Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

BALIKTANAW SA

Kasaysayan ng Wikang
Pambansa

Binibining Ronalyn I. Garcia


Ang hindi lumingon
sa pinanggalingan
hindi makararating
sa paroroonan.
SINO ANG NASA
LARAWAN?
Magbigay ng tatlong
diskripsyon bago sabihin
ang iyong sagot
Ama ng Wikang Pambansa

● Si Manuel L. Quezon ang tinatawag na Ama ng Wikang Pambansa


dahil siya ang nagsulong ng pagkakaroon ng isang pambansang
wika sa buong Pilipinas. Siya ang pangalawang naging pangulo ng
Pilipinas at unang pangulo sa ilalim ng Komonwelt na pamahalaan
sa ilalim ng mga Amerikano.
● Siya ang nagtaguyod ng Surian ng Wikang Pambansa.
● Bago ang 1939, wala pang opisyal na wikang pambansa sa
Pilipinas, ngunit simula 1934 Konstitusyunal Kumbensiyon ay
mainit na ang baliktaktakan na talakayin ang mga isyu tungkol sa
wikang pambansa at ang pagkakaroon o pagbuo nito.

5
Saligang Batas 1935, Artikulo XIII, Seksyon 3:

“ Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga


hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa na batay sa isa sa umiiral na
katutubong wika.
Hanggang hindi itinatadhana ng batas, ang Ingles at
Kastila ay patuloy na gagamiting opisyal.”

6
Batas Komonwelt Bilang 184

• Batas na ipinatupad ni Manuel L. Quezon

• Inaprubahan noong Nobyembre 13, 1936

• Layuning lumikha ng institusyong pangwika na


mangangasiwa sa pagpili ng pambansang wika

• Ito ang Surian ng Wikang Pambansa o SWP


ang institusyong inatasang magsagawa ng
mga pag-aaral tungkol sa magiging
batayan ng wikang pambansa

7
Kontrobersiyang kaugnay ng pagpili ng iisang wikang
pambansa

Naging hamon sa pagbuo ng wikang pambansa ang hindi pagpayag ng


ibang kinatawan ng ibang wika sa pagpili sa Wikang Tagalog bilang
wikang pambansa o batayan nito.

Malaon nang kontrobersiya kung bakit Wikang Tagalog ang ginawang


batayan ng pambansang wika noong 1930s. Ito ay mariing tinutulan
ng iba pang representatibo ng ibang mga mayoryang wika. Kung
ang dami lamang ng tagapagsalita ang batayan, marami rin daw
nagsasalita ng mga Wikang Visaya at Ilokano. Matapos ang
masusing pagpili ng Surian ng Wikang Pambansa ayon sa batayang
nabuo, ang napiling batayan ay ang Wikang Tagalog na siyang
wikang ginagamit sa sentro ng pamahalaan sa Maynila.

8
8 Mayoryang Wika

1. Cebuano
2. Hiligaynon / Ilonggo
3. Waray (wika ng Eastern Visayas)
4. Bicol
5. Ilocano
6. Tagalog
7. Kapampangan
8. Pangasinan

9
Wika at Diyalekto
Ang Wika ay mas malawak na
katawagan sa arbitraryong sistema
ng mga salita at tunog; ito ay may
sariling mga tuntunin at gramatika,
at dumaan na sa lahat ng proseso
ng pagbuo ng wika mula sa pagiging
pidgin (nabuo dahil sa
pangangailangan)at creole (mas
malawakang paggamit sa
komunidad) at sa pagiging
estandardisado (pagkakaroon ng
mga aklat at diksyonaryo).
Wika at Diyalekto
Ang diyalekto o dayalek ay isa sa mga
nakapaloob na barayti ng isang umiiral na wika.

Maaaring dulot ito ng sitwasyong heograpikal o


kaya ay iba pang salik tulad ng migrasyon.

Hindi naiiba ang tuntunin ng wika at gramatika


nito sa Wika kung saan ito kabilang, kaya
magkakaintindihan pa rin ang dalawang tao na
may iisang Wika kahit magkaiba ang diyalekto.

