Professional Documents
Culture Documents
PINGKAW
PINGKAW
PINGKAW
KWENTO NI
“PINGKAW”
PAMAGAT
• Ang pamagat na PINGKAW ay inihalintulad sa isang inang nangulila sa kanyang
asawa’t mga anak na siyang nagsanhi ng kanyang pagkabaliw
• Ito ay angkop na pamagat dahil ito ay hinalintulad sa inang nawalan ng mga mahal
sa buhay, nabaliw, at pinangalanang “PINGKAW”
MAY-AKDA
Si Isabelo S. Sobrevega ay isang Pilipinong kilala sa kanyang kwentong “Si Pinkaw”.
Ang kanyang maikling kwento ay inilathala sa Hiligaynon noong Agosto 14, 1968 at
ito ay isinalin noong Agosto 14, 1975 sa wikang Filipino. Si Sobrevega ay isang
manunulat na kilala sa paggamit ng mga tauhang itinakwil at biktima ng lipunan, mga
kaugnay sa basura, at mga akda niyang tumatalakay sa pangaapi ng mundo.
TALASALITAAN
• B’yuda
• Dumungaw
• Itinawing-tawing
• Nag-aantubili
• Nakangisi
• Nagkukumahog
TAUHAN
Ang mga tauhan sa kwento ay pinangungunahan ng isang inang nagngangalang “PINGKAW” na
nangungulila sa kanyang mga minamahal sa buhay. Siya ay may tatlong anak at ito ay sina Poray na
panganay na anak ni pingkaw at labis na mataas para sa kanyang edad na labintatlong gulang lamang, si
Basing na ikalawang anak ni Pingkaw na sungki ngunit mahilig pang pumangos, at si Takoy naman na
bunsong anak ni Pingkaw. Kakaiba ang itsura niya kumpara sa kanyang ibang mga kapatid dahil siya ay
guwapo. Panghuli naman si Pisyang Tahur na sumusumpa sa kanyang paboritong santo.
TAGPUAN
Ang mga Tagpuan sa kwento ay ang pagtungo ni PINGKAW sa isang doktor sa ospital
upang ipatingin ang kanyang mga anak na namimilipit sa sakit. Ngunit, wala raw ang
doktor kaya’t nabigo si PINGKAW. Nagpatuloy pa rin siya sa pagtulak sa kanyang mga
anak papuntang bayan upang manghingi ng tulong ngunit, walang niisang tumulong kay
PINGKAW.
PAKSA
Ang paksa ng kwento ay tumutukoy sa inang handa gawin lahat mailigtas ang kanyang
mga anak. Ngunit, kahit nabigo siyang iligtas ang kanyang panganay na anak, patuloy pa
rin siya at hindi sumuko. Sa kabila ng lahat ang mundo ay naging maramot sa kanya at ito
ang nagsanhi ng pagkasira ng kanyang sarili.
TUNGGALIAN
• Ang tunggalian sa kwento ay tao laban sa sarili dahil ang
normal na pag-iisip ni Pingkaw ay nasira dahil sa kanyang
pangungulila sa kanyang mga anak.
Teoryang Humanismo
Ipinapakita sa maikling kwento na “PINGKAW” ang teoryang humanismo. Makikita kaagad
ito sa pamagat pa lamang sa kwento at higit na napapalawak sa pagbabasa sa buong
akda. Ipinapakita ni Pingkaw na kaya niyang tumayo sa kanyang mga sariling paa at siya’y
naging mabuti sa kabila ng malupit na mundong kanyang ginagalawan. Naging matibay si
Pingkaw sa bawat pagsubok na kanyang hinarap.
Teoryang Feminismo
Ipinapakita sa maikling kwento na “PINGKAW” ang teoryang feminismo dahil sa isang
inang ginawa ang lahat para lang mailigtas ang kanyang mga anak ngunit siya’y nabigo.
Siya’y nangulila sa kanyang mga anak at ito ay nagsanhi ng pagkasira ng kanyang sarili.
BANGHAY
Simula
May isang babaeng nagngangalang Pingkaw. Siya ay tinutukso-tukso ng mga bata.
Sinasabihan siya ng bata na kung hindi siya sumayaw kukunin nila ang anak niya. Nagkasakit
ang tatlo niyang anak at sinubukan niyang humingi ng tulong sa mga doktor ngunit lahat sila ay
may sariling ginagawa. Nagpatuloy siyang humingi ng tulong at magpahinto ng mga sasakyan
upang madala sa ospital ang mga anak.
Saglit na kasiyahan
Tinawag ni Pingkaw ang kanyang mga anak at ito ay dali-daling nagtakbuhan pasalubong
kay Pinkaw. Habang hindi makaringgan sa pagtatanong kung may uwi raw ba siyang jeans na
estretsibol at kung nakabili daw ba ng bitsukoy.
Kasukdulan
Kasukdulan sa kwentong Pingkaw ay ang sunod-sunod na paghihirap na kanyang dinanas
mailigtas lang ang kanyang mga anak. Siya ay nagtungo kung saan-saan makahingi lang ng tulong
sa iba. Ngunit, sa kabila ng lahat siya ay nabigo parin sa pagligtas ng kanyang mga anak.
Wakas
Sa kaniyang pagtutulak upang mailigtas ang kanyang mga anak, napansin niyang hindi na
kumikilos ang kanyang panganay na anak at tumigil na ang paghinga nito. Tumigil ang kanyang
mundo noong napansin niya na wala na si Poray. Ngunit, nagpatuloy siya sa pagtutulak mailigtas
lang ang dalawa pa niyang anak. Ngunit, sunod-sunod itong binawian ng buhay. Hindi niya ito
kinaya at ito’y nagsanhi sa kaniyang kabaliwan na pinangalanang “Pingkaw”.
KAISIPAN O ARAL
• Sa Kabila ng hirap ng buhay, nagawa niya pa rin ang lahat
ng kanyang makakaya maitaguyod at mailigtas lang ang
mga anak.
• Isang inang isusugal ang kanyang buhay mailigtas lang ang
kanyang mga anak.
• Ang kwentong “Pingkaw” ay nagbigay-aral tungkol sa
pagmamahal sa mga anak, sakripisyo, hinagpis at pagsubok
sa buhay. Aral na kapupulutan ng totoong pagmamahal ng
isang ina na handing isakripisyo ang sarili mailigtas lang ang
mga anak niya. Isang inang hahangaan ng nakararami. Isang
modelo at isang bayaning ina sa kanyang labis na
pagmamahal at sakripisyo.
BISA SA MAMBABASA
Bisang Pandamdamin
Si Pingkaw na may tatlong anak na sunod-sunod na nagkasakit at sya ay natungo
Kung saan-saan upang maipagamot ang kanyang mga anak ngunit walang umulong sa
kanila kaya ang kanyang mga anak ay sunod-sunod na binawian ng buhay.
Bisang Pangkaisipan
Edukasyon: Ipinapakita sa kwento na ang edukasyon ay mahalaga sa mga tauhan sa
kwento upang matuto .
Rumespeto sa nakatatanda at rumespeto sa may mga kapansanan at dapat pantay
pantay lang ang tingin sa
Mayayaman at mahihirap tumulong sa kapwa ng walang kapalit.