Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1. K-12 Kurikulum sa Pilipinas.

Ang K-12 Kurikulum sa Pilipinas ay ang programang ipinatupad ng pamahalaan at ng kagawaran ng


edukasyon na may layuning pataasin pa ang kalidad ng edukasyon at paunlarin ang ekonomiya ng ating
bansa, maging ang tulungan ang mga kabataan na ihanda ang kanilang sarili sa pagtungtong sa
kolehiyo. Nagdaragdag ito ng dalawang taon sa pag-aaral na kung saan ito ay ang Senior High School o
ang Grade 11 at 12.

Maraming estudyante at mga magulang ang hindi sumasangayon rito sa kadahilanang dagdag lamang ito
sa kanilang gastusin at tatagal ang ilalagi ng estudyante sa eskwelahan. Marami din ang nagsasabi na ito
ay minadali at hindi pinagisipang mabuti dahil ating makikita na hindi pa nasosolusyunan ang mga
problema sa sistema ng ating edukasyon tulad na lamang ng kakulangan sa mga silid-aralan at
kagamitan o materyal ng mga estudyante at maging ang kakulangan sa mga guro at kanilang mababang
sahod sa pagututuro.

Sa kabila ng hindi nila pagsangayon rito, makikita natin na ang paglunsad ng K-12 Kurikulum sa Pilipinas
ay may malaking benepisyo. Kung ako ang tatanungin ay sang-ayon ako rito dahil naniniwala ako na
gumagawa lamang ang gobyerno ng isang programa na mayroong magandang dulot para sa
mamamayan at para sa bansa. Ito ay labis na nakatutulong sa atin at sa ating bansa. Ito ay nakatutulong
at nagbibigay ng pagkakataon upang mahasa ang mga mag-aaral sa iba't ibang larangan ng
espesiyalisasyon at mapaghusay nila ang kani-kanilang kakayahan upang mas maging handa sa
kanilang kolehiyo pati na rin sa pagtratrabaho at pagnenegosyo. Para sa akin, kung madidiskubre at
mapayabong man ng lahat ng tao lalo na ang mga kabataan o mag-aaral ang kani-kanilang kakayahan at
interes, mas mapapadali ang pakikipagkaisa nila na mapaunlad ang ating bansa. Kung mas pagtutuunan
natin ng pansin ang mga benepisyo nito ay makikita natin na ito ay napakagandang programa at hindi ito
pasakit lamang. Ito ang ating magiging daan tungo sa kaunlaran at simula ng isang napakagandang
kinabukasan.

2. Paghihiwalay ng Simbahan at Estado


Ang pag hihiwalay ng simbahan at estado ay isang konseptong legal at politikal kung saan ang mga
institution ng estado at simbahan ay pinapanatiling magkahiwalay sa bawat aspekto ng pagtugon sa mga
isyu ng kanilang mga institution ng walang pamamagitan o pakikialam ng bawat isa sa konseptong ito na
sususkat ang pananampalatay ng bawat isa. Ito ay isang prinsipyong gabay na sinusundan ng ating
republika para maiwasan ang gulo na maaring ibunga ng impluwensya ng simbahan sa pamamahala at
ang pakikialam ng estado sa mga mana-nampalataya.

Ayon sa isang artikulong aking nabasa, ang paghihiwalay ng simbahan at estado ay hindi lamang
naiintindihan ng iba ngunit napakahalaga rin nito. Iyon ay marahil ang isa sa ilang mga punto kung saan
ang lahat sa lahat ng panig ng debate ay madaling sumang-ayon sa ang kanilang mga kadahilanan sa
pagsang-ayon ay maaaring magkakaiba, ngunit maraming tao ang sumasang-ayon na ang paghihiwalay
ng simbahan at estado ay isa sa mga pangunahing prinsipyo sa konstitusyon sa Kasaysayan.

