Professional Documents
Culture Documents
Soberanya
Soberanya
ESTADO
Ang estado ay binubuo ng isang lipon
ng mga mamamayang naninirahan sa
isang nakatakdang teritoryo, may
pamahalaang nagtataglay ng awtoridad na
kinikilala ng karamihan ng mga
mamamayan nito, may kapanyarihang
magpapatupad ng sarili nitong mga batas,
at nakatatamasa ng kalayaan.
KATANGIAN NG SOBERANYA
1.Permanente-Ito ay isang katangian
ng soberanya na kung saan ang
awtoridad ng estado ay
permanente at mananatili ito
hangga’t ang mga mamayan ay
naninirahan sa teritoryo nito at
may sarili silang pamahalaan.
2.Mga awtonomiya-Ang tanging
sakop ng awtoridad ng estado
ay ang mamamayan nito at iba
pang mga tao at bagay na
matatagpuan sa loob ng
teritoryo nito. Hindi sakop ng
awtoridad ng estado ang mga
naninirahan sa labas ng
teritoryo nito.
3.Komprehensibo-ang
kapangyarihan ng estado ay
sumasakop sa lahat ng bagay
at taong naninirahan sa
teritoryo nito kabilang na ang
kanilang magiging anak.
4.Hindi nalilipat at lubos o absolute-
ang kapangyarihan ng estado
ay hindi maaaring ipasa o
ipagkaloob sa sinuman.
5.Walang taning ang panahon-may
bisa ito sa ngayon at sa
darating na panahon
2 Uri ng Soberanya
1. Soberanyang Panloob
Tumutukoy sa kapangyarihan
ng estadong pasunurin ang
lahat ng mga tao at bagay sa
loob ng teritoryo nito sa
pamamagitan ng iba’t ibang
ahensya ng pamahalaan.
2. Soberanyang Panlabas – ang
isang estado ay hindi
nakadepende o kinokontrol ng
ibang estado dahil sa kalayaan
nito. Malaya ito sa anumang
kontrol o pakikialam ng ibang
estado.