Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MELCS - F4PB-to-97 - Natutukoy ang mga elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan,banghay)

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang


namumuhay. Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang
pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana
sa maraming isda ang karagata. May isang diwatang
nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito’y nalalaman ng
mga taganayon.

Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng


maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming
salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya’t labis na napinsala
ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.

Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao


kaya’t mula noon ay wala nang mahuli kahit na
isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga
tao at naging pangit na rin ang karagatan na
dati’y sakdal ganda. Nagpulong ang mga
taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng
tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan.

Nakiusap din silang ibalik na ang dating


ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda.
Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan.

Mula nang sila’y humingi ng tawad sa diwata ay


bumalik na ang ganda ng karagatan at muling
dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang
kabuhayan ng mga tao.
Panuto:. Basahin at unawain ang bawat tanong . Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

A. Diwata ng Karagatan C. Snow White

B. Mangingisda D. Dracula

2.Saan naganap ang pangyayari?

A. Ilog C. Falls

B. Dagat D. Sa ilalim ng swimming pool

3. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao?

A. Magsaka C. Magtroso

B. Mangisda D. Manahi

4. Bakit nagalit ang diwata ng karagatan?

A. Dahil wala sa mood C. Dahil s kasakiman ng mga tao

B. Dahil sa kasakiman ng mga isda D. Wala sa nabanggit

5. Ano ang masamang paraan ang ginawa ng tao para mangisda?

A. Naglagay sila ng lason sa tubig C. Naglagay ng maraming lambat

B. Nagsabog ng pakain ng isda D. Nagpasabog ng dinamita

6. Matapos magalit ng diwata , ano ang nanagyari sa mga tao?

A. Naghirap C. Wala sa nabanggit

B. Nagutom D. Lahat ng nabanggit


7. Ano ang ginawa nila ng mga tao upang ibalik ang kagandahan ng karagatan sa diwata?

A. Nakiusap C. Walang ginawa

B. Tinakot D. Parehas A at B

8. Naibalik ba sa dating ganda at naging masagana ulit ang karagatan?

A. Oo B. Hinde

9-10 - Base sa inyong nabasang kwento gumawa ng buod ukol sa kwentong inyong binasa.

You might also like