Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

REPORT CONTENT

Topic: Kalikasan at Katuturan ng Kurikulum

Kurikulum
“curere” salitang latin na ang ibig sabihin ay to run; the course of the race. or a
runaway on which one runs to reach a goal

Ito ay nagsisilbing materyal sa kabubuang nilalaman ng isang pinag-aaralan,


mga gawain at mga pinagbabatayan na puspusang pinili, isinaayos at ipinatupad
sa mga paaralan sa natatanging gawaing pantao bilang isang institusyon ng
karunungan at makataong pagpapaunlad.

Ayon kina Ragan at Shepherd, ang kurikulum ay isang daluyang magpapadali


kung saan ang paaralan ay may responsibilidad sa paghahatid, pagsasalin, at
pagsasaayos ng mga karanasan upang matuto.

Maari ring itukoy ang kurikulum bilang isang plano ng gawaing pampaaralan at
kalakip nito ay ang:
a) Ang mga dapat matutunan ng mga mag-aaral,
b) Ang mga paraan upang paano tayahin ang pagkatuto
c) Ang katangian ng mga mag-aaral kung paano sila matatanggap sa
programa, at
d) Ang mga kagamitang panturo.

Katuturan o Kahalagahan
Ang kurikulum ay mahalagang sangkap upang mapaunlad ang lipunan.
Kinakailangan na gamitin ang kurikulum ng batayang edukasyon sa kadahilanan na ito
ay isang spiral progression na umaangat ang antas ng pagtuturo. Sa pamamagitan ng
kurikulum, integratibo ang karanasan at karanasan at karanasang pang-edukasyonal sa
pagpapaunlad ng sitwasyong panlipunan ng mag-aaral.
SCRIPT FOR REPORTING
Topic: Kalikasan at Katuturan ng Kurikulum
Script:
Pagbati: Magandang umaga/hapon sa inyong lahat. Ako si (Name), ang inyong
tagapag-ulat. Ngayon ay aking tatalakayin ang “Kalikasan at Katuturan ng Kurikulum”.
May ideya na ba kayo ukol dito?
KALIKASAN NG KURIKULUM
Intro:
Karamihan sa atin ay pamilyar na sa salitang kurikulum lalo na't nababasa natin ito
kung saan-saan, at nailalarawan din ito sa iba't ibang kahulugan. Ngunit ano nga ba
talaga ang kahulugan o pinagmulan ng kurikulum? Ano ang kahalagahan o katuturan
nito? Sa aking pagtatalakay ay unti-unti nating matutuklasan ang mga kasagutan ukol
sa mga tanong na ito.
[ Basahin ang unang kahulugan]
“curere” salitang latin na ang ibig sabihin ay to run; the course of the race. or
a runaway on which one runs to reach a goal
Explanation:
Ayon sa aking binasa, ang kurikulum ay nagmula sa salitang latin na “curere” na ang
ibig sabihin sa Ingles ay “to run” at nabanggit rin dito ang parilala na “to reach a
goal”. Sa madaling sabi, ang kurikulum ay maaring ilarawan bilang isang hakbang
(stairs) na may layunin na nais makamit/ makamtan.
[Basahin ang pangalawang kahulugan]
Ito ay nagsisilbing materyal sa kabubuang nilalaman ng isang pinag-aaralan,
mga gawain at mga pinagbabatayan na puspusang pinili, isinaayos at ipinatupad
sa mga paaralan sa natatanging gawaing pantao bilang isang institusyon ng
karunungan at makataong pagpapaunlad.
Explanation:
Ang kurikulum ay nangangahulugan bilang PAMAHALAAN na tumutukoy sa
PANGANGASIWA, PANGUNAHAN, AT PAMUMUNO. (PQ: Anong pamahalaan ang
tinutukoy ng paksa? Answer: Ang pamahalaang tinutukoy dito ay Departamento ng
Edukasyon) Tinutukoy dito na ito ay isang “materyal”. At kapag sinabi namang
"materyal" ibig sabihin, ito ay nagsasaad ng "bagay" o "sangkap". Sa mga guro, ito
ang nagiging batayan nila at nagsisilbi din na isang libro ng mga aralin na kanilang
itatalakay.
[Basahin ang pangatlong kahulugan ng kurikulum.]
Ayon kina Ragan at Shepherd, ang kurikulum ay isang daluyang magpapadali
kung saan ang paaralan ay may responsibilidad sa paghahatid, pagsasalin, at
