Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGBABASBAS NG MGA MAMBABALAT AT

NAGHAHANAP-BUHAY SA LEATHER INDUSTRY


AGOSTO 20, 2022

Pagbabasbas sa mga naglalakbay, Collectio Rituum 1983 p. 511

Gaganapin ang pagbabasbas pagkatapos ng Panalangin Pagkapakinabang.


Commentator:
Ngayon po ay gaganapin natin ang pagbabasbas ng mga mambabalat at naghahanap-buhay sa
Leather Industry. Mangyaring lumapit po sa harapan ang mga magpapabasbas.

Padre Art:

Manalangin tayo.
Sandaling katahimikan.

Mapagmahal na Ama,
ginawa mo ang lahat ng bagay
sa pamamagitan ng iyong Anak.
Nilikha Mo ang kagandahan
upang bigyan kami ng saya at akayin kaming mahalin ka.
Pakinggan ang aming panalangin
para sa lahat ng mga mambabalat at naghahanap-buhay sa leather industry.
Hayaang patuloy na ibuhos ng iyong Espiritu +
ang kanyang mga kaloob sa kanila
at sa gayon ay dalhin kaming lahat sa iyo.
Ama, aming hinihiling ang biyayang ito
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming panginoon.

Bayan:
Amen.
Gagawin ang pagwiwisik ng banal na tubig sa mga imahen.

Babalik na ang lahat sa upuan at gaganapin ang pagwawakas ng misa ayon sa nakaugalian.

You might also like