Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Aralin 3

KAURIANG PANLAHAT NG PANITIKAN


Ang mga akdang pampanitikan ay mauuri sa dalawang anyong panlahat:

TULA AT TULUYAN
A. Ang Prosa o Tuluyan ay malayang pagbuo ng mga salita sa karaniwang takbo ng
pangungusap. Ilan sa mga halimbawa ng prosa o tuluyan ay ang mga sumusunod:

1. Dula – naglalarawan ng isang bahagi ng buhay sa pamamagitan ng kilos at


tinatanghal sa tanghalan.
2. Nobela – nagsasalaysay ng mga masalimuot na pangyayaring naganap sa isang
mahabang panahon.
3. Maikling Kuwento – nagtataglay ng isang kakintalang nilikha ng mga hindi
karaniwang pangyayari sa pamamagitan ng pinakamatipid na paggamit
ng mga salita.
4. Alamat – nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
5. Pabula – ang mga tauhan ay hayop na ang layunin ay magbigay-aral.
6. Anekdota – salaysay na hango sa tunay na karanasan o pangyayari sa
buhay ng tao. Ito’y kapupulutan din ng aral.

B. Ang Patula ay binubuo ng pahayag na may sukat at tugma. Ang sukat ay tumutukoy
sa bilang ng pantig ng mga salita sa bawat taludtod samantalang ang tugma ay tumutukoy sa
pagkakatulad ng tunog ng huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod. Ang patula ay nahahati
sa apat na uri.

1. Tulang Pandamdamin o Liriko


a. Pastoral – naglalarawan ng buhay sa bukid.
b. Soneto – naglalaman ito ng labing-apat na taludtod.
c. Oda – isang tula ng paghanga o papuri sa isang bagay.
d. Elehiya – tula ng panimdim o kalungkutan dahil sa kamatayan.
e. Dalit – imno at mga kantang papuri sa Panginoon o sa Mahal na Birhen.
2. Tulang Pasalaysay
a. Epiko – nagsasalaysay ng di kapani-paniwalang kabayanihan ng isang tao.
b. Kurido – hango sa alamat ng Europa.
c. Awit – hango sa haraya ng may-akda.
3. Tulang Pandulaan
a. Moro-moro – paglalaban ng mga Muslim at mga Kristiyanong humahantong sa
pagbibinyag sa mga Muslim.
b. Panuluyan – pagsasadula sa paghahanap nina Birheng Maria at San Jose ng
matutuluyan.
4. Tulang Patnigan
a. Balagtasan – tagisan ng talinong patula.
b. Duplo – ginaganap sa bakuran ng namatayan.
c. Karagatan – hango sa alamat ng isang prinsesang inihulog sa dagat ang singsing.
d. Batutian – sagutang patula na may halong pangungutya at pagpapatawa.

You might also like