Banghay Aralin Sa Edukasyong Sa Pagpapakatao

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyong sa Pagpapakatao (ESP) VI

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at
pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa at mapagkalingang
pamayanan.
b. Naipakikita ang mga gawaing tumutugon sa pagmamahal sa bansa sa pamamagitan
ng aktibong pakikilahok na may dedikasyon at integridad.
c. Nabibigyang-halaga ang mga batayang kalayaan na may kaukulang pananagutan at
limitasyon
 kalayaan sa pamamahayag
 pagbibigay ng sariling opinyon, ideya o pananaw

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Aralin 9: Mapanagutang Pamamahayag: Isasabuhay ko (Alamin Natin)
Sanggunian: Batayang Aklat: Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon, mga pahina 61-
67
Kagmitan: Laptop, projector

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Paghahanda

Lahat ay tumayo at manalangin. Ang mga mag-aaral ay taimtim na


nananalangin.
Amen! Amen!
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po ma’am!
Bago umupo ang lahat ayusin muna ang inyong Ang lahat ay kanya kanyang nag ayos ng
mga upuan ng walang ingay. kanilang mga upuan.
Magsiupo na ang lahat.

B. Paglalahad

Pagpapakita ng mga larawan ng pagka kanya-


kanya o kawalang pakialam sa kapwa at
kumonidad.

Maraming basura sa kalsada

Pagpuputol ng kahoy o pag chainsaw

Kawalang tubig

Hayaang magbigay ng opinyon o ideya ang


bawat isa.
a. Ano-anong tagpo ang makikita sa larawan.
Isa-isahin?
b. Sino-sino ang kabilang sa mga larawan at ano
ang kanilang ginagawa?
c. Nakikita o namamasdan nyo ba ang mga iyan
sa inyong paligid?
d. Ano ang naisip o naramdaman mo habang
nakikita ang mga larawan at inaalala ang aktwal
na nagaganap sa kapaligiran?
e. Tama ba o mali ang ipinakikita ng mga nasa
larawan? Maghatol at mangatwiran?

C. Pagtatalakay

Magpakita ng mga bagong larawan. Sa


pagkakataong ito, ang mga larawan ay
nagpapamalas ng Civic Consciousness o
Kamalayang Pansibiko.

Naglilinis ng daan. / Nagpupulot ng mga


basura.

Nagtatanim ng mga halaman.

Pagbibigay ng libreng pagkain.

Ano ang Civic Consciousness o Kamalayang Ang Kamalayang pansibiko ay kaisipan na ang
Pansibiko? bawat tao ay may pananagutan sa isa't isa.
Maari tayong makilahok sa mga programa at
gumawa ng sariling desisyon sa may
pananagutan. Ang mga larawan na inyong
nakita kanina ay mga sitwasyon sa ating bansa
na maari nating pagtulungan at pag usapan
kahit na tayo ay mga mag aaral ngunit ito ay
may kaakibat na responsibilidad at pag iingat.

D. Paglalapat

Naranasan mo na bang tumulong sa mga


gawaing Pangkomunidad gaya ng paglilinis ng
kalsada? Ibahagi ang inyong sagot sa klase.

E. Paglalahat

Kung may nakita kang maraming asong


gumagala sa inyong lugar at sinabi mo ito sa
opisyales ng barangay. Ano ang maging epekto
nito sa inyong pagsasabi ng inyong nakita?
IV. PAGTATAYA

Isulat sa notbuk ang letra ng pinakaangkop na pagkilos sa sumusunod na mga sitwasyon.


1. May mga dumalo na nagkukuwentuhan sa loob ng isang bulwagan. Magsisimula na ang pambansang
awit bilang panimula ng programa. Ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag kumibo.
B. Sumali sa nagkukuwentuhan.
C. Sawayin ang mga nagkukuwentuhan.
D. Sabihan ang mga nagkukuwentuhan na tumahimik muna at lumahok sa pag-awit.
2.Nakita mong tumatawid si Lola Tinay sa kalye Aurora. Ano
ang gagawin mo?
A. Alalayan ang matanda.
B. Pabayaan siya at huwag pansinin.
C. Sabihan siya na mag-ingat sa pagtawid.
D. Maghanap ng pulis na magtatawid sa matanda.
3. Tila nakalimutan ni Lolo Mino ang daan pauwi. Paikot-ikot siya sa magkakapitbahayan. Ano ang
gagawin mo?
A. Hanapin ang pamilya ni Lolo Mino upang maiuwi siya. B. Ipagbigay-alam ito sa mga barangay tanod.
C. Tanungin si Lolo Mino at tulungan siya.
D. Huwag pansinin ang matanda.
E. Ibalita sa media ang naganap na pagtutulungan sa komunidad.
4. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong-tulong ang mga tao sa inyong pamayanan upang
maglinis. Ano ang gagawin mo?
A. Manood sa mga taong naglilinis.
B. Manatili sa kuwarto at magpahinga.
C. Sumali sa paglilinis at gawin ang makakaya.
D. Ibalita sa media ang naganap na pagtutulungan sa komunidad.
5. Magpapakain para sa mga batang lansangan ang organisasyong pangkababaihan sa inyong lugar. Ano
ang maaari mong itulong?
A. Tumulong sa paghahanda at pagpapakain para sa mga bata. B. Magboluntaryo sa susunod na
pagpapakain.
C. Makikain kasama ang mga bata.
D. Umuwi na lamang.

V. TAKDANG ARALIN

Kumuha ng papel at idikit ang sariling larawan sa gitna nito. Sa paligid ng larawan, isulat ang mga
gawaing pansibiko na kaya mong tugunan.

You might also like