Globalisasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Globalisasyon - proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon

at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Perpektibo at Pananaw

 Ang globalisasyon ay taal o naka-ugat sa bawat isa. (Nayan Chanda, 2007)


 Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. (Scholte, 2005)
 May anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005)
 Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa
kasaysayan.

ANYO NG GLOBALISASYON

Globalisasyong Ekonomiko

- umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo.

Multinational Companies (MNCs)

 pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa


ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa
pangangailangang lokal ng pamilihan.

Transnational Corporation (TNCs)

 ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang


bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal.
Binibigyang kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na
ito ayon na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang lokal.

TUGON SA SULIRANING KAAKIBAT SA PAGLAKAS NG MNCs AT TNCs

Outsourcing - pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may


kaukulang bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya
upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga.

Uri ng Outsourcing batay sa uri ng binibigay na serbisyo:

 Business Process Outsourcing – tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng


isang kompanya
 Knowledge Process Outsourcing – nakatuon sa gawaing nangangailangan
ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri
ng impormasyon at serbisyong lokal.

Uri ng Outsourcing batay sa layo o distansya na pagmumulan ng kompanyang siyang


nagbibigay ng serbisyo o produkto:

 Offshoring - pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na


naniningil ng mas mababang bayad
 Nearshoring - Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit
na bansa
 Onshoring - Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng
pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na
nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.
Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultural

 lalong bumibilis ang globalisasyong ito dahil sa makabagong teknolohiya, ang


impormasyon ay madali nang lumaganap sa pamamagitan ng internet.

Globalisasyong Politikal

 mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng


pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
 kaugnay sa globalisasyong politikal ay ang gampanin ng mga pandaigdigang
institusyon sa pamamahala ng mga bansa gaya ng United Nations (UN), World
Trade Organization (WTO), Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)

Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon

Guarded Globalization - pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong


hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang-proteksiyon ang mga ito upang
makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante.

Ilan sa mga halimbawa ng polisiya:

o pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa


ibang bansa
o pagbibigay ng subsidiya (subsidies) sa mga namumuhunang lokal.

Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade) - ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan,


pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan; nangangahulugan
ng higit na moral at patas na pang-ekonomiyang sistema sa daigdig.

Pagtulong sa ‘Bottom Billion’ - binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat
bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay ang isang
bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa.

Mga Isyu sa Paggawa

 Unemployment
 Underemployment
 Job-mismatched
 Mababang pasahod
 Mura at Flexible Labor - paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin
ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang
pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
 Kontraktuwalisasyon

4 na Haligi para sa isang Disente at Marangal na Panggawa

 Employment Pillar - tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay
na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa.
 Worker’s Rights Pillar - naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas
para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
 Social Protection Pillar - hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa
paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa,
katanggap-tanggap na pasahod, at oportunidad.
 Social Dialogue Pillar - palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng
pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga
collective bargaining unit

Migrasyon

 tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal


patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.

Ang dahilan ng pag-alis o paglipat ay kalimitang mauugat sa sumusunod:


o hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng
masaganang pamumuhay
o paghahanap ng ligtas na tirahan;
o panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa
ibang bansa;
o pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang
industriyalisado.

PERSPEKTIBO AT PANANAW

 Globalisasyon ng migrasyon - tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at


naaapektuhan ng migrasyon. Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng
Australia, New Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa
katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito.
 Mabilisang paglaki ng migrasyon - ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy
ang pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig. Malaki ang implikasiyon nito sa mga batas
at polisiya na ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.
 Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon - hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang
nararanasan ng halos lahat ng mga bansang nakapaloob sa usaping ito. May mga
bansang nakararanas ng labour migration, refugees migration at maging ng
permanenteng migrasyon nang sabay-sabay.
o Irregular migrants - ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang
bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at
sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
o Temporary migrants - tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang
bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at
manirahan nang may takdang panahon.. Ang ilan sa halimbawa nito ay
mga foreign students na nag aaral sa bansa at mga negosyante na
maaari lamang manirahan pansamantala ng anim (6) na buwan.
o Permanent migrants - mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo
sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng
paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng
pagkamamamayan o citizenship.
 Pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal - malaki ang naging implikasyong politikal
ng migrasyon sa mga bansang nakararanas nito. Ang usaping pambansa, pakikipag-
ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang
seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon. Kaya naman, higit kailanman
kinakailangan ang higit na kooperasyon at ugnayan sa pagitan ng mga bansang
kasangkot sa usaping ito.
 Paglaganap ng ‘migration transition’- nagaganap kapag ang nakasanayang bansang
pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
 Peminisasyon ng migrasyon - malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping
migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang labour migration at refugeesay
binubuo halos ng mga lalaki. Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang ginampanan
ng kababaihan sa labour migration.

Pag-angkop sa pamantayang internasyunal

Bologna Accord - nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga bansa sa


Europe ang isang kasunduan na naglalayon na iakma ang kurikulum ng bawat isa upang
ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang
nakalagda rito kung siya man ay nagnanais na lumipat dito.

Washington Accord - nilagdaan noong 1989 ay kasunduang pang-internasyunal sa


pagitan ng mga international accrediting agencies na naglalayong iayon ang kurikulum
ng engineering degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa.

K to12 Kurikulum - naglalayong iakma ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa.


Inaasahan ng repormang ito na maiangat ang mababang kalidad ng edukasyon sa bansa
at matugunan ang suliranin sa kawalan ng trabaho sa bansa.

You might also like