pagsasaayos ng mga karanasan upang matuto.
Explanation:
Ayon naman sa kanila (Ragan at Shepherd), ang kurikulum ay isang daluyan. Ibig
sabihin, para sa kanila ito ay “gabay” ng mga guro o “daan” para sa mga mag-aaral
upang matuto sila. Nakakabit din sa paaralan ang responsibilidad (paghahatid,
pagsasalin, at pagsasaayos) na ito sapagkat ang hangarin ng kurikulum ay matuto ang
mag-aaral sa pamamagitan ng pagsunod nito. Sa pamamagitan ng kurikulum, ang mga
mag-aaral ay naisasama sa karanasang pang-edukasyonal na tunay na makakatulong
sa paglinang ng kaalaman at pagpapaunlad ng sitwasyong lipunan.
[Basahin ang panghuling kahulugan ng kurikulum]
Maari ring itukoy ang kurikulum bilang isang plano ng gawaing pampaaralan at
kalakip nito ay ang:
e) Ang mga dapat matutunan ng mga mag-aaral,
f) Ang mga paraan upang paano tayahin ang pagkatuto
g) Ang katangian ng mga mag-aaral kung paano sila matatanggap sa
programa, at
h) Ang mga kagamitang panturo.
Explanation:
Ang kurikulum ay isang plano ng mga gawaing pampagkamatuto para sa mga mag-
aaral. Ang planong ito ay may layuning maglaan ng direksyon sa kung ano ang
nararapat na matamo ng bawat mag-aaral.
Samakatuwid, ayon sa mga kahulugan ng kurikulum na ating nabanggit,
nangangahulugan lamang ito na ang KURIKULUM ay ISINAGAWA para sa mga mag-
aaral. Kalakip ng kurikulum ay nararapat na "maisaktuparan" ng mga paaralan ang
kabuuang tuon o layunin nito. Kaya naman, nabibigyan lamang ng kabuluhan ang
KURIKULUM kapag naisakatuparan at may natamo ang mga mag-aaral.
Dahil dito ay nasagot na natin ang unang tanong na ating nabanggit kanina, kaya't
dumako naman tayo sa katuturan ng kurikulum.
(optional: Kung may mga nais kayong itanong tungkol sa paksa, don’t hesitate to
interrupt me.) hahaha dko alam tagaalog
KATUTURAN NG KURIKULUM
- Ang katuturan ay ang pahayag ng kahulugan ng isang bagay, salita, o parilala. Ito ay
maihahayag bilang "halaga", "saysay", o "diwa". Kaya naman, ano ba ang katuturan ng
kurikulum?
[Basahin ang nakasulat]
Ang kurikulum ay mahalagang sangkap upang mapaunlad ang lipunan.
Kinakailangan na gamitin ang kurikulum ng batayang edukasyon sa kadahilanan na ito
ay isang spiral progression na umaangat ang antas ng pagtuturo. Sa pamamagitan ng
kurikulum, integratibo (nag-uugnay) ang karanasan at karanasang pang-edukasyonal
sa pagpapaunlad ng sitwasyong panlipunan ng mag-aaral.
Explanation:
Mahalaga ang kurikulum sapagkat ito ang nagiging kaagapay ng bawat mag-aaral dahil
sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. At sa bawat akademikong taon,
may mga layuning dapat maitamo ang bawat mag- aaral.
Tinagurian din itong spiral progression sapagkat ang ideya nito ay ilantad ang mga
mag-aaral sa isang malawak na pag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaiba-iba ng mga
konsepto/paksa at disiplina, hanggang sa maging kabisado na ng mga mag-aaral dahil
sa paulit-ulit nito ngunit sa iba't ibang pamamaraan ng pagpapalalim at komplikasyon ng
paksa.

Konklusyon:
Bilang buod ng aking tinalakay, ang kurikulum ay nabuo para sa mga mag-aaral.
Naglalaman ito ng mga pinag-aaralan, mga gawain, batayan, at nagsisilbing libro ng
mga guro na may hangaring matuto ang mga mag-aaral. Ito din ay mahalagang
sangkap sa institusyon na nararapat at isang responsibilidad ng paaralan na
maisakatuparan ang mga layuning binubuo nito.
Yun lamang po at nawa’y may nalikom kayong kaalaman mula sa akin. Muli, ako si
(name), ang inyo tagapag-ulat. Maraming Salamat!

You might also like