Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MALA-DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE 1

I. LAYUNIN:

Sa loob ng 50-minuto ang bawat mag-aaral ay inaasahang;

 Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang

talasalitaan;

 Natutukoy dalawang salita na maaaring maging tambalang salita at

nagkakaroon ng panibagong kahulugan; at

 Maibahagi ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kaligtasan ng ating

pamayanan.

II. PAKSANG ARALIN:

Topic: Pagpapanatili ng kaligtasan at kalusugan ng aking pamayanan

(Tambalang salita)

Reference: Mother Tongue-Based Multilingual Education 1 (Kagawaran ng

Edukasyon- Republika ng Pilipinas) Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog,

Agnies A. Rolle, Andrea Mabel E. Abrenicillo. Enelyn T. Badillo. Minerva C.

David, Alona E. Encinares. Evelyn P. De Castro, at Demetria P. Andal, pp. 399-

403

Materials: Larawan, Visual Aid, Powerpoint Presentation

Values Integration: Kahalagahan ng pagpapanatili ng kaligtasan ng ating

pamayanan
III. PAMAMARAAN:

A. Paghahanda:

1. Pagdarasal

2. Pagbati

3. Pagtatala ng mga bata na lumiban sa klase

4. Drill

Ang mga mag –aaral ay kakantahin nang may sigla at indayog ang kantang “KAMUSTA”

Kamusta kamusta kamusta


Kamusta kayong lahat
Ako'y tuwang-tuwa
Masaya't nagagalak
Tralalalalalala

Kamusta kamusta kamusta


Kamusta kayong lahat
Ako'y tuwang-tuwa
Masaya't nagagalak
Tralalalalala
5. Pagbabliktanaw:

 Ano ang ating pinag-aralan kahapon?

 Magbigay ng halimbawa ng paggalang sa kapwa.

 Magbigay ng halimbawa ng pagtulong sa kapwa.

B. Pagganyak

Ang guro ay magpapakita ng larawan at sasagutin ng mga mag- aaral ang mga
tanong sa ibaba.

Paghahanda sa panahon ng sakuna

1. Ano ang nakikita niyo sa larawan?

2. Magbigay ng mga bagay na nakikita niyo sa larawan? Ano ang gamit

nito?

3. Bakit kailangang maghanda para sa padating na sakuna?

4. Paano mo maipapakita ang paghahanda sa sakuna?


C. Presentasyon

Paghahanda sa panahon ng sakuna


Umaga noon nang maganap sa loob ng aming silid-aralan ang Earthquake Drill.
Kaming lahat ay sabay-sabay na isinagawa ang duck, cover, and hold. Ilang sandali pa'y
pumunta kami sa ilalim ng mesa. Nakaw-tingin lamang ang aming guro sa iba kong
kaklase habang pilit niyang pinakalma ang lahat. Pagkatapos ng ilang minuto ay dahan-
dahan kaming tumayo at dalawahang lumabas sa aming silid-aralan. Hawak-kamay at
magkadikit na para bang kambal-tuko ang dalawa kong kaklase habang papunta sa
evacuation area. Agaw-pansin ang sigaw ng isa sa kanila dahil takot na takot siya sa
nangyari kahit ito'y pagsasanay lamang. Naging matagumpay ang nasabing pagsasanay
at nagpapasalamat ang aming guro sa aming kooperasyon.

D. Paglalahat

Mga Tanong:

1. Ano ang pamagat ng kuwento?

2. Tungkol saan ang kwento?

3. Ano ang sakunang pinag hahandaan nila?

4. Ilang tambalang salita ang nabanggit sa kwento?

5. Ano ang magiging resulta nang kanilang pag hahanda sa panahon ng

sakuna?
E. Paglalapat

Pangkatang Gawain “2 pics, 1 word”

● Ang klase ay mahahati sa apat na pangkat;

● Ang guro ay magpapakita ng mga larawan;

● Ang bawat pangkat ay bubuo ng tambalang salita na ipinakikita sa

mga larawan; at

● Ang pangkat na maraming mahuhulaan ay sila ang magwawagi.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Suriin ang dalawang larawan. Pagsamahin ang pangalan ng larawan upang

makabuo ng tambalang salita. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Halimbawa:

hawak – kamay

1. 2.

__________________________________________ ___________________________________________
3. 4.

____________________________________________ ____________________________________________

5.

________________________________________

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Isulat ang kasingkahulugan ng basa larawan. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1.

M atanda - ____________________________

2.

Mabango - _______________________________

3.

Masaya - _______________________________
4.

Maasim - _______________________________

5.

Mataba - _______________________________

Inihanda ni:

SHANE MARWIN DELA CRUZ


Mag-aaral

Iwinasto ni:

JOEMARY C. DELA MERCED, PhD


Professor

You might also like