Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Fourth Summative Test Ap 3 Quarter 1

NAME________________________________________________ Iskor: ______________

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na natural na kalamidad ang nararanasan ng ating rehiyon?
I. Bagyo II. Lindol III. Pagbaha IV. Tornado
A. I, II at III B. II, III at IV C. I, III at IV D. I, II, III at IV
2. Bakit malimit makaranas ng bagyo ang ating rehiyon?
A. dahil ang ating rehiyon ay kapatagan
B. dahil nakatuntong ang ating rehiyon sa fault line
C. dahil ang ating rehiyon ay napalilibutan ng bundok
D. dahil nakaharap ang ating bansa sa Dagat Pasipiko kung saan nabubuo ang bagyo
3. Ano ang maaaring maging pinsala ng malakas na ulan o bagyo na nararanasan sa mga lalawigan sa
rehiyon ng MIMAROPA?
A. Lindol B. Tsunami C. Tornado D. Pagbaha
4. Aling mga lugar ang maaaring makaranas ng pagguho ng lupa ?
A. Malapit sa kabundukan C. Malapit sa kalsada
B. Malapit sa tabing dagat D. Malapit sa kabahayan
5. Bakit nakararanas ng lindol o paggalaw ng lupa ang mga lalawigan sa rehiyon ng MIMAROPA?
A. Ito ay napalilibutan ng bundok.
B.Ito ay isang malawak na kapatagan.
C. Ito ay napalilibutan ng anyong tubig
D.Ito ay nakatuntong sa tinatawag na Pacific Ring of Fire.
6. Bilang isang mag-aaral na nabibilang sa rehiyon ng MIMAROPA ikaw ay may tungkuling pangalagaan
ang likas na yaman. Alin sa mga sumusunod na paraan ang nagpapakita ng wastong pagpapahalaga sa likas
na yaman?
A. Magtipid sa paggamit ng tubig.
B. Pitasin ang mga bulaklak sa hardin.
C. Panoorin ang mga magsasaka sa kanilang gawain.
D. Mag-alaga ng baboy sa tabing-ilog upang maging madali ang paglilinis ng kulungan.
7. Ang mga likas na yaman ng lalawigan at rehiyon ay mahalaga sapagkat ito ang pangunahing pinagkukunan
ng mga mamamayan ng kanilang ikabubuhay. Subalit ang mga ito ay may hangganan at nauubos rin. Ano
ang kailangang gawin ng mga tao sa mga likas na yaman?
A. mag-angkat sa ibang bansa
B. gamitin kahit hindi kailangan
C. gamitin nang gamitin upang maubos
D.pangalagaan at gamitin nang maayos
8. Bakit mahalagang pangalagaan ang mga likas na yaman?
A. Upang makilala ang ating bansa
B. Upang may maikalakal sa ibang bansa
C. Upang may maipagbibili o mapagkakakitaan
D. Upang magdulot ng kasaganahan sa kabuhayan at may magamit pa ang susunod na henerasyon
9. Nakita mo ang ilang grupo ng tao na naghuhukay malapit sa inyong lugar para magmina. Nalaman mong
wala silang pahintulot mula sa pamahalaan. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa pag-aalaga ng
yamang mineral?
A. Makiisa sa pagmimina kahit walang pahintulot
B. Sabihin sa magulang upang ipagbigay alam sa pamahalaan
C. Humingi ng ginto at ipagbili sa murang halaga
D. Tulungan silang itago ang pagmimina.
10. Ang gubat ay nagsisilbing tirahan ng ibon at iba pang hayop na nanganganib nang maubos. Paano ka
makatutulong sa maayos na pangangasiwa ng kagubatan?
1
A. Magsiga at iwanan ito pagkatapos.
B. Iwasan ang pagputol ng mga murang puno.
C. Palawakin ang pagkakaingin sa kagubatan.
D. Hulihin ang ibon at iba pang hayop sa kagubatan.

Panuto: Isulat ang TAMA kung wastong pangangasiwa sa likas na yaman ang ipinahihiwatig ng pangungusap at
MALI kung hindi wasto. Isualt ang sagot sa patlang.
_______ 11. Ang basura ay itinatapon sa kanal, sapa, ilog at dagat.
_______ 12. Gumagamit ng lambat na may maliliit na butas sa panghuhuli ng isda.
_______ 13. Nagtatanim muli bilang pamalit sa mga pinutol na puno.
_______ 14. Nagwawalis ng bakuran upang mapanatiling malinis ang kapaligiran.
_______ 15. Pagsusunog ng mga puno sa kabundukan upang gawing kaingin.
_______ 16. Pagdidilig ng mga halaman.
_______ 17. Pagpipitas ng mga bulaklak at bungangkahoy sa mga lugar na
pinupuntahan.
_______ 18. Pagpuputol ng mga puno na matatagpuan sa kabundukan.
_______ 19. Paggamit ng lason sa panghuhuli ng hipon at isda sa ilog at sapa.
_______ 20. Paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok.

Answers key
1. A
2. D
3. D
4. A
5. D
6. A
7. D
8. D
9. B

2
10.B
11.mali
12. mali
13.tama
14.tama
15.mali
16.tama
17.mali
18.mali
19.mali
20.tama

You might also like