Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: ________________________ Iskor: ___________________

Baitang at Seksyon: _________________ Petsa: ___________________

Ikatlong Pagsusulit sa Mother Tongue III


Ikatlong Kwarter
I. Panuto: Piliin at bilugan ang angkop na aspekto ng Pandiwa upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

1. Ang aming pamilya ay ( namasyal, namamasyal,mamayasyal) sa Baguio tatlong


taon na ang nakalipas.
2. Ang aking kaklase ay (naghanda, naghahanda, maghahanda) ng masasarap na
pagkain para sa kaniyang kaarawan sa susunod na Linggo.
3. Si Bea ay (sumayaw, sumasayaw, sasayaw) bukas sa Coliseum.
4. Maraming manggagawa galing sa ibang bansa ang (umuwi, umuuwi, uuwi) tuwing
Pasko.
5. Sabik ako sa darating na Sabado dahil ( naligo, naliligo,maliligo) kami sa tabing-
dagat.

II. Panuto: Bumuo ng tamang pandiwa sa tulong ng salitang- ugat na nasa loob ng
panaklong. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
6. Ako ay _____________ (tulog) nang maaga ngayong gabi.
7. ____________ (gawa) muna si Maria ng kanyang takdang- aralin bago matulog.
8. Si Greg ay _____________ (gising) sa ika-5 ng umaga bukas.
9. Si Rina ay _____________ ( punta) sa Maynila sa isang Linggo.
10. _____________ (laba) si Yasmin ng mga damit sa Sabado.

III. Suriin ang pandiwang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang aspekto ng pandiwang
naganap na, nagagganap, magaganap pa.

11. Ang costume ay dadalhin ko bukas.


12. Si Justin ang bumili ng pagkain para sa aso
13. Babantayan ko ang mga bata habang wala kayo.
14. Nakikinig ako sa guro namin.

III. Panuto: Pumili ng angkop na pamagat mula sa kahon para sa bawat talata.

Bakuna Laban sa Virus


Kaligtasan at Kalusugan
Libangan ng mga Ginang ng Tahanan
Modular at Online Class
New Normal Education
Ang Pinakamamahal kong Guro

15. Sa tuwing lalabas ng bahay umiwas sa matataong lugar, ugaliing magsuot ng mask
at maghugas ng kamay upang maging ligtas sa COVID-19. ______________________

16. Kinahiligan ng mga ginang ng tahanan ang pagtatanim ng mga halamang


ornamental at halamang gulay. Bilang kanilang libangan habang hindi maaaring
lumabas ng kanilang mga tahanan. __________________________

17. Ang pag- aaral sa ngayon ay nakabatay sa modular,online at blended. Maraming


mag-aaral ang nawili sa pagsagot ng kanilang aralin dahil sa paggamit ng teknolohiya.
Tulad ng cellphone, laptop at tablet. ____________________
18. Maraming mag-aaral ang apektado ng Corona Virus sa ating bansa. Kaya naman
ang pag-aaral nila ay naging Modular at Online Class. _______________________

19. Kailangang suriin ang mga gamot. Labis ang paghahanda ng kagawaran ng
pangkalusugan para sa pagdating ng gamut ditto sa ating bansa laban sa Corona Virus.
_______________________
20. Isang mapagmahal at mahusay na guro si Ginang Gloria Matutina. Itinuturing
niyang parang tunay na anak ang kanyang mga mag-aaral. Matiyaga niyang itinuturo
ang mahihirap na aralin. Siya ang pinakamamahal kong
guro.________________________________

You might also like