#2 Sosyolinggwistika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Wika sa Lipunan

Sosyolinggwistika- pag-aaral ito ng wika sa mga konteksto ng lipunan nito at ang pag-
aaral ng buhay panlipunan sa pamamagitan ng linggwistika. Tinitignan ang mga
sumusunod sa usaping naganap ang :panahon, kontekstong kultural, lunan ng
usapan,edad, kasarian, propesyon at pangkat ng taong sangkot sa usapan.
.
Mikro-sosyolinggwistika -ang wika ay may direktang relasyon sa lipunan
Baryasyon ng Wika
Mayroong pagkakaiba-iba sa paraan ng ginagamit nila ang kanilang wika.
Heograpikal pagkakaiba ng wika ang magaganap dahil sa lugar o lokasyon ng
tagagamit nito.
Panlipunang Estraktura ng Wika
Sosyal -salik ng baryasyon ng wika dahil sa posisyong panlipunan ng bawat pangkat.
Sosyolek- Tawag sa konteksto ng pagkakaiba ng gamit ng wika dulot sa salik
panlipunan.
Jargon - set ng mga salita o ekspresyon ng nauunawaan ng mga grupong gumagamit
nito maaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o hindi pamilyar sa
propesyon, uri ng trabaho o organisasyong kinabibilangan.
-tinatawag rin na rehisto ng wika

Argot -sekretong wika ng ginagamit ng mga grupong kinabibilangan, ngunit hindi


limitado sa magnanakaw at iba pang mga kriminal.
`-layunin nito na maiwasang mabatid o maunawaan ng mga hindi kasama sa grupo ang
kombersasyon sa loob ng samahan.
`-tinatawag na "cant" at "cryptolect"
Hal. Kabo- lider sa presuhan
Puga - tatakas
Balbal o Slang -hindi sekreto ang kahulugan ng mga salita
Hal. Yosi - sigarilyo
Parak - parak
Diyalekto -ito ay wikang subordineyt sa katulad ding wika kaya tangi lamang sa isang
lugar o rehiyon
Anya te nagan mo –

Taboo – mga salitang bawal gamitin o hindi maaaring gamitin sa isang usapan na
pormal. Hindi masabi dahil ito ay malaswa, bastos, masama ang kahulugan o di
magandang pakinggan.

Yufemismo- ito ay mga salitang panghalili sa salitang taboo.


1. Hal.
2. Kalapating mababa ang lipad (babaeng bayaran)
3. Nagtataingang kawali (bingi)
4. May bulsa sa balat (kuripot)
5. Sumakabilang buhay (namatay)
6. Tumatawag ang kalikasan (nadudumi)
7. Sumakabilang bahay (ang asawa ay naghanap ng iba)
8. Malusog (mataba)
9. Balingkinitan (mapayat)
Kasambahay (katulong)
Tabas ng mukha (itsura, maaaring pangit o maganda)

Komunidad ng Pagsasalita – ang loob ng lipunan ay binubuo ng marami at iba’t-ibang


pangkat ng tao na may kanya-kanyang wika, gawi at pagt-uugali,
Lingua Franca – ang komon o wikang alam ng mga taong may iba’t-ibang wika para
magkaunawaan.
Pidgin – bunga ito ng dalawang lipunan na may mga wikang hindi magkakalapit ng
kailangan ng pakikipag-ugnayan.
Katangian ng Pidgin
`-Hindi unang wika ng ninuman
- Limitado ang gamit
- Limitado ang bokabularyo
Creole – wika napaunlad mula sa pidgin.
- mga katutubong tagapagsalita ito
- ang mga creole ay laging lumalabas sa isang pidgin
- ang creole ay nagbabago
- dumadaan sa isang proseso ang mga creole
Antropolohikong linggwistika - kinalaman sa lugar ng wika sa mas malwak na konteksto
ng lipunan at kultura nito.
Etnolinggwistika - larang na nakatuon sa pag-aaral ng wika.

Billingwalismo – tumutukoy sa taong nakakapagsalita ng dalawang wika,


Multinggwalismo-tumutukoy sa higit sa dalawang wikang batid ng isang indibidwal na gamitin sa
anumang komunikasyon.
Gamit ng Wika sa Lipunan
1. Nagbibigay kaalaman. Informational.
2. Nagpapakilala. Ekspressive.
3. Nagututuro. Directive
4. Estitika, Aesthetic
5, Nag-eenganyo- Phatic,
Ang Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Lipunan
a. Binibigkis ng wikang Filipino ang mga Pilipino.
b. Tumutulong sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino,
c. Sinasalamin ng wikang ito ang Kulturang Pilipino.
d. Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino.
e. Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-Pilipino ng mga Pilipino.

You might also like