Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG PAGLALAHAD

Kahulugan
- Talatong nagpapaliwanag ng isang kaalaman pantao.

PANIMULA
- Ang sulatan ay kailangan bigyan ng empasis at maingat na atensyon.
-Maikli ngunit malaman
- makalikha at matugan ang ekspetasyon ng mambabasa

MGA SIMULAIN SA PAGSUSULAT NG PANIMULA

1. IPOKUS ANG ATENSYON NG MAMBABASA


-Ang mga mambabasa ay may mga indibidual na interest, pananaw, pangangailanga at propesyon.
-Kailangang lumabas ka sa sariling perspektibo para magkit kayo.

2. MAGSIMULA SA FACT O HALIMBAWA


- Isang mahusay na paraan sa pagbubukas at pagsasara ng iyong sulatin dahil nagbibigay ito ng
kongkreto ispesipikong paksa.

3. ITALA ANG KARANIWAN O KOMON NA MISKONSEPSYON


-Ipakita ang kahalagan ng papel sa pagkawawasto ng maling akala.

4. MAGTANONG
- Ang pagpapaliwanag ay resulta ng mga pagtatanong.

5. MAGBIGAY NG ISANG MATATAG NA ASERSYON


- Huwag matakot sa “risk”
-Kailangan ng pag-iingat at moderasyon.

Mga paraan ng pagsulat ng panimula


1. Magbigay ng isang katanungan.
Hal. Paano hinihigop ng globalisasyon ang maliliit na bansa?

2. Gumamit ng matakas na pangungusap. Hal. Ang teknolohiya ang dugong-bahay ng kasalukuyan.

3. Gumamit ng makatawang- pansing pangungusap. Hal. Kumapit na ang dagta ng kanluran sa


silangan.

4. Gumamit ng tuwirang-sabi o sipi. Hal. "Walang bansang iginupo ng kalakalan" pahayag ni Benjamin
Franklin.

5. Gumamit ng isang pagsasalaysay.

6. Magsiwalat ng katotohanan sa simula Hal. Pinaghati-hati ng relihiyon ang mga tao sa mundo.

7. Gumamit ng paglalarawan.

8. Gumamit isang anekdota.

9. Gumamit ng anolohiya. Hal. Ang teknolohiya ay buhay; ang buhay ay teknolohiya.

10. Gumamit ng anolohiya. Hal. Ang teknolohiya ay buhay; ang buhay ay teknolohiya.

11. Paggamit ng isang panawagan. Hal. Tahakin ninyo kabataan ang landas na mabuti sapagkat nasa
inyo ang ikapapanuto ng ating lipunan. Marami pang isisilang na bayani sa inyong hanay.
12. Pagbibigay ng paliwanag sa suliraning ibig tukuyin. Hal. Malaking usapin pa rin magpahanggang
ngayon " gender isyu". Dapat ba natin silang tanggapin o kamuhian, silang nabibilang sa third sex?

13. Pagsasaad ng paniniwala sa buhay. Hal. Ang buhay ay maikli lamang. Parang ngiting kagya't
napaparaan, parang bulaklak na unti-unting naluluoy. Ngayo'y kausap kita, maaaring bukas ay hindi
na.

14. Pagbibigay ng sanggunian upang maipakita ang pag-unlad sa paksang tinatalakay. Hal. Sa kanyang
akda, " Prostitusyon sa Dekada 90'", binanggit ni G. Cesauro Martinez ang kaawa-awang kalagayan ng
mga babaing biktima ng internet sa paglaganap ng global na protitusyon.

15. Pagbibigay ng isang panlahat na pahayag. Hal. Wala nang hihigit pa sa edukasyon bilang
tagapagligtas ng tao sa kamangmangan at ito rin amg mag-aangat sa kanya sa mataas na estado sa
buhay.

*JC PART*

Pamamaraan ng Paglalahad

1. Pag-iisa-isa
•Kailangang malinaw na isinaayos ang mga detalye ayon sa bahagi - isa, dalawa, o tatlo o kaya'y ang
mga hakbang o mga bagay na tinutukoy mula una hanggang huli ayon sa pagkakasunod-sunod.
Halimbawa: ANG SEKS, PAG-IBIG, AT TEEN AGER
Sariling Halimbawa: ANG PAGSAWI NG ATING PAMBANSANG BAYANI
Si Jose Rizal ay isang manunulat at dahil sa kanyang mga gawa, napagbintangan siyang kasapi ng
rebelyon laban sa mga kastila. Dahil dito, pinatay siya sa Bagumbayan, na ngayon ay tinatawag na
Luneta, sa Maynila noong Disyembre 30, 1896.

2. Pagsusuri
•Ito ay ang maingat na pag-iisa-isa ng mga detalye upang mapag-uri-uri ang mga bagay o bahagi
ayon sa klasipikasyong ibig ng manunulat.
• Ang pagsusuri sa isang bagay, pangyayari, ideya, paksa at iba pa ay nangangailangan ng
siyentipikong pag-aaral na bunga ng malalim na analisis tungkol sa sinusulat. Halimbawa:
KORAPSYON: ISANG KANSER
Sariling Halimbawa: COVID-19: ISANG PANDAIGDIG NA SULIRANIN

DEPINISYON
Ito ay impetus ng paglalahad.
Ang oportunidad na mabigyang kahulugan ang isang salita ay nag sasanay ng inyong imahinasyon.
bigyan ito ng katuturan sa paraan na ekspiryens o naranasan mo.

Madaling maggawa ang pagbibigay ng katuturan kung kilalanin ang tatlong bagay na dapat bigyang
pansin.
1. PANANALITA- ito ang salitang binibigyan ng kahulugan
2. KAURIAN- saan nabibilang ang salita?
3. KAIBHAN- bakit ito naiiba? Ano ang kanyang katangian? Ang depinisyon ay hindi limitado aa isang
metodo o debelopment lamang kundi sa maraming metodo din
• Iwasan ang paggamit ng pariralang kung saan... "is where" o "is when"
• Iwasan ang hugis pabilog na pagbibigay depenisyon.
• Iwasan ang paggamit ng makitid na depinisyon na maglilimita sa iyong papel.

PAGBIBIGAY HALIMBAWA
Ano ang gustong tukuyin? Upang maisagot ito, nagbibigay tayi ng halimbawa o kaya'y ilustrasyon.

Kapag tayo'y nagbibigay ng halimbawa, kailangang magdidisisyon tayo kung ilang halimbawa ang
ating ibibigay upang linawin ang ating mga sasabihin. Ikaw rin ang magdidisisyon kung kailan ka
hihinto sa pagbibigay ng halimbawa. Ang pag bibigay ng halimbawa ay nakakapagpahintulot sa
mambabasa na makita, madama, mahawakan, malasap at marinig ang kabuuan ng laman ng utak ng
manunulat

HAL: FILIPINO TIME, BAHALA NA, NINGKAS KUGON AT IBA PA.

You might also like