Aking masasabi na hindi lamang ito sa paghihigpit sa kung ano ang magagawa ng pamahalaan sa isang
relihiyon kundi ang kung ano ang magagawa mga panrelihiyosong katawan sa pamahalaan. Ito ay aking
sinasangayunan upang matiyak ang malayang pagpili ng mga mamamayan sa politikal na paniniwala at
mga hakbang na kung saan ay ang simbahan, bilang may kapangyarihang moral na magpasunod sa mga
mananampalataya nito. Ito ay nagpapahayag na ang mga pangkat ng relihiyon ay hindi maaaring
magdikta o makontrol man ng pamahalaan. Dapat talaga na matanggal ang relasyong relihiyon at estado
na kung saan hindi dapat maging pribilehiyo mula sa bansa ang pampulitikang kapangyarihan na
kontrolin ng mga relihiyosong organisasyon habang ang estado naman ay hindi dapat makisali sa mga
gawain sa relihiyon. Ito ang sa tingin kong makakabuti para sa simabahan o relihiyon at maging sa
estado.

3. Pag-eendorso ng pangulo sa isang kakandidato para sa susunod na halalan.


Ayon sa ABS-CBN News, umugong ang usapang maglalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng listahan
ng ieendorso niyang mga kandidato sa pagkasenador sa 2019 midterm elections. Ipinagbabawal sa batas
ang pag-eendorso ng mga pampublikong opisyal sa mga kakandidato sa halalan ngunit hindi saklaw rito
ang presidente, bise presidente, Cabinet officials, at mga lokal na opisyal ng bansa, ayon sa abogadong
si Noel Del Prado.

Ayon sa aking sariling opinyon, ang pag eendorso para suportahan ang mga kakandidato para sa
susunod na halalan ay hindi uubra dahil maaaring magbahid ito ng ano mang kulay sa paghahalal ng
mga opisyal. Ito ay nagpapakita ng pagkiling at pagkampi na kung saan ito ay hindi naaayon at tama.
Masasabi kong mas tumataas ang kompiyansa ng mga naendorsong kakandidato, sa paraang nagiging
angat ang tingin nila sa kanilang sarili at naniniwala na siya ay magaling at mas mahusay kaysa sa kahit
kanino. Isa pa sa mga dahilan ay hindi na tayo makapagpasiya ng maayos dahil nagtatalo na ang ating
isip kung sino ba talaga ang karapat-dapat, puro mga endorse nalang at kung minsan ay hindi na
nasusunod ang tamang pamamaraan at proseso ng pagboto. Sino ba naman kasing hindi magiging
masaya sa atensyon at suporta na natatanggap mula sa pangulo at mamamayan, ito ang oportunidad na
kanilang kukunin upang manalo sa halalan.

Bilang konklusyon, hindi umuubra at hindi ako sang-ayon sa pag-eendorso ng pangulo sa isang
kakandidato para sa susunod na halalan dahil minsan mali at iresponsable ang naeendorso. Yung mga
opisyal na mas gusto ang katanyagan at pagiging angat na kung saan sila ay may natatapakang tao ang
naeendorso sa halip na yung dedikado at responsable. Mas mabuti pa rin na bigyan natin ng pansin at
planuhin ng mabuti kung sino ang iboboto, nasa sa iyo kung sino ang sa tingin mong karapat dapat.
Panatilihin natin ang serbisyong walang kinikilingan sa pamamagitan ng tamang pagboto.

4. Muling pagpapatupad ng death penalty sa Pilipinas.


Ang pagpapatupad ng death penalty ay isa sa mga isyu sa Pilipinas na pinagtatalunan ng mambabatas
maging ang mga pangkaraniwang mamamayan. Ito ay ang pinakamabigat na hatol na kung saan ikaw ay
hahatulan ng kamatayan o parusang kamatayan ngunit ito pa rin ay nakadepende sa bigat ng kasalanan
at krimen na iyong nagawa. Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang pagpapatupad ng death penalty
ay hindi panakot lamang sa mga kriminal kundi ito ay pambayad sa kanilang kasalanan. May mga opisyal
ng gobyerno din ang hindi sumasangayon rito dahil kung ito ay ipapatupad, wala na silang pangalawang
pagkakataon upang magsimula ulit at magbago.

