Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of City Schools
Sta. Maria District
SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL
Zamboanga City
Linggo 01 Hunyo , 2019
Araw 05 Biyernes
Banghay Aralin sa ArPan 6
Unang Markahan

I. LAYUNIN:
 Nasasagot ang mga tanong ayon sa pinag-aralan tungkol sa Lokasyon ng Pilipinas.
 Natutukoy ang kalgayan ng Pilipinas ayon sa lokasyon, kasasysayan, at ibang bagay nakapalibot dito.
II. PAKSANG-ARALIN: Pagsusulit: Lokasyon ng Pilipinas
PAMATAYAN SA PAGTUTURO: Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo sa globo at mapa batay sa
”absolute location” nito (longitude at latitude) AP6PMK-Ia-1 Nagagamit ang grid sa globo at mapang politikal sa
pagpapaliwanag ng pagbabago ng hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas batay sa kasaysayan AP6PMK-Ia-
2 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng Asya at mundo AP6PMK-
Ia-3
KAGANDAHANG-ASAL: Pagiging handa sa sakuna KAGAMITAN: Mapa, Globo, Larawan, Visual
Aids

III. PAMAMARAAN (PROCEDURE):


A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral (Review)
- Ano ang mga bahagi ng globo o mapa?
- Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas?
- Ano ang mga bisinal at insular na lokasyon ng Pilipinas?
- Saan saan nakabatay ang teritoryo ng Pilipinas?
2. Pagganyak (Motivation)
Ngayong ay magkakaroon tayo ng pagsusulit. Umupo ng matuwid ang ihanda ang sarili.
- Ano ang mga bagay na dapat nating gawin sa oras ng isang pagsusulit?
- Ano naman ang mga bagay na hindi natin dapat nating gawin?
B. Pamaraan sa Paggawa ng Gawain (Procedure)
Ibibigay ng guro ang papel na isasagot ng mga bata. Bibigyan ang mga bata ng 20
minuto para sagutin ang mga tanong. Pagkatapos ay kukunin muli ng guro ang mga papel.

C. Paglalahat (Evaluation)
Test I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.

______1. Ito ay matatagpuan sa 66.5 timog ng equator.

a. Guhit latitude b. Antartic Circle c. Arctic Circle


______2. Ito ang mga pahalang na linya na sumusukat ang distansiya ng isang lugar pahilaga o
patimog mula equator, tinatawag ding parallel.
a. Guhit longitude b. Guhit latitude c. Prime Meridian
______3. Ito ay linya na hinahati ang hilagang hating-globo at timog hating-globo.
a. Grid b. Tropic of Cancer c. Equator
______4. Ito ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas.
a. 4◦23’H at 21◦25’H, 116◦S at 127◦S.
b. 4◦24’H at 22◦25’H, 126◦S at 127◦S.
c. 5◦23’H at 21◦25’H, 116◦S at 128◦S.

______5. Ito ay nilagdaan noong Enero 2, 1930. Nakasentro an gang kasunduan sa katayuan ng
pagmamay-ari ng Turtle Islands at Mangsee Islands.
a. Treaty of Washington of 1900 b. Treaty of Paris of 1898 c. Boundaries Treary of 1930
______6. Ayon sa kasunduan, kabilang sa mga isla o teritoryo na inilipat ng Spain sa US ang
Cagayan at Sibutu na kapuwa bahagi ng Sulu Archipelago. Kapalit nito ay nagbauad ang US sa
Spain ng $100,000 o katumbas na halaga ng dalawang bagong islang idinagdag sa teritoryo ng
Pilipinas.
a. Treaty of Washington of 1900 b. Treaty of Paris of 1898 c. Boundaries Treary of 1930
______7. Ito ang isang pandaigdigang kasunduan kaugnay ng karapatan at tungkulin ng mga
bansa sa daigdig sa pagkamit at paggamit ng karagatan at iba pang anyong tubig sa kanilang
teritoryo.
a. United Nations Convention on Law of the Sea
b. Exclusive Economic Zone at Continental Shelf
c. Treaty of Paris of 1898
______8. Ano ang acronym ng PAGASA?
a. Philippine Automatic, Geophysical and Astronomical Services Association
b. Philippine Atmospheric, Geotermal and Astronomical Services Association
c. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration

Test II. Panuto: Buuin ang mga relatibong lokasyon ng Pilipinas sa loob ng hanay.

Direksyon Bisinal Insular


Hilaga Taiwan ______________
Silangan Pacific Ocean,
Philippine Sea
Timog Indonesia _____________
Kanluran _______________ West Philippine Sea

Test III. Saguting ang mga tanong.(2 points each)

- Anong mabuting naidudulot ng pagkakaroon ng klimang tropical?

- Ano ang mabuting naidudulot ng pagkakaroon ng estratehikong lokasyon ng Pilipinas?

Prepared by:
MR. JERRY A. ALEJANDRIA
San Roque Elementary School

You might also like