Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

ESTADONG UNIBERSIDAD NG SULTAN KUDARAT


Kolehiyo ng Edukasyong Pampagtuturo
ACCESS, EJC, Montilla, Siyudad ng Tacurong

Paaralan: MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG ISULAN


Asignatura: FILIPINO
Baitang/Taon: GRADE 10
Petsa : PEBRERO 27, 20223

MALA-MASUSING BANGHAY- ARALIN

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nalalaman ang tungkol sa tula at mga elemento nito,


b. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa binasa, at;
c. Nakabubuo ng isang madamdaming tula para sa isang ina.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Tula at mga Elemento ng tula
Sanggunian: LM Filipino 10, MELC (F10PB-lllb-78)
Baitang/Taon: Grade 10
Kagamitan: pisara, chalk, ppt, tv, laptop

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a.1. Panalangin
- Tatawag ang guro ng isang mag-aaral upang
pangunahan ang panalangin.
a.2. Pagbati
- Magandang umaga/hapon!
a.3. Pagtatala ng Lumiban
- Itatala ng guro ang mga mag-aaral na lumiban sa klase
a.4. Pagbibigay ng alituntunin
- Magbibigay ang guro ng alituntunin na dapat sundin ng
mga mag-aaral sa loob ng klase.

Gawaing Pagkatuto 1: Pagbabalik-aral


 Tatawag ang guro ng mag-aaral upang magpaliwanag ng aralin
noong nakaraang sesyon.

Gawaing Pagkatuto 2: Pagganyak

 Magpapakita ang guro ng mga liriko ng awitin at aawitin ng mga


mag-aaral kung ito ay alam nila o pamilyar sa kanila.

B. Pagtalakay ng Aralin

Gawaing Pagkatuto 3: Aktibiti

Word Search!

 Hahatiin ng guro ang klase sa bawat pangkat na may tigdadalawang


miyembro. Ang bawat pangkat ay hahanapin ang limang salita sa loob
ng kahon na may kinalaman sa tatalayin sa loob ng klase.

Gawaing Pagkatuto 4: Analisis

 Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na maaaring makapagbigay


ng ideya tungkol sa mga salitang kanilang nahanap sa loob ng
kahon.

Gawaing Pagkatoto 5: Abstraksyon

PAGTALAKAY

 Tatalakayin ng guro ang tungkol sa tula at mga elemento nito.


Pagkatapos ng talakayan ay babasahin o bibigkasin ng mga mag-
aaral ang bahagi ng tula na may pamagat na Hele ng kanyang Ina
sa kanyang Panganay ni Mary Grace A. Tabora.
Gawaing Pagkatuto 6: Aplikasyon

 Susuriin ng mga mag-aaral ang tulang Hele ng kanyang Ina sa


kanyang Panganay mula sa bahagi na kanilang binasa. At sasagutin
ang mga katanungan.

1. Mayroon bang sukat at tugma ang tula?

2. Mayroon din ba itong kariktan?

3. Ano ang talinghaga na pinapahiwatig ng tula?

IV. Ebalwasyon

 Ang mga mag-aaral ay bubuo ng sariling tula na kanilang iaalay sa


kanilang ina, ito ay maaaring tradisyunal o malayang taludturan.

V. Kasunduan

 Magsaliksik tungkol sa simbolismo at matatalinghagang pahayag


ng isang tula.

Inihanda ni:

MA. THERESA T. OCARIZA


Pre-service Teacher

Iniwasto ni:
GLENDA D. BUSTAMANTE

Cooperating Teacher

You might also like