Ako ay hindi sumasangayon sa muling pagpapatupad ng death penalty sa Pilipinas dahil alam kong
karagdagan lang ito ng komplikasyon sa proseso ng pagkamit ng hustisya. Sa tingin ko ay hindi
mapapababa ng death penalty ang antas ng krimen at hindi nito mapapatigil ang mga krimen na
nagaganap sa ating bansa. Isa sa masamang epekto nito ay kung walang sapat na ebidensiya ang korte
at basta basta na lang na naghahatol ng parusang kamatayan, malaman man nila sa huli ang tunay na
nangyari ngunit paano kung huli na ang lahat at nabitay na ang may sala. Ito rin ay may malaking epekto
sa mababang sektor ng lipunan na walang kakayanan na kumuha ng maasahang abogado upang
ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Higit sa lahat, ang death penalty ay labag sa utos ng Diyos at sa
mata rin Niya ay wala ni sinuman ang may karapatan na pumatay ng kapwa tao, lahat ng tao ay may
pagkakataon at karapatang magbago at maitama ang kanilang kamalian. Ang Diyos lamang ang may
karapatang kumitil ng ating buhay dahil Siya ang nagbigay sa atin nito. Naniniwala akong may mga
dahilan ang iba kaya sila nakakagawa ng krimen sa ating bansa dahil maaaring dinidipensahan lamang
nila ang kanilang sarili. Sapat na ang pagkabilanggo bilang parusa sa mga may sala.

Ayon sa aking sariling opinyon, upang maiwasan ang paglawak ng krimen ay dapat nating palakasin ang
sistema ng ating hustisya at maipatupad ng maayos ang mga batas. Marapat lamang na walang
diskriminasyon sa mga kaso at desisyon ng korte lalo na sa mga mahihirap. Gawing mas epektibo ang
panghuhuli at pagpapakulong sa mga kriminal upang mapatigil ang paglawak ng krimen sa ating bansa.

5. Pagpapakasal ng mga taong kabilang sa ikatlong kasarian.


Ang pagpapakasal ng mga kabilang sa ikatlong kasarian o same sex marriage ay kasalan sa pagitan ng
dalawang tao na magkapareho ang kasarian at pagkakakilanlang sekswal o ang mga nabibilang sa LGBT
community.

Kung sa usaping panrelihiyon ay hindi ako sang-ayon sa pagpapakasal ng mga taong kabilang sa
ikatlong kasarian dahil malakas aking paniniwala sa bibliya. Nararapat lamang na ipagtibay ang batas na
ipinagbabawal ang pagpapakasal ng mga nasa ikatlong kasarian dahil ito ay labag sa law of God, nature
and man. Law of God gaya ng sinasabi sa bibliya, law of nature na kung saan ang lalaki ay nararapat sa
babae lamang at ang pang huli, law of man na nasasakop rin ang Family code of the Philippines. Ayon sa
Genesis 1:27, “At nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling anyo, ayon sa anyo ng Diyos siya
nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae." Sa Mateo 19:4-6, “At siya’y sumagot at sinabi, ‘Hindi baga
ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila’y nilalang niya na lalake at babae,’ at
sinabi, ‘Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kanyang asawa, at ang
dalawa ay magiging isang laman’? Kaya nga, hindi na sila dalawa kundi isang laman. Kung kaya’t ang
pinapagsama nga ng Diyos, ay huwag paghihiwalayin ng tao.” Malinaw na sinasabi sa bibliya na ang
kalalakihan ay ginawa para sa mga kababaihan at walang nabanggit na iba pang kasarian dahil ang
tanging binabanggit rito ay ang babae at lalaki. Ito ay labag sa kautusan ng Diyos at dahil na rin ginawa
ang kasal ng lalaki at babae para magkaroon ng kasagraduhan ang pagmamahalan ng dalawang tao na
may basbas ng Diyos. Hindi ito isang seremonya na ginagawa para kanino na nagsasabing sila'y
nagmamahalan kahit na pareho sila ng kasarian. Marami ang tumatanggap sa mga taong nabibilang sa
ikatlong kasarian ngunit ang pagkakaroon nila ng karapatan sa pagpapakasal ay hindi dapat payagan o
gawing legal sa ating bansa dahil isa itong malaking pagkasira sa kulturang ating kinagisnan at ating mga
paniniwalang panrelihiyon na sagrado ang kasal sa pagitan ng nagmamahalang babae at lalaki.

You might also like