ani Turkish President Recep Tayyip Erdogan sa isang televised na
talumpati. Umaasa kami na makakarekober tayo mula sa sakuna na ito na may least
loss of life possible.
Sa siyudad ng Adana sa Turkey, isang residente ang nagsabi na tatlong gusali malapit sa kanyang
tahanan ang gumuho.

Wala na akong lakas, maririnig ang survivor mula sa ilalim ng mga durog na bato habang
sinusubukan ng mga rescue workers na abutin siya, sabi ng residente, ang journalism student na
si Muhammet Fatih Yavus.
Sa silangang bahagi ng Diyarbakir, ang cranes at rescue teams ay inilabas ang mga tao sa
stretchers mula sa gabundok na napiping concrete floors na dati ay isang apartment building.

Sinukat ng U.S. Geological Survey ang lindol ngayong Lunes sa 7.8. Humigit-kumulang
20 aftershocks ang sumunod.
Mahigit 25,000 patay sa 7.8-
magnitude na lindol sa Turkey,
Syria
 February 12, 2023

Mahigit na sa 25,000 ang nasawi sa pagtama ng 7.8-magnitude na lindol sa Turkey at


Syria nitong Pebrero 6.

Sa datos ng Turkish government, nasa 21,848 sa nasabing bilang ay nahukay sa mga


gumuhong gusali at bahay.

Umabot naman sa 3,553 ang natagpuang patay sa Syria.

Inaasahang madadagdagan pa ang nasabing bilang dahil sa patuloy na search and


rescue operations halos isang linggo na ang nakararaan nang tumama ang pagyanig.

Patay sa magnitude 7.8 na lindol sa


Turkey at Syria nasa mahigit 7-K na
Umakyat na a 7,266 ang nasawi sa pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at
Syria.
Ayon sa The White Helmets o kilala bilang Syria Civil Defense na sa kabuuan ay
mayroon na silang 1,832.
Habang ayon kay Turkish Health Minister Fahrettin Koca na mayroon ng 5,434 ang
nasawi sa Turkey.
Abot naman sa 31,777 ang sugatan sa Turkey at mayroong 3,849 ang sugatan sa
Syria.
Patuloy ang pagdating ng mga rescue groups mula sa iba’t-ibang bansa habang
maraming mga lider ng bansa ang nagpapabot na ng pakikisimpatiya sa dalawang
bansa.
Death toll ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at
Syria, sumampa na sa 15K
February 9, 2023 
 
BNFM Bicol
KINUMPIRMA ng mga otoridad na sumirit na sa mahigit 15,000 ang bilang ng mga nasawi
sa magnitude 7.8 na lindol na naganap sa Turkey at Syria nitong araw ng Lunes.

Batay umano sa pinakahuling pagtataya ng Turkey’s Disaster and Emergency Management


Agency ngayong Huwebes, umabot na sa kabuuang 12,391 ang death toll ng nasabing
sakuna sa Turkey habang nasa 2,992 naman ang mga nasawi sa Syria makaraang
madaganan ng mga bumagsak na gusali at debris bunsod ng malakas na pagyanig.

Samantala, sakabila ng pagdating ng mga rescuers mula sa iba’t-ibang mga bansa,


inihayag ng isang miyembro ng Israeli medic team na lubha pa rin umanong kulang ang
mga grupo at indibidwal na nagsasagawa ng rescue para mas mapadali ang operasyon.

Inilarawan kase nitong lubha umanong “catastrophic” o kakila-kilabot ang sitwasyon at


kalagayan sa dalawang nasabing mga bansa kung saan hindi rin umano madali ang mode
of transportation dahil sa kakulangan ng mga sasakyang magdadala sa mga rescuers lalo
na sa mga liblib at tagong lugar.

Kaugnay nito, nasa mahigit 60 mga aftershocks na rin ang nairecord ng US Geological
Survey, matapos ang malakas na pagyanig.### JDR

Biktima ng lindol sa Turkey at


Syria, umabot na sa halos
2,500
Niyanig ng 7.8-magnitude na lindol ang timog-silangang Turkey at hilagang Syria
ng madaling araw ng Lunes, Feb. 6, 2023. 

Halos 2,500 na ang mga namatay. Ayon sa mga opisyal ng mga bansang sangkot
sa malakas na pagyanig, umabot na sa 1,541ang mga namatay Turkey; sa Siria
naman ay 538 at 390 naman sa ibang panig ng earthquake zone.

Umabot na sa 3,471 ang mga gusaling gumuho sa Turkey, ayon sa isang press


release ng bise presidente ng Turkey, Fuat Oktay. At ang mga sugatan ay umakyat
na sa 9,733. Naitala naman ang 145 aftershocks. 

Ang death toll ay kinatatakutang aabot sa 10,000 habang ang mga rescue teams


ay nagbubungkal sa mga nawasak na gusali at bahay sa mga siyudad at bayan ng
earthquake zone.

Ang mga rescue teams ay patuloy ang paghahanap ng mga survivors at


inilalabas ang mga tao sa stretchers mula sa gabundok na napiping concrete
floors na dati ay mga apartment buildings.

You might also like