Hindi na magkakaintindihan kapag ibang Wika


na dahil iba na ang sistema at tuntunin at
gramatika ng ibang Wika.
Wika: Wikang Tagalog Wika: Wikang Bicol
Sublanguage:
1.) Northern Catanduanes (Pandan) Bikol;
Sublanguage Diyalekto:
2.) Inland (Southern) Bikol na binubuo ng
lenggwaheng Rinconada Bikol na may iba-
Tagalog-Rizal iba pang variant at ng Albay Bikol na binubuo
Tagalog-Quezon (Lucbanin, Tayabasin) ng mga lenggwahe ng Buhi, Libon, Oas
Tagalog-Cavite (Lowland, Upland) (West Miraya) at Daraga (East Miraya);
Tagalog-Marinduque 3.) Coastal (Northern) Bikol o ang mga
Tagalog-Maynila ginagamit na wika ng mga Isarog Agta, Mt.
Iraya Agta, Southern Catanduanes, at ng
Tagalog-Bulacan
Central Bikol
4.) Bisakol o ang mga salita ng mga taga-
Masbate, Central at Southern Sorsogon

Diyalekto:

Bikol Naga/Canaman, Bikol Partido,


Bikol Tabaco-Legazpi-Sorsogon,
Bikol Daet, at Bikol Virac.
Pamantayan sa Pagpili ng Batayan ng Wikang Pambansa

1. Pangunahing wikang sinasalita at


nauunawaan ng maraming Pilipino.
2. Wikang may mayamang panitikang
nasusulat.
3. May pagkakahawig sa maraming wikain sa
bansa.
4. Ginagamit sa sentro ng pamahalaan,
edukasyon at komersyo.

13
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Wikang Pambansa

1. Ang wika ng bayan ay ang wika ng kulturang


kinapapalooban o kakabit nito. Kaya ang wikang
pambansa ay mapapalaganap at magpapatatag sa
kultura ng bayan.
2. Ang wikang pambansa ay identidad at
pagkakakilanlan ng mamamayan.
3. Batayan ito ng isang matatag na pagkabansa at
soberanya.
4. Ang maunlad na bansa ay katumbas ng maunlad na wika
at kultura.
5. Ang wika ng bayan ay wika ng kaisipan ng mamamayan.
14
Wikang Opisyal, Wikang Panturo

1. Wikang Opisyal ang wikang itinatadhana ng batas


bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na
komunikasyon ng gobyerno. Ito ang wikang ginagamit
sa mga opisyal na dokumento, sa mga korte, sa
lehislatura o paggawa ng batas,pangkalahatang
pamamahala sa pamahalaan, at sa sistema ng
edukasyon.
2. Wikang Panturo ang wikang ginagamit bilang daluyan
o midyum na pagtuturo at pagkatuto sa sistema ng
edukasyon. Wikang ginagamit sa paaralan at sa mas
mataas na antas ng kaalaman.
15
Inang Wika o Unang Wika

Wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula sa pagkapanganak


hanggang sa panahon kung kailan lubos na niyang nauunawaan ang
wikang iyon.

Tinatawag ding mother tongue.

Ito rin ang wika ng etnolingguwistikong grupo kung saan kabilang


ang isang indibidwal.

16
Balarila
Ito ay tumutukoy sa gramatika.
Ang isang taong may mahusay na kasanayan sa balarila ay nasusunod
ang mga tuntunin ng isang wika at nagagamit ito sa natural na diskurso,
pasulat man o pasalita.

Kapag ang indibidwal ay may mataas na antas ng kasanayan sa balarila


at mahusay na paggamit ng wika sa akademikong aspekto, siya ay may
CALP (Cognitive Academic Language Proficiency) ngunit kung
nagagamit lamang niya ang wika sa pangkaraniwang komunikasyon siya
ay may BICS (Basic Interpersonal Communication Skills). Ang CALP ay
dapat natatamo sa mas mataas na antas ng pag-aaral, habang ang BICS
ay natututuhan sa antas elementarya.
17
Ahensyang Pangwika

Surian ng Wikang Pambansa


Batas Komonwelt Bilang 184, Nobyembre 1936.
1936 Tungkulin ang pagpili ng katutubong wika na magiging
batayan ng wikang pambansa. Noong 1971, tungkulin
naman nitong magpanukala ng mga patakarang pangwika.

Linangan ng mga Wika sa Pilipinas


Nalikha sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.
1987 117 na nilagdaan ni Pangulong Cory Aquino. Ito ang sangay
ng pananaliksik at pagpapaunlad, leksikograpiya,
pagsasaling-wika at panitikan, preserbasyon at promosyon at
pampangasiwaan ng wika.
Komisyon sa Wikang Filipino
Agosto14, 1991, Batas Republika Blg. 7104

1991 Itinatag ang KWF o Komisyon sa Wikang Filipino.


Layunin nitong magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at
preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas.
18
Lahat ng ito ay WIKA.
Tagalog – Pilipino – Filipino

Wikang Tagalog
Ipinahayag ni Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa
1937 ng Pilipinas ay batay sa Tagalog ayon sa hinihingi ng Batas
Komonwelt Bilang 184. Ang katangian ng wikang ito ay puro
at makaluma ang mga salita.

