Professional Documents
Culture Documents
Mga Elemento NG Tekstong Naratibo
Mga Elemento NG Tekstong Naratibo
2. Tagpuan at Panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy
hindi lang sa lugar kung saan
naganap ang mga pangyayari
sa akda kundi gayundin sa
panahon (oras, petsa, taon)
at maging sa damdaming
umiiral sa kapaligiran nang
maganap ang mga pangyayari
tulad ng kasayahang daM.
ng pagdiriwang sa isang
kaarawan, tffl(ot na umiiral
dahil sa malakas na hampas ng
hangin at ulang 61a ng bagyo,
romantikong paligid sanhi ng
maliwanag na buwang
nakatunghay sa magkasintahang
naghahapunan sa isang hardin,
matinding p4od ng
magsasakang nag-aararo sa
ilalim ng tirik na tirik na araw,
kalungkutan ng pamilyang
nakatunghay habang ibinababa
sa kanyang huling hantungan
ang isang minamahal, at
iba pa.
2. Tagpuan at Panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga
pangyayarisa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging
sa damdamingumiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng
kasayahang daM.ng pagdiriwang sa isang kaarawan, tffl(ot na umiiral dahil sa malakas
na hampas nghangin at ulang 61a ng bagyo, romantikong paligid sanhi ng maliwanag
na buwangnakatunghay sa magkasintahang naghahapunan sa isang hardin, matinding
p4od ngmagsasakang nag-aararo sa ilalim ng tirik na tirik na araw, kalungkutan ng
pamilyangnakatunghay habang ibinababa sa kanyang huling hantungan ang isang
minamahal, at iba pa.
3. Banghay
Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
mgatekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo:
Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang
mgatauhan, tagpuan, at tema (orientation or introduction)
Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikularang
pangunahing tauhan (problem)
Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita
ngaksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising action)
Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang
kasukdulan(climax)
Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o
kakalasan(falling action)
Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)
Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas.
Maymga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachmny o
mgapagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa
tatlo:
Analepsis (Flashback)—Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap
sanakalipas.
Prolepsis (Flashforward)—Dito nama’y ipinapasok ang mga
pangyayaringmagaganap pa lang sa hinaharap.
Ellipsis—May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng
mgapangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal
ohindi isinama.
4. Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong
naratibo.Mahalagang malinang ito nang husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang
ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maiparating sa
kanyangmambabasa. Dito rin mahuhugot ang mga pagpapahalaga, mahahalagang
aral, at ibapang pagpapahalagang pangkatauhang nagagamit sa mabuting
pamumuhay atpakikisalamuha sa kapwa.
Sanggunian:
https://www.studocu.com/ph/document/st-paul-university-manila/dalumat-ng-sa-
filipino/tekstong-naratibo-narrative-text/26650471
Elemento ng Tekstong Naratibo
1. PAKSA
Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na nakabatay sa personal na
karanasan ang kunwentong nais isalysay, mahalaga pa ring maipaunawa sa
mambabasa ang panlipunang implikasyon at mga kahalagahan nito.
2. ESTRUKTURA
Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kwento. Madalas na
makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang ibat ibang estilo ng pagkakasunod-
sunod ng pangyayari.
3. ORYENTASYON
Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon
kung kailan nagyari ang kuwento. Malinaw dapat na nailalatag ang mga ito sa
pagsasalaysay at masasagot ang mga batayang tanong na sino, saan at kailan.
4. PAMAMARAAN NG NARASYON
Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang
bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa
kalagaitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy. May ibat ibang paraan
ng narasyon na maaaring gamitin ng manunulat upang maging kapana-panabik ang
pagsasalaysay.
Paraan ng Narasyon
DIYALOGO
Sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga
tauhan upang isalaysay ang nagyayari.
FORESHADOWING
Nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kauihinatnan o
mangyayari sa kuwento.
PLOT TWIST
Tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalabasan ng isang kuwento.
ELLIPSIS
Omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan hinahayaan ang
mambabasa na magpuno sa naratibong antala.
COMIC BOOK DEATH
Isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan
ay biglang lilitaw upang magbigay- inaw sa kuwento.
REVERSE CHRONOLOGY
Nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.
IN MEDIAS RES
Nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang ipinapakita
ang mga karakter, lunan, at tensyon sa pamamagitan ng mga flashback.
DEUX EX MACHINA (God from the machine)
Isang plot device na ipinaliwanag ni Horace sa kaniyang "Ars Poetica" kung saan
nabibigyang- resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong
interbensyon ng isang absolutong kamay. Nagbabago rin ang kahihinatnan ng
kuwento at nareresolba ang matitinding suloranin na tila walang solusyon sa
pamamagitan ng biglaang pagpasok ng isang tao, bagay pangyayari na hindi
naman naipakilala sa unang bahagi ng kuwento.
4. KOMPLIKASYON O TUNGGALIAN
Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing tauhan. Ito ang
mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa
posisyon at disposisyon ng mga talinan. Nagtatakda rin ang tunggaliani ng magiging
resolusyon ng kuwento.
5. RESOLUSYON
Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaring ang resolusyon ay
masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.
Sanggunian:
https://www.slideshare.net/IndayManasseh/teskstong-naratibo