Wikang Pilipino
Pinalabas ng kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon

1959 ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na


ang wikang pambansa ay tatawaging Pilipino. Ang katangian ng
wikang ito ay mono-based o nakabatay sa Tagalog o purista kaya
lubhang puro at makaluma pa rin. 1973 naging wikang opisyal ito.
Wikang Filipino
Pambansang wika ng Pilipinas simula noong Konstitusyon 1987, na salig
1987 sa lahat ng umiiral na katutubong wika at iba pang mga wika sa Pilipinas.
Ang wikang ito ay sumasaklaw sa lahat ng wika sa Pilipinas na hindi
lamang Wikang Tagalog. Dahil inklusibo sa ibang mga wika sa Pilipinas, ito
ay mas moderno, magaan, at natural pakinggan sapagkat lingua franca ng
tunay na pagsasalita ng mga Pilipino. Sumusunod ito sa Ortograpiya
19
2009 at/o 2013 ng KWF.
Kahulugan ng
Wikang Filipino
Konstitusyon 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito


ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika
sa Pilipinas at iba pang mga wika.
Alinsunod sa itinatadhana ng batas, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang pamahalaan upang puspusang ibunsod at itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon
at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Kahulugan ng
Wikang Filipino
Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino

Ang Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang


wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso
ng paglinang sa pamamagitan ng paghiram sa mga wika sa Pilipinas
at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng
wika para sa iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag.
Paglilinaw sa mga Miskonsepsyon
sa Wikang Filipino
1. Hindi ito Wikang Tagalog lamang.
2. Ang tawag na Filipino sa Wikang Filipino ay hindi nagmula sa Ingles na
“Filipino” na tawag sa mamamayan ng Pilipinas o akomodasyong
pampolitika na pinalitan lamang ang Pilipino ng Filipino.
3. Ang Filipino ay naging letrang F ang simula dahil sagisag ito ng
modernisasyon tulad ng pagdaragdag ng 8 titik sa alpabeto at paglinang
sa wika salig sa mga umiiral ng wika sa bansa at sa iba pang mga wika.
Isinasama at kinikilala ang iba pang wika sa Pilipinas na may letrang F sa
kanilang mga leksikon.
4. Nalilinang ang kasalukuyang wikang pambansa hindi lamang sa Wikang
Tagalog kung hindi maging sa iba pang mga wikang katutubo, kasama ang
Ingles, Kastila, at iba pang impluwensiya.
5. Multilingguwal at multikultural na esensiya ng Filipino ang nais ipakita
hindi rehiyonalismo.
Kautusang Pangkagawaran Blg.25, Kagawaran ng Edukasyon at
Kultura

Bilingual Education Policy (BEP)


Patakarang Edukasyong Bilingguwal,
Hulyo 10, 1974
Patakarang pangwika na nagpapatupad
ng paggamit ng Pilipino at Ingles bilang
wikang panturo.

23
Mother Tongue Based –
Multilingual Education
(MTB-MLE), 2009

Paggamit ng mga
katutubong wika bilang
unang wika ng mga
mag-aaral.
Ang Ortograpiya ay ang batayan
sa pagbabaybay at ispeling.
Mayroon tayong Ortograpiya
1987, 2001, 2009, at 2013.
Ang Ortograpiya 1987 ang nagtatadhana ng
pangkalahatang mga tuntunin sa ispeling sa
Filipino.

Ang Revisyon 2001 ay makabago at


kontrobersiyal dahil labis na nakabatay sa
Ingles. Hindi ito pinaboran ng marami.

Ang Ortograpiya 2009 ay nagtataglay ng


magkahalong 1987 at ilang mga napapanahong
rebisyon sa pagbabaybay. Ito ang kasalukuyang
ginagamit ng nakararami.

Ang Ortograpiya 2013 naman ay ang


pinakabagong rebisyon sa Ortograpiya na
malapit sa 2009 maliban sa mga tuntunin
tungkol sa mga salitang nakabatay sa Espanyol.
Kapwa tinatanggap sa ngayon ang Ortograpiya
2009 at 2013.
Salamat.

You might also like